Chapter 1
"Padaan! Padaan!" Sabi ko habang hinahawi ang mga studyante.
Papunta ako sa Auditorium hila hila ang bestfriend ko na si Vanessa para manood sa quiz bee na ginaganap ngayon. Nalate ako ng kaunti dahil humanap pa ako ng paraan para makatakas sa subject namin.
"Aray ko! Saglit! Dahan dahan sa hila ha yung skin ko namumula na sa hawak mo. My gosh...." reklamo ni Vanessa
"Bilisan mo kasi maglakad! Baka 'di na natin maabutan yung love of my life ko!!!" Hinila ko siya paakyat sa auditorium at may mga ilang studyante rin na nanonood 'don.
Gumitgit kami hanggang sa makarating kami sa harapan at kitang kita ko ang pinaka gwapong studyante na nakilala ko sa campus na 'to. Si Gian Laxson. Simula elementary ay crush ko na 'yan!
Si Gian ay hindi lang basta gwapo! Matalino siya, Super talino! Masipag at sporty kaya naman halos lahat ng babae sa school namin ay crush siya...Pero ako ibahin mo ako! Kasi mahal ko 'yan! Hindi lang crush! Mahal!
Magkabusiness partner ang Daddy niya at Daddy ko na parehong doktor at nagdesisyon na magtayo ng ilang ospital dito sa Cebu kaya naman maswerte akong nakakapunta kung may party sa kanila.
"Ang galing galing talaga ni Gian!"
Syempre bebe ko 'yan e!
"Ang talino talaga niya grabe! Tignan mo nangunguna siya sa scoring! Haaay!"
Nangunguna din siya sa puso ko hehe!
Hindi pala nangunguna...
Nag-iisa pala siya sa puso ko!
"Hoy!" Napaigtad ako at napatingin sa gawi ni Vanessa
"Ano?!" Irita kong sabi
"Para kang baliw d'yan nangiti ka mag-isa habang nakatitig kay ano, Lakas ng saltik natin ah? Hindi nakainom gamot?" Sarkastikong sabi niya habang iniikot ang hintuturo sa ere.
"Baliw!"
"Ikaw ang baliw Lexi! Pangiti ngiti ka pa d'yan!" Singhal niya
Hindi ko siya pinansin at nag focus kay Gian na nagsusulat ng mabilis sa whiteboard niya ng sagot. Itinaas niya ang whiteboard at nang magbibilangan na ng nakakuha ng tamang sagot ay kasama nanaman siya!
Grabe I'm so proud of my baby!
Gaga hanggang sulyap ka lang!
Hanggang sulyap lang naman talaga ako sakanya dahil never akong naglakas loob na lapitan siya. Bukod sa nahihiya ako e parang napipipe ata ako pag nasa malapit siya. Ilang parties na nila ang nadaluhan ko pero hindi ko siya nagawang kausapin dahil sa dila kong nagbubuhol pag nasa malapit ang isang 'to!.
Natapos ang quizbee at diretso awarding na sa harapan kaya naman bumaling kami sa stage kung saan naroon ang head ng iba't ibang departments at ang principal namin.
"Our 3rd placer is Danica Samonte!" Nagpalakpakan ang mga tao at umakyat ang babae saka sinabitan ng medalya at pagtapos ng isang picture ay gumilid ito.
"Our 2nd Placer is Raynald Armendaiz!" Muling nagpalakpakan ang mga tao. Sinabitan ng medalya ang lalaki at nagpicture saka gumilid.
At heto na ang pinakahihintay kong place.
Ang magkaroon ng place sa puso niyang malaki ang space hehehe...
"Our champion..." tumigil sa pagsasalita ang teacher at nagkaroon ng drumroll na soundeffect "....Is Gian Laurence Laxson!" Lumakas ang palakpakan at nagkaroon din ng malakas na hiyawan. Karamihan sa mga nahiyaw ay mga babae.
Napatalon talon ako habang inaalog ang balikat ni Vanessa dahil sa tuwa. Nagulo na ang buhok niya at hindi makatingin sa stage kung saan sinasabitan ng medalya ang gwapong gwapong bebe ko!
"He won! He won! Oh my gosh he won!" Masayang sambit ko habang napalakpak at natalon.
"My gosh Lexi! Kumalma ka nga!" Reklamo ni Vanessa habang inaayos ang buhok niya.
"Woooh! Galing mo Gian!" Sigaw ng nasa harap
"Omg! He's so smart! Giaaaan!" Tumili ang nasa likod ko
"Grabe ka Giaaan! Congrats Giaaan!" Sigaw ng nasa gilid ko
Magpapatalo ba naman ako?
"WOHOO! YES BABY YOU WON! OH MY GOSH I LOVE YOU!!!!" Sumigaw ako at hindi naman siguro niya ako naintindihan dahil sa lakas ng sigawan at tilian ng mga babae at lalaki. Nandito din ang classmates niya kaya sigurado akong 'di niya ako narinig.
"Grabe ang sakit sa tenga...." rinig kong reklamo ni Vanessa.
