Chapter 3 : Thousand Cases

Dedicated to : Erika_Era. Sorry kung dito na kita idededicate. Completed na kasi 'yung AJKT. Btw, thanks for the comments!

- - -

3 : Thousand Cases

"Girls, I think you need to go home na. Kami na ni Claude ang bahala sa labi ni Elmer," sabi ni Sir Arellano.

Napatingin ako kay Mandy. Nanginginig pa rin siya. Hindi ko alam kung dahil sa nangyari kanina, o dahil malamig dito sa labas at dahil madaling araw na. Tulala pa rin siyang nakatingin sa glass door ng ospital kung nasaan ang mga pulisya na nag-iimbistiga tungkol sa nangyari kanina. Sinubukan ding kuhaan ng impormas'yon si Mandy pero hindi namin siya maka-usap kaya ako ang kinuhaan ng statement.

Sinabi ko lahat ng nakita ko. Dahil bukod kay Mandy, ako lang naman ang isa sa mga nagdala kay kuya Elmer dito sa ospital. Hiningi rin nila ang number ko in case na may mga follow-up questions pa sila sa akin at kung sakaling kailangan pa nila ng mga karagdagang impormasyon.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa isang sementong upuan na nasa tapat mismo ng emergency glass door ng ospital. Nandito rin naka-upo si Mandy pero may halos dalawang dipa ang layo niya sa akin. Wala pa siyang kinaka-usap bukod kay Claude na nasa tabi niya ngayon at pilit pa rin siyang pinapakalma. Maya't-maya rin siyang lumilingon sa paligid at umiiyak. Tingin ko hindi pa rin siya maka-move on sa nangyari kanina.

Ako rin naman.

Mas'yado akong nabigla sa bilis ng mga pangyayari kanina. Hindi ko inaakalang makakasaksi ako ng ganoong karumal-dumal na krimen. Ang weird lang dahil walang nakaka-alam sa kung anong tunay na nangyari kay Kuya Elmer. Ang sabi kasi kanina no'ng kapatid niyang doktor, maayos na raw ang lagay ni Kuya Elmer. Then bigla na lamang kami nabulaga dahil sa nangyari. Pinatay pa niya ang sarili niya.

"Nasaan na po pala 'yung kapatid ni kuya Elmer?" Tanong ko kay Sir Arellano. Hindi ko sinagot ang payo niya na dapat umuwi na kami ni Mandy. Isa pa, mukhang hindi ko pa naman maaaya si Mandy na umuwi ngayon dahil hindi pa rin siya natitino ni Claude.

"Ang alam ko, sumama siya sa mga pulis para magbigay ng statement. Hindi ko nga siya naka-usap bago siya umalis," sagot ni Sir Arellano habang tumitingin sa iba pang mga pasyente na naka-upo sa iba pang mga sementong upuan.

May mga hinihingan din ng impormas'yon tungkol sa nangyari kanina. 'Yung iba naman pilit na pinapakalma ng mga kaanak nila. 'Yung iba naman mas piniling umuwi na lang kaysa manatili pa sa ospital. Kaya ang nangyari, kahit hindi pa p'wedeng idischarge, pinilit na nilang ilabas sa ospital 'yung pasyente. Siguro ililipat na lang nila ng ospital o sa bahay na lang icoconfine.

"Mandy, tahan na. Tapos na 'yon. Please, umuwi na kayo ni Eunice," narinig kong saad ni Claude kaya napatingin ako sa kanila ni Mandy.

"S-si ku-kuya E-Elmer," nangangatal na saad ni Mandy. Simula nang mangyari 'yung kahindik-hindik na pangyayari kanina, ngayon na lang siya ulit nagsalita.

"Shh... wala na si kuya Elmer. Dinala na siya sa morgue. Tahan na," pilit na pagpapatahan ni Claude sa nobya niya. Inipit pa niya sa likod ng tainga ni Mandy ang mga buhok na humaharang sa mukha nito. Walang tigil pa rin si Mandy sa pag-iyak habang hindi mapalagay ang mga mata sa paligid na para bang takot na takot at hindi malaman kung anong dapat gawin.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Nakilala ko si Mandy bilang open at palabirong babae. Marahil 'yun din ang nagustuhan ni Claude sa kaniya. Straight to the point siya magsalita, at hindi sensitive. Pero ngayon, parang hindi na siya si Mandy na nakilala kong co-pharmacist. Parang ibang tao na siya.

