Hindi Tugma
Isa lang ang hinangad ni Amaris pagtuntong niya sa kolehiyo-ang maging isang magaling na guro. Subalit, sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa halip na isang tahimik at simpleng buhay-estudyante, ibinigay sa kaniya ang kabaligtaran nang magtagpo ang landas nila ni Ryker, ang sikat at kinababaliwang senior Engineering student na tila ipinanganak para lang sirain ang bawat araw niya.Magkaaway sa umpisa, pilit na pinagtagpo ng mga pagkakataon, at paulit-ulit na sinubok ng hindi magkatugmang mundo. Paano nga ba sila nagkrus? Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang nabuong ugnayan sa gitna ng gulo? At sa huli... mauuwi rin kaya sa pagkaka-ibigan ang matagal na bangayan?…






