KABANATA LIII - Waryari

Sinong nagsabi na pwede mong makita ang great wall of China outer space? Tampalin nyo sya para sakin, hindi totoo yun. Paano ako nakakatiyak? Kasi nakarating na ako sa kalawakan. Sa buwan actually. Paano? Ganito lang yun...

"Isa akong mapagpatawad na dyosa, kung gusto nyo pang mabuhay pwede pa kayong tumalikod at lumakad palayo, kakalimutan ko kalapastanganan gagawin ninyo sa aking mga mumunting bayani at wala akong gagawin sa inyo. Pagisipan ninyong mabuti." pagbababala ni Mayari sa mga nakapalibot sa amin.

Nauunawaan ko ng sentimyento ng aming tagapagligtas. Kahit mga halimaw sila ang paglipol sa kanilang lahat ay magiiwan ng masamang lasa sa bibig. May karapatan parin silang mabuhay, sa aking pananaw.

Ang sagot ng mga halimaw? Dinuraan sya nung isang ongloc. Hindi ito tumama sa kanya, bagkus ay lumihis ito na parang umiwas. Deretso saking paa.

Nagkamali ako. Tapusin. Tapusin silang lahat. ARYAAA!

Ngumiti ang dyosa, nanlamig ang aking laman. "Humanda kayo," baling nya sa amin. "hindi ito magtatagal."

Bago ko maitanong kung saan maghahanda bigla nalang napako ang tingin ko sa kanyang mata. Mata nyang wangis ang buwan. Parang hinahatak ang aking kaluluwa paloob, wala akong ibang matanaw kundi ang bilugang kaputian bumubuo rito. Ilang sandali ang lumipas at ako'y napakurap, pagmulat ko'y nakatingin ako sa isang bagay na hindi ko maintindihan kung ano. Kulay puti na may asul at ilang berde't dilaw, ang ilang parte nito ay madilim. Isang imposibleng tanawin.

Nasilayan ko ang ating mundo sa bilugang bughaw nitong kariktan.

Sa sobrang ganda nito maari na akong mamatay nang nakangiti't may luha sa mata. Malalaman nyo ang pakiramdam kapag nakita ninyo ito sa field trip nyo next year. Irequest nyo yun isama sa itinerary ninyo yung outer space for research purposes.

Ang unang pumasok sa aking isipan ay 'asan ang great wall of China?'. Yep, seryoso iyon talaga, ewan ko kung bakit pero sa pagkakataong di mo inaasahan, ang utak mo minsan ay papasukan ng kaisipang di rin inaasahan. Eniweys, yung tinuro noon sa paaralan mo na ang tanging makikita mong gawa ng tao sa outer space ay yung great wall, mali yun. Makikita mo yung pyramids, mga tulay sa dagat etc, pero yung great wall, hindi. Icross out mo na yan.

Sumunod kong naisip ay kung nasaan ako at kung anong nangyari. Wala na ang kagubatan at napalitan ng mabatong puting kalupaan at kabundukan sa madilim na kalangitan. Nagulat ako nang makita ang aking tinatapakan, o sa kawalan nito. Dahil lumulutang ako. Maging ang aking masuotan tila makupad na lumilipad sa kailaliman nang karagatang walang tubig.

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero napunta kami sa buwan.

Lumingon para hanapin ang aking mga kasamahan na nakita ko naman na katauhan ng pwet ni Jazz na lumulutang papalapit sa akin. Nakabaliktad kasi sya. Sinubukan ko lumangoy palayo pero saking pagkagimbal hindi ako gumagalaw saking pwesto kaya bago pa magvolt in ang pwet nya saking mukhd sinipa ko nalang ang kanyang tumbong niya palayo. Dun ko nakita sila Tifa na lumulutang din at tila gulat pero hindi takot. Kasi nagseselfie sya background ang planeta natin. Ang mga bata ay magkayakap na umiikot sa ere, malapit lang si Makie at Noli tila kalmado lang. Tinawag ko sila pero walang lumabas na tinig. Sa katunayan walang kahit anong tunog na maririnig. Tulad ng inaasahan, ganun sa kalawakan. Ang nakakapagtaka, dapat wala ring hangin pero hindi kami nahihirapan kahit di kami humihinga. Ang alam ko rin may kaunting gravity sa buwan pero hindi kami lumalapag sa sahig.

