Chapter 2
Pagkauwi ko ay agad kong prinint ang tatlong pictures namin at photopaper ang ginamit ko para naman maganda at hindi madaling mapupunit. Pagtapos ay nagpalit ako ng pambahay at naupo sa study table ko saka tinitigan ang tatlong picture namin ni Gian na idinikit ko sa pader.
Busangot na busangot si crushie parang may regla.
Nangalumbaba ako't tinitigan iyon habang nakangiti ng malapad. Hanggang ngayon amoy ko pa rin ang mabangong perfume niya at kinikilig ako tuwing maiisip kung pano siya magseryosong sumagot kanina.
Sobrang talino niya at 'yun ang isa sa hinangaan ko sakanya. Hindi siya tulad ng ibang studyante na papetiks petiks lang sa pag-aaral, Ang isang 'to ay may ipinagmamalaking talino. Napabuntong hininga naman ako nang maalala ang busangot na mukha niya kanina habang nagpapapicture ako. Pwede namang ngumiti bakit ayaw niya? O baka red days niya ngayon kaya ganon siya? Mas maganda sana ang pictures namin kung nakangiti siya.
Nahiga ako sa kama ko at nagpipindot sa cellphone ko, Sinearch ko ang account niya para i-stalk katulad ng lagi kong ginagawa. Tulad ng dati ay wala siyang masyadong picture na inuupload at hindi siya Active sa social media. Ang profile picture niya ay halos magdadalawang taon na kung saan nakasuot siya ng jersey at may hawak na bola sa isang malaking basketball court.
Napabuntong hininga ako nang mapansing hindi parin niya ako finafollow back kaya naman inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako at nagsend ulit ng follow request sakanya. Ginanahan akong humanga lalo sakanya lalo na't nagkalapit kaming dalawa ng ganon kalapit sa isa't isa.
"Baka naman pa-followback lang crush," nakangiting sabi ko.
Naputol ang iniisip ko nang biglang may malakas na katok akong narinig sa pintuan ko. Kunot noo akong lumapit at binuksan 'yon at tumambad sakin si Kuya Maccoy.
"Bumaba ka na may marienda sa baba."
"Sige, Kuya." Sumunod naman ako sakanya pababa at pumunta kami sa garden area dahil doon nakahain ang maryendang pinahanda.
Umupo na kami at kumuha ako ng donut saka nilantakan 'yon. Ramdam ko ang gutom ngayon dahil naalala ko na hindi rin pala ako nakakain kanina sa afternoon break dahil nanood kami kay Gian. Sumimsim ako sa iced tea na nasa baso ko.
"Nagcut ka nanaman daw," muntik ko nang maibuga ang inumin ko sa sinabi ni Kuya.
Napayuko ako at tinignan ang donut na nasa platito ko.
"H-hindi ah! N-nasa clinic ako!" Maang maangan kong sagot.
"Talaga lang ah? Sabay kayong naempacho ni Vanessa? Tatlong beses ngayong linggong 'to?" Sarkastikong tanong niya na ikinanguso ko.
"Ikaw talaga! Sinasabi ko sayo huwag mong bibigyan ng sakit sa ulo ang Mama at Papa!" Pinitik niya ang noo ko, "Kung susunod sunod ka sa crush mo ay huwag ka nalang pumasok! Sundan mo nang sundan kahit kapitbahay lang naman!" Singhal niya sakin.
Nasa katabing bahay lang namin si Gian at hindi naman ako napunta don kahit pa magkakaibigang matalik ang magulang namin. Alam ni Kuya at Ate na crush ko siya dahil nabasa nila ang diary ko noong elementary kung saan ako pinakaunang nag confess, Sa Isang Diary.
"Tsk! Unahin mo 'yang pag-aaral mo bago si Gian. Hindi ako against sa pagkakaroon mo ng crush sakanya pero alamin mo ang priorities mo. Ang mag-aral," nanatili lang akong nakatungo habang nilalaro ang mga daliri kong nasa ibabaw ng hita ko.
"Yes, Kuya..." tanging sagot ko sa mahinang boses.
"Sige na kumain ka na."
Dali dali kong inubos ang pagkain ko. Punong puno ang bibig ko at ininuman ko ng iced tea yon para bumaba agad sa lalamunan ko saka tumayo para bumalik sa kwarto ko. Lumipas ang hapon at pagkagabi ay nagdinner kami ng sabay sabay saka nagsipagpahinga.
Kinabukasan ay maaga akong kumilos para makasabay ko sa pagpasok si Gian dahil maaga siya laging naalis sakanila. Naligo at nagpalit ako ng uniform ko at saka bumaba dala dala ang gamit ko. Sumalubong si Mommy sakin na may dala dalang pagkain na ihahain niya sa mesa. Humalik ako sakanya at dumiretso sa kusina para humanap ng pwedeng baunin para hindi na ako kakain sa bahay.
