Chapter 52
Dedicated to Jameela Saidali Swaib
Chapter 52
"H-Hindi totoo iyang sinabi mo, parang awa mo na Doc, bawiin mo. Baka ibang tao ang tinutukoy mo, tama... Hindi iyon ang kaibigan ko... H-Hindi niya ako iiwan kasi nangako siya sa 'kin na mananatili siya sa tabi ko kahit na anong mangyari..."
Nakahawak ako sa kaniyang braso habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Wala akong pakialam kung marami na ang nakatingin sa 'kin.
Ang gusto ko lang ay bawiin niya ang kaniyang sinabi. Imposibleng si Rhys iyon, kasama niya si Ciara nang mangyari ang aksidente.
Patawarin ako ng Diyos kung mas hinihiling ko pang si Ciara ang tinutukoy niya. Kasi hindi ko talaga kakayanin na iwan ako ni Rhys, ng lalaking sandalan ko sa lahat.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung tuluyan na nga niya akong iniwan.
"Halika, dadalhin kita sa kaniya..."
Nilampasan niya ako. Nanghihina ang mga tuhod ko habang nakasunod sa kaniya. Sa bawat hakbang ko'y mas lalo pang lumalakas ang kabog ng aking puso ko.
Ipinagdarasal ko na sana ibang tao ang nasa loob. Na sana ay nasa maayos na kalagayan ang kaibigan ko at ipinapangako ko hindi na ako mawawala pa sa kaniyang tabi kahit na anong mangyari.
"H-Hindi totoo ito... please nananaginip lamang ako... Gusto ko nang magising sa panaginip na ito... Parang awa niyo na... Gisingin niyo na ako kasi ang sakit sakit na..."
Napahawak ako sa dingding nang matanaw ko ang suot na relo ng taong nakahiga na wala nang buhay. Ang relong iniregalo ko sa lalaking naging parte ng buhay ko.
Hindi ako pwedeng magkamali na iyon nga ang relong iniregalo ko kay Rhys.
"P-Putangina, Rhys, gumising ka... Hindi magandang biro ito... Nagmamakaawa ako... Tama na ang pag-arte... Parang awa mo na..."
Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Napaluhod na lamang ako sa sahig nang maramdaman kung gaano na kalamig iyon.
Namumutla na rin ang kaniyang balat kung saan makikita ang maraming galos nang dahil sa nangyaring aksidente.
"R-Rhys naman, bakit ganito? Nangako ka... nangako ka na mananatili ka sa tabi ko kahit na anong mangyari... Na palagi kitang masasandalan sa tuwing umiiyak ako, na ikaw ang magpupunas ng mga luha ko. P-Pero tangina... Anong ginawa mo, ha? Bakit mo ako iniwan? Paano na ako? A-Ang daya mo, sobrang daya mo... P-Paano mo nagawa sa 'kin ito?!"
Dinala ko ang palad niya sa aking mukha at doon ako umiyak. Unti-unti nang nadudurog ang puso ko na para bang hindi na mabubuo pa sa sakit na nararamdaman ko sa oras na ito.
"G-Gumising ka, Rhys, parang awa mo na... Gumising ka... Huwag naman ganito.... Ang sakit, tangina... Sobrang sakit sakit... Nasaan na ang pangako mong mananatili ka sa tabi ko at pupunasan ang mga luha ko, ha? Bumangon ka riyan... Nagmamakaawa ako..."
Umupo ako sa gilid ng kama at isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Hindi ko na marinig pa ang pagtibok ng puso niya.
Tuluyan na niya akong iniwan. Hindi ko na siya muling makakasama pa sa pangarap ko. Hindi ko na siya makikita pang maging isang ganap na Doctor na matagal na niyang pinapangarap sa buhay.
"R-Rhys..."
Hinawakan ko ang kanan niyang pisngi. Punong-puno ng sugat ang kaniyang mukha. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.
Ang sakit, sobrang sakit na makita siyang nasa ganitong kalagayan. Durog na durog na ang puso ko.
"P-Please imulat mo ang mga mata mo... Nagmamakaawa ako... Umiiyak ako, o, sabi mo ikaw ang magpupunas ng mga luha ko. Na sa tuwing nasasaktan ako'y mananatili ka sa tabi ko... Huwag naman ganito... Parang awa mo na..."
