CHAPTER EIGHTY-SIX

M I L L E R

"It's nice walking with you, Miller," biglaang sabi sa akin ni Axel.

He's just right beside me, literally walking side by side. Tapos na kaming kumain at bumalik na nga sa paglilibot.

Nagbago bigla ang hangin sa palibot naming dalawa pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon. Although he is still shy and blushes from time to time, Axel stopped hesitating to approach me. Hindi na niya binabalik ang kamay niya sa tuwing sinusubukan niyang abutin ang akin. He also started to become a little chatty than earlier before we had a talk.

Masaya ako dahil sa wakas ay bukas na si Axel sa akin.

Akala ko kasi ay maaayos na namin ang pagkakaiba namin sa isang usapan lang. Hindi ko rin inaasahan that he has more in his mind. Inaakala ko pa nga na hihiwalayan na niya ako. I'm glad he talked and explained his side to me.

"Look, there's a playground over there." He exclaimed when he saw a swing with a couple of kids playing. Sa hindi kalayuan ay may mga cottages kung saan ay pami-pamilya ang nasa loob.

"That seems fun."

"Yes... But we're far too old for that." Agad din naman niya akong hinila para umupo sa isa sa mga benches. Those were just across the playground.

We just occupied a seat and watched the kids playing. Bouncing and swinging. May iba na dumudulas pa sa bilog at paikot-ikot na slides. Sa bawat sandali ay nadadagdagan ang mga ito at umiingay na rin ang paligid ng playground dahil sa masasayang tawa at sigaw nila.

As we watched Axel was the first one to speak.

He said, "It's nice doing these simple things with you..." He seems to be thinking out loud. Pero parang sinasadya niya naman ito na marinig ko.

Lumingon siya sa akin. Tapos ay ngumiti na rin siya ng pagkatamis-tamis. Kasabay ng maliwanag niyang ngiti ay ang mala rosas naman na tinta sa kanyang mga pisngi.

Aww. He's shy. Pero nilalabanan niya ang hiya. Kinakaya niya. All for the sake of expressing his heart to me.

Kung ganito ba naman ka divine ang nasa harapan ko araw-araw, paano ko pa kaya mapipigilan ang sarili ko?

"Yeah... I wanna touch this person more..." Ah—

"What?"

Uhm...

Oh. Sh*t! Did... Did I just utter that out loud? Did I just say I want to touch him with my lips instead of my head?

I bet my eyes are widened from my surprise now.

I bet I look like a foolish pervert who just got exposed to his crime.

Ah! Sa dami-dami ng pagkakataon na pwedeng magpakatanga, ngayon pa talaga.

"Miller?"

Nakaharap pa rin sa akin si Axel. Gulat pa rin siya at nakasulat sa buong mukha niya ang salitang nalilito na para bang permanent pentel pen ang gamit.

I sighed. "I—Please forget what you just heard. Kung saan-saan na naman lumulutang ang isipan ko. Pasensya n—"

"No." Axel firmly replied. Tapos ay sumandal siya habang nakatingin sa malayo. He clasped both his hands, tapos ay parehong nakataas ang dalawa niyang mahahabang hinlalaki at na tila ba sinasayaw ang isa't isa.

Minamasdan ko lang ang mga galaw niya. Hindi siya nagsasalita at malayo pa rin ang tingin.

For a second, naisip ko na baka bumalik na naman ang pagkailang niya sa akin. I thought he was taken aback by my sudden perversion. Pero matapos ang ilang sandali ay ibinuka na ulit ni Axel ang kanyang bibig.

"I don't really mind it if it's you."

Dahan-dahan na umangat ang kilay at paglaki ulit ng mga mata ko dahil na rin sa mabagal na pagproseso ng mga sinabi niya sa isipan ko.

Ano nga ulit ang sabi niya? H-He don't mind if it's me?

"Axel," bumuga ako ng hangin while fanning myself with the use of my shirt's collar. Bigla akong pinagpawisan. "I want to kiss you right now..." And bring you home.

It's been a while since we last did it kaya medyo tuyot ako ngayon. Hindi ko lang talaga magawa na galawin siya. Axel's busy these past few days, and so was I. And to be honest, the estrus did a really big toll in my body.

Kahit na sabihin na isa na akong bampira at may mataas na stamina, it was still my first encounter of vampire pheromones. Humans do have pheromones, but they are mostly invisible or odorless. Niwala ngang matibay na ebidensya kung saang bahagi ng katawan ng mga tao lumalabas ang pheromones o sa kung paanong paraan ito nadedetect ng ibang tao.

At ngayon, bilang isang dating mortal, to smell a vampire's pheromones, and to feel its effects is like taking drugs for the first time. It was addictive. At kahit na natapos na ang mahabang araw ng estrus na iyon ni Axel. I could still feel a constant craving to hold him.

Hindi ko nga lang masyadong pinapansin dahil may mas importante pang bagay na nangyayari. Nagpapasalamat nga ako dahil nalihis ang atensyon ko, and Axel was too occupied to stay in our room all the time. He also began to act reserved during those days so some factor did help me to stop my h*rny desires.

At ngayon na wala ng humahadlang sa aming dalawa, this desire just wants to go berserk and indulge him in my heart's content.

