Chapter 53

Dedicated to Grachelle A. Zuñiga

Chapter 53

"W-Why? Paano mo nagawa sa 'kin ito? Nangako ka, 'di ba? Sabi mo rito ka lang palagi sa tabi ko, pero anong nangyari? Iniwan mo ako..."

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang kaniyang puntod. Hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na hindi ko na siya magagawang hawakan pa.

Rhys Kade Gonzales

Marahan kong hinaplos ang pangalan niyang nakaukit sa lapida. Kakalibing niya lang ngayon. Umalis na ang kaniyang mga kamag-anak na hindi pa rin matanggap na wala na ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Ciara. Siguradong sa ospital nagtungo ang kanilang ama para bantayan ito.

Sobrang pinagsisihan nito ang nangyari. Bakit kung kailan nawala na ang isa niyang anak saka pa siya natauhan sa mga kasalanang ginawa niya? Wala siyang kwentang tao!

Hindi man lang naramdaman ni Rhys ang pagmamahal ng isang ama. Ang sakit isipin na puno ng hinagpis ang puso niya bago lumisan sa mundong ito.

"M-Miss na miss kita..."

Humiga ako sa damuhan habang marahan ko pa rin na hinahaplos ang nakaukit niyang pangalan sa lapida. Ramdam ko ang malakas na simoy ng hangin na yumayakap sa 'kin.

Hindi ko man siya makita, alam kong nandito siya. Mananatili siya sa tabi ko at nakabantay sa 'kin.

Mariin akong pumikit. Walang tigil pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Ang sakit sa puso ko'y mukhang hindi na mapapawi pa.

Paano na ako? Anong mangyayari sa 'kin kung ang happy pill ko'y iniwan na ako? Paano pa ako magiging masaya nito?

"M-May aaminin ako sa 'yo... Sorry kung ngayon ko lang magagawang sabihin sa 'yo ang totoo kung kailan huli na ang lahat..."

Umupo na ako at niyakap ang aking mga tuhod. Tumingala ako sa kalangitan habang dinarama ang malakas na simoy ng hangin.

"N-Nagustuhan kita... pinigilan ko lang ang sarili ko kasi siya ang palaging nasa isip ko. Pinatibok mo ang puso ko... Sorry kung iniwan kitang mag-isa noon sa Korean restaurant. Naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko para sa 'yo... Inisip mo tuloy na boring kang kasama kasi umalis ako nang wala man lang paalam..."

Mariin akong pumikit at inalala ang nangyari noong araw na iyon. Alam ko sa sarili ko na nagustuhan ko siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinigilan kong mahulog sa kaniya.

"H-Hindi totoo ang sinabi mo, hindi ka boring kasama kasi pinapasaya mo 'ko. Ikaw palagi ang nagdadala ng ngiti sa mga labi ko. Hindi ba't sabi ko ikaw ang happy pill ko? Pero nasaan na ang happy pill ko ngayon? N-Nasaan na?"

Hindi ko na napigilan na mapahagulhol. Sinubsob ko ang aking mukha sa pagitan ng mga tuhod ko.

It hurts. It fucking hurts. Durog na durog ang puso ko kasi wala na ang taong magpupunas ng mga luha ko.

Kahit isang balde pa ang iiyak ko rito, hindi na siya babalik pa. Hindi na babalik pa ang happy pill ko, ang lalaking mahalaga na sa buhay ko.

Sobrang daya niya. Bakit kailangang siya pa ang mawala? Bakit?!

"R-Rhys naman... sinasaktan mo 'ko... Ikaw ang best boy ko... Nang dahil sa 'yo, naramdaman kong mahalaga pala ako... Kasi palagi kang nasa tabi ko sa tuwing malungkot ako at handa kang makinig sa lahat ng problema ko..."

Mapait akong ngumiti. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang masayang alaala naming dalawa na kahit kailan ay hindi na mangyayari pa.

Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan. Ipinapangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya magagawa pang iwanan sa ere, na palagi akong mananatili sa tabi niya pero huli na ang lahat.