Muli kong sinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Nangingibabaw ang pag-iyak ko sa buong silid na ito.
Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko kung bakit nangyari ito. Kung nasagot ko lang ang tawag niya, hindi na sana magpupumilit pang umalis si Ciara. Hindi na sana sila masasangkot pa sa isang malaking aksidente.
Hindi na sana siya mawawala pa sa buhay ko.
"Smile ka na, hindi ka na nag-iisa..."
"Go, Ms. Arellano! Rhys is here to support you!"
"I am here... Rhys is always here..."
"Sige... iyak ka lang dito sa bisig ko."
"Sandal ka sa 'kin, dito ka umiyak sa balikat ko..."
"I am here and I will always be here for you..."
"If you need me, I am here, if you don't... I am still here. Kapag nasasaktan ka, nandito ako, kapag gusto mong may masandalan, nandito pa rin ako. Nandito ako palagi sa tabi mo. Always remember that."
"M-Mahal kita, Gennica, mahal na mahal pa rin kita kahit nasa piling ka na ng iba..."
Muling pumasok sa isipan ko ang masayang alaala naming dalawa. Sa una naming pagkikita na nagawa niya pa akong halikan. Na dumadayo pa talaga siya sa school namin para lamang puntahan ako at bigyan ng ngiti ang aking mga labi.
Palagi niya rin akong kinukulit at inaagawan ng pagkain na sobrang kinaiinisan ko pero hindi ko akalain na siya pa pala ang taong magpapagaan sa loob ko.
Nang dahil sa kaniya, hindi ko naranasan na mag-isa kasi palagi siyang nasa tabi ko. Na pupunta pa kami sa park para lamang tumambay at makipaglaro sa mga bata.
Siya ang first dance ko... siya ang kaisa-isang lalaki na handang makinig sa lahat ng problema ko.
Wala na...
Wala na ang lalaking sandalan ko sa lahat.
Wala na ang lalaking sumuporta sa 'kin noong naglaro ako ng badminton at sinabi na proud siya para sa 'kin.
Wala na ang lalaking nagpupunas ng mga luha ko sa tuwing umiiyak ako.
Wala na ang lalaking dadalhan ako ng pagkain para lamang masiguradong kumain ako.
Wala na ang lalaking sumusundo at naghahatid sa 'kin pauwi para lamang masiguradong ligtas ako.
Wala na ang lalaking pupunta pa talaga sa school para lamang mayroon akong makasama tuwing lunch.
Wala na ang lalaking palaging nangangako na mananatili siya sa tabi ko kahit na anong mangyari.
Wala na ang food buddy ko.
Wala na ang Future Doctor ko.
Wala na ang happy pill ko.
Wala na ang kaibigan ko na lubos akong minahal.
Wala na si Rhys Kade Gonzales.
Kasi tuluyan na niya akong iniwan.
"F-Fly high, Rhys..."
Nangangatal ang mga labi kong hinalikan ang kaniyang noo. Hindi ko matanggap na wala na siya. Para bang unti-unting sinasaksak ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Putangina pagod na pagod na akong maiwan.
Bakit si Rhys pa? Bakit ang lalaking sobrang mahalaga pa sa buhay ko? Ano bang ginawa kong kasalanan? Tangina naman!
Sino pa? Sino pa ang ilalayo sa 'kin na mahalaga sa buhay ko? Anong klaseng buhay ito? Bakit puro hirap at sakit na lang ang nararamdaman ko?
Hindi ko ba deserve na maging masaya ka? Kasi putangina... hindi ko na magagawa pa iyon kung ang taong nagbibigay kasiyahan sa 'kin ay iniwan na ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot na akong maging masaya kasi alam kong masasaktan lamang ako sa huli.
"M-Maraming sa lahat... hinding-hindi ko makakalimutan ang masayang alaala na binuo nating dalawa nang magkasama... Masaya ako kasi naging parte ka ng buhay ko..."
Marahan kong hinalikan ang kaniyang palad na mas lalo pang lumamig. Hindi ko na muli pang mararamdaman ang init ng kaniyang yakap.