Ang kasagutan ay dahil kay Mayari. Maaring binigyan nya kami ng basbas upang hindi masaktan, na napatunayan ko nang makita ko ang mga kalaban.

Kung nakapanood na kayo ng pelikula kung saan sumasabog ang katawan sa outer space, o kumulo dugo dahil walang pangkalawakang kasuotan, mali yun. Ang unang nangyari lumobo ang katawan ng mga halimaw mula sa paa at kamay. Ayon kay Tifa nagkakaroon daw ang mga bula ang likido katawan at nagexpand, tawag run 'Ebullism'. Hindi kukulo ang dugo sa loob ng katawan dahil matibay ang balat(lalo na siguro sa mga halimaw). Pero may lumabas na dugo sa bibig nila, at yun ang kumulo, nasira ang baga nila nang subukang subukan pigilan ang hininga. Sa kalawakan walang pressure, nageexpand ang hangin kaya sumabog ang baga nila. Pero nakakahanga dahil di sila nawawalan ng malau. Sa tao kasi, mga 15 segundo lang wala nang oxygen ang katawan kaya hinihimatay.

Ayun, tama na pagiging kuya Kim ko, baktudastory...

Si Mayari nakatayo lang sa lupa at lumilipad ang buhok habang umaagos sa kalawakan ang kilabot na nagmumula sa kanya.

"Ipagpaumanhin ninyo giliw kong mga panauhin ang kapayakan ng aking tahanan, masyadong biglaan kasi ang inyong pagdalaw kung kaya't di man lang ako nakapagwalis man lang." umugong ang boses sya sa loob ng aking ulo.

At sa aking pagkabigla, meron talagang walis-tingting at pandakot sa tabi. Kung anong wawalisin nya run malay ko. Kung nakita yun dati ni Neil Armstrong malamang matae esya sa kakaisip kung paano nagkaroon nun dun.

Nilapitan niya ang dumura sa kanya at inilakbay ang hintuturo sa kanyang braso. "Kung inyong mamarapatin ipaghahanda ko muna kayo ng makakakain... Ano yun?" umarte sya na tila pinapakinggan ang sinasabi ng naghihingalong halimaw. "Aalis na kayo agad? Hindi nyo naba mahihintay? Kailangan nyo nang umuwi at may dinadownload kayong koreanovela? Oh sige kung hindi na kayo magpapapigil edi ibabalik ko na kayo."

Lumalim ang boses nya lumiwanag ang mata. "Sa lalong madaling panahon."

Biglang bumaligtad ang mundo. O ang buwan. Mistulan akong lobo na napigtas ang tali ngunit sa halip na lumipad ay nagpatihulog pataas tungo sa direksyon ng ating planeta sa di masukat na bilis. Para akong hinahatak ng mundo, parang nakatali sa isang lastikong nabatak at binitawan. Ramdam ko nang pumasok ako sa teritoryo ng mundo, parang nagkaroon ng pader na hangin na humampas sa aking katawan, manipis, mainit at nakakahiwa. Napansin ko na lamang na may lumalabas na tinig sa aking bibig pero hindi ko ito naririnig, dahil ang pagbulusok namin ay mabilis pa sa tunog. Nagimbal ako nang mapansing umaapoy ang aking katawan, kumalma lang ako nang napunang hindi naman ako nasasaktan. Para lang akong sila goku pag lumilipad sa ere. Achievement unlocked: lumipad(mahulog) na parang saiyan.

Iba ang kaganapan sa aking paligid. Oo ang mga kasama ko ay nasa katulad na kalagayan ngunit ang mga kalaban ay tila lumangoy sa impyerno. Bawat isa sa kanila ay naghuhumiyaw sa sakit. Ang ilan sa bahagi ng kanilang katawan ay nagbabaga na tila uling sa ihawan. Ang ilan sa kanilang parte'y lumiliyab na bumaklas, parang piniritong manok na binaklian ng binti at pakpak. Nalulusaw sa init ang kanilang mga mukha hanggang isa-isa silang tuluyang nabalutan ng apoy at sumabog na parang kwitis. Kahit nagliliyab din ako, naramdaman parin ako ng panlalamig ng kamay at paa saking nakita.

Isa itong eksenang hindi ko na gustong makitang muli.

