CHAPTER EIGHTY

* * *

Mabilis na napasok ng grupo ni Mateo ang warehouse. Hindi man sila makapag-teleport dahil unang beses pa lang nila sa lugar na ito, ay hindi naman ito naging hadlang sanhi ng mga maliit na bantay sa warehouse.

Inaasahan ni Mateo na nasa higit sampung bantay ang nandito. Pero nagulat sila na tatlo lang ang nandito ngayon. Sinuwerte pa sila na wala sa kulungan ang atensyon ng mga ito.

Tila ba abala sila sa paglilinis. May hawak na walis at panlinis na trapo ang isa, nasa kusina naman ang isapa. Habang ang natitira ay nakatayo sa harap ng gate para magbantay kahit na wala rin naman itong silbi dahil madali lang akyatin para sa mga bampira ang matayog na pader sa likod.

Hindi rin nagtagal ay nahanap nila ang kulungan. 'Di rin naman ito ang kauna-unahang raid ni Mateo kaya pamilyar na siya sa disenyo ng mga kulungan ng mga kampon ni Ronaldo.

Sa unang tingin ay aakalain na isa lang itong normal na pinto. Pero dahil sa naka-pwesto ito sa dulo o kaya sa pinakatagong bahagi ng lugar ay mabils itong pinagsususpetsahan nila Mateo na kulungan. Sa bilang na sampu ay siyam na beses nang tama ang kanilang hinala.

"When it comes to hiding important things, Ronaldo's henchmen are too cliché," sabi pa ni Mateo nang mahanap na nila ang kulungan ng mga vampirized.

Malapit lang ito kung saan pumasok sila Mateo nang sila ay dumating. Kaso isang malawak na parking lot nga lang ang nasa gitna ng pader at ng pinto ng kulungan. Ito ang dahilan kaya naman nang may dumating ay nahirapan silang lumabas agad.

"Oh, sh*t! That guy's back?" mura ni Mateo nang makita ang mukha ng lalaking alpha na lulan ng mamahaling van.

Napalingon sa kanya si Miller na nasa masikip na pagitan ng bukas na pinto nakasilip. Sa bintana nagmamasid si Mateo kaya mas malinaw ang tanaw niya sa malayo.

"Ah! Master," bulalas naman ng isa sa mga kasama nila na katabi lang ni Mateo.

"Buhay pa pala 'yan? Akala ko tuluyan na 'yang naglaho," sambit naman ni Leo.

Napansin naman ni Miller ang pagka-alarma ng iba pa nilang mga kasama. Mukhang kilala ng lahat kung sino ang lalaki sa labas.

Inusisa ni Miller kung ayos lang ba kung magtatanong siya kung sino ang lalaki. Naaamoy niya na isa itong alpha, pero alam niya na hindi lang ito ang dahilan kung bakit naalarma ang kanyang mga kasama.

Napansin naman ito ni Mateo at agad na pinaliwanag kay Miller kung sino ang lalaki.

"He is Logan. Another young master of a clan. Just like me, he is not yet a clan leader... not officially. He's just a proxy since his father isn't in the country."

Dahil dito ay ngayon lang ulit naalala ni Miller na hindi nga pala isang clan leader si Mateo. Pero dahil sa taas ng respeto ng mga tauhan niya sa kanya ay nagmistulan bang nasa mataas na siyang ranggo. Napaisip tuloy siya kung ganito rin ba ang lalaking natatanaw niya ngayon sa labas.

"Hindi talaga ako pwedeng magpa-kampante sa mga ito. Hindi nakabase sa ranggo nila sa clan ang kanilang lakas. It's a personal matter. Kung malakas ka, malakas ka talaga."

"Ano na ang gagawin natin, master?" tanong ng isa sa kanilang mga kasama.

"That guy is not an easy enemy, and it seems that he took over Bernard's leadership in this place. I'm not longer surprised since they are just at the same level..."

Saglit na nagkwento si Mateo tungkol sa bampirang nagbibigay ng utos sa mga tauhan niya sa labas. Nakwento niya na magaling sa hipnotismo si Logan. Isa siyang alpha, pero hindi siya gaanong magaling sa pakikipaglaban kung ikukumpara kay Bernard. Pero kung bakit at paano sila naging magkasing-lebel ay dahil sa kanyang malakas na isipan.

Maingay kalaban si Logan. Madumi ang bibig nito at tila ba kahit anong klaseng pagpapasakit ang ibigay ng kalaban niya rito ay hindi pa rin ito basta-basta na matutumba dahil sa tibay ng kanyang isipan. Malakas itong mambuyo kaya naman kung walang kumpyansa sa sarili ang makakaharap ni Logan ay malamang makakalimutan nito ang lakas na tunay na taglay niya.