Kasi isa na siyang malamig na bangkay sa harapan ko ngayon. Putangina ang sakit na nagawa niya akong iwanan.
"I-Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ang kapatid mo. Babawi ako sa lahat ng kabutihan na ginawa mo para sa akin. Patawad..."
Tinawagan ko ang kaniyang Dad pero hindi nito nagawang sagutin. Mabuti na lang naibigay sa 'kin ang phone ni Rhys. Nag-message na lang ako tungkol sa nangyari.
Sana man lang magawa niyang bisitahin ang kaniyang anak at magsisisi siya sa lahat. Wala siyang kwentang ama!
Sobrang sakit ng pinagdaanan ni Rhys na kahit bata pa lang siya'y nagawa na siyang pagbuhatan nito ng kamay. Ang taong akala ko'y malakas, mayroon pa lang itinatagong sakit na hindi na magagawa pang mabura sa puso't isipan niya.
Hindi ko man lang nagawang masuklian ang kaniyang pagmamahal. Wala akong kwentang tao.
Puro kabutihan ang ipinaramdam niya sa 'kin pero anong ginawa ko sa kaniya? Iniwan ko siya sa ere. Naging masaya lamang ako sa iba, hindi ko na siya inisip pa.
Nasasaktan ko na siya pero wala man lang akong ginawa para mapawi ang sakit na nararamdaman niya.
"C-Ciara..."
Nanikip ang dibdib ko nang makita siya sa ganoong kalagayan. Puro sugat ang kaniyang mukha at maraming benda. Wala pa rin siyang malay. Mayroong tubo sa kaniyang bibig para tulungan siyang makahinga.
Nakaligtas si Ciara sa nangyaring aksidente. Isinangga ni Rhys ang kaniyang sarili para lamang mailigtas ang kakambal niya.
Mahal na mahal niya talaga si Ciara at kaya niyang ibuwis ang buhay niya para lamang dito.
"I-I am sorry... wala na ang kapatid mo..."
Muli na naman bumugso ang mga luha sa aking mga mata. Ano na ang mararamdaman niya sa oras na magising at wala na sa kaniyang tabi ang kapatid niya?
Ang lalaking naging sandalan niya at naging lakas para lumaban.
Gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya kahit huwag na ako kasi hindi ko na talaga magagawa pa iyon.
Hindi ko na magagawa pang maging masaya. Puro sakit na lang ang nararamdaman ko sa oras na ito.
Gusto ko na lang na mamanhid para wala nang maramdaman pa. Para makalimutan na lang ang sakit kasi putangina... nawalan ako ng kaibigan.
Hindi ko na muling masisilayan pa ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ang lahat ng aming alaala ay tanging sa litrato ko na lang mababalikan pa
"T-Tama-"
Hindi na niya naituloy pa ang kaniyang sasabihin kasi sinalubong ko siya ng malakas na sampal na kaniyang ikinagulat.
Mukhang mayroong nakapagsabi sa kaniya ng nangyari kaya nandito siya ngayon. Isa lang ang nasa isip ko sa oras na ito.
Kasalanan niya ang lahat kung bakit nangyari ang lahat nang ito...
"B-Bakit?"
Nanginginig ang palad ko habang diretso ang titig sa kaniyang mga mata. Gusto ko muli siyang salubungin ng malakas na sampal pero pinigilan ko ang sarili ko.
"K-Kasalanan mo ito... Kasalanan mo kung bakit nawala ang kaibigan ko... kung sana pinuntahan mo na lang si Ciara noong hinahanap ka niya, hindi na sana mangyayari pa ito! Hindi na sana siya magpupumilit pa na puntahan ka!"
Hindi ko na napigilan pang hampasin siya habang mas lumakas pa ang pag-iyak ko. Natulala naman siya sa sinabi ko.
"H-Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na okay lang na puntahan mo siya... pero tangina anong ginawa mo, ha? Nanatili ka pa rin sa 'kin! Hinahanap ka niya, Josh! Kailangan ka niya at dahil sa pagmamatigas mo, siya na mismo ang nagpumilit na pumunta sa 'yo para lang makasama ka... at ngayon... Wala na ang kaibigan ko nang dahil sa 'yo!"
