Chapter 8
"Taray he likes journalists daw!" Hagikgik ni Vanessa nang makalabas kami sa café.
Binigyan niya ako ng nakakalokong tingin at ngiti nang magtama ang paningin namin. Hindi ko siya pinansin at dire diretsong lumabas nalang para kitain sa likod ng mall sina Geor at Zara. Sinisigawan pa ako ni Vanessa ng journalist daw.
Sarap busalan ng bibig neto.
"Hoy Jay este- Lexi! Bes! Wait!" Habol sakin ni Vanessa. Hindi ko siya pinapansin at hindi pinakikinggan ang walang tigil na pang-aasar.
Parang gusto kong umatras at umuwi mag-isa nang mapagtantong nakita nina Geor at Zara yung saglit na pag-uusap namin nina Jay at sigurado akong tatanungin nila ako. Sigurado rin akong ikekwento ni Vanessa ang nangyari.
"Oy nakita ko 'yon! Grabe kamandag mo 'te ah?" Pang-aasar ni Geor.
Inirapan ko lang siya ng bahagya at napanguso.
"Anong sabi? Kinuha number mo?" Tanong ni Zara.
Nasa harapan ko silang tatlo habang nakangiti ng nakakaloko. Hindi ko naman kasi inakalang kilala pala ako nung Jay na 'yon. Hindi nila ako titigilan hanggang mamaya o kahit kelan.
"Oo," sagot ko.
"Talaga? Ano sabi mo?" Tanong ni Geor na mukhang excited sa sagot ko.
Sabi ko pasa load.
"Sabi ko pa-load, GIGA 99," nginisihan ko silang tatlo at nilagpasan.
Nanggigil si Geor at Zara at inambaan pa akong sasabunutan pero napaharap ako sakanila. Naabutan ko ang pagbawi nila ng kamay nilang nasa ere na hihilahin na sana ang buhok ko.
"Ayos kasi!" Maktol ni Geor.
"Ano ba kasi 'yon?" Natatawang tanong ko sa nakangusong Geor ngayon. Dapat pala number niya binigay ko eh baka sakaling matuwa pa.
"Hiningi nga number mo?" Ulit niya.
"Oo nga!" Nauubos na pasensyang sagot ko.
"Ayiee!" Ayan na nag-asaran na nga. Sabi ko na eh, kapag nagsimula ang mga 'to mahirap na patigilin.
Wala naman akong balak ibigay ang number ko pero nangialam 'tong si Vanessa. Baka mamaya sabihin ng Gian ko may kabit ako kahit wala naman talaga 'no! Baka mamaya....
"Bet daw ni kuyang pogi mga journalist 'te!" Bulalas ni Vanessa. Napasinghap ang dalawa at hinarang ako sa paglalakad ko. Ang bilis nilang makarating sa harapan ko kaya napatigil ako.
"Ano?"
"Ayun na 'yon Lexi! May bago ka ng fafa!" Si Geor na pumalakpak pa habang kinikilig.
"Switch to kuyang coffee shop na kesa kay Gian suplado!" Si Zara.
"Oy! Never ko ipagpapalit 'yon si Gian... Sainyo nalang si kuyang kanina kung bet niyo, Gian ako hanggang dulo!"
Hindi ko alam kung simpleng paghanga pa ba 'to o hindi na. Bumibilis ang tibok ng puso ko at timitiklop kapag nand'yan siya. Sumubok ako ng ibang tao ang gustuhin pero hindi ko kaya.
Possible nga bang maging sobrang lakas ng paghanga natin sa tao to the point na wala na tayong makitang iba kundi sila? Nalilito ako kung ano pa ba ang tawag sa damdamin na 'to. Simpleng crush o...
"Hay na'ko kahit hainan mo ng artista 'yan si Alexine ay kay Gian padin ang bagsak n'yan! Devoted 'yan, daig pa devotee ng poong Nazareno," humalakhak si Vanessa.
"Ewan ko sainyo, tara na nga!"
Natapos kaming magmall at inihatid na kami ng driver nina Geor sa kanya kanya naming bahay. Gustong gusto ko sanang bayaran yung mga binili niya pero huwag na daw at sa susunod na gala ay ilibre ko nalang daw sila sa fastfood.
Kahit anong yaman man ng mga kaibigan ko ay simple lang naman ang mga gusto nila. Hindi sila mapili sa pagkain at parang normal lang din kung umasta. Nakain ng tusok tusok sa tabi at walang arte sa ihahain sa harap mo. Kahit sagana sa salapi ay hindi naman gaanong ka-abusado, kaya siguro nagkakasundo kaming apat.
Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si Ate Kass na nanonood ng Netflix sa sala. Napatingin siya sa direksyon ko at bumaba ang tingin sa dala kong dalawang supot ng watsons.
Balak ko sanang magpaturo sakanya kung paaano ba ginagamit 'yon lahat dahil medyo nakalimutan ko na yung tinuro ni Geor kanina. Hindi naman ako sanay gumamit ng make ups at pang skin care kaya hirap din ako matuto.
"Oh, Ano 'yan?" Tanong ni ate sa dala ko.
Bomba Ate Kass.
"Pang mukha, Ate..." sagot ko at itinaas ng konti ang dalawang plastic.
Napa 'o' ang bibig niya at napakunot pa ang noo iniisip siguro kung bakit ako may dalang ganito. Ilang segundo ang lumipas ay namilog ang mga mata niya at napasinghap ng malakas. Sumigaw pa siya dahilan para lumabas si Kuya Maccoy sa kwarto niya.
"Ano 'yon?! Bakit?!" Natatarantang tanong ni Kuya habang nababa sa hagdan.
"Dalaga na si Lexine! Bumili ng pang skin care, Kuya!" Naiiyak na sabi ni Ate Kass.
Nasapo ko ang noo ko. Dapat pala hindi ko sinabi at dumiretso nalang ako sa kwarto 'no? Pwede naman sana akong manood nalang ng tutorials pala kesa humingi ng tulong kay ate na natili na ngayon.
"Sakit mo sa tenga Kassandra. Kumalma ka nga!" Saway ni Kuya sakanya at kumalma naman siya.
"Bakit ka may ganyan? May umaway ba sa mukha mo?" Lumapit sakin si Ate at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Wala ka namang pimples... Tell me! May umaway sa'yo?" Inalog niya ng konti ang balikat ko. Hindi naman ako makasagot dahil hindi niya ako pinagsasalita!
"Pwede mo naman sabihin na-"
"Ate kalma pwede? Pagsalitain mo nga ako." Natigil siya sa sinabi ko.
The always paranoid Kassandra Dominguez, papaulanan ka muna ng tanong bago ka pagsalitain.
"Eh kasi naman-" magsasalita pa sana si Ate nang takpan ni Kuya ang bibig nito gamit ang palad niya. Napairap ako at ngumuso.
"Gusto ko lang mag-skin care... Na-concious ako sa balat ko, pwede mo ba ako turuan, Ate?" Tanong ko.
Binilhan talaga nila ako ng ganito, Nung una hindi naman ako concious at hinayaan ko lang silang magsasalita don pero naisip ko na maganda rin mapangalagaan ko ang kutis ko... To boost my confidence too, I guess?
Napakurap kurap si Ate Kassandra at hindi nakaimik agad, Si Kuya naman ay nasapo ang noo dahil sa naging reaksyon kanina ni Ate Kassandra.
"Ito napaka O.A," binatukan ni Kuya Maccoy si Ate Kassandra.
"Sorry na! Nagbibiro lang eh..." nguso niya, "Sige mamaya turuan kita," sabi niya sakin.
"Sige, Ate! Salamat!" Sabi ko't tumakbo na papunta sa kwarto ko.
Nang makarating ako sa kwarto ay agad kong inayos ang napamili kanina. Inilagay ko 'yon sa cabinet na nasa banyo ko. Napansin ko na wala pang ibang laman ang cabinet na 'yon kundi iilang box ng sabon at wipes.
Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko. My deep set dark brown eyes looks gentle, my soft arched brows are not too thick to make me look like maldita, my nose is shaped perfectly and pointed and my thin lips is in its natural color.
Sabi nila ay karamihan ng features ko'y nakuha ko kay Mama at sina Ate at Kuya naman ay kay Papa nakuha ang kanila. Madalas kaming mapagkamalang magkapatid ni Mama kapag magkasama, mukha padin kasi siyang bata.
Ang katamtamang puti ng balat ko ay bumagay sa'kin. Hindi ako naitim ng sobra kahit anong labas ang gawin ko... Nasa dugo na ata. Ang mukha ko naman ay makinis pero medyo dry kaya susubok na ako mag skin care...
"Maganda naman ako ah?" Bulong ko sa sarili at sinuklay ang buhok kong tuwid na tuwid na hanggang bewang.
Maganda naman ako sabi nila... Pero sa mata niya lang ata ako hindi maganda. Napaisip ako... How do people stick with a person they only find pretty?
Ano kaya ang tipo niya? Maganda kaya? Or isa siya sa mga taong naghahanap ng magandang personality?
