Chapter 5: Exchange
Hindi talaga huminto ang ulan. Humina pero tuloy-tuloy pa rin. Alas-singko na ako nakauwi sa condo. Sobrang bait ng mama ni Astro, nilabhan pa talaga ang damit ko. Kaso useless din, kasi pagsakay ko sa bus na dumaan sa highway, basa rin naman ako. Hindi nga lang super babad. Pero at least, nakaupo pa rin ako sa biyahe kahit naulanan nang kaunti.
Nagbukas ako ng dating app. Hindi pa rin talaga ako nila-like ni Astro. Feeling pogi naman 'tong animal na 'to.
Nag-swipe pa ako nang ilang beses. May mga nagla-like din sa akin pero nakakawalang-gana talaga. Once lang akong nagka-boyfriend, hindi na nasundan. Ang babaw nga ng reason ng breakup namin. Basta ayoko na lang. Walang third party. Walang nagloko. Wala nga kaming malalang away ng ex ko. Basta bigla ko na lang naisip na . . . "Ah, hindi para sa 'kin 'to."
Madali lang para sa aking maisip 'yon. Pero kay Lexie? Malabo ba sa tubig-baha ang posibilidad.
Nag-chat na lang ako kay Lexie para itanong kung papasa ba si Astro sa kanya.
Me: Lex, may reto ako sayo. Classmate ko
Lex: Nge? Blue eyes?
Me: Ilusyunada ka!
Lex: HAHAHA gusto ko blue eyes!
Me: WAO HA? BLUE EYES BA EX MO???
Lex: HAHAHAHAHAHA kaya nga gusto ko blue eyes para kahit iyakan ko, di nakaka-offend sa pakiramdam!
May point.
Pero pogi ang ex ni Lexie. Kamukha nga ni Song Kang. 'Yon lang talaga ang pinanghahawakan niyang advantage ng ex niya kaya hindi siya maka-move on.
Guwapo. May looks. Kaso isa ring may avoidant attachment. Magkaugali nga kami ng ex niya kaya nga sobrang hiwaga pa rin sa akin kung bakit nakatagal akong kaibigan ni Lexie samantalang ang ibang kaibigan ko na kasabay niyang pumasok sa buhay ko, mga hindi ko na nakakausap.
Nagdalawang-isip tuloy akong ireto si Astro sa kanya. From ex niyang mukhang Koreano to Astro? Tagilid ang bata ko.
Hindi naman sa hindi guwapo si Astro, pero kasi . . . hindi siya mukhang Korean o kaya Japanese o kaya pang-C-drama na artista. Maliban sa hindi kalingon-lingon ang itsura niya, ewan ko kung magkakasundo ba ang brainwaves nila ni Lexie.
Intellectual shits kasi ang trip ni Lexie. Tipong binibigyan pati meaning ng buwan at kung ano-anong philosophical bullshit.
Bobo naman pumili ng lalaki.
Hindi ko na rin gets.
***
Five days na sunod-sunod ang ulan. Pero five days din naman kaming online class. Problemado pa rin ako sa Chapter 4 namin kasi wala pa nga raw silang nagagawang Chapter 2. Five days na ang lumipas, wala pa rin 'yang punyetang Chapter 2 na 'yan. Ang ikinatataka ko naman, paanong nagkaroon ng Chapter 4 ang ibang grupo samantalang wala namang gumawa ng survey sa kanila?
Kakapa-check pa lang namin ng questionnaires, hindi pa nga approved 'yon. Sa ibang grupo, matatapos na raw sila.
Baka matatapos nang magbayad sa pinagpagawan nila.
Wednesday nang umaraw na. Nakapag-face-to-face class na kami makalipas ang ilang araw na pag-ulan.
Wednesday ko na lang din uli nakita si Astro sa room, at ang isa talaga sa kinabibiliban ko sa grupo nila mula noong malaman ko ang title ng feasib nila . . .
Seryoso talaga sila sa pagbebenta ng kalapati.
Hindi sila boys at the back dahil lahat ng babaeng maiingay, doon nagsipagtambakan. Ang puwesto ng grupo nina Astro, nasa gitna. So, naririnig namin ang usapan nila kapag nag-aayos sila ng feasib nila.
Maririnig pa talaga namin silang bumabanat ng marketing strategy. May SWOT analysis pang nalalaman ang mga animal. Kami nga, wala pa kaming SWOT analysis!
"'Tol, yung sa breeder, babayaran din natin 'yon!" malakas na sabi ni Jester, hinahampas pa ang mesa habang nakatayo siya.
"'Yong feeds, 'tol! Mahal 'yong feeds!"
Ang ingay nila sa gitna ng room, para silang nasa korte.
Kanya-kanyang turo sila, biglang may papalakpak, may hahampas sa mesa, sabay-sabay silang magtatawanan.
Pero ang pinag-uusapan nila, mga kalapati.
Sa isip-isip ko, siguro iisa lang ang midwife ng mga 'to.
Hindi ako makapag-focus sa laptop ko kasi maliban sa maingay na nga, magko-costing ako nang wala pa kaming research. So hindi ko alam kung ano ang menu, hindi ko alam kung kanino huhugutin ang equipment, malay ko kung ilan kami at ano-ano ang mga posisyon namin sa negosyo kasi wala pa nga kami kahit organizational chart!
Parang inaasar ako ng blinking cursor, naghihintay yatang dumugo ang utak ko para lang may maisalpak ako sa white screen.
Hanggang alas-diyes lang ang klase namin. Huwebes bukas kaya wala akong pasok. Ewan ko kung magmi-meeting pa ba kami tungkol sa feasib namin. Nate-tempt na lang talaga akong magpa-Recto, hindi na kasi sulit ang sakit ng ulo ko kahihintay ng Chapter 2.