"May sandwich d'yan Lexine, Gusto mong dalhin?" Tanong ni mommy.
"Sige mommy!" Kumuha ako ng sandwich na nasa ziplock na nakapatong sa breakfast table at inilagay sa bag ko, "Pasok na ako mommy!" Humalik ako sakanya at umalis na.
Saktong sakto na paglabas ko sa gate ay nakita ko si Gian na naglalakad palabas sa subdivision. Sumunod lang ako sa likod niya habang malapad na nakangiti. Inilabas ko ang phone ko sa bulsa ko at pinictur-an ang likod niya saka itinago 'to.
Nasa abangan na kami ng jeep at medyo dumistansya ako sakanya para hindi niya ako mapansin masyado. Buti nalang may ilang studyante kaming kasabay na mag-abang at wala siyanv pakialam sa paligid kaya naman hindi talaga ako kapansin pansin.
Nang makasakay kami sa jeep ay saka ko namalayang isang pasahero lang ang pagitan naming dalawa.
"Para po!" Sabi ng nakapagitnang babae samin at pagkatigil ng jeep ay bumaba ito. May sumakay na panibago pagkababa niya kaya magkatabi na kami ni Gian ngayon.
Amoy na amoy ko ang mabangong perfume niya at ramdam na ramdam ko din ang mabilis na tibok ng puso ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang nagpreno ng malakas ang driver at nasubsob ako sa dibdib niya.
"Ay!"
"Ano ba 'yan!"
"Gagi!"
"Kuya dahan dahan naman!"
Reklamo ng mga pasahero.
Kuya, isa pa please. Isa pang malakas na malakas na preno!
"S-sorry!" Nauutal kong sabi kay Gian na parang wala pading pakialam.
"Ok lang," sabi niya sa isang malamig na tono.
Nang makarating kami sa school ay nanatili akong nakasunod sakanya at ng lumihis na siya papunta sa building niya ay nagtatakbo naman ako papasok sa classroom namin.
"Nakatabi ko siya sa jeep!" Nagsisigaw kong sabi kay Vanessa na kakalapag lang ng bag sa armchair niya, "Nakasabay ko siya Vane!" Nakangiting kwento ko.
"Talaga?! Oh e anong sabi mo? Binati mo ba?" Tanong niya naman.
"Hinde eh..."
"Susmaryosep! Akala ko naman may napag-usapan, akala mo uusad ka kay Gian sa paganyan ganyan mo? Hindi oy!"
"Grabe ka naman! Nag usap naman kami!" Nanlaki ang mata niya at lumapit sakin.
"Anong pinagusapan niyo?! Yung tungkol kahapon ba?! Anong sabi?!" Kinikilig kilig pang tanong ni Vanessa sakin habang inaalog ang dalawang balikat ko.
"Nag-sorry ako kasi sumubsob ako sa dibdib niya dahil sa malakas na preno ng jeep tapos sabi niya 'ok lang'." Nakangiting sabi ko at nabitawan ni Vanessa ang balikat ko saka bumuga ng hangin
"Akala ko naman kung ano! Wala ka talagang iaasenso! Katabi mo na oh hindi mo pa sinunggaban ng usap!" Hindi makapaniwalang sabi nito.
"Usap naman 'yon ah?"
"Susmiyo! At tsaka tigil tigilan mo na 'yang kakasakay mo sa jeep! May mga manyak din na nanghihipo sa ganyan baka mamaya matyempuhan ka talaga..."
"Kaya nga ako nagjejeep para makasabay ko 'yon eh!" Nakangusong sabi ko.
"Lakas sumunod tapos tiklop naman kapag andiyan na, tsk tsk tsk.." umiling iling siya at bumalik sa upuan niya.
Nagsimula na ang klase at hindi pa rin matanggal sa isip ko ang pagkakasubsob ko kay Gian kanina. Salamat ng marami kay manong driver at isang napakagandang pangyayari ang pagpreno niya ng malakas.
Kung ang ibang pasahero ay nagrereklamo dahil sa pagkakabigla, Ako naman ay nagrereklamo kasi kulang pa lakas ang pagpreno niya para subsob na subsob na talaga ako sa dibdib ni Gian hehe.
Napapahagikgik ako kaya naman sa isang subject namin ay napagalitan ako dahil wala daw ang diwa ko sa tinuturo niya at nahagikgik pa daw ako. Winala ko sa isipan ko muna si Gian at pinilit na makinig sa mga sumunod na subject.
"Tara!" Aya ko kay Vanessa. Lunch break na namin at syempre kasabay namin ang seniors ng break kaya todo madali din ako.
"Ang daming tao!" Reklamo ni Vanessa nang makapasok kami sa canteen.
"Ok lang 'yan, Dun tayo!" Turo ko sa isang stall kung saan nakapila si Gian.
Nasa dulong pila siya at agad akong pumunta sa likod niya para pumila. Ngiting ngiti ako habang hinihintay na umusad ang pila nang may lumapit na magandang babae kay Gian.