Kung may pagkakataon may napanood kayo sa kalangitan na isang biglaang meteor shower, at nagwish kayo na dumating na ang forever ninyo, sorry pero baka kami lang yung nakita ninyo kaya di matutupad wish nyo. Better luck next time.

On the side note, meteor tawag dun sa mga falling stars. Kapag tumama na sa earth, meteorite na. Alam nyo na siguro yun diba? Eto baka hindi. Meteor = bulalakaw, Meteorite = bulalato. Walang may paki? Okey sige balik na sa story.

Dumating sa puntong ang natira na lamang sa kalangitan ay ang aking mga kasamahan, si Mayari na nakaupo sa liwanag at kumakain ng sundae na di ko alam kung saan nanggaling at ilang matitibay na halimaw na buhay parin, partikular na ang mga higante. Patuloy ang aming pabulusok hanggang pumasok at lumagpas kami sa kaulapan at matanaw ko ang madilim na karagatan at mga islang lumalaki habang lumalapit. Nagkaroon ng malakas na hangin ang paligid at naaninag ko na ang mga syudad at kabundukan. Para kang naggogoogle maps sa gabi pero pabilis nang pabilis ang pagzoom.

Sa isang madilim na parte kami babagsak. Halos tumakas ang aking kaluluwa saking katawan nang ilang segundo nalang lalagapak na kami sa lupa at wala paring senyales ng pagbagal ang aming pagbagsak. Taranta akong lumingon kay Mayari na kumindat lang nang napansin nya ako at inalok ako ng sundae. Gusto kong sumigaw na kapag napisak ako sa pagbagsak malamang maging sundae rin ako pero hindi nya rin ako maririnig.

Hanggang sa dumating ang lupa sa aking harapan.

Ikinurus ang aking braso saking mukha at pumikit(na malamang malaking tulong, wow). Dumagundong ang pagsabok ng lupa senyales ng pagbagsak ng dambuhalang bagay. Hanggan naramdaman ko ang lakas ng hangin na unting-unting humupa. Natira na lamang ay ang tunog ng nagniningas na mga bagay. Nanumbalik ang temperatura ng aking at normal na pagtibok ng aking puso.

Pagmulat ko ng aking mata at nakatayo ako sa lupa na parang hindi naganap ang mga nangyari. Pero ang aking paligid ay puno ng uka ng mga bumagsak at naguuling na mga labi ng kalaban patunay na nangyari ng ito. Tumingin ako sa buwan sa kalangitan at nanghina ako. Hindi ako makapaniwala. Nahulog ako mula run. Nahulog ako mula sa buwan.

"WHHOOOOOOOOAAAAAAAAHHHHHHH! Ang galing nunnnnn!!!. Ayyyyyiiieeeee!!! Isa pa pleaseeee! Sigenasigenasigenasigenaaaa!" nagtatatalong pagtititili ni Tifa.

"Tama na please... Pakiramdam ko nabawasan ng tatlong dekada ang buhay ko." reklamo ko.

Bumilog ang kanyang pisngi. "Ang baduy naman neto."

"Ok nang baduy basta buhay."

"Hahaha, matatakutin ka talaga katotong Milo, kailangan mo pa ng kaukulang pagsasanay."

Tinignan ko si Jazz na nanginginig ang tuhod habang sinasabi yun. Sa masusing pagsusuri mapapansin mo pang may balahibo ng manok na nakalitaw mula sa kanyang pwetan.

"Ayokong marinig yan mula sayo." ani ko.

Sa saglit na obserbasyon, nalaman kong nasa labas ng kami ng bundok Napili. Nakatakas kami sa kagubatan.

"Kamusta ang panandaliang bakasyon sa aking tahanan, nagustuhan ba ninyo." pasok ni Mayari habang naglalakad tungo sa amin.

Ang unang nakasagot sa amin ay si Noli na biglang lumuhod sa kanyang harapan.

"Mahal na diyosa ng buwan, isa malaking karangalan ang magisnan ka, utang pa namin sa iyo ang aming buhay! Maraming salamat. Hindi ko lubos maisip kung paano mababayaran ang pagligtas mo sa amin." magalang nitong sabi.

"Pwedeng 5 gives. Pwede ka ring magsangla ng atm sakin."

"...huh?"

"Wala." tumingin sya sa amin. "Bakit di nyo tularan ang pagiging magalang ng batang ito, hindi ba kayo gagaya sa kanya at sasambahin ang magandang dyosa sa inyong harapan? Hala sige na, wag nang mahiya at lumuhod na sa aking harapan."

