Chapter 22
"Excuse! Dadaan ang dyosa!"
Tawang-tawa kami dahil sa kararampa ni Darrel. Paano ba naman kasi ay sobra niyang nagustuhan ang regalong natanggap niya mula rito kay Santino. Pangalan kasi ni Darrel ang nabunot niya.
"T*ng ina mo, bakla! 'Pakayabang mo ah." Mura sa kaniya ni Faith na kanina pa inaasar ni Darrel.
Paano ba naman kasing hindi maiinis itong si Faith ay mug ang natanggap niyang regalo. Aanhin daw niya 'yon kung sa bahay nga nila wala ng paglagyan ang mga tasa nila? Tawang-tawa tuloy kami dahil asar na asar siya kay Grey. Si Grey kasi ang nakabunot sa pangalan niya. Pinag-tripan ba naman ang exchange gift.
"Alam mo, sana ako nalang ang nabunot mo." Wika ko.
"Pa'no? Hindi ka naman kasya sa fish bowl." Napapikit ako ng mariin sa pamimilosopo ni Santino. Pilosopong gago 'to ah.
"Sige ituloy mo, Ae. So, bakit gusto mong mabunot ko ANG PANGALAN mo?" Maagap na sabi niya. Inirapan ko siya at tumingin sa gawi nila Darrel na ngayon ay nagka-kantahan na. May pa-videoke kasi ang Raven. Kami lang yata ang may pa-ganito ngayong christmas party.
"Sana pangalan ko nalang ang nabunot mo, edi ako sana ang may suot ng branded na hoodie." Tapos aasarin ko rin si Darrel kung paano niya kami inaasar ngayon. "Kung bakit ba naman kasi mahigit dalawang libo ang presyo ng regalo mo, samantalang 200-500 pesos lang ang nakalaan per head para sa exchange gift."
"Kung kasalanang maging mayaman edi sorry." Natawa ako sa isinagot niya. Nag-sorry pa talaga.
"Hoy, Aelia! Kantahin mo 'to oh." Talagang isinigaw pa ni Darrel sa mikropono ang pagtawag sa akin.
Ayoko sanang kumanta kaso hinila na naman niya ako palapit sa harapan. Wala namang pakealam ang iba naming classmates dahil may kaniya-kaniya naman silang ginagawa. Isa pa, tapos naman na ang room program kaya malaya na kaming gawin ano man ang gusto naming gawin. Gano'n din ang ibang mga sections.
♪ Alam mo ang ganda mo pala, Pag tumawa ang yong mata
Hinahabol ko ang bawat mong tingin, ngunit ito'y di' mo napapansin ♪
Sinasabayan pa ng palakpak nila Darrel ang beat ng kanta kaya napapangiti ako. Ano ba 'yan, ginaganahan tuloy akong kumanta!
♪ Wala akong maipagmamayabang porma ko pasimple simple lang
Sino ba ako walang dating sayo, Di tayo bagay sobra mong 'gwapo' talaga ♪
"Ba't ba kasi sobrang mong gwapo, kras!!" Sigaw ni Darrel, pasayawa-sayaw pa sila nina Faith.
♪ Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito ♪
Nagulat ako nang biglang agawin ni Santino ang microphone mula sa akin....
♪ Ang buhay ng'yon sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pag sumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko ohhhh... ♪
Wow naman. May boses naman pala itong si Santino. Hindi sing-lamig ng kay Arc, pero hindi rin naman sintunado. Pang-banyo kumbaga.
♪ Oh kay sarap mong kasama
Napapawi mga problema
Magaan dalhin kay sarap lambingin
Yun nga lang ay kaibigan kita ♪
Inagaw ulit ni Santino sa akin ang microphone, "Rule number one. H'wag mahulog sa kaibigan." Natawa kami pareho pati sina Darrel. Para tuloy naging party club itong classroom sa sobrang ingay namin.
