Chapter 21
"You're ten minutes late." Ayan ang kaagad na bungad sa akin ni Arc pagkapasok ko sa music room. Nakayuko lang ako hanggang sa maibaba ko ang bag ko. "Sorry."
"Let's start."
Sinimulan namin kaagad ang practice tulad ng dati. Dalawa lang naman ang kakantahin namin. Ilang beses na rin kaming nag-practice kaya alam na alam ko na ang bawat pasok na gagawin ko, pero hindi katulad nang mga dati naming practice ang practice namin ngayon. Ilang beses akong nagkamali sa pasok ko, ilang beses din akong na-out of tune at nakalimot ng lyrics.
"Aelia, you're spacing out." Komento ni Arc.
"S-sorry----" Naka-ilang sorry na yata ako nang putulin ni Xander ang sasabihin ko, "Are you okay, Ae? Parang ang tamlay mo. Are you sick?"
"Oo nga, may sakit ka ba, ganda?" Segunda ni Clifford.
Pinilit kong ngitian sila, "Ayos lang ako. Gutom lang---" Natigilan ako nang dumampi ang mainit na palad sa noo ko. "Hindi ka naman nilalagnat." Halos hindi ko namalayang nakalapit na si Arc sa akin. Inalis din niya ang palad niya mula sa noo ko. Napaiwas ako ng tingin. "Sorry. Puyat lang siguro 'to."
Napatingin ako kina Clifford nang bigla silang tumikhim ni Xander. Parang inuubo na nga sila at halata namang may halong pagpapanggap ang mga 'yon. "Salatin mo rin ang noo ko, baby Xander~" Malandi at nakababaklang saad ni Clifford sabay hablot sa braso ni Xander para ilapat ang palad nito sa noo niya.
"Mmm...Don't worry, babe. Hindi ka nilalagnat." Pag-sakay naman ni Xander.
"Mga g*go." - Ardaine
Napailing nalang rin ako. Ang lakas talaga ng tama ng mga 'to.
"Let's stop for now. Just get some rest for today." Napatingin kaming lahat kay Arc na ibinaba na ang gitara sa stand nito.
"Weh? Ikaw yata 'tong nilalagnat." Komento ni Clifford na parang matatawa pa. First time bang mag-cancel ni Arc ng practice? Teka, h'wag niyang sabihin dahil sa ak----tama, hindi dapat ako mag-assume ng sobra. Concerned lang siguro siya sa member niya o baka hindi niya gusto ang ang nangyayari sa practice ngayon.
"So, pwede ng umuwi?" Paniniguro ko. Tumango lang si Arc.
"Ayown! Sa wakas! Tara gala, Xander." Ibinaba na rin ni Clifford ang gitara niya sabay hablot sa bag niyang nasa sahig.
"Where to?"
"Sa dating tambayan. Kahit 30 minutes lang, tol."
"How about you, Cali? Sama ka?" Alok ni Xander. Nakasukbit na rin ang isang strap ng bag nito sa kanang braso niya. Napatingin ako kay Arc na biglang napatingin sa akin. Nag-iwas kaagad ako. Bakit ba tingin siya ng tingin? Nakakainis.
"Pass. May ihahatid pa 'ko. Tara na, Aelia."
Parang nabingi ako sa sinabi niya. Nauna ng naglakad palabas ng music room si Arc na talagang sinundan pa ng tingin nina Xander, pagkatapos ay nalipat ang tingin nila sa akin. Makahulugan ang mga tingin at nakaloloko ang ngisi nila.
"Hinahatid ka pala ni Cali, huh."
"'Na ol may ka-angkasan stage." Segunda ni Clifford kay Xander at natawa sila. "Angkas din kita, Ara." Malawak ang ngiti ni Cliff na binalingan si Ardaine, pero mabilis itong nagtaas ng kamay para pakyuhan si Clifford. Kahit ako ay natawa sa kanila.
"Ikaw, Erin, sama ka tol? Do'n sa may----"
"I have to run some errand." Pinutol niya kaagad si Clifford matapos niyang makatayo at dire-diretsong lumabas. Nilampasan lang niya kami habang nakatutok ang atensyon niya sa phone. Mmm, mukhang may ka-chat yata. Natanaw ko kasi ang screen niya nang dumaan siya sa harap ko.
