Chapter 7


"Ay gaga ang kapal!"

"Boba si Lexi naglagay ba't ako hinahampas mo?"

"Ang ingay niyo mga letche!"

Nagsisigawan sila ngayon matapos kong maglagay ng lip tint. Napadami kasi kaya para ko tuloy idinukdok ang labi ko sa mangkok ng dugo, tsk!

Parte daw 'to ng operation magpapansin kay Gian. Hindi naman ako pala ayos talaga ng mukha at ayos na ako sa natural look pero heto sila ngayon at nagkakagulo sa gilid ko. Kung ano anong nilabas ni Geor kanina na make-up at make-up brushes. Tuturuan niya daw kasi akong mag make up. Hindi pa naman ako sanay.

"Pout your lips! Ganito oh..." maarteng ngumuso si Zara sa salamin na ginaya ko naman.

Bakit kapag sakin parang ang sagwa? Bakit pa ba kailangan ng mga ganito ganito? Pwede bang kagat labi nalang?

"Hindi ba pwedeng kagatin ko nalang para pumula?" Tanong ko.

Hindi ako sanay sa mga colorete sa mukha at ang pait pa ng liptint na binigay nila! Grabe araw araw naglalagay si Vanessa ng ganyang lasa ng pampapula ng labi? Buti natitiis niya.

"What? Saan ka bang dimensyon nakatira? Hindi na uso ang lipbite ngayon," irap ni Vanessa habang may pinipiga siyang cream.

"Taga bundok ka ba Alexine, ha? Jusko nakakaloka ka!" Reklamo ni Geor.

Grabe ha porket hindi marunong mag make up at gusto ng natural look lang ay taga bundok na agad?

Namilog ang mga mata ko nang ipahid sa mukha ko ni Vanessa ang cream na nasalikod ng palad niya gamit ang daliri ng kabilang kamay. Nangunot ang noo kong pinapanood ang ginagawa niya sa salamin. Ipinapahid niya sa mukha ko!

Ang lagkit tas ang dikit pa. Ito rin ba yung ginagamit niya lagi? Kapag napasok kasi 'yan ay laging naka make-up pero hindi naman sobrang kapal hindi tulad nung ibang mga babae sa school na parang sumapa ng sandamakmak na pulang bubble gum.

"Pikit ka, Lexi," sabi ni Zara na may hawak na maliit na brush. Para sa mata ata 'yon?

Pumikit naman ako at ramdam ko ang bahagyang panginginig ng talukap ng mga mata ko. Nalagyan na ako ng eyeshadow dati at ang bigat ng kamay nung baklang naglagay. Pakiramdam ko tuloy ay tinutusok niya paloob sa mata ko yung brush.

Medyo nakiliti pa ako nang dumampi ang brush sa mata ko. Walang nagsalita at pati ata paghinga ay hindi ginawa ng mga 'to.

"Kailangan ba talaga 'yan? Dito lang naman tayo sa bahay niyo," sabi ko habang nakapikit padin.

"At sinong may sabing dito lang tayo? Duh magma-mall na tayo ngayon!" Si Geor.

"Ha? Eh anong gagawin natin don, sabi niyo dito lang e..." napanguso ako.

Buti nalang ay medyo maayos na damit ang suot ko at pwedeng ipang-alis papuntang mall.

"Duh, chill sa mall and boy hunting! Test natin kung gagana ang iyong make over!"

Namilog ang mga mata ko at buti nalang tapos na lagyan ni Zara ng eyeshadow ang mata ko. Akala ko pagkalagay ay buburahin na 'to pero hindi pa pala? Nakakahiya mag mall ng nakaganito!

"Anong test test? Ayoko nga!" Reklamo ko sakanya. Napangiwi siya at binatukan ako na ininda ko naman.

"Arte mo! Kailangan confident ka, Lexi. Kaya ka hindi nagugustuhan ng crush mo e kasi hindi ka marunong mag-ayos at maging confident!"

Napaisip naman ako. Oo nga 'no? Mahilig ang karamihan sa mga pala ayos. Ako kasi suklay, pulbo tas lip bite lang okay na dahil may pagkanatural naman daw ang pula ng labi ko at maganda naman na daw ako.

Test? Kung ano ano nanamang mga kalokohan ang naisip ng mga 'to. Napailing iling nalang ako sa sinabi ni Geor at hindi na muna pumikit na ikinakunot ng noo ni Zara na may hawak na brush.