♪ Akala ko mapipigil ko
Pero lalong nahuhulog sayo
Nang yong mabuking tinanong mo sakin
Dapat bang pagbigyan pag-ibig natin mahalin... ♪
"Paano natin pagbibigyan ang pag-ibig natin, kung ako lang ang may nararamdaman sa atin?" May pabiro at nakangiting dugtong ko sabay nag-hooo sina Santino. Inagaw niya ulit ang microphone sa akin para ituloy ang kanta.
♪ Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito ♪
Kinuha ko ang microphone sa kaniya, "Paano ako sasama sa byahe kung sa sasakyan mo iba ang gusto mong i-angkas na babae?"
"T*ng ina, bumabanat si gaga!" Sigaw ni Darrel. Napuno tuloy ng tawanan at kaka-ayiiee ng iba ang classroom. Pati nga ang mga kaklase naming may kaniya-kaniyang mundo kanina ay nakikisabay na.
♪ Sa iba'y ito laro lamang
Away away puro selos lang
Ang iba'y nagsisisi
Ang sabi, Wag na wag ko raw pasukan
Wag namaaaaaaaan!!! ♪
Natawa ako dahil sa pag-birit ni Santino dahilan ng pag-piyok niya, pero go na go parin naman siya at talagang feel na feel pa niya ang kanta. Iniabot niya sa akin ang microphone...
"Hindi ko na papasukan. Ang puso niya, hindi ko na papasukan dahil may iba na itong nilalaman." Banat ko ulit dahilan nang pag-sigaw nila.
"Aelia for the GO! Ang malanding hugotera, numero uno sa balota!!" Sigaw ni Darrel. Sobrang hyper niya, grabe!
Tawang-tawa ako at sa sobrang tuwa. Nag-duet pa kami ni Santino sa last chorus, pero napawi ang ngiti ko nang mahagip ng mga mata ko si Arc na nakatingin sa amin. Nasa bandang likod sila nitong room katabi niya sina Grey at Miggy na naglalaro sa mga phone nila. Teka, kanina pa ba siya nando'n? Narinig kaya niya 'yong mga banat ko?
Malamang eh naka-mikropono ka, Aelia! Oo na, wala siyang pakealam do'n, pero pakiramdam ko kasi ay dapat hindi niya 'yon narinig.
Parang nalunod ako ng hiya simula nang makita ko si Arc na nasa classroom din pala. Nakalimot ba naman akong kaklase namin siya kaya malamang nandito rin siya. Buti nga at hindi na ako napilit nina Darrel na makipag-sabayan ulit sa kanila sa kantahan.
Nagpaalam muna ako sa kanila na magc-cr, pero ang totoo ay um-exit lang ako para makabili ng bottled water sa cafeteria. Si Santino, ayun, ang lakas ng trip maki-rides sa pag-kanta. Piyok nga ng piyok kanina, pero todo bigay parin siya. Buti nalang gwapo siya.
Tumambay muna ako rito sa campus park, pero rito ako sa may bench dahil kasalukuyang sini-set ang stage para sa year-end party bukas. Dito kasi sa park gaganapin 'yon. Minsan lang 'to kada taon kaya talagang pinag-hahandaan ng mga teachers at principal.
"Sana lang kaunti ang tao bukas..." Bulong ko habang binubuksan ang bottled water. Itinungga ko ito pagkatapos.
"You're too early to be here for tomorrow." Halos masamid ako nang marinig ko ang boses ni Arc. Naubo pa ako at pinunas ang tubig sa labi ko gamit ang likod ng palad ko.
"I didn't know, you're this excited to perform." Naupo siya sa tabi ko. Napa-usod tuloy ako palayo tiyaka inayos ang upo ko.
"Sinong nagsabing excited ako? Tumakas nga ako ro'n sa kantahan sa classroom." Pag-amin ko.
"Tumakas? I didn't see it that way." Komento niya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya nang nakakunot. Ba't ba nag-e-english na naman siya? At bakit ang gwapo pakinggan?
"Bakit naman?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. "Because I saw how you enjoyed singing with Santino." Bakit ba ganito siya tumingin? Nakakatunaw ng puso.
"Can you sing as the band's vocalist like what you did back in the room?"