"Pass." sagot ni Makie. "Tatadyakan muna kita bago moko mapaluhod. Hindi mo man lang kami sinabihan ng gagawin mo, leche ka."

Napalingon bigla si Noli, tumatagaktak ang pawis at nanlalaki ang mga mata. Nahintakutan sa pabalang na sagot niya sa dyosa. Kami naman balewala nalang, Makie will be Makie.

Ngumiti ang dyosa pero tumaas ang kilay. "ohohoho, bakit? Natakot kaba? Akala mo mamamatay kana? Gagawin ko ba naman yun sa kyut kyut kong dalaginding? Sorry na ha, diko na uulitin."

"Hindi ako takot." ngitngit nitong tugon. "At ano yung sulat na binigay mo, bakit ganun? Ang lakas ng trip mo ah."

Oo nga, gusto ko ring magreklamo sa bwisit na sulat na yun.

Bigla syang humagalpak ng tawa at hawak-hawak ang tyan na napaupo. "BWAHAHAHA! Wag nyo ipaalala, natatawa lang ako kapag naalala ko ang pagmumukha ninyo nung akala nyong di ko kaya tutulungan, ampapangit ninyo! Lalo kana!" turo nya sakin. "'MAYARIIIIII!' Kung nakita mo lang kung paano ka sumigaw nun na parang nasa teleserye sasapkin mo sarili mo. Kulang nalang ulan eh. BWAHAHAHA. Saglit tumutulo sipon ko *singhot* hahahah!"

Napatingin ako sa lupa at nagbilang ng damo sa hiya. Parang gusto ko na nga sapakin yung sarili ko kapag naalala ko nung ginaya nya yung pagsigaw ko. Ganun ba ako kadrama?

Umubo sya. "oh sya sya, di ko na kayo pipiliting lumuhod kung ayaw nyo. Pero hindi man lang ba kayo magpapasalamat? Wala ba kayong sasabihin?"

Nagtaas ako ng kamay. "Ako meron." Ngumiti sya sakin. "Para saan yang espada mo, Hindi mo naman ginamit?"

Napakurap lang ang mga kasama ko na parang sinabi na 'oo nga'.

"Eto?" itinaas na ito. "Wala lang, mas maganda kasing tignan kung meron ako neto. Bagay sa akin diba?" itinatak nya ito sa lupa, hinawakan at nagproject na parang model, sabay kindat uli sakin. Nanigas ako saking kinatatayuan.

Tumaas ang kilay nya. "ohoho, bakit dika makasagot? Namumula ka pa. Nainlove kaba? Sorry pero suntok sa buwan ako bwahahah."

Sa normal na pagkakataon babarahin ko ang ganung sagot, pero aaminin ko sa inyo, nawalan ako ng sasabihin. Dahil ang kagandahan nya ay walang katulad sa mundo. Hindi ito maihahambing sa kahit ano na nakita ko nalang ang sarili kong nawalan ng salitang isasagot. Tunay ngang siya ang pinakamagandang dyosa sa lahat.

"Suntok sa gurang kamo."

"S-sino may sabi nun?!" baling nya sa mga kasama ko pero lahat sila walang reaksyon kaya di namin nalaman kung sino yun.

"Ako rin may sasabihin." sabi ni Jazz.

"Yes ano yun?" ngiti uli ni Mayari. Halatang sabik na mapasalamatan, parang bata.

"Sino ka?"

".......huh? Anong sino ako? Hindi mo ba ako kilala." pagtataka niya. Pati kami rin nagtaka kung bakit nya naitanong ito.

Umiling lang ito na parang may tandang pananong sa ulo.

"Ako ito si Mayari... Ang dyosa ng buwan. Dimo na maalala?"

Kumunot ang noo nito at lumiyad yung ulo. "Yung may buwanang dalaw?"

"Oo... Ay hindi pala. Wag mong tawaging ganun yun." naiirita nitong tugon kahit nakangiti. Muntikan nakong matawa.

"Hindi ikaw yun. Ang alam kong dyosa ng buwan ay isang ineng pa lamang na ganito lang kalaki." sumenyas sya bandang baywang. "kayo ay dalaga na."