Umiling nalang ako at nagbihis na ng pang-bahay. Nahiga ako sa kama ko at binuksan ang tv para manood ng bagong series na sinimulan ko.
Napunta ang tingin ko sa cellphone ko na umilaw. Nag-chat pala si Vane sa Groupchat namin nina Geor at Zara.
Vane:
Ti-next ka na ba ni Jay @Alexine Dominguez?
Geor:
Baka naman sakin nalang siya... Bayad mo na 'yon sakin, Girl :)
Zara:
Gusto niya daw straight. Bet niya journalist, journalist ka ba Geor?
Geor:
Oo.
Humagalpak ako ng tawa nang mag-send siya ng picture ng journal niyang nakabukas at may nalagay pa na 'ATM Journaling si Journalist'
Natatawa naman ako at naiiling na nagtipa ng reply sakanila. Hindi na nga ako tinantanan sa pang-aasar kanina habang pauwi tas hanggang sa Groupchat ay mang-aasar padin. Gusto ko mang-block...
Ako:
Pag nag-reply ibibigay ko sa'yo number niya @George Alajo :)
Agad naman na nag-reply si Geor.
Geor:
Ay kabog! Sa susunod na gala i-libre kita Glass Skin facial haha!
Glass skin facial? Mahal 'yon ah, para sa number? Geor talaga.
Nung gabing 'yon ay pumunta si Ate Kassandra sa kwarto ko bago kami magsitulog. Tinuro niya sakin kung alin muna ang uunahin sa mga dala ko at kung ano ano bang dulot 'non sa balat ko.
Akala ko dati basta pahid lang ang ginagawa nila pero iba iba pala. Buti nalang ay may kapatid akong expert sa ganito at talagang natuto naman ako dahil halos dalawang oras kaming nagdaldalan sa kwarto ko.
Kinukulit niya rin ako sa dahilan ng paggamit ko 'nun. Hindi ko siya sinagot at inililihis ko ang tanong niya. Bukod naman kasi sa na concious ako ay gusto kong magmukhang mas maganda sa mata ni Gian. Alam ko naman na importante ang ugali pero pabalato na din sana sakin ang magandang kutis ang mukha...
"Bayad po, Isang SFA studyante..." pakikisuyo ko sa bayad.
Nanigas ako nang si Gian ang mag-abot 'nun sa driver dahil nasa pinakamalapit siya. Ang swerte swerte ata ng umaga ko ngayon at sana hanggang mamaya na rin!
Ang kamay kong naiwan sa ere ay dahan dahan kong ibinaba habang nagtatago ng ngiti. Sa simpleng kilos lang n'ya ay kinikilig na ako. Inabot ng crush ko ang bayad ko! Inabot niya! Inabot!
"Sukli mo,"
Napakurap kurap ako nang makitang inaabot sakin ni Gian ang sukli ko. Ilang segundo pa ang lumipas at nakatitig ako sakanya kaya naman kinuha ng isa niyang kamay ang palapulsuhan ko at inilapag sa palad ang barya.
"Huwag kang lutang," aniya.
Namula ako nang makitang nakatingin samin ang mga tao. Gusto kong pumara dahil sa kahihiyan! Ang obvious mo Lexi nakakahiya ka!
Pagkarating sa babaan ay dali dali akong bumaba. Hinihingal ako pagdating sa classroom at si Vanessa naman ay kunot noo akong tinitignan habang naghahabol ako ng hininga.
"Hulaan ko..." nanliit ang mga mata niya, "...Nakasabay mo sa jeep tas may ginawa kang nakakahiya kaya tumakbo ka papunta dito 'no?"
Shit, Galing niya manghula!
Napanguso ako at tumango tango bilang sagot. Naupo ako sa upuan ko at nangalumbaba saka tumitig sa kawalan. Lalo lang akong nahiya sakanya. Baka na weirdo-han siya sakin? Hala paano na 'to...
"Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya!" Napahilamos ako sa mukha ko at sinabunutan ang sarili. Hiyang hiya talaga ako!
Naupo si vanessa sa tapat na upuan ko at ihinarap 'yon sakin.
"Ano nanaman bang ginawa mo kasi?" Natatawang tanong niya.
Bago ako makasagot ay huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili.
"S-Siya kasi 'yung nag-abot ng b-bayad ko..." panimula ko, "...Tapos n-natulala ako saglit..."
"Mmm hmm?" Aniya na parang nagsasabi na 'tapos?'
"T-Tapos 'yun...Hawak na pala niya yung sukli tas 'di ko napansin. Siya mismo naglagay sa palad ko..." namumulang kwento ko.