Ibinalik ko ang tingin ko sa mga taong nasa stage para maiwasan ko ang tingin ni Arc. "Mukha akong baliw ro'n, Arc..."
"But that's the Aelia I want to see on stage." Pakiramdam ko ay natigil ang oras at ang tanging naiwang gumagalaw lang ay ang mabilis na pag-tibok ng puso ko.
Tiningnan ko si Arc. "I want you to be yourself. I want you to express yourself on stage, with the presence of people while doing what you love...I want you to feel the freedom of music, Aelia...Why don't you sing without concealing your feelings?"
Sinubukan kong matawa sa sinabi niya, "Ano bang sinasa----"
"Sing like you're confessing."
Natigilan ako.
Saan ko nga ba mahahanap ang tamang mga liriko para masabi ko sa 'yong gusto kita, Arc? Paano ko nga ba aawitin ang mga notang hindi ko mailabas mula sa puso ko dahil alam kong...alam kong posibleng maging sintunado ang mga ito? Dahil kailanman, hindi magiging tugma ang mga ito sa mga notang nandiyan sa puso mo.
"H'wag kang mag-alala, gagalingan ko bukas." Sinubukan kong maging natural sa pag-sagot.
Una sa lahat, ayokong may magbago sa kung ano ang mayro'n sa amin ni Arc ngayon oras na nagpakatotoo ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Kaya naman, kahit na ilang pagkakataon na ang naibigay sa akin para umamin sa kaniya, mananatili akong tahimik hanggang sa araw na hindi na siya ang laman ng puso ko. Alam kong...darating din ang araw na 'yon. Lilipas ang lahat ng 'to na parang isang mahabang kabanata lamang ng kwento ko.
"Tara, gala?"
"Huh?" Wala sa sariling tanong ko. Si Arc ba 'to? Parang hindi siya. Naga-aya kasi bigla gumala.
"Novo De Lapas?" Kibit-balikat na sagot niya. Buti naman at hindi ako sinagot ng 'hatdog'. "Piesta do'n sa Pelderpia. Tara makikain."
Natawa ako. Si Arc ba talaga 'to?
"What?" Nakakunot na tanong niya dahil sa pag-tawa ako.
"Pupunta ka pa makiki-piesta para lang makikain? Ayos ka ah." Natatawa parin ako.
"Sarap kasi no'ng shanghai nila ro'n. Tara."
"Ano? Shanghai? Seryoso ka ba? Dahil lang sa shanghai makikidayo ka pa?" Hindi ko maiwasang hindi matawa. Sinapian yata 'to.
"May milktea house ro'n---"
"Edi tara dumayo." Nauna pa akong tumayo. Ano ba 'yan, masiyado naman akong na-excite sa milktea.
"Akala ko ba ayaw mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya't nakangisi. Bwiset na ngisi 'yan.
"May sinabi ba akong ayoko? Tinatanong ko nga 'di ba kung seryoso ka---"
"Dami pang sinasabi, milktea lang naman ang katapat." Bulong pa niya na rinig na rinig ko naman. "Let's go." Nauna siyang naglakad kaya sumunod ako nang may malawak na ngiti sa labi. Pagbibigyan ko nalang ulit ang sarili kong kiligin.
"Bakit iisa lang ang helmet? Pa'no ka?" Tanong ko nang marating namin ang motor park malapit sa campus main gate. Medyo malayo-layo kasi sa Novo De Lapas kaya mas safe kung pareho kaming may helmet katulad noong una kong punta ro'n na kasama sila. Nagkakaroon pa naman ng pakpak 'tong Aerox niya. Tiyaka baka mamaya mahuli pa kami sa daan.
"Just wear it. Iniwan ko 'yong isa sa Lakwatsero. Daanan nalang natin." Sagot niya.
Katulad nang sinabi niya ay dinaanan muna namin ang isa niyang helmet sa bar ng tito niya bago kami dumiretso sa Novo De Lapas. Saan na naman kaya nasagap nitong Arc na 'to ang balitang piesta ng Barangay Pelderpia? May kamag-anak o kakilala ba siya ro'n?