Wala na siya... Hindi na kami babalik pa sa rati. Tuluyan na niyang nilisan ang mundong ito.

"A-Ang daya mo... Sinungaling ka, Rhys, sinungaling ka..."

Inilapat ko ang aking noo sa katawan ng puno kung saan nakalagay ang inukit niya. Matapos kong pumunta sa cemetery, dumiretso ako rito sa park na palagi naming tinatambayan kahit na masasaktan lamang ako.

Kasi ako na lang ang makakabalik pa rito. Hindi ko na siya makakasama pang langhapin ang masarap na simoy ng hangin.

Dear Gennica, my fav person

"I am here and I will always be here for you."

Love,
Rhys Pogi <3

Mapait akong napangiti habang hinahaplos iyon. Parang hindi na mauubos pa ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata kasi ang hirap pa rin talagang tanggapin na wala na siya.

Parang kailan lang noong una kaming nagkakilala. Na dumarayo pa siya ng school para lamang agawan ako ng pagkain. Na hinahayaan niya akong umiyak sa balikat at bisig niya para lang mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Na uuwi pa siya sa kaniyang condo para lamang maipagluto ako.

Lahat nang iyon, hindi ko na magagawang burahin pa sa puso't isipan ko.

Si Rhys ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Pinilit kong labanan ang kaniyang titig kahit ang totoo'y nanghihina na ang mga tuhod ko. Nababakas sa kaniyang mukha ang sakit. Ilang araw rin na hindi ko siya pinansin. Wala na akong balak pang bumalik sa buhay niya.

Masakit, pero kakayanin ko. Kailangan kong mag-matigas para tuluyan na siyang lumayo sa 'kin.

Halos araw-araw na siyang pumupunta rito sa hacienda pero kahit na isang beses ay hindi ko siyang nagawang pagbigyan na kausapin ako.

Bakit pa? Wala na akong balak pa na bumalik sa buhay niya. Maging masaya na lamang siya sa iba. Sa taong mas kailangan siya.

"C-Can we talk?" His voice broke.

Akmang lalapit siya sa 'kin pero umatras ako palayo sa kaniya. Pugto ang kaniyang mga mata at mukhang wala siyang sapat na tulog.

Hindi ko mapigilan na mag-alala. Sobrang miss na miss ko na siya pero mukhang hindi talaga kami pwede sa isa't isa.

Darating ang araw na tuluyan ko na rin siyang mabubura sa puso't isipan ko.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan kasi tinapos ko na kung anong namamagitan sa ating dalawa."

His lips parted. Ilang saglit ay sumilay ang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi totoong ngiti kasi nakikita ko ang pamumuo ng luha sa kaniya mga mata.

"B-Bakit? Pumayag ba ako na tapusin ang relasyon nating dalawa? Ganoon na lang ba kadali para sa 'yo ang lahat? Tangina! Mahalaga ba talaga ako sa 'yo para gawin sa 'kin ang bagay na ito?"

Agad siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Pinaglapat niya rin ang noo naming dalawa.

Mariin akong pumikit. Pinipigilan kong pumatak ang luhang namumuo na sa aking mga mata kasi nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak.

"H-Huwag mo naman gawin sa 'kin ito, nasasaktan ako sa tuwing nilalayo mo ang sarili mo sa 'kin. Oo, pinagsisisihan ko ang lahat pero tangina, ginusto ko bang mangyari iyon, ha? Hindi ko gin-"

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi ko na magagawa pang bawiin ang salitang binitiwan ko... Tapos na tayong dalawa kaya pwede bang umalis ka na? Huwag ka nang magpakita pa sa 'kin kasi kinamumuhian kita! Ginusto mo man o hindi ang nangyari, ikaw pa rin ang sisisihin ko sa lahat! Saka hindi na kita mahal! Infatuation lang ang nararamdaman ko para sa 'yo!"

Iniwas ko ang mukha kong hawak niya. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Hindi ko na napigilan pang pumatak ang aking mga luha.

Pinagsisisihan ko ang lahat ng salitang binitiwan ko. Alam kong nasasaktan ko na siya pero kailangan ko talagang panindigan ito.