Tama si Jazz. Naiintindihan ko kung bakit sya nagtataka dahil anlaki ng pinagkaiba ng kanyang kaanyuan. Pero sa kabilang banda di parin maikakailang siya iyon dahil ilan nitong katangian, sa katunayan paglapag nya oalang sa lupa alam ko nang si Mayari sya. Pero gusto ko ring malaman ang dahilan kung bakit nagbago ang itsura niya.

"Ah iyon ba?" sagit ng dyosa. "Ito talaga ang tunay kong itsura, may pinipili ko lang na itsura ng isang bata para makapagipon ng lakas. Ginagamit ko lang itong kaanyuan kong ito kapag makikipagdigma ako."

Sa madling salita parang si jericho sa ghostfighter.

"Kumbaga iyan ang war mode mo?" tanong ni Tifa.

"Syang tunay."

"War mode?" tanong ni Jazz.

"Oo, war mode jazz. Kaanyuang pandigma." sagot ni Tifa.

"Ahhhh! War mode ni Mayari!"

"Tama." ngiti ng dyosa na nakilala na sya ni Jazz.

"Bale Waryari?"

Nagkaroong ugat sa pisngi ng nakangiting dyosa." Ahh... Hindi. Hindi ganun."

"Pasalamatan natin ang dyosa ng buwan! Purihin natin ang dyosa Waryari!" sigaw ni Jazz.

"...hindi sabi. Wag nyo akong tawaging-

"Waryari! Waryari! Sabay-sabay!"

Sumama na kami sa paghiyaw sabat ng pagtaas ng kamay. "WARYARI! WARYARI! WARYARI!"

"Ayan na naman kayo, sabing wag nyo-"

"WARYARI! WARYARI! WARYARI!"

"............"

"WARYARI! WARYARI! WARYARI!"

"MANAHIMIK KAYO! IBABALIK KO KAYO SA BUWAN!"

Nagkaroon ng shockwave kung kaya't nanahimik nalang kami. Ayoko munang bumalik sa buwan. Magpapatuloy pa sana si Tifa kaya tinakpan ko ang bibig niya.

"Waryari-waryari kayo dyan, pasalamat kayo tinulungan ko pa kayo kahit ang lakas nyo mangasar eh."

"...hindi ba dapat lang yun? Tinutulungan ka rin naman namin mula sa bakunawa eh." sagot ko.

"...alam mo may punto ka Napili. At dahil dyan, halika lumapit kayo rito."

"Bakit?"

"Dali na, ang dami pang satsat eh."

Kahit nagtataka humarap kaming lahat sa kanya. Sa pagpitik ng kanyang daliri, lumiwanag ang buwan sa kanyang mata at nabalot kami ng sinag ng buwan mula sa langit. Saglit lang ay nawala ang lahat ng sugat sa aming katawan, maging ang lakas namin ay nanumbalik. Para kaming naginhawaan sa pag-gising sa isang bagong umaga. Nagbigay kami ng pasasalamat na nagresulta sa kanyang sinserong pagngiti.

"Hindi makakabuti sa akin kung ang mga bayani ko ay mapahamak bago pa man nila ako mailigtaw. Kahit sa ganyang paraan ay makatulong man lang ako sa inyo."

"Aahhhh!" sigaw ni Tifa. Napalingon kami sa kanya at tinuro nya ang dyosa. "D-dyosa, ang inyong mata!"

Nahintakutan ako sa aking nakita. Ang matang buwan ni Mayari ay lumuluha... Ng dugo.

Hinawakan nya ang dugo sa kanyang pisngi, tinignan ito at dumilim ang kanyang mukha.

"Alam kong mangyayari ito pero hindi ko inaasahan na ganito kalala."

"Anong ibig nyong sabihin?"

"Nasabi ko dati na hindi lang isang buwan ang nasa kalangitan hindi ba? Kinain ng bakunawa ang iba hanggang isa na lamang ang natira. Ang buwan sa aking mata ay isang batang buwan na aking itinabi bilang huling alas sa pagkakataong may mangyari di kanais-nais sa aking buwan. Masasabi mong kung namatay buwan sa itaas, dito ako huhugot ng lakas para mabuhay kahit sa saglit pang panahon."

Tumingin sya sa amin nang masidhi. At dahil sa dugo nya sa mata isang matinding kilabot ang naging dulot nito. "Makinig kayong mabuti mga bayani, namamatay na ako."