Na-enjoy ko ang buong biyahe dahil sa mga nadaraanan naming view. Namamangha parin talaga ako sa ganda ng Novo De Lapas kahit ilang beses na akong nadaraan dito. Mabilis padin naman ang pagpapatakbo ni Arc sa sasakyan niya, pero mas mabilis noong una naming punta rito na kasama sina Vanessa. Halos murahin ko nga siya no'n.
Bumaba ako sa pagkaka-angkas sa motor niya matapos niyang iparada ang sasakyan sa harap ng may kalakihang bahay. Tinanggal ko ang suot kong helmet at tiningala ang up and down na bahay na nasa harap namin. Ang ganda naman, may terrace pa sa itaas na may dekorasyong mga halamang nakapaso. Kahit rito sa hardin nila sa baba ay may mga iba't ibang uri rin ng halaman. Hindi maikakailang plantita ang may ari rito.
"Bahay ni'yo?" Tanong ko kay Arc kasabay ng pag-linga ko sa mga sasakyang nakaparada rin dito sa labas. May mga tricycle, motorsiklo at four wheels naman ang iba. "Mukhang madami yata kayong bisita, Arc." Parang na-doble tuloy ang hiya ko.
"It's Clifford's. Tara sa loob." Kinuha niya ang helmet mula sa kamay ko. Sumunod naman ako papasok sa gate.
Hindi ko maiwasang mapalinga sa buong hardin nila. Sakto lang naman ang laki ng buong lote nila, pero halatang may kaya sa buhay ang may-ari. Nahagip ng mga mata ko ang motor na naka-parada sa may ilalim ng punong mangga: Smash na itim. Kay Clifford 'yon.
"Uy, Master!" Sinalubong kami ni Clifford bago pa kami makapasok sa loob ng bahay nila. Namilog pa ang mga mata niya nang makita ako. "Buti nakasama ka, ganda!" Hindi na talaga niya pinalitan ang tawag niya sa akin. Nakakailang parin.
"Hindi ni'yo man lang ako sinabihan na piesta pala ni'yo rito. Kung hindi pa nagyaya si Arc, hindi ko alam." Kunwaring may pagtatampo sa tono ko.
"Sorry na, ganda. Biglaan din kasi. 'Di nga kami dapat matutuloy dahil do'n sa by-room na Christmas Party, tiyaka dapat may practice pa tayo ngayon, ang kulit lang kasi ng mga magulang ko, masiyadong demanding." Nagpaliwanag pa siya kaya natawa tuloy ako. Natigil ako nang mapansing wala na si Arc sa tabi namin. Nasa'n na 'yon? Excited namang makatikim ng shanghai.
"Ikaw ah, ano ng status ni'yo ni Master?" May pang-aasar sa tono ni Clifford. Kulang na nga lang ay mag-ayiee siya. "Baliw. Malisyoso ka rin talaga. Sigurado, assumero ka rin."
"Anong----tara na nga lang sa loob!" Napakamot siya sa batok niya't hindi na itinuloy ang sasabihin nang pagtaasan ko siya ng kilay. Natatawa tuloy akong sumunod sa kaniya papasok sa loob ng bahay nila.
Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang magandang living room. May apat na bata pa na mukhang nasa 6 hanggang 8 years old ang may kaniya-kaniyang phone habang kaniya-kaniyang posisyon sila sa sofa at nasa carpet naman ang iba.
"Mga pinsan ko 'yan." Tukoy ni Clifford sa kanila. Natigil kami nang sinalubong kami ng isang batang lalaki. Hinila nito ang kamay ni Clifford, "Kuya, laro na tayong PubG." Ano? PubG?
Tiningnan ko si Clifford, pinanlakihan siya ng mata. Alanganin naman siyang ngumiti. H'wag niyang sabihing tinuturuan na niya 'tong mga pinsan niyang mag-PubG?
Ginulo niya ang buhok ng pinsan niya, "Maya, tol. Kain muna si Kuya, okay?"