Binalingan ko siya at tinigman ng masama. Nakahawak siya sa kabilang tenga niya at kunot ang noo kaya nagsasalubong ang kilay niyang katamtaman ang kapal.
"Tara balik na tayo," sabi ko sakanya
Namilog naman ang mata niya at dumikit sakin para bumulong.
"Hindi ka magpapapicture man lang?! Ano yun nakisigaw ka lang dito?!" Bulong niya pero may diin ang bawat salita. Nginuso niya ang stage kung saan may nagsisilapitang mga studyante para magpapicture kay Gian na hindi man lang nangiti sa bawat flash ng ilaw.
"Nakisigaw at nakinood.." pagtatama ko sakanya "...Tsaka nahihiya ako e," ngumuso ako
Nameywang naman si Vanessa at konting konti nalang ay magdidikit na talaga ng tuluyan ang dalawang kilay niya dahil sa tindi ng pagkakakunot ng noo niya.
"Ayan tayo e! Hiya hiya! Nakasigaw ka nga kanina. Tsaka ilang beses ka pang magtitiis na panood nood at pasulyap sulyap lang sa isang 'yan? Ha!?"
"Nahihiya talaga ako! Saka nalang!" Pagmamaktol ko.
Hinablot ko ang braso niya at hinila siya palabas sa Auditorium. Kasabay nadin namin naglabasan ang ibang contestants at magulang na nanood. Ako naman ang hinatak ni Vanessa papunta sa gilid ng Auditorium.
"Nag cutting tayo 'te para panoorin si Gian tas sisigaw ka lang pala don?!" Singhal niya sakin "Eh bakit naman kasi hindi mo lunukin yang litro ng hiya sa katawan mo para mapansin ka nun ha!"
Ngumuso ako at napabuntong hininga
"Kilala naman ako nun! Tsaka umuurong talaga ang tapang at dila ko kapag malapit na siya..."
Kilala ako ni Gian pero hindi ko alam kung tanda niya ako. Dahil nga sa magka sosyo sa negosyo ang pamilya namin ay naipagpakilala na kaming dalawa sa isa't isa pero ang isang 'to ay nakipagkamay lang sakin ng walang reaksyon sa mukha at hindi man lang nagawang magsalita upang magpakilala.
May mga kaibigan si Gian pero kakaunti lang. Hindi siya namamansin kapag hindi niya kakilala at kaya din uurong urong ang tapang ko dahil pakiramdam ko nasimot 'yon noong nag-hi at kumaway ako sakanya pero dinedma niya lang ako..
"Hintayin nalang natin siyang bumaba at magpapapicture ka!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Vanessa. Aamba pa akong aalis pero pinigilan niya ako.
"Kung gusto mong maging 'baby' ng tuluyan ang isang 'yan dapat kumilos ka! Huwag mahiya ng mahiya!" Nameywang siya sa harapan ko at nanatili akong nakanguso "Kapal kapal ng mukha mo tas kay Gian titiklop tiklop ka?! Pambihira!"
"Eh kasi nahihiya nga talaga ako!"
"Lunukin mo muna yang hiya mo dahil nandiyan na siya!" Nginuso niya ang pintuan ng Auditorium at lumabas si Gian doon. "Tara na!" Hila hila niya akong inilapit kay Gian.
"Uhm..Ano...Gian papapicture daw sana 'tong kaibigan ko hehehe" naiilang na sabi ni Vanessa sa Gian na blangko ang mukha.
Binaling ni Gian ang paningin niya sakin at bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang siya nakaharap ng ganitong kalapit at tuwang tuwa ang puso. Bumilis ng bumilis ang tibok nito at naramdaman kong nanghihina na din ang mga binti ko. Nagbuhol ang dila ko at hindi ako makapagsalita.
Gusto kong titigan ang mukha niya buong araw!
Parang tumigil ang mundo at eksaktong eksakto sa pagbaling ng paningin ni Gian sakin saka tumigil 'to! Ramdam at rinig ko parin ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Kumikinang kinang din ang paligid at parang kami lang ni Gian ang tao sa mundo.
Napalik ako sa realidad nang kurutin ako ni Vanessa sa tagiliran.
"Mamaya na ang daydream! Pwesto na!" Bulong niya at itinutulak tulak ako.
Nanginginig padin ang mga binti ko na lumapit kay Gian. Tumabi ako sakanya at nanatili padin ang blangkong mukha niya. Nakatingala ako dahil matangkad siya at tinititigan ko ang napaka perpekto niyang mukha...
Grabe walang pimples! Wala atang pores ang isang 'to! Sana all po huhu
"Tititigan mo nalang ba ako o titingin ka na sa camera?" Malamig na tono niyang sabi habang nakatingin sa harap namin.
Si Vanessa na may hawak na phone ay pinandilatan ako at nginunguso pang dumikit ako kay Gian. Amoy na amoy ko ang mabangong perfume niya nang dumikit ako ng husto. Parang gusto kong singhotin lahat kasama ang damit niya para lang hindi ko makalimutan ang amoy!
"Okay! One..two..three...smile!"