"Tayo nalang tatlo. Si Aelia, ihahatid naman na raw." Nakangisi si Ardaine at mukhang pati siya ay nakidamay sa pang-aasar sa akin. Hay, kung alam lang nila ang pinagdadaanan ko ngayon.
Sabay-sabay kaming lumabas ng music room. Nauna na silang tatlo sa akin dahil nga may pupuntahan pa raw sila. Doon yata sa may bilyaran sa may kanto. Tumambay muna ako rito sa bench malapit sa campus park. Binuksan ko ang messenger app ko para i-chat si Darrel na hindi natuloy ang practice namin. Sana hindi pa siya nakakauwi para may kasabay ako.
Habang nagta-type ay natigil ang daliri ko nang may sasakyang pumarada sa harap ko. Ilang segundo nagtagpo ang mga tingin namin ni Arc. "Hop in."
Sinubukan kong umaktong natural sa pamamagitan ng pag-ngiti ko ng tipid. "Ayos lang. Hihintayin ko nalang si Darrel. Sabay kami." Ipinakita ko pa sa kaniya ang screen ng phone ko.
"Are you sure?" Nakakunot siya at hindi ko alam kung bakit parang hindi siya naniniwala sa akin. Bakit ba ang kulit niya? Hindi nalang siya umalis. "Nag-chat sa 'kin si Darrel. Hatid na raw kita dahil nauna na siya."
Ngayon, ako naman ang napakunot sa sinabi niya. Mukhang nabasa ni Arc ang ekspresyon ko na may pagdududa kaya naman inilabas niya ang phone nito mula sa bulsa ng suot niyang pants. Tahimik niyang ipinakita sa akin ang convo nila ni Darrel. Pakiramdam ko ay gusto kong sabunutan si Darrel sa ginawa niya.
Pinapasundo talaga niya ako kay Arc at sinabi pa nito, "Ingatan mo yang bestfriend ko, mamahalin ka pa niyan." At ito namang si Arc ay nag-heart react pa. Hindi ako palamura, pero gago ba si Arc at may pa-react-react pang nalalaman? Ayan tuloy umaasa na naman ako.
"Maaga pa naman. Do'n nalang ako sa terminal----"
"Just hop in, Aelia. Binilin ka sa 'kin ni Da----"
"Ok nga lang, Arc." Pinilit kong ngumiti. "Kaya ko naman ang sarili ko, tiyaka sayang gasolina. Sige na, una na 'ko." Tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis, pero mabagal niyang pinaandar ang motor niya habang sinusundan ako sa tabi.
"You know what, you're a little bit different today." Komento niya.
Napabuntong-hininga ako bago siya hinarap. Itinigil naman niya ang motor niya. Ang bigat sa pakiramdam ng presensiya ni Arc. "Are you getting bothered about the event? Kinakabahan ka ba sa magiging performance mo kaya ka wala sa sarili kanina?"
Hindi ako kaagad nakasagot hindi dahil hindi ko alam ang isasagot ko kung hindi dahil sa concern na tono ni Arc. Umiling ako. "Hindi 'yon. Napuyat lang talaga ako."
"Kaya nga umangkas ka na para ihahatid na kita. You should get some rest." Bakit ba kailangan mong magpaka-gentleman sa akin, Arc? Ayan tuloy, mas lalo akong nahuhulog sa 'yo.
"Alam mo kung sino ang mas kailangan ng rest? Si Tamy. Alam mo bang---"
"Can we just not talk about her, Aelia?"
Natahimik ako dahil parang nairita si Arc sa dapat na sasabihin ko. "Ano? Aaangkas ka o bubuhatin pa kita para i-sampa ka sa likod ng motor?" Masungit na tanong niya. Napabuntong hininga ako't inirapan siya dahil mukhang wala na rin naman akong magagawa kung makikipagtalo pa ako sa kaniya.
"H'wag mong masiyadong bilisan."
"I know." Taksil ang labi ko dahil napangiti ako sa mabilis na sagot niya.
Tinotoo ni Arc ang sagot niya dahil sakto lang ang bilis ng pagda-drive niya. Pakiramdam ko nga nabo-bored na siya dahil mas sanay naman talaga siyang magpa-lipad ng motor kaysa mag-drive ng sasakyan na parang karo ito ng patay.
"Ba't tayo tumigil dito?" Tanong ko nang iparada niya ang sasakyan niya sa tabi ng Sweet Haven. Bumaba ako at inayos ang buhok kong nilipad ng hangin. Wala kasing dalang helmet si Arc ngayon.