Masunuring tumango ang bata bago bumalik sa pwesto nito. Binalingan ko ng tingin si Clifford, mukhang alam na niya ang sasabihin ko kaya inunahan na niya ako, "'Di ko na kasalanang expose 'yang mga 'yan sa gadyet. Kusa nilang na-discover ang PubG, tinuruan ko lang sila kung pa'no laruin. Hindi ako nag-volunteer ah, nagpaturo sila. Sino ba naman ako para tumanggi? Isa lang naman ako sa pinaka-gwapo at generous na pinsan nila."
Tinaasan ko siya ng kilay, "In short, konsintidor ka."
"Hey, Aelia." Napalingon kami kay Xander na kapapasok lang ng pinto. "Sure ball nandito si Cali." Tumango ako at nagkatinginan na naman sila ni Clifford dala ang nakalolokong ngisi nila. Ano na namang mayro'n?
Napatingin kami sa pinto nang sumunod na pumasok si Ardaine na may dalang plastic. "Uy, ano 'yan? Pahingi!" Agad siyang nilapitan ni Clifford, pero mabilis na inilayo ni Ardaine sa kaniya ang plastic. "Gago, pansahog 'to ro'n sa caldereta para mamaya."
"Eh ba't mo nilalayo?" Hindi parin tumitigil sa pag-osyoso si Clifford. Napailing nalang ako. Paano kaya 'to natatagalan nila Arc?
"Let's go there, Ae." Iginiya ni Xander ang daan papunta sa kusina. Naabutan naming kasalukuyang inihahanda sa hapag ang mga pagkain. Grabe, piestang piesta. Ang sasarap ng mga pagkain. May pancit, spaghetti, kakanin, puto at kutsinta, palabok, at may cake pa at maliit na letchon, eggrolls at fried drumsticks. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapalunok. Nakakagutom naman.
"Calm down." Napalingon ako nang marinig ko ang bulong ni Arc sa tainga ko. Bwiset 'to, nagulat pa ako. Ngingisi-ngisi pa siya kaya naman inirapan ko. Buti nga sa kaniya walang shang....Sinundan ko ng tingin ang inilapag na lalagyan ng shanghai sa mesa.
"'Di talaga nawawala ang shanghai ni Tita kapag handaan." Komento ni Xander. Ito siguro ang mama ni Clifford, kamukha niya eh. Maputi ang mama niya, maamo ang mukha at may katangkaran.
"Gumawa talaga ako niyan, at dinamihan ko para sa inyo lalo na para rito kay Arc."
"Thanks, Tita." Nakangiting pasasalamat ni Arc. Mukhang close na close ang mga magulang nila.
"Sandali...kaibigan ni'yo rin ba itong marikit na dalagang kasama ni'yo?" Medyo nailang ako nang mapatingin sina Xander at Arc sa akin na nasa magkabilang gilid ko. Bakit ba naman kasi marikit pa ang sinabi ng mama ni Clifford?
"She's----"
"Ah, Ma!" Napatingin kaming lahat kay Clifford na kadarating dito sa kusina. Lumapit siya sa tabi ko, inakbayan pa niya ako. Ano na namang kalokohan nito? "Gusto ko nga palang ipakilala..."
"Gerlpren mo ijo?" Tanong ng matandang babae na tahimik at pinagmamasdan lang kanina ang ginagawang paghahanda sa hapag ng mama ni Clifford. Lola siguro niya.
"Hin---"
"Liligawan ko palang po." Halos mabali na ang leeg ko nang lingunin ko si Clifford dala ang namilog kong mga mata. Anong sinasabi niya?
"Tita, nanti-trip lang po 'yang anak ni'yo. Wala ngang may gustong patulan 'yan." Buti at nakisama sa usapan si Ardaine.
"Anong----" Naputol ang dapat na sasabihin ni Clifford nang magsalita ang Mama niya, "Sandali...sandali...n-nililigawan ka ba talaga nitong si Clifford, ija?" Hindi ito makapaniwala nagtanong sa akin.
"Aba't napakabata mo namang mag-gerlpren, apo. Mana ka talaga ro'n sa tatay mo." Komento ng Lola niya dahilan nang matawa kami.
