CHAPTER EIGHTY-ONE
* * *
"This is my first task on my first day of taking this position. And of all the people that I have to meet, it has to be you," pagmamaktol ni Logan.
Ngumisi naman si Mateo at nagwika rin sa parehong malamig at dismayado na boses na gamit ni Logan.
"I thought a good vampire would replace Bernard. It's a shame that it's just you."
"Your tongue is still as sharp as ever, Mateo."
"And you're as entitled as ever. As h0rny as ever. As noisy as ever, Logan."
Nagpalitan ng maanghang na mga salita ang dalawa. Matagal nang magkakilala sina Logan at Mateo. Kung si Bernard at Axel ay may nakaraan sa isa't isa, ganoon din ang dalawang binatang ito. Ngunit sa ibang paraan at ibang panahon naman naganap ang ugnayan nilang dalawa.
Pareho silang lumaki sa mayayamang pamilya kaya pareho rin silang nirerespeto ng marami. Idagdag pa na pareho silang alpha. Nasa Europa pa sila noon at parehong nag-aaral sa pinakamalaki at pinakamatandang paaralan sa España. Sinasabi na sa lupang tinitirikan ng paaralan nanirahan ang unang pamilya ng mga bampira. Dahil sa mahalaga nitong historya ay maraming mga bampira na parte ng malalaki at mayayaman na mga angkan ang pinapadala ang kanilang mga anak para pag-aralin dito.
Madalas na nakukumpara sina Logan at Mateo noong kabataan nila. Subalit sadyang mas disiplinado at misteryoso si Mateo kumpara kay Logan. Gusto ng mga kababaihan ang mga tipo ni Mateo.
Nakangiti man sa labas, puno naman ng poot at inggit sa loob si Logan sa kanya.
Parte ng pagkabata ang simpleng kaisipan pagdating sa maraming bagay, kabilang na dito ang pag-ibig. Dumaan din sa parehong yugto si Mateo. Nahulog ang loob niya sa isang kaklaseng babae. Nang malaman ni Logan na may napupusuan ang isang Mateo Lacson ay agad siyang kumilos para gawin ang bagay na alam niyang hindi kayang gawin ni Mateo.
At ganun lang kasimple. Gamit ang ilang mapanuyong salita at ang kapal ng kanyang mukha ay nakuha niya ang babaeng napupusuan ni Mateo. Mula noon, natuklasan ni Logan kung saang larangan siya dalubhasa at mas nangunguna kay Mateo – ang pang-aakit.
Sa kabilang banda, ay walang kamuwang-muwang si Mateo sa tunay na sanhi ng kanyang nabigong pag-ibig. Kinamumuhian niya lang si Logan dahil sa salungat nilang pag-uugali.
Maingay at bulgar si Logan. Nagdudulot at nasasangkot siya sa maraming gulo at gustong-gusto ang labis na karangyaan. Kaya kung maaaring, sa tuwing nagtatagpo silang dalawa ay nais ni Mateo na ilayo ang sarili sa lalaki.
"You sure have a lot to say, dear friend," tumawa si Logan nang marinig ang maraming insulto ni Mateo.
Hindi na rin naman nagpaligoy-ligoy ang isa dahil naglabas na ng sandata si Mateo mula sa kanyang bulsa. Sa unang tingin, ito ay tila isang tipak ng metal na singlapad ng palad. Ngunit ito ay isa talagang portable na staff. Bagama't mahina at walang talim, sapat pa rin ito para magamit ni Mateo sa saglit na pakikipaglaban niya kay Logan.
Hindi na nag-aksaya ng laway at oras si Mateo. Agad na siyang tumakbo sa direksyon ni Logan. Mahigpit niyang hawak ang kanyang staff bago siya lumundag sa harap nito para puntiryahin ang ulo ng kalaban. Pero isa ring bampira si Logan at walang kahirap-hirap na naiwasan ang pag-atake ni Mateo gamit ang teleportation.
Buong akala niya ay nakaligtas na siya. Subalit alam na ni Mateo ang susunod niyang galaw.
"Logan doesn't like pain. He won't attack. He will just dodge." Ito ang unang kalkulasyon ni Mateo. Hindi naman siya nagkamali. Sa sandaling nakita niya na umiwas nga at kumagat sa kanyang bitag si Logan ay hindi pa man nakakaapak ang kanyang sapatos sa mainit na semento ay nag-teleport na siya sa likod ni Logan.
Swish! Mistulang sumusutsot na babala ang tunog ng patpatin na staff nang hatiin nito ang hangin bago lumagapak sa likod ni Logan.
"AAUGH!" sigaw niya sa sakit. Maliksi din naman siyang umikot at sinipa si Mateo. Nasangga nito ang kontra-atake ni Logan, ngunit pumipintig na sa sakit ang kanyang braso na ginamit niya na pansangga.
Panandalian lang ang nararamdaman na sakit ng dalawa. Pero ibang usapan na ang galos sa kaniya-kaniya nilang dangal.