Napahigop kami ng hininga sa gulat.

"Para maging eksakto, mamamatay na ako bukas nang gabi. Kapag tuluyan nang kinain ng bakunawa ang buwan. Sa ngayon nanghihina na ako, kung kaya't napilitan akong gamitin ang lakas ng buwan sa aking mata upang iligtas kayo. Ang resulta ay ang nakikita ninyo ngayon. Maging ang simple paWala na akong lakas pa na natitira."

Kinabukasan. Napalunok ako ng laway. Lumalapit na ang katapusan.

"Kung ganun bakit mo ito ginamit sa amin?!"

"Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang aking mga anak na nangangailangan ng tulong hindi ba? At isa pa sabihin na nating may tiwala ako sa inyo. Naniniwala akong ililigtas ninyo ang buhay ko. Hindi, nakikiusap ako, bukas iligtas ninyo ako."

Bahagya syang napayuko sa amin na ikinataranta naming lahat.

"Itaas ninyo ang inyong mukha. Hindi dapat yumuyuko ang dyosa ng buwan kahit kanino." may pangaral na sabi ni Makie.

Napakamot ito ng ulo. "Tama ka haha. Hindi ako dapat yumuyuko, lalo harap ng mga... kaibigan." ngumiti sya samin.

"Makakaasa kayo, gagawin namin ang lahat para pigilan ang bakunawa." buong loob kong sabi.

"Hindi ko makakalimutan ang iyong kabaitan. Lagi kong maaalala ang masasayang sandali ng iyong buhay." dugtong ng Diwata.

"...para mo nang sinabing mamamatay talaga ako uh."

Bumelat lang si Makie bilang sagot.

Dumilim bahagya ang langit nang matakpan ang buwan sa kalangitan. Kasabay nito nanganganinag(nagiging transparent) ang katawan ni Mayari, parang tinatangay ng hangin ang kanyang kaabuuan.

"Wala na akong oras. Hanggang dito na lamang ang kaya kong itulong sa inyo, kayo naman ang magpapatuloy sa inyong parte. Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita..." may lungkot pero nakangiti nyang sabi samin.

"Mayari..."

"Nandito na ang inyong sundo."

Itinuro nya ang kalangitan kung saan may dalawang malaking ibong iba iba ang kulay na pumapagaspas pababa. Malaki na tipong kaya nitong dumagit ng kalabas nang walang hirap. Sa katunayan mayroon dinadagit ang isang hindi ko maaninag. Lumingon akong muli upang magpasalamat sa dyosa ng buwan.

Pero wala na siya. Napapikit ako.

"Ililigtas natin siya. Sinisigurado ko iyan." pagdedeklara si Makie na di tumitingin sakin.

At batid ko sa mukha ng mga kasamahan kong puno ng determinasyon na buo ang aming loob para isakatuparan iyon.

"Sumisigaw yung nasa itaas. Tinatawag nya tayo." ani Mira.

Muli ay bumilib ako sa kanyang pandinig. Sa aking di tiyak na tantya ay may 226.31feet pa ang taas ng mga ibon, at sa lakas ng pagaspas nito nalulunod pati ang tunog ng aming paguusap. Dahil dun nalaman naming tao ang dagit-dagit ng ibon. Para marinig ang tao sa itaas sa ganong sitwasyon ay isang kakayahang kapuripuri.

"Ay! Nahulog sya!" gitla ni Ever.

Nanlaki yung mata ko nang nabitawan ng ibon ang tao at mabilis na bumulusok. Nanumbalik ang trauma ng pagbaksak namin mula sa buwan, pero sa kasamaang palad walang pipigil sa pagbagsak nila di tulad samin. Sa pagkagulat din namin di kami nakakilos agad upang saluhin siya.

"aaaaaaaAAAAAAAHHHHH!" palakas na sigaw niya habang papalapit sa sahig hanggang...

*BLAGGGGGG* *tud* *tud* *tut...*

Bumalibag siya sa lupa at tumalbog nang tatlong beses bago tumigil. Hindi na ito gumalaw.

Isang literal na buwis buhay na grand entrance.

Nanlamig ako sa aking kinatatayuan, paniguradong hindi na mabubuhay ang sinumang bumagsak nang ganoon kataas. Kung sino pang susundo sa amin, siya pang naunang sinundo ni Bathala.