"Aba kung gano'n, dapat sana, anak, sinabihan mo ako kaagad na pupunta rito ang nobya mo para madagdagan pa natin itong handa. Hindi ko tuloy alam kung ano ang paborito niya. Para sana nakapagluto man lang ako." Ang masasabi ko lang ay napaka-swerte ng magiging nobya ni Clifford sa magiging byenan niya.
"Ah...ang totoo po niyan..." Nagsimula akong magsalita. Tiningnan ko si Clifford na nagpipigil ng tawa na ngayon ay nakaakbay na kay Arc. Sandali kaming nagkatitigan ni Arc hanggang sa ako na ang kusang nag-iwas ng tingin. Bakit parang ang hirap mag-explain? "Hindi po kami ni Clifford..."
"Anong hindi kayo?"
"They're not a couple, Tita." Si Arc ang sumagot kaya napatingin ako sa kaniya na saktong inalis niya ang braso ni Clifford na nakaakbay sa balikat niya.
"She's our friend, Tita. Siya po ang bagong vocalist ng Neptune. Aelia Dela Fier...Ae, meet Tita Claudia, and Lola Evelyn." Si Xander ang maayos na sumagot.
"Nice meeting you po." Magalang na bati ko kahit na kanina pa ako narito.
"Ibig mong sabihin, ija ay hindi mo boyfriend itong anak ko?" Paniniguro ni Tita Claudia.
"Hindi po." Magalang na sagot ko.
"Aba'y bakit hindi?" Napalingon kami nang dumating ang lalaking mukhang kagagaling sa lakad.
"Uy, Erpats!" Binati ni Clifford ang tatay niya ng isang fist bump.
"Sinong may ayaw sa anak ko?" Nadako ang tingin nito sa akin.
"I heard you bought a brand-new service, Tito. Patingin ako." Biglang umeksena si Arc na siyang pinagpapasalamat ko. Bakit ba kasi hindi nagsasalita itong si Clifford para i-explain na hindi niya ako jowa?! Ngingisi-ngisi pa. Lakas ng tama.
"Oo nga pala, Arc! Tara't iingitin kita." Inakbayan ng Papa ni Clifford si Arc paalis ng kusina.
"Let me see too!" Sumunod si Xander palabas ng bahay.
Nagsidatingan rin ang mga bisita nila Clifford ilang minuto lang ang lumipas. Karamihan ay mga bisita ni Tito Darwin. Ngayon ko lang nalamang tanod pala rito sa Brgy. Pelderpia ang Papa ni Cliff. Kaya hindi na ako magugulat kung bakit marami-rami ang bisita nila. May mga ilan pa ngang dayo mula sa ibang bayan ang naki-piyesta sa kanila. Karamihan ay may katungkulan ding ginagampanan sa gobyerno.
Nagtataka ako noon kung bakit sa Valenciano pa nag-aral si Clifford, eh ang dami naman niyang pwedeng mapagpipiliang eskwelahan dito sa Novo De Lapas. Na-kwento ni Tita Claudia na sa isang Real Estate Company sa Luksiao raw nagta-trabaho ang nakatatandang kapatid ni Clifford. Mas prefer daw kasi nito na mag-uwian kaysa mangupa nalang ng apartment. Dahil malayo-layo ang Novo De Lapas mula sa Luksiao, do'n sa bahay ng pumanaw nilang lola nila sa Valenciano muna nananatili ang panganay na anak ni Tita. Mas malapit ang Valenciano sa Luksiao kompara naman dito sa kanila.
Pumanaw na ang lolo't lola nila sa side ni Tita Claudia kaya walang nakatira ro'n sa bahay nila sa Valenciano. Iyong ibang kapatid naman ni Tita ay nakapangasawa na rin sa ibang lugar. Kaya para may kasama ang kapatid ni Clifford, do'n na rin siya nag-stay ngayon kaya nag-transfer siya sa Valenciano noong 2nd year.
"Ae! It's your song." Ikinumas pa ni Vanessa ang kamay niya na lumapit ako ro'n sa may pavilion dahil nandoon ang videoke. Nag-iinuman pa ro'n sila Tito Darwin. Tinotoo talaga niya na sasaksakan niya ako ng kanta.