"Anong gagawin ba? Dami niyo namang pakulo..." nguso ko.

"Gagala tayo tapos ibabalandra natin 'yang pretty face mo. Kapag may nagtanong ng name at number mo ay! Confirmed head turner ka!" Pumalakpak pa si Vanessa.

Head turner what?

"Ano? Eh ano naman mangyayari pagkatapos 'nun?" Tanong ko naman. Nasapo nilang sabay sabay ang mga noo at umirap.

"Wala edi maganda ka!"

Nasapo ko ang noo ko at biglang gusto kong manapak. Minsan talaga ipinagdarasal ko sa poong maykapal na mabawas bawasan naman niya ang saltik ng mga kaibigan ko.

"Tama na nga! Lip tint tas pulbos lang ayos na," hinarang ko ang kamay ni Zara na unti unti nang inilalapit ang brush sa mata ko.

"Bruha ka, natural make-up look naman hindi naman sobrang kapal. Tsaka mag gaganyan din kami para hindi lang ikaw..." pangungumbinsi ni Vanessa sakin.

Hay nako.

"Hindi naman makapal oh! Natural lang eh...Ito, tinutulungan na ngang maging ayos tao umaangal pa!" Singhal ni Geor.

Ayos tao naman ako ah. Pumayag na ngang magpa-ayos. Ayoko nalang makipagtalo at baka mahila ko ang itlog ng baklang 'to.

"Oo na sige na! Sige na! Ituloy mo na 'yan," nginuso ko ang hawak na brush ni Zara para iparating na ituloy na ang pag me-make up sakin.

Anong magagawa ko eh 3 vs 1? Lagi naman nila akong pinagkakaisahan dahil nga daw ako yung walang love life saming lahat. Hindi ko naman agad agad na kailangan nun, Crush lang ok na ako. Gian lang sapat na.

Hindi naman sobrang halata yung kulay na nilagay ni Zara, Brownish na pinkish na ewan lang. Kinilayan niya ako pero hindi naman sobrang kapal ng kilay at mukhang natural padin. Ang pisngi ko ay nilagyan ng konting blush on para pumula at ang kaninang namumutok sa pula na labi ko ay nasa katamtamang kulay na.

Magaling pala siya pagdating sa make up? Naalala ko si Ate Kass na laging nale-late dahil hindi naalis nang hindi nakakapag make up. Maganda naman ang natural lang pero pampataas din pala ng self confidence kahit papano ang paglalagay 'non. Naiintindihan ko na.

"Magugustuhan ba ako ni Gian neto?" Tanong ko.

"Oo naman! Duh, sinong lalaki ang may ayaw sa magandang babae? Haler?" Si Geor na pinilantik pa ang kamay.

"May lalaki namang sa personality nagbe-base ah?" Sagot ko.

Hindi naman kasi sa ganda lang dapat naca-captivate ang isang lalaki. Dapat sa personality din, aanhin mo ang ganda mo kung sing itin ng uling ang budhi mo? Sayang ang mukha kung walang magandang asal.

"Tama ka naman d'yan. Pero pang catch ng eyes and attention ang appearance, Dear. Kung maayos ka tignan at dalagang dalagang Pilipina ang datingan ay... pak! Bet na bet pakbet ka na 'non." Ikinumpas pa niya ang dalawang kamay at pumalakpak pa sa dulo.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napansin na medyo nag-iba nga ang itsura ko. Mas nadepina ang kilay, ilong, labi at nagkakulay ang mukha ko pero sapat parin para magmukhang natural lang. Hindu sobrang kapal at hindi sobrang nipis, katamtamang make up lang.

"Ayan tapos na kami! Let's go!" Masiglang aya ni Vanessa.

Sumakay naman na kami sa kotse nina Geor at pinadrive sa driver niya 'yon. Nagpahatid lang kami sa pinakamalapit na mall at hindi ko parin alam ang mangyayari mamaya sa head turner kung ano man na test 'yon.

Ramdam ko ang lamig sa mall nang makapasok kami. Naka sleevless kasi ako at highwaist na pantalon na tinernuhan ko ng sandals. Hindi naman kasi planong mag mall at sa bahay lang nina Geor kaya ganito lang ang suot ko.

"Ohh kita ko 'yung schoolmate namin ni Lexi napatingin dito oh," humagikgik si Vanessa at tinusok ang tagiliran ko.