Humagalpak ng tawa si Vanessa at ilang segundo nagtagal 'yon. Naiiyak siya sa kakatawa habang nakasimangot ako.
"'Te dahan dahan kasi sa pagtitig! Obvious mo masyado," natatawang sambit niya. 'Ge tawanan mo pa ako.
Isinandal ko ang likod ko sa upuan at bumuga ng hangin, Umakto pa si Vanessa na tinataboy ang hininga ko kaya naman napairap nalang ako. Epal ah.
"Paano na 'to," ginulo ko ang buhok ko.
"Act natural, Girl. Mamaya gamitin mo skills mo na gumana kay Jay!" Aniya.
"Hindi ko naman atang kayang gawin kay Gian 'yon... Nauutal ako pag siya na ang kaharap!" Ngumuso ako at napaisip. Hindi ko talaga kaya 'yon.
"Kaya mo 'yun! Kapalan mo lang mukha mo,"
Hindi na ako umimik hanggang sa nagsimula na ang klase. Ang utak ko ay kalahating nagana at kalahating nalipad nanaman. Buti nalang ay na master ko na ang pag-iisip kay Gian habang nag-aaral kaya hindi ako nangangamote sa klase.
Nang matapos ang ilang subject ay library period na namin. May babasahin lang kaming assigned na story sa araw na ito at sasagutan 'yon sa booklet namin.
"Oh ayos pila oh! Hoy ayos ba 'yan?" Saway ng president namin samin dahil sa mga lalaking hindi magawang ayusin ang pila.
Lagi naman.
"Pipila lang eh, hirap na hirap?" Mataray na tanong niya, "Girls larga na!"
Naglalakad na kami nang bigla akong hatakin ni Vanessa palabas sa pila. Nagtataka ko siyang tinignan habang hatak hatak ako pabalik sa classroom.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Nakalimutan ko magdala ng ballpen pala hehe," aniya.
"Pwede ka naman manghiram,"
Umismid siya at inirapam ako. Wow.
"Alam mo namang masahol at madadamot 'yang mga 'yan! Papel nga sinusumbatan ka na, Papel pa kaya?!"
Sabi ko nga kumuha na siya. Dami pang sinabi eh.
Mabilis lang kaming nakarating sa room at nakakuha siya agad ng ballpen. Nahuli na kami ng dating sa library at hinihingal ng konti dahil binilisan namin ang lakad namin.
Nakaabang amg president namin sa isang lamesa kung saan nakapatong ang mga librong babasahin. Tinaasan niya kami ng kilay saka umirap ng pabiro at binigyan na ng babasahin.
Inilibot ko ang paningin ko at napansin na wala ng upuan na bakante. Kasabay pala namin ang section sa baba kay napuno ang library.
"Walang pwesto, Vane." Sabi ko.
"Ayun!" May itinuro siya sa bandang dulo. Dalawang nakatalikod na lalaki at nagbabasa. Hinatak ako ni Vanessa at habang nalakad kami papalapit 'ron ay tumitingin ako ng ibang pwesto sa paligid na pwedeng malapit nalang sa section namin.
"Ikaw na magsabi, Lexi." Si Vanessa. Lumayo siya sakin ng konti at kinalabit ko naman ang lalaking nakatalikod.
"Kuya? Pwedeng maki-upo?" Tanong ko pero hindi pa siya agad lumingon.
T-Teka...S-Si! Likod 'to ni...
Pagkaharap ni Gian sa'kin ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Kinalabit ko siya?! Hinawakan ko siya! Kinausap ko siya!
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at naligaw sa lalim ng mga mata niyang magaganda. Seryoso at mukhang puyat siya sa kaka-aral. Vacant siguro nila at dito siya naglalagi kapag vacant time nila!
"Nasaan section niyo?" Tanong niya sakin.
Napalunok ako at mariing napapikit bago sumagot.
"N-Nandun sa h-harap... N-Nahuli kasi kami ng dating kaya naubusan ng upuan..." nakita kong sinilip niya sa likod ko ang mga lamesa sa harap.
Si Vanessa naman ay naririnig kong humahagikgik sa likod ko at tinutusok tusok pa ang likuran ko. Pinipigilan kong hindi umigtad dahil makikita ni Gian.
"K-Kung hindi o-okay...Uhm... Ayos lang! M-May upuan pa siguro sa—" hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"Wala ng upuan 'don. Umupo na kayo dito," sabi ni Gian at ibinalik ang tingin sa librong binabasa.
Napatili ako sa kaloob loob-an ko. Hindi pwedeng tumili sa harap niya at sa Library dahil paniguradong pagagalitan kami. Agad kaming naupo sa dalawang bakanteng upuan sa tapat nila at si Sean pala ang kasama niya, hindi man lang lumingon.