"He's basically like Bernard, but has a worse personality and much of a headache."

Lumingon si Mateo. Pinagmasdan niya ang anim na mga biktimang nagtitimpi ng iyak sa takot nang makita sila. Inakala kasi ng mga ito na kasamahan nila ang mga nag-kidnap sa kanila.

"Okay. First, let's secure these people's safety. I want everyone to teleport them into my place."

"What? Pero hindi ba napakalayo ng bahay mo mula rito?" pagtataka ni Miller.

Hindi hamak na mas malayo ang bahay ni Mateo kaysa Red Mansion kung pagbabasehan ang distansya mula sa downtown ng syudad.

"The young master has a flat around here, Miller," tugon ng tisoy na bampira na kasama nila.

"Ah," ito na lang ang naging tugon ni Miller sa lalaki.

"Dapat pa ba akong magulat?" ani niya sa sarili tapos ay bumalik sa pakikinig sa plano ni Mateo.

"They will never get you there. Once you arrive, call Jack and make him fetch you guys to bring them to the Red Mansion. It is important that Axel could take a look at them to prevent any damage in their body before the vampire essence disperse all throughout. You three, as well as Miller, you are assigned to do that task."

Tumango ang mga tinuro ni Mateo pero nanatili ang pag-aalinlangan kay Miller.

"Eh, kayo? Paano kayo?" tanong niya kay Mateo, Leo, at sa isa pang alpha na maiiwan.

"We'll cover you. Chris is enough to fight the betas. He can also back up Leo in fighting the alphas."

"Ano? Pero ang dami nila?"

"Ayos lang. Hindi naman natin misyon na pasalangin sila. Ang kailangan natin na mapag-tagumpayan ngayon ay ang maligtas ang mga vampirized na nandito," depensa ni Leo.

Halos dalawang buwan na silang magka-sparring ni Miller kaya nakukuha na ni Leo ang ugali nito. Hindi man halata sa malamig na ekspresyon ng lalaki ay alam ng alpha na may pakialam si Miller sa mga tao sa paligid niya. At sa kasalukuyan ay nag-aalala siya sa kanyang mga kasama.

Nagbuntong-hininga si Miller bago tumalikod at buong tibay na binigkas na, "Sige. Let's take these people."

Nagsimulang lumikha ng ingay ang mga tao sa kulungan nang lumapit sina Miller.

"What's wrong with them?" tanong ng tisoy nilang kasama.

"They're scared," sambit ni Miller.

"But we are going to save them..."

"It was vampires who kidnapped them, and so we are. Hindi na nakakagulat kung matakot sila sa atin."

Nagkatinginan ang tatlo. Lalapit na sana ang isa para puwersahan na buksan ang kulungan nang hinarang ni Miller ang kanyang kamay.

"Let me just talk to them..." sambit niya at humakbang ng isang beses. "Nahihilo ba kayo?" panimula niya. Pero wala ang sumagot sa kanya.

Sinuyod niya ng tingin ang mga mukha ng biktima. Dalawa ang lalaki at apat ang babae. Hindi niya matukoy kung sino sa mga dito si Kim pero nang maalala niya ang pangalan ng nobya ni Pablo ay sinubukan niyang kunin ang tiwala nito.

"Let's convince her and let this be over," aniya sa likod ng isipan bago niya muling ibuka ang kanyang bibig.

"Sino sa inyo ang may pangalan na Kim?" Sa kabila ng pagtatanong niya ay wala siyang nakita na kamay sa ere. Kaya naman sinubukan niya ulit na magtanong ng panibago. "Sino sa inyo ang nakakakilala kay Pablo?" sa sandaling iyon ay isa sa apat na babae ay biglang kumislot sa kanyang pwesto.

"Found you..." batid ni Miller sa sarili.

"Hey, how much longer is that?" naiinip na tanong ni Mateo.

Sa sandaling ito ay binilisan na ni Miller ang kanyang pagsasalita. "Lumapit sa amin si Pablo para humingi ng tulong sa paghahanap sa nawawala niyang girlfriend. Isang bampira si Pablo, pero lubos ang pag-aalala niya sa iyo Kim. Kaya kung nandito ka man, please don't be afraid to trust us the same way you've trust Pablo."

Sa oras na natapos niya ang kanyang mga salita ay may babaeng tumayo mula sa pwesto niya sa dulo.

"A-Alam kong may mabubuting bampira pero... mahirap magtiwala agad."