Napaluhod na lang ako dahil sa panghihina ng aking mga tuhod.
"K-Kung sana nakinig ka na lang sa 'kin at pinuntahan mo siya, hindi na sana mangyayari pa ito... Hindi sana mawawala ang kaibigan ko sa buhay ko. K-Kasalanan mo ang lahat... Kasalanan mo..."
"I-I am sorry, kung ala-"
"P-Putangina, huwag ka nang umimik! Hindi ko na kailangan pa ng paliwanag mo kasi wala ka nang magagawa pa dahil nangyari na!"
Tinapik ko ang kaniyang kamay. Muli akong tumitig sa kaniyang mga mata kung saan bumubuhos na ang kaniyang mga luha.
Kahit na nanghihina na ang mga tuhod ko'y sinubukan ko pa rin na tumayo.
"J-Josh, hindi kita kayang tingnan kasi nasasaktan ako... Sobrang kinamumuhian kita... Galit na galit ako sa 'yo..."
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa tiyan ko at doon umiyak.
Mariin akong pumikit. "B-Bitiwan mo ako..."
Hindi niya ako pinakinggan. Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa 'kin na mukhang wala talaga siyang balak na bitiwan ako.
"M-Masaya pa tayo kanina, 'di ba? Kaya please, huwag naman ganito... Nagmakakaawa ako..."
Umiling ako. Pilit ko pa rin siyang tinutulak pero para siyang linta na nakakapit sa 'kin. Pinipigilan kong maging marupok sa oras na ito.
"B-Biti-"
"N-No... hindi kita bibitiwan kasi alam kong magagawa mo akong iwanan sa oras na makawala ka sa 'kin."
"P-Putangina, Josh! Ayaw ko na! Ayaw ko na sa relasyon na ito! Umalis ka na sa buhay ko kasi hindi na kita kailangan!"
Hindi totoo ang sinabi ko. Sobrang mahal na mahal ko siya pero hindi ko kayang maging masaya habang ang kapatid ni Rhys ay nagdurusa.
Kahit masakit, kahit mahirap para sa 'kin. Ipapaubaya ko ang aking kasiyahan sa kapatid ng kaibigan ko kasi nangako ako sa kaniya.
Hindi ko siya bibiguin.
"S-Sige ako na ang sisihin mo, ako na ang may kasalanan sa lahat. Putangina ako na! Huwag mo lang akong iwan. Parang awa mo na..."
Umiling ako. Nag-ipon ako ng lakas at itinulak siya. Nang magtagumpay ako'y mabilis ko siyang tinalikuran kahit na nanghihina pa ang mga tuhod ko.
Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap mula sa likuran ko. Siniksik niya pa ang kaniyang mukha sa leeg ko kaya ramdam ko ang pagbuhos ng kaniyang mga luha.
"J-Josh, please... Tapusin na natin ito..."
"H-Hindi... walang tatapusin kasi hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko..."
Mariin akong pumikit at inalis ang kaniyang mga brasong nakayakap sa 'kin. Inis ko siyang hinarap at sinalubong ng sampal.
Parang wala lamang sa kaniya ang ginawa ko kasi diretso lamang ang titig niya sa 'kin.
Masaya pa kami kanina pero ang kasiyahang iyon ay may kapalit pa lang pagdurusa at hinagpis.
"Pwes ako, kaya ko! Kaya kong mawala ka sa buhay ko kasi hindi naman talaga kita minahal... hindi totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo!"
Natigilan siya sa sinabi ko. Seryoso pa rin ang titig ko sa kaniya. Pinipigilan ko ang sarili kong bawiin ang mga salitang binitiwan ko.
I am sorry, Josh, pero tangina... Hindi ko magagawang manatili sa 'yo kahit sobrang mahal na mahal pa kita. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sisihan ka sa lahat kung bakit nangyari ito.
"H-Hindi ako naniniwala, sinasabi mo lang iyan para tuluyan akong bumitaw sa 'yo... Sige lang, ipamukha mo pa sa 'kin na hindi mo talaga ako mahal. Tatanggapin ko. Hindi pa rin kita susukuan..."