"Tulangan natin siya!"

Sinimulan ni Noli ang paghangos sa bumagsak at sinundan namin siya. Kahit pa wala na itong kabuluhan kung wala nang buhay ang tutulungan.

Nakadapa ang lalaki, nalaman kong lalaki dahil sa matipuno nitong pangangakatawan. Kakaiba ang angulo ng kanyang mga bisig at binti na parang nabali. Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Oy! May nahulog oh, sayo ba to?!" sigaw ni Jazz sa itaas. Gusto ko sana syang batukan sa pagiging insensitibo niya pero nagulat ako na malamang may tao pa pala sa mga ibon. At sa pagkakaaninag ko, nakaupo sya sa likod nito.

"Hindi akin yan! Itapon nyo nalang sa basurahan o kaya sunugin ninyo!"

Kumunot noo ko. Pamilyar sakin ang boses ng babae.

"Hahaha! Anlamig naman ng pakikitungo mo sa akin! Akala ko magkaibigan tayo?"

Napatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita ang bangkay na nakadapa. Pero bigla akong pinagpawisan nang naramdaman ko ang matalim titig sa akin. Dun ko lang napagtanto na sa pagtalon ko napa-akap at nasalo ako ng isa sa kasamahan ko.

Kay Makie.

Puso ko naman ang napatalon sa gulat dahil buhat nya ako na parang prinsesa. Pero naliligo ako sa malamig na pawis nang halos lumitaw ang ugat nya sa sintido.

Ngumiti ako sa kanya. "...Is this the real life? Or is just fantasy?"

Binagsak nya ako sa sahig at paglagapak di pa sya nakuntento, tinadyakan nya ako kung kaya't gumulong-gulong ako sa lupa. Tumigil lang ako nang bumangga sa isang bagay. Napaupo ako agad at napaatras nang malamang bumunggo ako sa bangkay na nagsasali. Yiiiieeeee.

Sa isang malakas na bugso ng hangin lumapag na ang dalawang malaking ibon.

"Wala akong kaibigang manyak." sabi ng babaeng nakasakay.

"Hindi ako manyak. Marunong lang ako kumilala ng kagandahan."

Biglang tumayo yung lalaki nagpagpag ng kanyang damit na parang parang walang nangyari. Hinawakan nya ang kanyang ulo at nangiwi ako nang nagpatunog sya ng leeg.

"Whoo ang taas nun uh, akala ko talaga mamamatay nako. Buti nalang malambot ang nabagsakan ko. HAHAHAHA!" tawang niya habang nagsstretching.

Tinignan ko ang sahig, puro bato. Walang bahid ng kalambutan gaya ng sinabi nito. Kaya parang kinilabutan ako nang mapansin wala syang balo o kahit halos galos sa katawan.

Nginitian nya ako. "Narito kami para sunduin kayo Maiko. Halina kayo, umuwi na tayo."

At sa wakas dumating ang magsusundo samin pauwi sa Kanlungan. At ang tagasundo namin ay sila Kabesa Tony at Bangis.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Una sa lahat, salamat sa mga nagffloodvotes. eto sila oh, clap clap sa inyo:
transparent-ghostjajasieltebongxDIrishPonce8ChiimChimsJamsazzerkarDiiCanonTripletsX, MakQui2EamyumizxcJayRon2224cjhonoyong_1306ArtJam12Darling_maetrixiebelzzsysyPotterheadFafa_NeilXeNaRia27shadowplaysbrahcZYnderella22Mixcs_Alokidokivisualkryz_09QueenieGabriel6chrstndlsngKateMartinez8maybelfuentebella

salamat sa inyong lahat, dami ninyo. Sa iba pafloodvote narin para rakenrol.

salamat sa lahat nang nagbabasa parin kahit matagal UD, dami ko kasi talagang busy eh, kahit gusto ko magUD kaagad di ko makagawa. hayz. sana suporta parin kayo sa pagbabasa, or kahit in kind or in cash na suporta pwede rin haha.

sa naghihintay ng publication naman, ayun, parehas tayo. awaiting pako ng go signal ni publisher eh, pero hopefully magstart na ng pre-order this feb or march. sa oorder, may freebies po gaya ng malunggay at mga bato sa bakuran namin, para kahit malayo man tayo sa isat isat, parang malapit lang din.

Yun muna kitakits.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top