Pagbuklat ko ng libro ay siraulo na ata ako dahil puro Gian Gian Gian ang nababasa ko. Napasapo ako sa ulo ko habang nagbabasa. Pilit na inaabot ng paningin ko si Gian na abala rin sa pagbabasa ng libro niya at maya maya'y bubuka ang bibig na parang may mine-memorize.
Tago akong napangiti at pilit na nag-focus sa binabasa. Ilang minuto ang lumipas at napuno ng nakakabinging katahimikan ang lamesa namin. Walang gustong umimik at ako naman ay pinakikiramdaman lang silang lahat.
"Sabay tayo lunch mamaya?" Bulong ni Sean kay Vanessa sa kabilang side ng lamesa habang nakababa ang mukha sa lamesa.
"Sige sige. Alis tayo mamaya 'di ba?" Si Vanessa naman ang bumulong.
"Oo, Baby. Date ulit," kinindatan pa ni Sean si Vanessa.
Edi kayo na may date. Edi kayo na may love life. Edi kayo na mag jowa. Edi Sana all...
Napatingin naman ako kay Gian na nakapikit na ngayon dahil may sina-saulo siya. Ang bawat pag buka ng mapupulang labi niya ay nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Matunaw 'yan sige ka," siko ni Vanessa sakin.
Inirapan ko lang siya at nagsulat sa booklet ko. Nang marinig namin ang bell ng Seniors ay isinara agad ni Gian ang makapal na libro niya at sinikop ang mga papel na ginamit niya kanina.
Gusto ko siyang kausapin. Para akong nagkaroon ng lakas ng loob bigla. Kahit pasasalamat lang.
"G-Gian..." mahinang tawag ko nang patayo na sana siya. Narinig niya pa 'yon kahit mahina.
"Mmm?"
Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa ganda ng pagkaka 'mmm' niya. Lahat perpekto pati boses, bakit ho may ganitong nilalang?
"U-Uh S-Salamat," nauutal na sabi ko at ngumiti ako ng konti. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ko alam kung saan ba ako nagpapasalamat?
Umangat ang isang kilay niya na parang nagtatanong kung ano bang sinabi ko. Ano nga ba ang sinasabi ko? I mentally slapped my self dahil sa kahihiyan ulit.
Magpasalamat ka sa upuan, Stupid!
"...S-Sa U-Upuan." I laughed awkwardly. Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya at ngumisi sakin.
"Welcome," aniya saka pumihit patalikod para umalis.
Nang makatalikod sila ni Sean ay napabuga ako ng maraming hangin. Napasandal ako sa upuan at tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad. Parang namumula nga ata ako ngayon at hindi pa normal ang tibok ng puso ko.
"Nice may progress!" Bulong ni Vanessa sakin.
"Utal na utal nga eh..." napanguso ako.
Nagpigil siya ng tawa bago sundot sundotin ang tagiliran ko. Nang tignan ko siya ng matalim ay nang-aasar pa ang titig niya sa'kin.
"Atleast may progress 'di ba?" Tumawa siya, "Ano ulit 'yon, Lexi? Salamat sa upuan?" Panunuya niya.
Pinalobo ko ang pisngi ko at umirap sa sinabi niya. Sa dami ng pwede kong sabihin ay 'Salamat sa Upuan' talaga ang pumasok sa utak ko. Di bale sa susunod aayusin ko.
"Wala na akong ibang naisip agad okay?" Sagot ko.
"Okay sabi mo eh," pang-aasar niya pa sakin.
Nakatulala lang ako sa inupuan ni Gian kanina. Nagawa ko talaga siyang kausapin! Grabe ang galing ko! Nagawa ko siyang kausapin at tawagin!
Napangiti ako sa kawalan dahil sa nangyari kanina. Mabuti na rin palang sumama ako kay Vanessa sa pagkuha ng ballpen niya, dahil don dito kami napaupo. Matapos ang ilang minutong pag ngiti ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng palda ko. Inilabas ko 'yon at nangunot ang noo ko nang unknown number ang nagsend ng text message.
Unknown:
Hi, Lexi!
Halos magdikit ang dalawanv kilay ko. Sino 'to? Baka scam to na yung bagong roaming number o nasa ospital daw kaya magpadala ako ng load...
Hindi ko 'yon sinagot dahil sa takot na baka nga scam. Napasinghap ako nang magpakilala ang unknown number na 'yon.
Unknown:
This is Jay, the guy from the coffee shop last day. Remember me? Please save my number :)
Si Jay pala... Ano namang kailangan niya sa'kin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top