Kailangan ko siya pero mas kailangan siya ni Ciara. Hindi na siya pwedeng bumalik sa 'kin kasi aalis na kami at pupunta sa States para makasama si Mom na lumaban.

"S-Sige... sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Kamuhian mo pa ako buong buhay mo. Kahit sabihin mo pang infatuation lang ang nararamdaman mo... hindi ko pa rin hahayaan na mawala ka sa buhay ko..."

Nakatungo lang siya habang naririnig ko ang malakas niyang paghikbi. Tinakpan ko na ang aking bibig para lang hindi niya marinig ang mga hikbi ko.

Naiinis ako sa sarili ko kasi nagagawa kong saktan ang lalaking mahal ko. Ako ang gumulo sa buhay niya pero bakit siya pa ngayon ang nagmamakaawa na huwag ko lang siyang iwanan? Wala akong kwentang tao.

Bakit kailangang mangyari ito? Bakit dumating sa punto na ang tanging pagpaparaya na lang ang tamang desisyon na kailangan kong gawin para lamang sa isang taong mas kinakailangan ang kaniyang pagmamahal at kalinga.

"Mahal kita... sobrang mahal kita at kahit na ipamukha mo pa sa 'kin na hindi mo 'ko mahal... Hindi pa rin kita magagawang sukuan... kasi tangina, ikaw lang ang kailangan ko... Ang manatili ka lang sa aking tabi ang hinihiling ko... huwag mo naman ipagdamot sa 'kin ang mga bagay na iyon..." His voice broke.

Tumunghay na siya kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa 'kin at mabilis akong ikinulong sa kaniyang bisig.

Sinubukan kong itulak siya pero hindi ako nagtagumpay. Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa 'kin. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak sa kaniyang bisig.

Nakasubsob naman ang kaniyang mukha sa balikat ko. Ramdam ko ang pamamasa niyon kasi hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.

Naninikip na ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang matapos ang lahat kasi pagod na pagod na ako.

"M-Mahal na mahal kita... kaya please... Bumalik ka na sa 'kin... Parang awa mo na. Huwag mo naman akong pahirapan pa... kasi tangina, ang sakit sakit na..."

Umiling ako at mabilis na lumayo sa kaniya. Pinilit kong tumitig sa kaniyang mga mata. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang aming mga luha.

"I-I am sorry..."

Tinalikuran ko na siya. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya kahit na nanghihina pa rin ang mga tuhod ko.

"H-Happy birthday..."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang kaniyang sinabi. Mariin akong pumikit.

Hindi ko man lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. March 29 na pala ngayon. Parang kailan lang noong birthday niya, kung kailang araw rin na iniwan na ako ng kaibigan ko.

Hindi na sana mangyayari pa iyon kung pinuntahan niya na lang si Ciara kasi maiintindihan ko naman na mas kailangan siya nito. Pero anong nangyari?

Nawala na ang kaibigan ko...

"I-I have a one wish..."

Muli ko siyang hinarap. Malayo ang distansya naming dalawa. Walang tigil pa rin sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Alam kong durog na durog na siya sa ginagawa kong pagtatabuyan sa kaniya na hindi ko naman gusto.

"P-Please tell me, kahit ano pa iyan, gagawin ko para lang bumalik ka sa 'kin."

Nakita kong nabuhay ang pag-asa sa kaniyang mukha. Iniwas ko naman ang tingin sa kaniya. Ramdam ko rin ang panginginig ng aking mga palad.

"I-Isa lang ang kahilingan ko... ang tuluyan ka nang mawala sa buhay ko..."

Natigilan siya sa sinabi ko. Tinalikuran ko na siya kasi hindi ko na kaya pang makita ang kaniyang reaskyon. Pero hindi pa ako nakakalayo nang muli akong matigilan sa sinabi niya.

