Midnight Wanderers
Ilang daang taon na ang lumipas noong naganap ang digmaan sa pagitan ng kabutihan at kasamaan. Nasadlak sa kahirapan ang mundo ng mga tao at elemento sa kamay ng Hari ng Sitanian. Pero may isang itinalagang Hinirang ang matapang na humarap kasamaang ito. Sa pamamagitan ng mahiwagang Kristal ng Chariot at nang kaniyang buhay. Nagapi niya ang kasamaan at nabigyan ng kaayusan ang buong mundo. Ngunit sa ilang siglong pagpapanatili ng kapayapaan, ang dalawang mundo ay muling nagulo dahil sa hindi inaasahang pangyayari. At iyon ay...Ang pagkawala ng Kristal ng Chariot.Iba't-ibang krisis ang naganap tulad ng kalamidad at pagbabago ng paligid. Ngunit ang pinaka malala sa lahat ay ang pagkakaroon ng sumpa sa mga nilalang. Kung saan lahat ng nilalang ay magiging estatwang kahoy. Ang lahat ng iyon ay iisa lamang ang dahilan, iyon ay ang Sumpa ng Liwanag na dulot ng maling paggamit sa kapangyarihan ng Chariot. Sa pagreresolba ng problemang ito, may isang grupo ang naglayong maglakbay. Kung saan may isang bagong Hinirang ang kasapi doon at sa kanilang pagdating, sila ang naatasan upang maisagawa ang isang misyon. At iyon ay muling ibalik ang Kristal ng Chariot sa pamamagitan ng Barala.Kaya sama-sama nating tunghayan ang mga mangyayari sa kanilang kakaibang paglalakbay. Kung ito ba ay magiging sablay o matagumpay?.Kung tagumpay edi hayahay ang buhay. Kung hindi naman edi isang malaking goodbye sa kanilang buhay. Charot Hahaha. Ciao! kitakits sa kabilang buh-- este sa kabilang pahina pala.Enjoy!!! "TripletsX"…