Ocean Eyes
"Hayaan mo akong manatili,Hanggang sa supilin ng mga alon ang aplaya." Dinig ko ang nginig sa boses nya, inayos nya ang mikropono at itinuon sa akin ang mga mata."Hayaan mo akong mahalin ka,Hanggang malunod ako sa dagat ng sariling luha" tila nanlamig ang buong sistema ko. Unahan ang mga luha, nakakapanlumo ang pakiramdam ng sakit na dapat sana ay pagmamahal. "Hayaan mong ikaw pa rin ang maging paksa,Hanggang maubos ang tinta sa alay kong mga tula"…