"S-Sige... iyon ba ang gusto mo? Ang tuluyan akong mawala sa buhay mo? Gagawin ko para lang maging masaya ka, kung kinakailangan na magpakamatay ako, gagawin ko para lang maramdaman ko naman sa 'yo na mayroon akong halaga sa buhay mo... kasi tangina... para mo na rin akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko ngayon. A-Ang sakit sakit na... "

Hinarap ko siya pero naglalakad na siya palayo sa 'kin. Napaluhod na lang ako sa damuhan habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

I am really sorry, Josh, pero hanggang dito na lang talaga tayong dalawa.

"A-Apo ko..."

Niyakap ako ni Lolo. Wala akong ginawa kundi ang umiyak sa kaniyang bisig. Inalalayan niya akong makaakyat sa kwarto ko.

"Happy birthday sa maganda kong apo!"

Mayroong hawak na cake si Lolo. Nakaupo lamang ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang bagay na iyon na mukhang siya ang nag-bake.

Magaling din kasing mag-bake si Lolo. Nagkaroon siya ng maliit na bakery noon para lamang kumita.

"H-Hindi ko po kayang maging masaya sa birthday ko... Sana po maintindihan mo ako..."

Bumakas naman ang lubos na kalungkutan sa kaniyang mukha. Umupo siya sa tabi ko habang buhat pa rin iyong cake na mayroong sindi ang kandila.

"Nasasaktan si Lolo kapag nakikita kang ganiyan. Nasaan na ang masiyahan kong apo? "

Nakatulala lang ako habang unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko. Oo nga, nasaan na ang masiyahing ako?

Magagawa ko pa ba maging masaya sa lahat nang nangyari sa buhay ko?

"U-Ubos na ubos na po ang kasiyahan ko... Hindi ko na po magagawa pang maging masaya..."

Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. "Nandito lang si Lolo, gagawin ko ang lahat para lang bumalik sa rati ang masiyahin kong apo..."

Hindi na ako umimik pa. Dinama ko na lang ang kaniyang yakap. Sa tuwing pumupunta rito si Dad, pinapakita ko rito na okay lang ako. Ayaw kong pati siya ay mag-alala pa.

Wala siyang alam sa nangyayari sa buhay ko.

"A-Ate, birthday ko ngayon... Kahit isang bati mo lang, masaya na ako..." My voice broke.

I tried to call her pero hindi niya magawang sagutin ang tawag ko. Nakaupo ako sa isang sulok habang yakap ang aking mga tuhod.

Ayaw pa sana akong iwanan ni Lolo ritong mag-isa kasi nag-aalala siya na baka kung ano pa ang gawin ko.

Minsan naisip ko, tapusin ko na lang kaya ang buhay ko nang matapos na rin ang lahat? Pero hindi pwede, hindi ko magagawang iwanan ang mga taong nagmamahal sa 'kin.

"A-Ate please, kailangan kita... Ako naman ang alalahanin mo kahit na ngayong araw lang na birthday ko... N-Nasasaktan ako, Ate... Ang sakit sakit na..."

Humigpit ang hawak ko sa phone. Ilang beses na akong sumubok na tawagan siya pero ayaw niya talagang sagutin.

Wala rin siyang alam sa nangyayari sa buhay ko. Ni hindi man lang niya ako nagawang kamustahin. Mas inuuna niya pa si Kuya Marcus kaysa sa 'kin na kapatid niya.

Alam kong kailangan niya ito lalo na't nagdadalangtao siya pero paano naman ako? Mas kailangan ko rin siya. Nawalan ako ng kaibigan at masasandalan.

Nasasaktan ako kasi kahit ang birthday ko'y mukhang hindi niya rin naalala. Hindi niya man lang akong magawang batiin.

"H-Happy birthday to me..." I mumbled.

Ibinato ko na ang aking phone kasi mukhang wala talaga siyang balak na sagutin ang tawag ko.

Sana man lang ay maisip niya ako, na mayroong kapatid na naghihintay sa kaniya. Akala ko dadamayan niya ako sa lahat.

Pero iiwanan niya rin pala ako sa ere.

"T-Tanginang buhay ito... Pagod na pagod na ako..."

Sinubsob ko ang aking mukha sa pagitan ng aking mga tuhod at doon umiyak.