Siguro kung mahina rin ang isipan ko sa mga ganitong sitwas'yon, parehas kami ni Mandy na matutuliro at mawawala sa tamang pag-iisip ngayon.

Mga ilang minuto pa, namalayan ko na lang na dumarami ang mga ambulans'ya na umaalis sa ospital. Maya't-maya rin ang balik ng mga ito kaya naman inaya ko na si Mandy na umuwi. Bigla kasi akong kinabahan. Mabuti na lang at maayos na siya at napatahan na ni Claude, sa kundisyon na kasabay namin siyang umuwi ni Mandy.

"Pasens'ya na. Hindi ko kayo maihahatid. May kailangan kasi akong puntahan ngayon," ani Sir Arellano kaya napatango na lang kami. "Claude, ikaw na ang bahala sa kanila. Ingat kayo pauwi," dagdag pa niya bago siya naglakad papunta sa kung nasaan nakapark ang kotse niya. Hinintay namin itong mawala sa paningin namin bago kami naglakad palayo sa ospital para makahanap ng masasakyan.

Ilang minuto ang lumipas bago kami nakahanap ng taxi. Nagpahatid kami sa apartment kung saan kami umuupa ni Mandy. Nagpa-alam kami kay Claude. Hinalikan pa niya sa noo si Mandy bago kami tuluyang bumaba ng taxi.

Nang mawala sa paningin namin ang taxi kung saan nakasakay si Claude, umakyat na kami sa ikatlong palapag ng apartment. Mabuti na lang at nasa bulsa ko lang palagi ang susi ng room namin at hindi nilalagay sa bag ko. Naiwan ko kasi sa pharmacy 'yung bag ko dahil sa biglaang pagsugod namin kay kuya Elmer sa ospital.

"Ayos ka na ba?" Tanong ko kay Mandy pagpasok namin sa inuupahan naming k'warto.

"Mas maayos kaysa kanina," tugon niya bago patayin ang nakabukas na TV at ilaw sa labas. Sinalubong kami ng mahimbing na natutulog niyang kapatid. Yakap-yakap ng limang taon niyang kapatid ang paborito nitong stuff toy na stitch. Halos kasing laki niya ang kulay blue na stuff toy at natatakpan ang kalahati ng mukha niya.

"Kita mo nga naman, big boy na 'yang kapatid mo. Marunong maglock ng pintuan. Plus, marunong magpatay ng ilaw. Matalino, manang-mana sa akin," ani ko bago tumawa ng mahina. Binibilinan kasi namin siya na ilock ang pintuan at isarado ang bintana kada aalis kami ng ate niya para pumasok sa trabaho at kung walang magbabantay sa kaniya. Pinapa-alalahanan din namin siya na buksan ang ilaw sa labas para kung may tao sa labas, madali niyang makikita, at buksan ang TV para walang magtangkang pumasok sa loob ng inuupahan namin sa pag-aakalang may tao.

Wala kaming choice kundi ang iwan dito ang kapatid ni Mandy. Una dahil hindi naman namin siya p'wedeng isama sa trabaho. Hindi kami p'wedeng magsama ng bata roon alinsunod sa polisiya ni Sir Arellano. Pangalawa, walang mapag-iiwanan si Mandy sa kaniya dahil wala na silang iba pang kamag-anak dito sa Manila. Alam naman namin na safe siya dahil maya't-maya siyang chinecheck ni Ate Bhabi, 'yung land lady.

Gaya ngayon, nandito sa tabi ni Maldi, kapatid ni Mandy, si Ate Bhabi, natutulog din.

"Anong mana sa'yo? Duh. Kapatid ko 'yan siz. Nasa dugo namin ang matatalino," mataray na saad ni Mandy.

"Mukhang okay ka na nga," natatawa kong tugon pero inirapan lang ako nito. "Gisingin mo na si Ate Bhabi. Baka hinahanap na ng mister niya 'yan sa baba," utos ko kay Mandy.

Sinunod naman niya ang inutos ko at agad na tinapik sa balikat si Ate Bhabi. Pupungas-pungas na gumising si Ate Bhabi at umupo mula sa pagkakahiga. Kinusot niya ang magkabilang mata niya at kumakamot sa buhok na tumingin sa amin.

"Nandiyan na pala kayo," inaantok niyang saad. "Umiiyak 'to kanina. Gusto kang hintayin Mandy bago siya matulog. Hanggang sa ayan, tinulugan ko kaya nakatulog na rin siya," natatawang saad ni Ate Bhabi. "Paano, una na ako ha? Hinahanap na ako ni Bibi Labs ko sa baba," dagdag pa niya bago tumayo at dumaretso sa pintuan.