Hahawakan niya sana ang aking pisngi pero umatras ako palayo sa kaniya. Walang tigil pa rin sa pagbuhos ang luha naming dalawa.
"H-Happy birthday..."
Nakita kong nabuhay ang pag-asa sa kaniyang mukha sa sinabi ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Inaasahan niya siguro na babawiin ko ang mga salitang binitiwan ko pero nagkakamali siya.
"...at sa mismong araw na ito... tuluyan na kitang itinatakwil sa buhay ko..."
Tuluyan ko na siyang tinalikuran kasabay pa ng pagbuhos ng mga luha ko. Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon kasi alam kong susundan niya ako.
Hindi pwede... mas kailangan siya ni Ciara. Hindi ko na siya hahayaan pang makabalik sa buhay ko kasi paulit-ulit ko lang siyang ipagtutulakan para lamang sa iba.
"A-Ano? Masaya ka na ba? Masaya ka na ba na nawalan ka ng isang anak, ha?!"
Hindi ko na napigilang sabihin iyon nang makasalubong ko ang kanilang ama. Namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Mukhang ngayon lang niya pinagsisihan ang ginawa niya sa dalawa.
Nilampasan niya lamang ako. Agad naman akong sumakay ng taxi kasi hindi ko kaya pang manatili roon.
Hindi ko na kayang makita pa ang walang buhay na si Rhys. Tangina sana isang panaginip na lang ito.
Pero hindi, e, totoong wala na si Rhys. Tuluyan na niyang nilisan ang mundong ito at iniwan ako.
"L-Lolo..."
Sinalubong ko siya ng yakap at umiyak sa kaniyang bisig. Marahan naman niyang hinaplos ang aking buhok.
"Bakit umiiyak ang magada kong apo? Sinaktan ka ba ng hardinerong iyon?"
Hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya. Hindi niya pa nakikita si Rhys pero na-ikuwento ko na ito sa kaniya. Masaya siya kasi mayroon akong naging kaibigan na tulad nito na handa kong masandalan sa lahat.
"W-Wala na po ang kaibigan ko... iniwan na po ako ni Rhys... Ang sakit, Lo, sobrang sakit. Para po akong pinapatay..."
Napaluhod na lamang ako sa sahig. Agad naman akong dinaluhan ni Lolo at muling niyakap. Parang hindi na mauubos pa ang mga luha ko.
Pagod na pagod na akong umiyak
Pagod na pagod na akong masaktan.
Pagod na pagod na akong maiwan.
Pagod na pagod na ako sa lahat lahat.
"K-Kasalanan ko po ang lahat... Ako po ang dapat sis-"
"Kung ano man iyan, siguradong wala kang kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo kasi hindi magugustahan iyan ng kaibigan mo... Kung nasaan man siya ngayon, siguradong masaya na siya sa piling ng mga taong mahal niya sa buhay..."
Marahan niyang hinaplos ang aking likuran. Tama siya, siguradong masaya na si Rhys sa piling ng kaniyang Lola. Pero hindi ko pa rin talaga matanggap sa sarili ko na wala na siya.
Na hindi ko na siya muling makakasama pa.
"L-Lolo..."
Humigpit ang yakap ko sa kaniya. Siguradong nasasaktan na siya na nakikita niya akong ganito. Malambot pa naman ang puso niya at madaling maapektuhan.
Iniisip ko ang kapatid ko, siguradong bawat gabi ay umiiyak siya dahil sa kanilang pinagdaraanan ni Kuya Marcus. Walang dumaramay sa kaniya na hindi katulad ko na kasama si Lolo.
Sana lang ay maging masaya na ang kapatid ko.
"Anong gusto ng aking apo? Gagawin ang lahat ni Lolo para lamang bumalik ang ngiti sa mga labi mo..."
He cupped my face and wiped my tears. Nakikita ko sa kaniyang mukha ang sakit habang pinagmamasdan ako. Siguradong pulang-pula na ang aking mga mata at ilong sa kakaiyak.
"A-Ayaw ko na po rito... gusto ko na pong makasama si Mom... Ilayo niyo na ako sa lugar na ito... Please po, Lolo, puntahan na po natin si Mom... Hinihintay na niya po tayo roon..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top