"Isa lang ah." Natawa siya sa sinabi ko.
"Let's give a round of applause to the vocalist of Neptune! The one and only, Aelia Dela Fier!" Anunsiyo pa niya bago niya iabot sa akin ang mikropono.
Nagpalakpakan ang mga bisita kahit nasa kaniya-kaniya nila silang mga pwesto. Pati nga ang mga may sariling mundo't nagku-kwentuhan at kumakain sa may tabi ay naagaw ni Vanessa ang atensyon nila. Nakakahiya tuloy! Baka mag-expect itong mga bisita na biretera ako katulad niya.
"Hoooo! GO AELIA!!" Sigaw ni Clifford. Hinintay pa talaga niyang manahimik ang mga bisita nila bago siya sumigaw. Napatingin tuloy sila sa kaniya.
Nadako ang tingin ko kay Arc na nakatingin sa akin. Nginitian ko siya ng tipid. Alam kong hanggang pag-hanga lang ako sa 'yo, Arc. Alam ko na hanggang dito lang ako, humahanga ng pa-sikreto sa 'yo.
♪ First time I laid my eyes on someone like you
I can't forget the hour, that moment with you
Then I have realized, love's growing deep inside
I feel the beating of my heart ♪
Hindi ko rin alam kung totoo ba ang 'love at first sight'. Kung talaga bang nangyayari rin ito sa tunay na buhay. Ang alam ko lang kasi ay sa mga libro at pelikula lang nangyayari ang gano'ng pagkakataon. Sa kaso ko? Nagustuhan ko siya noong unang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kung 'love at first sight' ba 'yon. Hindi ko rin alam kung paano nangyaring bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba sa tingin niya.
Yon ang unang beses na na-realize kong hindi lang pala sa mga piksiyonal na leading man posibleng tumibok ang puso ko. Kundi sa isang tao na totoong nage-exist sa mundong 'to. Sa isang taong nagngangalang, Arche Callisto Salviez.
♪ 'Cause every day, every night
I keep looking up the skies
And I pray that someday
You will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I'll be there ♪
Kung totoong nagkakatotoo ang bawat hiling natin sa mga bituwin, siguro paulit-ulit kong hihilinging, siya na lang ang leading man sa love story ko. Kung tagapakinig ang mga bituwin ng panalangin, siguro, ilang beses ko na ring ipinagdasal sa kanila na sana...sana magkaroon ako ng kahit kaunting espasyo lang sa puso niya. Kahit hindi na pang-habang-buhay. Kahit sa maikling panahon lang dahil alam ko namang hindi magtatagal at lilipas din ang panahon kung nasaan kami ngayon.
♪ Spending my days and nights
Just thinkin' of you
How you make me wanna smile
With the things that you do
When will I hear you say?
Love's coming on your way
And that you start to feel the same ♪
Sa totoo lang, gusto ko siyang pasalamatan ng sobra dahil isa siya sa dahilan ng mga ngiti ko. Kung bakit araw-araw, masaya akong gigising hanggang sa makapasok sa main gate ng Valenciano High hanggang sa pagkatapos ng buong klase.
Alam kong nakakatawa kung itatanong ko pa sa sarili kong: Siya kaya? Minsan na rin ba akong naging dahilan ng ngiti niya? Alam ko naman kasing kung may makapagpapangiti man sa kaniya, 'yon ay walang iba kung hindi ang pagtugtog niya ng gitara. Bagay na sobra kong hinahangaan sa kaniya.
♪ 'Cause every day, every night
I keep looking up the skies
And I pray that someday
You will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever... ♪
Kung hindi man ako ang leading lady sa love story mo, hihilingin ko na lang na sana mahanap mo ang taong magmamahal sa 'yo ng totoo, iyong magugustuhan ka ng tunay at higit pa sa kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo.
Kahit na hindi tayo ang para sa isa't isa, tandaan mo na palagi akong nandito para suportahan ka.
♪ Call my name and I'll be there... ♪
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top