"This jerk beat me with a stick!" Frustrated na sabi ni Logan sa sarili. Hindi niya matanggap na nakatanggap siya ng galos mula kay Mateo.
Sa kabilang banda ay mas mahinahon naman ang tugon ni Mateo sa ginawang pagganti ni Logan sa kanya.
"His kick hurts. I won't let that happen again."
Hanggang sa maaari ay nais ni Mateo na patagalin pa ang laban nila. Dahil sa sandaling mawala sa kanila ang atensyon ni Logan at ng mga tauhan nito, hindi malabong mahanap nila ang lugar na pinagtataguan ngayon ni Miller at ng tatlo pang mga bampira kasama ang mga bikitimang mortal.
Dalawang kilometro at kalahati lang ang layo ng mga ito mula sa warehouse. Sa sandaling malingat sila sa pagpapanatiling abala kina Logan at sa mga tauhan niya, mabilis na matutukoy ng mga ito ang lokasyon ng bahay ni Mateo sa downtown gamit lang ang pang-amoy nila.
Sa mga sandaling ito ay umaasa si Mateo na natanggap na ng driver ng kanilang van ang mensahe na wala na sa warehouse ang mga biktima.
"They should be on the way to my place now," umaasa si Mateo.
Sana nga ay nagkita na ang mga ito at ligtas na ng nakasakay.
"Don't get distracted, you piece of sh*t!" sigaw ito ni Logan habang tumatakbo hawak-hawak ang isang bakal na tubo.
Mabilis na luminga-linga si Mateo para hanapin kung saan kumuha ng improvised na sandata ang kanyang kalaban. Doon pa lang niya nakita na may rumaragasa nang tubig sa pader ng gusali na nasa likod nito.
Hinatak lang naman ni Logan ang tubo ng water system ng warehouse. Bakal ito payat pero makapal at matiba. Hindi nalalayo sa uri ng materyal ng sandata ni Mateo.
Agad naman na pumwesto si Mateo para salubungin ang atake ni Logan. Sa sandali na nagsalpukan ang mga sandata nila ay pareho itong naglikha ng malutong na tunog. Crack! Saglit lang ito ngunit alam na nila na hindi na magtatagal ang mga bakal na hawak nila. Masyadong malakas ang naging impact ng ginawa nila pagsugod at depensa.
Click. Clank. Ilang segundo lang ay sabay na nahulog sa semento ang nabali na staff ni Mateo at ang nawasak na tubo ni Logan.
Ngunit hindi pa rin sila nahinto. Hinataw ni Mateo si Logan gamit ang natitira niyang maiksing staff. Pero sinalo ito ni Logan at hinawi. Alam na ni Mateo na mangyayari ito kaya agad niyang inundayan ng untok sa kabilang kamay si Loga.
Bang! Isang puntos kay Mateo nang sa wakas ay dumapo na sa mukha ni Logan ang kanyang kamao. Ngumiwi naman ang mukha ng dayuhan sa ginawang atake ni Mateo. Tumalsik ang mapupulang butil ng dugo mula sa kanyang labi.
Wala ng oras si Logan para punasan pa ang dugo at marahas na iwinasiwas din ang kanyang kamao para makaganti. Subalit walang kahirap-hirap na naiiwasan ni Mateo ang mga pag-atake niya dahil sa wala itong tiyak na direksyon. Napuno na si Logan, kaya sumubok naman siya ng ibang paraan. Lumundag siya at sinipa naman ang tagiliran ni Mateo.
Mas mahaba ang kanyang mga binti kaya hindi inaasahan ni Mateo na aabot ang atakeng ito.
"Ugh!" ang pagtitimpi niya ng sigaw nang madali siya ng paa ni Logan. Hindi lang isa, kung hindi dalawang atake ang dumapo sa magkabilang tagiliran ni Mateo.
Agad din siyang natuto sa ikatlo at humakbang pa ng mas malayo paatras.
Napansin ni Mateo na lubos ang galak ng kanyang kalaban sa nagawa nitong pinsala sa kanya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa o mainis dahil sa mababaw nitong kasiyahan.
"This bastard is really a waste of an alpha. He didn't even consider that his attacks were mere scratches to me."
Nagsawa na si Mateo sa walang saysay nilang sagupaan. Ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras at lakas. Sa kanyang palagay at base na rin sa kanyang pag-tansya ay malaki ang tsansa na ligtas nang nasundo ng van ang mga biktima sa kanyang lugar.
Kaya naman, bitbit ang matindi niyang intensyon na pumatay, inilabas ni Mateo ang matatalim niyang kuko bago siya nag-teleport sa likuran ni Logan. Hindi pa tapos na magdiwang sa kanyang sunod-sunod na pag-atake si Logan kaya naging mabagal ang pag-responde niya galaw ni Mateo.
"I just kicked the great Mateo La— ah..."
Hindi na natuloy pa ni Logan ang kanyang mga salita nang makaramdam siya ng puwersa na biglaang dumapo sa kanyang tiyan, sa may bandang bituka.