"Babe gusto ko ng pork cutlets..." nanlaki ang mata ko sa sinabi nung babae at nakaramdam ng kakaibang kirot sa dibdib ko.
"Sige, umupo ka nalang don intayin mo ako.." sagot ni Gian at umalis ang babae.
Napalitan ng simangot ang mukha kong nagliliwanag sa ngiti. Ang alam ko ay walang girlfriend si Gian ah?! Alam ko lahat tungkol sakanya kaya impossibleng nakalagpas 'to!
O di kaya...
Masyado akong naging focus lang sa pagsunod sakanya at hindi na nakikiusyoso sa kwento. Mahirap din naman kasing sumagap ng chismis dahil hiwalay sila ng building samin. Hindi rin siya mahilig sa social media at napaka pribado niyang tao. Nanlumo ako at nawalan ng gana. Pakiramdam ko ay matutumba ako dahil sa nalaman ko ngayon at hindi ko alam kung anong makakapagpabawi ng saya ko kanina.
"May jowa na pala eh!" Sabi sakin ni Vanessa nang makaalis si Gian dala dala ang order niya para sakanila ng girlfriend niya.
"Anong sayo? Ako na oorder" tanong ni Vanessa.
Nawalan ako ng gana kumain hayyy.
"Tubig lang..." malungkot na sagot ko.
"Ay diet? Ah dahil sa jowa nun 'no? Kumain ka kasi pangit sayo magdiet, Payat ka na nga magdadiet ka pa.."
Nang makuha namin ang order namin ay naghanap kami ng upuan. Kamalas malasan dahil ang bakanteng pangdalawahang table sa likod nina Gian ang nakita namin at dun kami pwumesto. Kitang kita ko ang tutok na tutok na Gian sa pagkain.
"Hoy kumain ka nga! Balak mong magpaka walis tingting? Kinemeng diet?" Singhal ni Vanessa.
Unti unti naman akong sumubo at kada lunok ko sa pagkain ko ay napapabuntong hininga ako..
"1 month na daw 'yang dalawang 'yan lowkey lang..." patungkol ni Vane kay Gian at sa Girlfriend niya.
"Alam mo!?" Nanlaki ang mga mata niya at napatakip sa bibig ang kamay.
"M-matagal na.." naiilang na sabi niya.
"E bakit hindi mo sinabi sakin?!" Kunot noo kong tanong.
"Eh malulungkot ka e! Magmumukmok ka nanaman gaya nung may napabalitang may kadate siya sa isang coffee shop."
Dati rati pa may napapabalitang may mga nakakausap at dine date si Gian pero hindi lang malaman kung sino at kung naging ka relasyon niya nga ba talaga. Pinaka nakasakit sakin ay ang kwento ng kaibigan ni Vanessa sa seniors na may nagconfess kay Gian at kinabukasan ay nagpunta sila sa coffee shop. Pagkatapos nun ay hindi na ulit ako nakarinig ng kahit anong koneksyon ni Gian sa kahit sinong babae sa campus.
Iniwasan din sigurong ikwento ni Vanessa 'yon dahil halos hindi ako mapakali at sobrang lumo ko ng malaman ko ang mga 'yon sa kaibigan niya. Laging sabay ang lunch break ng juniors and seniors pero minsan lang kumain si Gian sa main canteen kaya inaabangan ko siya kung magkataon kahit sulyap lang.
"Hay.." napabuntong hininga ako at dahan dahang uminom ng tubig.
"Magbbreak din 'yan, Huwag ka mag-alala, Kaibigan." Ngumiti ng nakakaloko si Vanessa.
"Paano kung hindi? Bagay pa naman sila..."
Pero mas bagay kami!
"Iyong mukhang 'yon? Tatagal si Gian don? Eh wala ngang kaemo emosyon yung tao kumausap sa jowa niya tss. At tsaka sabi nila hindi naman daw sweet yang dalawang 'yan!"
Sweetness ba ang kailangan para malaman na mahal talaga? Hindi naman lagi. Iba iba ang pagpaparamdam kung mahal mo talaga.
"Sabi mo, Sabi ng kaibigan mo lowkey sila! Edi syempre hindi sila maglalambingan dito! Baka kapag may date sila saka sila naglalambingan.." nanlumo ako sa naisip ko at parang gusto kong sapakin ang sarili ko sa sinabi ko.
Sumulyap ulit ako kay Gian na nakatingin sa Gilid niya at hindi sa girlfriend niya. Nakatulala lang siya at may malalim na iniisip. Nang mapatingin siya sa gawi ko ay pinagtaasan niya ako ng kilay kaya naman napayuko ako at sumubo ulit ng pagkain ko.
Nagwawala ang puso ko...
"Idaan mo nalang sa dasal na sana magbreak na sila..." humagikgik pa si Vanessa.
Sana nga maidaan ko sa dasal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top