"Talaga? Asan, Yummy ba?" Tanong naman ni Zara.

Hindi ko kilala ang sinasabi ni Vanessa dahil mga kaklase ko lang naman at si Gian at Sean ang kakilala ko sa school. Nang mapatingin ako sa bandang kanan sa 'di kalayuan ay namukhaan ko nga ang lalaking sa school din namin nag-aaral. Senior High din ata siya at madalas din na napapadaan sa harap namin ni Vanessa lagi.


"Matagal nang nagpapapansin kay Lexi 'yan pero hindi pinapansin ng Gaga," irap niya sakin.

"Ay? Parang kasalanan ko? H'wag ka ngang mag-assume d'yan Vanessa. Kapag narinig ka n'yan nakakahiya," saway ko.

"Totoo naman eh! Anyways, Ayan may nakapansin na. Ilang boylet ba ang target?" Baling ni Vanessa kay Geor na abala sa pagtingin sa paligid.

"Kahit tatlo tas dapat may hihingi ng number."

Napatingin ako ng may nanlalaking mata kay Geor. Si Zara na nagpipigil ng tawa ay kinalabit siya at napatingin naman sakin.

"Anong number number ka d'yan? Sabi niyo..." parang natatalo na sabi ko.

"Ano ba charot lang! Gagala lang tayo." Si Zara.

"Oo nga. Tsaka itataas natin confidence level mo dito! Sigurado akong may kakausap sayong boylet maya maya..." Ani Geor.

Napabuntong hininga nalang ako at susunod nalang kung saan man dalhin ng hanhin. Nagsimula na kaming maglibot libot at tuwing may lalagpas saming lalaki na kakilala nila ay susundutin ang tagiliran ko.

Sadya bang manhid ako?

"Bili tayo ng pang skin care mo, Alexine," yaya ni Geor na hila hila ako papasok sa watsons. Nanginginig ang wallet ko.

"Ayoko! Ayos na ako sa safeguard at tubig!"

Si Zara at Vanessa naman ay namimili na sa loob. May mga tinitignan silang nasa puting lalagyanan at para ata sa mukha 'yon.

"Tara na kasi! Hindi lang basta safeguard ang kailangan ng face mo!" Aniya saka ako hinila papalapit kina Vanessa at inagaw niya ang hawak na lalagyanan sakanya.


"...Kailangan mo ng moisturizer!" Angat niya sa bote ng moisturizer daw, "...Toner! Cream at mask!" Sabi niya sabay abot sakin ng basket na may mga laman na kung ano ano.

Parang nakita ko na ang mga 'to sa banyo ni Ate Kassandra. Kaya siguro makintab ang mukha niya ay dahil nags-skin care siya? Hindi naman ako masyadong mapimples at paisa isa lang ang dating pero masasabi kong may pagka dry ang balat ko.

"Ang dami naman?" Taka kong tanong.

"Aba syempre to achieve korean glass skin!" Sagot nito.

Tumango tango nalang ako at nagpahila sa iba pang aisle kung saan nagkukuha nanaman siya ng iba't ibang kulay ng masks.

"Eto pang gabi 'to. Ilalagay mo lang for a couple of minutes tapos pagkatanggal mo ay mag rinse ka na," turo ni Vanessa sakin.

"Alam ko 'yan. Pinag ganyan ako ni Ate Kass dati,"

Naglagay pa si Geor ng ilang lip tint 'ron at saka binayaran ang lahat. Ako na sana dapat pero dahil siya daw ang promotor ay siya na. Ayos lang, lumagpas sa budget ko yung binili niya eh kaya siya na talaga ang magbayad dapat.

Mayaman man kami ay hindi naman kami ubod kung gumastos na magkakapatid. Kung may gusto kaming bilhin na sobrang mahal ay paghihirapan muna. Uutusan o di kaya magpa-part time, tulad ng ginawa ni kuya nung nagpabili siya ng mamahaling motor.

"Oh saan tayo?" Tanong ni Zara kay Geor.

Nag-isip pa siya ng saglit bago dahan dahan akong tinignan na may ngisi sa labi. Hindi ko nagugustuhan ang paraan ng paninitig niya dahil parang may masamang balak siya.

Panigurado akong may plano 'tong labag sa loob ko.

"Gusto mo bang hindi na mautal kapag nand'yan si Gian?"

Sabi na gagamitin niya 'yan eh.