Ngumiti ako ng malapad at nagbilang ulit si Vanessa para sa isa pang picture. Naka tatlong picture na kami ni Gian at bumuntong hininga na siya sa ikatlong tapos.
"T-thank y-you..." nauutal kong sabi sakanya na bored na bored lang ang itsura.
Grabe 'to, wala na ba siyang ibang facial expression? Ayan na 'yon? Todo na 'yan Laxson?
"Sure, tss..." sabi niya saka umalis
Nakatalikod na siya sakin at tanaw tanaw ko ang malapad na balikat niyang lumalayo sa paningin ko. Nakangiti ako ng malapad at halos mapunit na ang labi ko sa lapad ng ngiti ko. Nang makalayo siya at masiguro kong hindi niya na ako maririnig ay nagtitili na ako habang yakap yakap na inaalog si Vanessa.
"Aray! Pakshet! Teka! My brain!" Tinulak niya ako ng malakas at niyakap niya ang sarili niya.
"Ang bango bango niya! Grabe lalo akong nainlove sakanya!" Nagtitili pa ulit ako
"Mabango at gwapo pero suplado!" Iniabot niya sakin ang phone niya.
Tinignan ko ang pictures namin at napanguso ako ng makitang blangko lang ang expression niya kaya naman nilipat ko sa iba pero mukhang ako lang talaga ang masaya sa picture na 'yon!
Okay lang 'yan kahit kasing blangko ng scratch paper ko math ang mukha mo, love pa din kita hihihi
Napangiti ako ng todo habang tinititigan ang mga litrato namin. Pabalik balik ang pag palit ko sa mga 'yon at ako na mismo ang nagsend sa account ko gamit ang account ni Vanessa. Para akong tangang natawa tawa habang nagssway ng bahagya sa gilid ng auditorium.
"Hoy pumasok na tayo at mamaya mahuhuli tayo ng matandang Minchin! Mamaya na yang kilig kilig mo! Aral muna bago landi oy!" Sigaw ni Vanessa sa tenga ko.
Nakangiti akong tumango tango sakanya at nasa likod niya habang naglalakad. Hindi parin naalis ang ngiti ko at may ilang studyante akong napapansin sa gilid ng mga mata ko na nagtatakang nakatingin sakin.
Bakit?! Wala ba kayong mga crush ha?!
Kung sino sainyo ang walang crush ilapit niyo sakin!
I can't stop thinking of Gian. Kahit na blangkong blangko ang ekspresyon niya ay naiimagine ko ang mukha niya kapag nakangiti.
Waaah! Sobrang gwapo!
Napahagikgik ako at kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtili at kinurot kurot ko ang mga daliri ko na nasa likuran ko para mabawasan ang kilig na nararamdaman ko
"Anak ng pucha 'di pa rin humuhupa kilig mo?!"
Hindi makapaniwalang tanong ni Vanessa
Nandito na pala kami sa tapat ng classroom at kasalukuyang naglilinis ang lahat dahil homeroom time pala ngayon.
"Hooooy! Punyemas kayo! Sabi ko naempacho kayo pareho at sabay! Hindi ako makapag isip ng idadahilan bukod don mga cuttingera!" Bungad samin ng Class president namin na Bakla
"Ay teh alam mo naman ang ate girl mo Alexine ay isinasaalang alang ang grado para sa pinaka mamahal na Laxson ng buhay niya!" Sarkastikong sabi ni Vanessa
Napanguso ako.
"Alam na alam namin 'te! Kaya kami dito always to the takip! Jusko pangatlong beses na daw ninyong dalawang maempacho ng sabay, kaloka!" Eksayradang sabi ng president namin at saka pumasok sa loob.
"Ano? Ganyan ka nalang? Ngingiti ngiti? Hahagik-hagikgik? Tatawa-tawa nalang? Isantabi muna ang kilig 'te! Madaming oras mamaya!"
Pumasok na kami sa classroom at tumulong maglinis. Nang matapos namin 'yon ay ilang minuto ang lumipas at dumating ang teacher namin, huling subject sa araw na 'yon.
Habang nagdidiscuss siya ay nakangiti akong nakatanaw sa building nina Gian na kitang kita sa pwesto ko. Agad na natapos ang teacher namin at madaling madali akong nag ayos ng gamit ko dahil ngayong araw ay sabay ang oras ng uwian namin ni Gian.
"Daig pa si flash oh ibang klase!" Rinig kong biro ni Vanessa
"Una na ako ah?! May gagawin pa ako e, Babye!"
Isinukbit ko ang strap ng bag ko at kumaripas ng takbo pababa at sakto dahil kakababa lang din ni Gian. Kasama niya ang dalawang lalaking kaibigan niya at isang babae na girlfriend ata nung isa. Tahimik lang si Gian na naglalakad at medyo binilisan ko para makahabol sakanila.
Amoy na amoy ko ang pabango ni Gian na hindi nabubura ang bango kahit magdamag na nakakapit sakanya. Nasa likuran niya lamang ako na nakangiting naglalakad habang nakatingin sa kabuuan ng likod niya.
Halos mapunit ang labi ko sa lapad ng ngiti sa labi ko...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top