Naiintindiha ni Miller na hindi basta-basta na nakuha ni Pablo ang tiwala ni Kim. At malamang ay nabanggit na rin nito sa kasintahan na maging maingat pagdating sa ibang bampira maski pa na banggitin at gamitin pa nito ang pangalan niya.

Hindi ito binalewala ni Miller at ginamit ang pinakamalaking kalamangan niya pagdating sa ganitong uri ng sitwasyon – ito ay ang katotohanan na dati siyang mortal kagaya nila.

"I know. But I can prove I am trustworthy... Katulad niyo rin ako. Dati akong tao na... aksidenteng naging bampira," huminga siya ng malalim bago muling nagsalita, "sa nakikita niya medyo iba ako sa kanila. Pero tinulungan nila ako."

Hindi makakaila na sa lahat ay si Miller lang ang may buhay na kulay. Mga kulay nyebe ang balat ng kanyang mga kasama, ngunit ito ang uri ng nyebe na tila ba naubusan ng dugo sa katawan dahil sa putla.

Isa ito sa mga prominenteng katangian ng mga purong bampira.

Nanatiling tahimik si Kim habang pinagmamasdan ang kanyang mga kasamahan. Naikwento na niya kasi sa mga ito ang tungkol sa nobyo niyang bampira kaya sa kanilang lahat siya ang may hawak ng desisyon.

"We're going out," untag ni Mateo sa kabilang dulo ng silid.

Sunod nito ay pikit-mata na nagmutawi si Kim. "S-Sige. Sige, sasama na kami."

At wala pang isang segundo ay nawasak ang kadena ng pinto ng kanilang kulungan. Kanya-kanyang hila sa kanila ang tatlong bampira habang si Miller naman ay kumapit sa isang kasama. At sa isang iglap ay sabay-sabay silang naglaho sa loob ng kulungan.

Nang makita ni Mateo na wala na ang mga biktima ay agad naman siyang nag-teleport sa parking lot. Sumunod din naman sa kanya si Leo at ang isa pa nilang kasama na si Chris.

Nagulat ang mga tauhan ni Logan sa biglaang pagdating nga tatlo, agad sila na tumakbo para paikutan at protektahan ang kanilang master.

"Oh, Mateo Lacson?" Ngumisi si Logan nang makita ang pamilyar na mukha.

"Logan..." Bahagyang dumako sa gilid ang ulo ni Mateo saka siya tumango para senyasan ang dalawa sa kanyang likod. Oras na para pigilan ang mga bantay na pumasok sa kulungan at madiskubre na wala na ang kanilang mga biktima.

Hindi na rin nagtagal pa si Leo at Chris. Wala ring detalye na pinalampas si Logan at sinigaw sa mga tauhan na, "Bring back the vampirized! I don't wanna hear Aaron's non-stop spouting once I lost those low lives here."

Mabilis na gumalaw ang mga bampira. Lalo na ang mga beta nang marinig ito. Agad silang naglaho at wala pang segundo simula nang nangyari ito ay nagsimula nang sumigaw ang isa sa kanila ng, "Master! Nawawala ang mga mortal!"

"I know! That's why I told you to go after them!" bw*sit na bw*sit na sigaw ni Logan.

Hindi hinayaan ni Chris na makalabas ang mga ito sa silid kaya nag-teleport din siya para bumalik at harangan ang tatlo. Sa isang pag-atake, at sunod-sunod na pagsuntok ay hindi nagtagal ang tatlo. Sabay silang bumulagta sa sahig.

"Let's keep you bounded," wika ni Chris sabay bunot ng patalim mula sa bulsa niya.

Isa itong foldable knife. Matalim ngunit hindi nagbibigay ng matagal na pinsala sa mga bampira. Pero sapat na para pabagalin ang galaw ng mga ito, dahil ito sa oras na gugugulin para maghilom ang mga sugat nito.

Pinutol ni Chris ang mga daliri ng tatlo sa kamay at paa. Umagos ang dugo ng mga ito. Sa isang iglap ay napuno ng kulay pulang tinta ang malinis at makinang na talim ni Chris.

Plop. Plop. Plop. Isa-isang nalaglag ang mga daliri nila sa sahig na parang pulang hotdog na hiniwa-hiwa. Ngunit wala ni isa sa mga bampirang kanyang pinutulan ang umiyak sa sakit.

"Bye," wala man lang katono-tono na pagpapaalam ni Chris.

Wala rin namang problema dahil wala naman itong mga malay.Nag-teleport na ulit siya palabas ng silid at agad na hinanap si Leo para tumulong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top