Paglabas ko ng gate ng school, nakasabay ko na naman si Astro. Wala na siyang kasama, mukhang maghihintay na lang talaga 'to ng jeep pa-Hilltop.
"Akala ko, may motor ka?" sabi ko.
"Oo nga."
"Ba't di mo ginagamit?"
"Magkano lang pamasahe, 13. Gas ng motor ko, 760. Marunong ka ba sa math?"
Ang lakas ng tawa ko sabay hampas sa braso niya.
Oo nga naman.
Minsan hindi ko na rin sure kung sino ang mahina ang utak sa aming dalawa.
"Parang walang jeep ngayon? Kanina pa kaunti 'yong dumadaan, puro pa puno," sabi niya nang mapansin ang kanina ko pa napapansin.
"May strike ba ngayon?"
"Hindi ko nga rin alam. Lakad tayo doon sa kabilang terminal?"
Napakamot na lang ako ng ulo. Wala kasi talagang dumadaan. Ni wala ngang tricycle! Sa terminal pa sasakay kung tricycle.
"Gagi, naglalakad din sila sa may terminal, o." Habang naglalakad kami, paglingon namin sa kabilang kalsada, ang haba ng prusisyon ng mga naghihintay rin yata ng sasakyan.
"Parang dapat sa kabila tayo?" sabi ko pa sabay turo sa pinanggalingan namin.
Saglit kaming huminto na dalawa. Napanguso ako. Kung tatawid kami, ang haba ng pila. Baka hapon na ako makauwi.
"Huy! Bente!"
Napalingon ako kay Astro. May dinampot siya sa gilid ng gutter.
"God provides!"
"Ba't namumulot ka na diyan ng barya?!" natatawang tanong ko. Pinapagpag na niya sa black pants niya ang buong barya na napulot niya.
"Thank you, Lord, sa blessing!" Binulsa niya agad ang barya saka inilagay ang palad niya sa ibabaw ng mga kilay bago lumingon sa paligid. "Wala talagang jeep, man."
"Balik tayo sa kabila," aya ko.
Lumakad na naman kami pabalik sa gate ng school habang nakatingin na sa kabilang kalsada.
"Alam mo, parang pinapagod na lang natin sarili natin," sabi ko.
"Alam ko na!" hiyaw niya. "Dito ka na lang. Uwi ako, kunin ko motor ko, 'tapos kunin kita rito 'tapos uwi tayong dalawa."
Tinitigan ko pa siya nang three seconds sabay tawa nang malakas. At seryoso siya!
"Mag-Death March na lang uli tayo, hahaha!" natatawang sabi ko.
"Nagsa-suggest na nga ako, e."
"Ang bobo naman nito. Uuwi ka 'tapos babalik ka dito 'tapos uuwi ka na naman. Ano 'yon?"
Napakusot na lang siya ng mata at hindi ako sinagot. Nilingon na naman niya ang kabilang kalsada. Padagdag nang padagdag ang tao sa kabilang terminal. May pumasok doong jeep na bagong dating. Pero sa haba ng pila? Malamang hindi agad makakasakay lahat.
"May bus!" sigaw sa kung saan.
Sabay kaming napatingin ni Astro sa paparating na bus na dadaan sa SM, eksakto pa doon malapit sa condo ko.
Kumaripas agad kami ng takbo, paunahan na lang.
Malayo pa lang, sinisilip na namin ang loob.
Shet, sardinas.
"SM! SM!" sigaw ng kundoktor.
Nakipaggitgitan kaming dalawa sa iba pang pasahero, makasakay lang.
"Paurong diyan sa likod! Makakasakay lahat!"
'Tang inang makakasakay lahat, buong QC na yata ang laman ng bus.
Siksikan talaga kami. Katabi na nga ni Astro ang driver. Wala nang maurungan sa likod. Hindi na rin makakaakyat sa loob kasi puno na. Amoy baktol pa lahat, tarages.
Ang hawak na ni Astro, sa windshield na ng bus. Nakatayo naman ako sa harapan niya. Kaharap ko naman ang kundoktor na nagtatawag pa rin ng pasahero kahit na wala nang humihinga sa loob ng bus.
"Kuya, puno na, grabe namang buwakaw 'yan?" sermon ko.
Hindi na komportable sa loob. Pasalamat na lang siguro ako kasi hindi na maulan ngayon. Pero kahit hindi maulan, ang hassle talagang sumakay.
Standing na nga kami, nasa entrance pa!
Nang magpreno ang bus, liparan kaming lahat sa harap.
Hindi pala ako kasama. Nakawit agad ni Astro ang kanang braso niya sa baywang ko.
"Hoy, dahan-dahan naman, o! May buntis dito!" sigaw sa likuran namin.
Dikit na dikit ang likod ko kay Astro. Parang gusto kong bawiin 'yong amoy baktol lahat.
Ano ba naman kasing amoy nito ni Astro, hindi pang-mandirigma.
Sa sobrang siksikan namin, hindi na nakasingil ang kundoktor kasi wala nang malakaran sa loob. Kada baba na lang tuloy ng mga pasahero, saka niya inaabangan ang bayad.
Pagtapat namin sa gate ng Hilltop, siniko ko agad si Astro na naka-hook sa baywang ko para hindi ako tumilapon sa windshield. Baka kasi hindi niya nakikita kung nasaan na kami.
"Oo." Tumango lang siya pero nagsara na ang pinto ng bus, hindi pa rin siya bumababa.
"Gagi, lampas ka na," sabi ko pagtingala sa kanya.
"Hindi 'yan."
"Yawa ka, ang layo ng bahay ko sa inyo."
"Oo lang."
Nakasimangot na lang ako nang tingalain siya. "Bahala ka diyan, lampas ka na."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top