"Salamat sa pagbabantay kay Maldi, Ate Bhabi," pahabol na wika ni Mandy kaya ngumiti si ate Bhabi bago tuluyang lumabas sa k'warto at isara ang pinto.

Nilock ko ang pintuan at agad na napatingin kay Mandy. Mukhang ayos na nga siya at mukhang nakalimutan na niya 'yung nangyari kanina.

Nagbihis na kami at nagpalit ng damit pantulog.

Namalayan ko na lang na nakatulala ulit si Mandy sa kawalan.

"Mandy?" Pagtawag ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin habang nakahiga kami sa magkabilang kama. Katabi niya si Maldi at inangat ang kumot ng kapatid niya hanggang sa balikat nito. Nakita ko pang niyakap siya ni Maldi kaya napangiti ako.

"Bakit?" Tanong niya.

"Ayos ka na ba talaga? Tulala ka nanaman e," wika ko.

"Ayos na ako. May naisip lang ako."

"Ano naman?"

"'Yung nangyari kanina sa ospital. 'Yung nangyari kanina kay kuya Elmer," tugon niya kaya nanaig ang katahimikan. Napatingin siya sa akin. "Ano kayang nangyari sa kaniya 'no? Bakit kaya bigla siyang naging gano'n. Para siyang serial killer?"

Napaisip ako ng malalim.

Ano nga kayang nangyari kanina kay kuya Elmer?

- - -

Alas cinco ng umaga, nagising ako.

Pinagpapawisan ako kahit nakabukas ang aircon at may nakatutok na electric fan sa akin. Napatingin ako kay Mandy at Maldi na parehong mahimbing na natutulog. Magkayakap pa sila.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya tumayo ako at dumaretso sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Dala ko ang cellphone ko at nagbukas ng facebook para malaman kung may mga messages ba si Mama o si Papa sa akin. Miss ko na talaga sila dahil last year ko pa sila huling nakita. Balak ko sana na sa susunod na buwan ay sa kanila ako magbakas'yon.

Naglabas ako ng pitsel mula sa ref at nagsalin ng tubig sa baso.

Nag-iiscroll ako sa newsfeed ko nang may umagaw ng atens'yon ko. Isa siyang poster na may kulay pulang font at parang mula sa isang network sa TV. Naudlot tuloy ang pag-inom ko ng tubig dahil sa balitang iyon.

BREAKING NEWS
ABC NEWSTV.
August 27, 2020

Cases of Suicide all over the world increases up to 5%. Nadagdagan ng halos isang daan pa ang kaso ng pagpapatiwakal sa bansang Taiwan, bukod pa sa naunang isang-daan at tatlong naitala kagabi ng WHO, sumakatutal na dalawang daan at tatlong kaso. Ang bansang Indonesia, umabot na sa isang daan at limang pu't anim ang namatay dahil sa pagpapatiwakal. Ang Malaysia, lumobo sa isang daan at tatlungpung kaso.

Sa buong mundo, nagkaroon na ng halos isang libong kaso ng pagpapakamatay sa loob lamang ng tatlong araw. Ito na ang pinakamabilis at pinakanakaka-alarmang naitala sa kaso ng pagpapatiwakal. Nasa ibaba ang total na kaso sa bawat bansa.

Taiwan - 203
Indonesia - 156
Malaysia - 130
Japan - 103
Singapore - 101
China - 99
South Korea - 99
Thailand - 96
Italy - 87
Philippines - 75
Greece - 68
New Zealand - 54
The Netherlands - 34
Khazakstan - 27
South Africa - 12
Brazil - 6

Binasa ko 'yung ilan sa mga comments sa baba ng headline.

Comments :

Jessica Elianor : This is insane! It reminds me of the 2018 murder-suicide cases!

Allison Medina : There's a rumor that the 2018 curse has been awaken! No'ng 2018, marami ring nag-suicide sa hindi malaman na dahilan. Nauulit nanaman.

Erlinda Sarmin : Nakakatakot na lumabas! Naaalala ko nanaman 'yung pagkamatay ng kaibigan ko two years ago. Tingin ko ganito rin ang nangyari no'n.

Habang umiinom, nagscroll down pa ako sa newsfeed ko. Doon ko lang nalaman na kalat na kalat na pala ang balita na ito. Para iyong nakakahawang sakit na mabilis na kumalat sa internet. Sa twitter, youtube at iba pang social media sites, 'yon lahat ang topic.

Anong meron?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top