"Ikaw kung gusto mong sumayaw sa loob." Pamimilosopo niya tyaka nauna ng naglakad papasok. Umamba pa akong susuntukin siya nang bigla siyang napalingon sa akin kaya bigla ko siyang nginitian sabay nag-finger heart. Napakunot siya at nang ma-realize ko ang nakakahiyang ginawa ko ay napaayos ako ng tayo. Tumikhim ako at tuloy-tuloy na naglakad papasok, nilampasan siya. Ano ka ba naman, Aelia, umayos ka nga!
"Anong gusto mo? Libre ko." Naabutan niya ako sa may counter. Tinitingnan niya ang screen sa bandang taas kung nasaan ang menu. Yaman ah. Bago pa ako makasagot ay nagtanong siya, "Vanilla?" Tanong niya. Nakangiti akong tumango. Natandaan pa niya 'yon.
"One large vanilla milk tea and small for strawberry flavor, please."
Pansin ko, paborito yata ni Arc ang strawberry. Napangiti ako habang hinihintay namin ang order namin na kaagad din naming nakuha. Bilis naman ng pag-serve nila rito.
Naupo kami ni Arc sa high stool na may pahabang mesa kaharap ng babasaging salamin kung saan makikita ang mga sasakyang nagdaraan sa labas. Kung sa mga libro lang, napaka-romantic ng eksenang ito. Napatingin ako sa milktea niya. Ang unfair yatang small ang kaniya habang large size itong akin. 'Di bale na nga. Susulitin ko nalang, tutal naman nag-prisinta 'tong kasama ko na libre niya.
Tahimik lang ako habang sinisipsip ko ang straw ng milktea. Gano'n din naman si Arc nang sulyapan ko ulit siya. Akala ko nga mabibingi na ako dahil sa katahimikan nang bigla niyang basagin ito. "Have you seen the latest post on campus private page?" Naubo ako sa tanong niya.
"I see. Mukhang nakita mo na nga." Saad niya na parang sa pag-ubo ko ay nalaman niyang nakita ko na ang picture nilang dalawa ni Tamara na magkasama na siya ring tinutukoy niyang latest post.
"Bukas nasa campus board na 'yon naka-paskil. Hashtag, CalliAra." Masiglang komento ko. Tiningnan niya ako na parang may mali sa sinabi ko. "Oh, bakit?" Natatawa ako.
"Ano na bang mayro'n sa inyo ni Tamy at ganiyan ka makapag-react? Parang ang bitter mo naman, Arc." Sinubukan kong gawing magaan ang usapan.
Ibinalik niya ang tingin sa harap ng bintana. "Why do you like talking about her when you're with me? Wala ka bang ibang maisip na topic?" Masungit na tanong niya, pero itinawa ko nalang, "Syempre. Si Tamy siya eh. Interesting topic 'yon para sa 'yo tyaka hindi ba----"
"No, it's not interesting at all, Aelia." Seryosong putol niya sa sasabihin ko. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko kaya ako naman ang nag-tuon ng tingin sa bintanang nasa harap namin.
"Hindi ba gusto mo siya?" Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong, siguro dahil na rin hindi ako nakatingin sa kaniya. Mas komportable kasi kapag ganito. "Alam ng buong Ravens ang special something sa inyo ni Tamy noong third year tayo. Kaya nga hanggang ngayon kayo parin ang best love team, hindi lang sa classroom kung hindi sa buong Valenciano."
"Is that something I should be proud of?" Tanong niya. Ramdam kong nakatingin siya sa akin, pero hindi ko na sinubukan pang salubungin ang mga mata niya.
"Siguro. Ayaw mo bang makatanggap ng Best Love Team award?" Pabiro kong tanong, hindi mapigilang hindi siya tingnan.
"That's nonsense." Mapaklang sagot niya.
Huminga ako ng malalim bago sumipsip sa straw ng milktea ko. "Naniniwala ka siguro na kapag nagka-gusto tayo sa isang tao sa edad natin ngayon, lilipas din 'to na parang wala lang. Na darating din ang panahon na pagtanda natin, kapag naisip mo 'yong taong nagustuhan mo dati, matatawa ka nalang. Matatawa ka kasi ang childish mo pala at maki-cringe ka pa dahil inakala mong true love na 'yong naramdaman mo."