"Perhaps you want to go back?"

Sa tagal kong nagsalita ulit ay si Axel na mismo ang naglahad ng nasa isipan ko.

Tumango ako ng dahan-dahan. "Kung ayos lang sa'yo."

He smiled as he looked over at me. "It's totally fine. I hope it's fine with you if I tell you that I am also waiting for you to touch me again."

And kaboom!

I felt my face becoming warm.

Bakit naman hindi ito magiging maayos sa akin?

Hah! I also wanted to do it right this instant.

I wish I can do a perfect teleportation now. Dahil kung nagkataon ay baka ginamit ko na ito para lang mabilis na makabalik sa Red Mansion at gawin ang nais namin na gawin.

Axel giggled while watching me.

Sa palagay ko ay mapula na ang pisngi ko.

Pero hinayaan ko na lang ito at tumayo na.

"Let's go back," anunsyo ko na may matuwid na tindig.

Inabot naman ni Axel ang kamay ko tapos ay tumayo na rin. Nagpipigil pa rin siya ng tawa. Pero kahit ganun ay matuwid din siyang tumayo sa tabi ko.

"Let's go," tugon naman niya.

Naglalakad na kami palayo sa playground.

Napuno na ng mga bata ang mga rides. Kung kanina ay may dalawa hanggang apat na bata lang ang nandito, ngayon ay naging labing dalawa na ang mga ito. We were so busy talking about how we really want to do it that we even failed to notice the increase of crowds. At iniisip namin ito sa harap ng isang palaruan na may maraming mga bata.

Para sa pamilya ng mga batang ito, I apologize for such indecency.

We were about to pass the edge of the bushes that cages the playground when a little child bumped into Axel's leg.

"Ohmp!" Rinig namin na ungol niya. Mahina siyang tumilapon at napaupo sa damuhan.

Napahinto rin si Axel nang maramdaman ang pagbangga ng bulinggit sa kanya.

"Oh."

Sabay kaming napatingin sa maliit niyang katawan. She's wearing a simple white dress with flower petal design.

Agad ko siyang binuhat para makatayo, at pinagpagan ang kanyang nadumingan na palda.

"Ayos ka lang?" tanong ko, hindi pa ako tapos sa pagpapagpag ng damit niya nang biglang kumapit sa balikat ko si Axel.

Napatingala ako at tiningnan siya. Pero laking gulat ko nang tila ba gulat niyang tinitigan ang bata.

"What's wrong?" I asked.

The kid is no more than 1 or 2 years old. What's making Axel act this way? What about this little girl?

"The child... The child reeks of the smell of vampire essence."

What!?

Mabilis akong tumindig.

How can a child this small have a vampire essence in her body without even turning weak? May kumagat din ba sa kanya? O hindi kaya ay isa siyang batang bampira?

Pero bakit ganito na lang ang pagkagulat ni Axel na para bang unang beses pa lang siyang nakakita ng batang bampira?

"Hindi ba siya isang bampira?" tanong ko gamit ang mahinahon na boses.

Maraming tao sa paligid, at isa pa, hindi ako pwede na maging agresibo sa harap ng isang bata.

It even surprised me when I realized that the kid did not cry when she hit herself with Axel. She just stayed seated, so calmly.

Pero baka dahil lang sa damo? Pinapalambot din kasi nito ng bahagya ang lupa.

I was about to overthink when Axel started to look around.

Luminga-linga siya likod namin, bago tumungo naman sa mga cottage sa gilid ng playground. Para bang may hinahanap siya sa paligid. Sinunod ko lang siya. I also looked around, and then he paused, at may binalikan sa pinakahuling cottage. Sa banda kung saan ay halos tago na.

Sa lahat ng cottage na nandito ay ito lang ata ang naiiba at halos walang laman. Lahat ay may lima hanggang sampung tao sa loob. Ngunit ang cottage na ito ay may dalawang tao lang.

Tinitigan ko ito ng maigi. And to my surprise the man inside the cottage also has his eyes on us.

"It's him," bulalas ni Axel. Even though he sounds mysterious, his tone is still calm.

"Sino?"

"The man who gave this child the vampire essence."

I knitted my brows.

Sinong kriminal ang hahayaan ang sarili niya na mahuli ng ganito kabilis?

Hindi nagtagal ay tumingin na rin sa direksyon namin ang babae. Lumabas siya sa cottage habang sumisigaw ng, "Maxine. Maxine! Come back here."

She seems harmless, and an air of elegance and gentleness envelopes her.

Agad din naman na lumingon ang bata at tumakbo patungo sa babae.

She must be the mother.

"I did not expect to meet her here," Axel mumbled while watching the mother embracing her daughter.

"Hm?"

"She's the vampire society's heiress."

"That child? How?"

"You can see the man inside the cottage, right? It must be your first time to see him in that appearance, but that man is Lord Maximilian in his true appearance."

Para bang naririnig ng lalaki ang usapan namin dahil pagkatapos na banggitin ni Axel ang kanyang pangalan ay ngumiti siya sa amin tapos ay bahagyang yumuko.

Ah. Kakaiba man pero... oo nga ano? Ramdam ko rin na siya ang Supreme.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top