"B-Bakit?" Kinakabahan na sagot ko.

"Gusti mo ba? Oo o hindi lang naman," tanong niya ulit.

Syempre gusto ko pero duda ako sa plano ng isang 'to. Lalo na't siya ang pinakabaliw na pumapangalawa kay Vanessa sa kalokohan minsan.

"G-Gusto..." nag-aalangan na sagot ko.

Ngumisi siya ng malapad at may binulong kay Zara. Tumango tango si Zara at humagikgik saka naman bumulong kay Vanessa. Ano 'to? Pass the message?

"Tara 'dun," hila sakin ni Geor papunta sa isang coffee shop na puno ng tao.

Pagkabukas ng pintuan ay pumila kami para umorder. Dahil may tao sa harap namin at medyo mabagal ang usad ng pila ay naghahanap ang mata ko ng pwedeng maupuan.

"Ano bang gagawin natin dito? Ang daming tao, walang upuan o..." nguso ko.

"Mamaya, Alexine. Excited ka masyado," humalakhak pa si Geor na ikinakilabot talaga ng balahibo ko.

May balak talaga 'tong masama eh.

"Anong sainyo girls?" Maarteng tanong ni Geor. Sinabi namin ang order namin at siya na ang nagbayad.

Nagpunta kami sa gilid kung saan ilalapag ang inorder namin maya maya. Kung ano man 'tong plano niya ay siguraduhin niyang may matitira pa sa dignidad ko n'yan.

"So ganito, Lexi. Kapag dumating ang order ay lalabas na kami...At ikaw, makikiupo ka 'don..." nginuso niya ang table na pandalawahan kung saan may nakaupong lalaki. Namilog ang mga mata ko at umiling iling.

"Ayoko nga! Nakakahiya, Geor!"

"Ano ka ba, Lexi. Makikiupo ka lang naman, you'll just ask politely. Sa paraan na 'yon maybe you can overcome being too shy around Gian," si Zara.

At sa paanong paraan aber? Hindi ko naman kilala 'yan at si Gian ay kilala ko! Magkaibang magkaiba sila. Sus miyo corazon tulungan niyo ho ako sa mga kaibigan kong daig pa nasapian ng demonyo.

"Hindi ko naman kilala 'yan at tsaka... Iba si Gian!  Baka isipin niyang hinaharot ko pa siya..." sagot ko.

"Sabihin mo may hinihintay ka lang na imemeet mo dito. Mukha naman 'yang mabait, You should initiate talks at isa tong way. Ang pag a-ask ng upuan..." si Vanessa.

Mariin akong napapikit dahil sa mga pinagsasasabi nila. Bulungan lang ang usapan namin dito dahil madaming tao. Nagdadasal na din ako sana may umalis sa puwesto para may maupuan kami pero naisip ko na kahit ganon ay itutuloy parin nila ang plano nila.

"Ma'am Alexine?" Tawag ng staff sa pangalan ko para kunin ang order ko. Nangatog ako ng konti dahil sa kaba.

"Dali na, Lex! O basta go go go! Mukha naman siyang fafa so kung bet mong siya nalang kesa kay Gian ay ayos lang," kinindatan ako ni Geor bago nila kunin ang kanya kanyang order saka lumabas.

Naiwan akong mag-isa. Huminga ako ng malalim at dahan dahang lumapit sa lamesang 'yon dala ang inumin ko. Kapag ito talaga pumalpak yari kayong lahat sakin mga impakto kayo!

Sa isang maliit na round table na may dalawang upuan na magkatapat, sa isa ay nakaupo ang isang lalaking may maputing kutis, makapal na kilay, madepina na mga panga at mapulang labi na abala sa pagtitipa sa cellphone niya.

"Uhm..." panimula ko sa mahinang boses. Nanlaki ang mata ko nang makita ko sa salamin ng gilid ng lamesa ang mga kaibigan ko na nasalabas at nagche-cheer pa nga!

"...Is this seat t-taken?" Tanong ko. Nag-angat ng tingin ang lalaki sakin at napaawang ang labi ng bahagya.

Yung reason Lexi! Yung reason!

"May hinihintay lang kasi ako dito... B-Baka sana puwedeng m-makiupo saglit?"

Ilang segundo pa niya akong tinitigan saka ngumiti ng malapad. Nawala ang mata niya ng konti dahil sa lapad ng ngiti at lumitaw ang dalawang dimples sa magkabilang pisngi. Cute siya ah.