"I agree that you can't find true love at a young age. You may find someone you really like, but true love? I think, no people at our age are yet capable of feeling that kind of love. At this age, the romantic feeling someone might feel is not love but closer to deep admiration. Most of us are just deluded and confused with the difference of the two."
Napatingin ako sa kaniya. So, isa ka pala sa mga taong naniniwala talaga na lilipas din ang nararamdaman ng isang kabataan kapag nagka-gusto ito. Katulad ng nararamdaman ko sa 'yo.
Katulad ng sinabi ni Arc, naguguluhan lang ba talaga ako? Baka dahil masiyado pa kaming bata, hindi ko pa talaga alam ang pinagkaiba ng pagmamahal sa paghanga.
"Paano mo malalaman ang pinag-kaiba ng dalawa? Kapag nasa tamang edad na tayo?" Napasipsip ako sa straw ng milktea ko. Naramdaman ko ang pag-tingin ni Arc sa akin. "Siguro nga tama 'yong sinasabi ng mga magulang natin...Masiyado pa tayong bata para magka-gusto at magmahal ng seryoso at malalim dahil ang pagiging kabataan, lumilipas. Nagbabago ang pakiramdam at pati pananaw natin sa buhay."
"Are you afraid that your special feelings towards the person you like might fade as you grow older?"
Napatingin ako kay Arc. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya. Takot nga ba ako na dumating ang panahon na mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya? Hindi ba mas maganda 'yon? O takot akong dumating ang araw na siya parin ang laman ng puso ko?
"Your silence speaks louder."
Natauhan ako nang magsalita siya. Hindi ko namalayang tuluyan na akong natahimik.
"Sabihin nalang nating...takot akong dumating ang araw na siya parin ang laman ng puso ko."
Nagkaroong ng katahimikan sa pagitan naming dalawa matapos ang sinabi ko. Hindi na rin ako umimik pa. Akala ko wala ng sasabihin si Arc dahil masyado ng nagiging ma-drama ang usapan namin nang bigla siyang magtanong na ikinakabog ng puso ko, "Do you like him that much?"
Ito na dapat ang pagkakataon kung saan aamin iyong extra na babaeng character sa leading man. Ito na ang perfect opportunity ko. Kung nandito nga lang si Darrel, siguradong siya na ang aamin para sa akin kay Arc. Pero hindi...Hindi pwede.
Oo. Gusto kita Arc. Gusto na kita noon pa man. Gusto na kita bago pa naging malapit ang loob ninyo ni Tamara. Bago pa nagkaroon ng CalliAra.
"Hoy, sila Arc 'yon ah." Narinig ko ang boses ni Faith hindi kalayuan sa amin. Bigla akong kinabahan dahil siguradong kasama nila si Tamara.
"Akala ko may practice kayo." Pero huli na nang makalapit sila sa amin para makiupo.
"Cancelled." Tipid na sagot ni Arc. Humarap na rin ako sa kanila. Nagtagpo ang mga tingin namin ni Tamy. Mabilis akong umiwas dahil parang nako-konsensiya ako. Hindi naman dapat dahil wala rin namang sila ni Arc hindi ba?
"Hey, nandito rin pala kayo." Si Hailey at si Presley ay lumapit din matapos nilang makuha ang mga orders nila sa counter.
"Uuwi na rin kami-----"
"Tumugtog pala ang Seven noong nakaraan sa bar ni Tito Mike, Arc. Did you just forget to inform me? Fan pa naman nila ako. Sayang." Nakasimagot si Tamy. Alam ko at ramdam kong nagpapanggap siya dahil ang totoo ay nasasaktan siyang makita si Arc.
"Next time. Biglaan din kasi." Sagot ni Arc. Ini-invite na pala noon ni Arc si Tamy sa Lakwatsero?
"By the way, we need to leave. You can have our table. Let's go, Aelia." Tiningnan ako ni Arc. Hindi ako kaagad nakapag-respond. Napatingin pa ako kina Faith na parang mga nagtataka dahil magkasama kami ni Arc. Malamang nagtataka sila kung bakit bigla nalang kaming naging malapit ni Arc at bakit kailangan pa naming magsabay na umalis.
"Ikaw, Aelia, huh~" May pang-aasar sa boses ni Hailey.
"Malisyosa ka, Pres. Sige na. Una na ako. Bye!" Nag-wave pa ako sa kanila. Nagkangitian pa kami ni Tamara bago ako umalis. Bahala na silang magbigay ng malisya. Tutal doon naman magaling ang mga tao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top