Shlink! Ito ang tunog na sabay niyang narinig. Sunod siyang yumuko para tingnan ang kanyang sariling tiyan. Doon niya nakumpirma ang kanyang kinatatakutan.
"Are you already proud and happy with your weak kicks? I'm telling you. If you want to hurt me, you should be able to at least do this much," bulong ni Mateo sa pabagsak na si Logan.
Napuno na ng pulang likido ang kaninang panaka-nakang pagtulo ng dugo sa gilid ng labi ni Logan. Bumulwak ang dugo sa kanyang bibig na para bang pwersahan siyang pinasuka. Sunod siyang napaluhod sa semento na sing-init ng kanyang dugo.
Shlink! Inalis ni Mateo ang kanyang duguang kamay. May naiwan pang ilang butil ng bituka ni Logan na nakasabit sa mahahabang kuko ni Mateo. Habang may ilan naman na lumuwa mula sa mismong sugat.
"Should I just kill him? But that would be impossible, I do not have a poison... Oh, I can just bring him along with me and take him for interrogation." Sabik na nag-isip si Mateo sa mga maari niyang gawin kay Logan.
Hindi kagaya ng ibang bampira si Logan. Isa siya sa mga magiging clan leader sa hinaharap. Isa siyang tagapagmana at ngayon ay may posisyon na siya bilang pangunahing miyembro ng inner circle ni Ronaldo. Tiyak na marami silang magagatas na impormasyon sa lalaking ito kung sa kaling kumanta siya.
"... and to torture him. I just have the perfect way to do it." Malibog na persona si Logan, at kung mayroon man na perpektong paraan para pahirapan siya, ito dapat ay konektado sa pagtatalik. Bilang disiplinadong bampira, alam na alam ni Mateo kung paano ito gawin.
Subalit, kung kailan naisip na sana ni Mateo na dagdagan ang butas sa katawan ng bampirang nakaluhod sa kanyang harapan. May biglang nagtapon sa tapat niya ng bilog na bagay. Ito ay kulay berde at tila bola na gawa sa plastik. Nagtaka siya saglit at tinitigan ito ng maigi. Lumipas ang ilang segundo ay napagtanto niya kung ano ito. Isang bomba!
"What the f*ck!"
Huli na ang lahat, bago pa man siya nakaalis ay sumabog na ito. Pero imbes na malakas at nakapipinsalang pagsabog ay sumingaw ang kulay puti na makapal na usok mula rito.
Lumundag ng pagka-taas-taas si Mateo patungo sa bubong ng warehouse. Hindi siya maaaring magpakampante at baka may biglang umatake sa kanya sa gitna ng makapal na usok.
"Sh*t!" Mura niya nang makita na nawala na si Logan kasabay ng paglaho ng makapal na usok. "Who could have thought that there's still someone who would care to save that garbage?" sabi ni Mateo sa sarili bago siya tumungo kina Chris at Leo na napapaligiran naman ng mga tauhan ni Logan.
* * *
Umalis na ng warehouse ang tatlo. Iniwan na nina Chris at Leo ang mga kalaban nang makita nila sa bubong ng warehouse ang sumesenyas na si Mateo. Sabay na rin sila na bumalik sa Red Mansion. Nadatnan nila roon si Miller na pinapanood ang pagtatagpo nina Pablo at Kim, habang inaalalayan naman ng tatlo pang mga kasama nila ang ibang mga biktima.
"You did great," bati ni Mateo kay Miller.
Kumunot ang noo ni Miller bago dismayado na nagbuntong-hininga.
"Wala naman akong ginawa."
Hindi na nagsalita si Mateo at tinapik na lang ang balikat ng binata bago nagpatuloy sa paglalakad. "Is the supreme here?" tanong niya sa mga kasama gamit ang malakas na boses.
"Yes, sir," sagot ng isa sa hindi kalayuan.
"Okay. I'll report to him now. Make sure to assist the vampirized well. Have you informed Axel about them? It's best if he can conduct a test on them immediately."
"Nasabi ko na. Kumuha na siya ng sample kay Kim kanina," tugon naman ni Miller na naka-krus ang mga braso.
"Great job," bati niya ulit.
Pangalawang beses na siyang binati ngunit hindi pa rin nakaramdam ng tagumpay si Miller sa kanyang mga nagawa.
Salungat ang mga nangyari sa inaasahan niya sa pagsama sa misyon na ito. Buong akala niya ay magagamit na niya sa aktwal na labanan ang kanyang mga natutunan sa pag-eensayo. Nais niyang ipamalas ang lakas na naipon niya.
Bumalik na ng silid niya si Miller. Dismayado man pero wala na siyang magagawa kung hindi pa sapat para kay Mateo ang kakayahan niya para pagkatiwalaan siya nito na lumaban. Isa pa, kung sakaling naging padalos-dalos ang kanyang pag-iisip at nagpumilit siya na magpaiwan baka nasaktan lang siya. Iniisip pa lang niya ito ay batid na niya ang pag-aalala na babalot kay Axel sakaling mangyari ito sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top