"Sure! It's not taken,"

Napatingin ulit ako sa salamin kung saan kita ang mga impakto kong kaibigan sa labas. Si Geor ay pumapadyak sa sahig, Si Zara ay nakatakip ang bibig at si Vanessa ay kagat kagat ang labi na nagpipigil ng kilig.

Sorry, Kuya parang naprank ka... Grabe yung guilt ko. Patawarin mo sana ako, Cute ka pa naman.

"Salamat," sagot ko at naupo na. Sumimsim ako sa inumin ko at nagkunwaring may tinitipa sa cellphone ko.

"Uhh you send message like that?" Nginuso ni Kuya yung cellphone ko na nakabaliktad pala. Ang camera ay napunta sa baba. Bobo ka Lexi!

"Ahh sorry... Hindi ko napansin naka rotate pala," mariin akong pumikit. Kinakabahan talaga ako.

"You're cute you know? Sino bang hinihintay mo?" Sabi niya.

Sabi niya cute ako? Cute talaga? Hindi maganda? Aish sige oo nalang.

"My friend," I smiled a bit.

Inilibot ko ang paningin ko para kunwaring may hinihintay talaga ako. Nagtama ulit ang paningin namin at nakakunot ang noo niya habang nakatitig sakin na para bang may inaalala siya. Tinaas ko ng konti ang isa kong kilay bilang pagtatanong.

"Sorry..." he chuckled, "...You look like someone i know... Nevermind, taga ibang campus 'yon," aniya.

"Ah ganon ba? Saan ba siya nag-aaral?" Tanong ko.

Strike a conversation! Check!

Habang lumilipas ang minuto ay gumagaan ang pakiramdam ko at medyo nagiging confident. Buti nalang pala siya ang nakaupo dito 'no? Kundi baka sinigawan pa ako kung hindi man siya.

"Sa SFA," sagot niya, "...Don't mind it. Baka kamukha mo lang talaga,"

Nangunot ang noo ko. Taga SFA ako eh.

"Taga SFA ako..." sagot ko. Nag-angat siya ng tingin sakin at naningkit ang mga mata. Unti unting namilog ang mga mata niya na parang nakakita ng multo.

Problema neto?

"Ikaw si Ale—"

"Alexine! Gosh girl let's go!" Nagulat ako nang sumulpot si Vanessa. Siya lang, hinatak niya ako patayo at kinaladkad ng konti palakad.

"W-Wait!" Napatayo yung lalaki sa upuan niya kaya napatigil kami ni Vanessa.

"Bakit?" Tanong ko.

Namumula ang tenga niya at inilahad niya ang cellphone niya. Taka ko siyang tinignan at si Vanessa ay napasinghap ng malakas. Kita ko rin sa labas ang paglaki ng mata ni Geor at Zara.

"Can i get your number?" Aniya. Namilog ang mga mata ko at napatingin sa paligid. Tinitignan na pala kami ng mga tao.

"A-Ano... U-Uhm.." napaigtad ako ng sikuhin ako ni Vanessa at hablotin niya ang cellphone ni kuya saka inilahad sakin.

"Number daw. Lapag. Dali," mariin na bulong niya na sinunod ko naman.

Nilagay ko ang number ko don at chineck ko ulit kung tama. Binilang ko na din kung kumpleto pa 'yon at tatlong beses ko atang ginawa. Ibinalik ko ang cellphone ni Kuya na nakangiti ng malapad sakin ngayon.

"I'm Jay..." aniya saka inilahad ang palad sakin para makipag shake hands.

Tinanggap ko 'yon at  nakipag shake hands.

"I'm Alex—"

"Alexine." Sabad niya.

"Kilala mo ako?"

"Yup. I read your work na nakapaskil sa bulletin board ng school namin. Angas, I like journalists." Aniya.

Napatango tango lang ako. Naalala ko na nanalo pala ako sa isang journalism contest dati at ipinaskil ang gawa ko sa mga bulletin board ng iba't ibang schools. Bibihira ang nagbabasa ng ganon lalo na sa generation ngayon ah?

"Ganon ba? Sige, Nice meeting you, Jay. Salamat!" Pamamaalam ko. Kinawayan niya lang ako habang hatak ako ni Vanessa paalis.

He likes journalists huh? Si Gian kaya ano ang like?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top