Siguro kung nabubuhay pa si Rhys, siya ang kasama ko ngayon na i-celebrate ang birthday ko. Tapos ipagluluto niya ako ng masasarap na pagkain at isasayaw niya rin ako.

"R-Rhys, kung nandito ka man... Magpakita ka sa 'kin... Parang awa mo na... Miss na miss na kita..."

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Halo-halo na ang tumatakbo sa isipan ko sa oras na ito.

Para akong mababaliw na lang sa lahat nang nangyayari sa buhay ko. Pang-una, iniwan kami ni Dad para lamang sa ibang babae. Pangalawa, niloloko na pala ako ng lalaking sobra kong minahal nang hindi ko man lang alam. Pangatlo, binully ako ng mga taong itinuturin kong mga totoo kong kaibigan. Pang-apat, nang malaman kong mayroong malubhang sakit si Mom kaya niya kami nagawang iwanan para lamang maitago sa amin ang katotohanan. Panglima, iniwan ako ng isang taong mahalaga sa buhay ko, ang kaibigan ko. Pang-anim pilit kong ipinagtutulakan ang lalaking mahal ko para lamang sa iba.

Bakit nangyayari sa 'kin ang mga bagay na ito? Putangina, ano pa? Ano pa ang magiging dahilan ng pagiging miserable ng buhay ko?

"Hello po, Ma'am, pinapa-deliver po ito sa inyo ni Sir. Rhys Kade Gonzales..."

Natigilan ako sa sinabi nito. Narito na ako sa labas para lamang lumanghap ng sariwang hangin nang bigla na lang mayroong dumating na delivery boy.

"R-Rhys?"

Tumango ito. Iniabot niya sa 'kin iyong malaking pink na teddy bear at isang paper bag.

"Actually, matagal na po iyang nasa amin. Pero bilin ni Sir na ngayong March 29 ko iyan i-deliver kasi iyon daw ang araw ng birthday ng babaeng mahalaga sa buhay niya. Ikaw po ang tinutukoy niya, Ma'am. Tama nga siya, ang ganda mo po...Pero nasaan na po si Sir? Hindi niya po kasi sinasagot ang tawag ko o baka busy lang siya?"

Natigilan ako sa kaniyang sinabi at mapait na ngumiti. "W-Wala na po siya..."

Napaawang ang kaniyang bibig sa sinabi ko. "S-Salamat po rito, Kuya..."

Tinalikuran ko na siya. Nagtungo ako sa kwarto ko at dumamba sa kama habang yakap iyong malaking teddy bear.

Hindi ko mapigilan na mapangiti kasi kahit na wala na siya. Nagagawa niya pa rin akong pasiyahin sa simpleng bagay.

"A-Ang ganda..."

Binuksan ko iyong maliit na kahon na laman ng paper bag. Ang laman niyon ay isang kwintas na ang design ay maliit na letter R at G, magkadikit pa na siguradong pinagawa niya talaga para lamang sa 'kin.

"R-Rhys naman, naiiyak na naman ako..."

Napahigpit ang hawak ko sa kwintas habang walang tigil na sa pagtulo ang mga luha ko. Mabuti sana kung siya ang magsusuot nito sa 'kin pero hindi na niya magagawa pa iyon.

Muling dumako ang tingin ko sa bear. Pinisil ko ang tiyan niyon na sobrang tambok.

"Hello, fluffy cheeks, don't be sad na... Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na palagi akong nandito sa tabi mo... Rhys is here and will always be here for you. Smile ka na... I love you... Damn, kinikilig ako..."

Mas lalo pang dumami ang luhang tumutulo sa aking mga mata nang marinig ang boses niya mula roon sa teddy bear.

Mahigpit kong niyakap iyon kaya muli kong narinig ang kaniyang boses. Basang-basa na ito ng mga luha ko.

Kahit papaano, naging masaya ako sa birthday ko nang dahil sa kaniya. Wala man siya sa tabi ko, nararamdaman ko naman ang presensiya niya sa teddy bear na nasa aking bisig ngayon.

"T-Tama ka nga, palagi kang nandito sa tabi ko. Hindi mo 'ko binigo, Rhys... Thank you for always making me happy..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction