Chapter 61
CHAPTER 61
Morgan's POV
Mateo's birthday
"Lahat ng birthday gifts na matatanggap niya sa side na lang. Yung mga wine, mag-set na kayo ng table for that. Then 'yung mga foods, pakibantayan na ho Manang Celly. Kayo na ho ang bahala sa mga bisita ni Mateo."
Napangisi ako sa narinig dahil sa natatanaw ko mula sa hindi kalayuan. It's Fayra. Nakabihis man siya ng elegante ngayon ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang surprise birthday party na naisip niya para kay Mateo. Mula sa maliit na details nitong party, walang palya niyang inaayos, kaya't labis ang tuwa na pumapaloob sa sistema ko.
Inubos ko na ang wine ko at inilapag 'yun. Tumungo ako sa parte kung saan nandoon si Sébastien na busy pa rin sa pagtitipa ng phone niya. Nakakunot na naman ang noo niya. Bago pa man ako magkalapit nang tuluyan ay naunahan naman ako ni Isabella. Agad na lumiwanag ang mukha ng gago at mabilis na itinago ang phone niya.
"Parang bipolar ah." Biro ko.
Natuon ang paningin nila sa'kin. Si Isabella ay napangiti lang habang si Sébastien ay masama ang tingin sa akin.
"Lumayas ka nga dito, Morgan. Tatamaan ka na talaga sa'kin. Kahapon mo pa ako iniinis na hayop ka."
Napaawang ang labi ko sa narinig. Ang pikon naman ata nito sa 'kin ngayon. Masyadong dinamdam ang biro ko kahapon. Sabagay, sino nga ba naman ang matutuwa sa ginawa ko na dahilan kung bakit sa sala siya natulog kagabi at hindi sa tabi ng pinakamamahal niya.
Hindi ko naman sinasadya, bigla ko na lang naisipan na pagtripan siya tutal ay ilang oras niya na ring pinaghihintay si Isabella sa dinner date nila. Kaya niya namang unahin 'yun kaysa sa meeting niya with our investor na pumayag na iurong muna ang meeting. Pero dahil sa pagiging workaholic niya, he forgot about his words to his lover. Gumawa lang naman ako ng paraan para matauhan siya.
"Si Mateo, for sure didiretso 'yun bg airport after his meeting---"
"Yes, but definetly he would come here. Hindi naman basta basta aalis 'yun na hindi muna magpapaalam sa mag-ina niya, kaya nga dito naisipan ni Fayra na mag-celebrate ng surprise birthday ni Mateo." Putol ko kay Isabella.
"Ang laki ng improvement nilang dalawa, lalo na si Mateo."
"Hindi naman sa gano'n."
"Paanong hindi naman sa gano'n? They good in co-parenting to their son. Yung time management nila para sa anak nila ay swack na swack. The way they handled it easily and were civil with each other made them more mature."
"Yan din ang napansin ko during this past. Mas okay pa nga atang, ganiyan lang sila kaysa sa gustong mangyari ni Mateo between them." Si Sébastien.
Napatango ako. "Ako rin, mas gugustuhin ko pa silang hindi na lang magkabalikan, dahil maski ako ay natatakot na baka maulit lang ang kahapon or worst, mas malala pa ang mangyari." Hindi ko maitago ang disappointment sa boses ko.
"You're judging your own brother, Morgan."
"I wasn't. I'm just stating the fact." Paseseryoso ko. "But looking through his eyes when he's looking at Fayra, I saw some regrets from yesterday. I saw a man who's now willing to take care of his beloved. I saw a man who wants to claim his family again, especially the mother of his son."
"Speaking of that, bakit nga ba ayaw niyang subukan? Single naman si Fayra. Yes, many men tried to court her, pero wala naman siyang pinapasok ss buhay niya." Ani Isabella.
"Because Fayra doesn't want to go back... yet, I guess."
"Well, hindi nakakagulat." Komento ni Sébastien na sabay naming ikinatango ni Isabella.
Dumaan ang ilang minuto at kung saan saan pa napunta ang usapan namin. Madami na ring mga bisita ang dumating, mostly ay puro kamag-anak namin at ang ilan ay sa side ni Fayra, even her parents, nandito na rin.
Aksidenteng dumapo ang paningin nila sa akin. Agaran naman akong ngumiti, at maging sila rin sa akin. Hindi na ako nagtangkang lumapit pa dahil may mga kausap din ito.
Dumako ako sa may gawing pool at nakita ko si Fayra na nakikipagkamayan. Kasama niya sila Maximillian na kaagad na nakaangkala sa mga bisig ang mga bote ng alak na galing pa sa mga bisita. Pupusta akong hindi na makaka-abot ang mga 'yan sa lamesa, dahil paniguradong sa kotse ng mga ito didiretso.
"Hinahanap mo ba si Lyden? Nasa guest room ang asawa mo, inaantok kanina pa kaya nagpapahinga na muna 'yun." Si Fayra.
"Yeah, sinilip ko na siya kanina. Mahimbing ang pagkakatulog. Anyways, on the way na si Mateo. I think we should turn off all the lights na." Ani ko.
"Definitely, ang bilis pa namang magmaneho nu'n." Nguso niya na bahagya kong ikinangisi.
It's just cute, at kung si Mateo ang makakarinig, nakikita ko na ang magiging reaksyon niya.
Simula nang maging maayos ang lahat. Walang araw na hindi niya ikinukwento sa akin ang araw niya with them. Sounds odd for me, dahil lalaki kami, at dahil na rin nabobosesan ko ang kilig sa kaniya. Kung kailan tumanda, doon pa kinilig ang gago.
The lights were turned off. Fayra is holding Mateo's cake, while his son, Ace, is holding confetti. While we, the guests, are holding champagne,
After a couple of preparations, we heard Mateo's car engine, he's here.
Nang pumihit ang pinto, ay ramdam ko na agad ang presensiya ng kapatid ko. And a moment later, after a few seconds of not breathing heavily and making some noise, Mateo opened the lights, and along with that, we popped up champagnes, confetties, and shouts to wish him a happy birthday.
Mateo
"HAPPY FUCKING BIRTHDAY, BRAD!"
"HAPPY BIRTHDAY, MATEO!"
"HAPPY HAPPY BIRTHDAY!"
My brows frowned a bit due to shock. My eyes roamed around to a lot of people who were in Fayra's living room. There are tons of faces. But I felt relieved when I saw Fayra walking from the middle, coming closer to me, holding a cake with a candle for me.
She's wearing her bright smile, which really matches her red lips and her flawless red dress suits her gorgeously.
Hindi ko maiwasang hindi ngumiti ng sobra dahil sa gandang lumilitaw pa lalo sa kaniya.
"Happy birthday, Mateo." She said, greeting me simply with a low tone of her sweet voice.
On the other hand, napadako naman ang paningin ko kay Ace na sumunod sa ina niya. Humawak ito sa bandang balakang ni Fayra at gustong magpakarga. Napangiti lalo ako at binuhat siya.
"Make a wish before you blow out this candle."
Pumikit ako. Hindi ko ito gawain since then, dahil hindi naman ako mahilig humiling. But right now, I know what I want to have. Permanently.
When I blew the candle, everyone popped their champagnes and put the sounds on track.
"Thank you." Pasasalamat ko, at agad siyang niyakap mula sa gilid.
Ramdam ko ang gulat niya, maging ang mga matang nakatingin sa amin. Walang nanukso, but I know what's behind those stares.
"Do you like it?" Kaswal niyang tanong kinalaunan.
"I love it, Fayra. Thank you again."
"Stop thanking me. Now, let's go. Madami kang bisita, and you need to face them all."
Naglakad kami sa gitna at halos lahat ay bumati sa akin. Kinuha ni Fayra sa bisig ko si Ace at akmang aalis, ngunit mabilis ko lang siyang hinawakan sa baywang at ipinusisyon sa harapan ko. Nang magtama ang tingin namin ay nginitian ko siya at nagbaling sa kausap.
"Happy birthday, hijo. And for my gift, ako nang bahala sa lupang gusto mo. Within this month, sirado sa pangalan mo ang ektaryang 'yun."
"Thank you for that, Mr. Solemn. That's a great birthday gift. Anyway, this is my son, Alexander Matthew Ace Vejar, and his mom, Fayra." Pakilala ko sa kanila.
Nag-abot ito ng kamay kay Fayra, ngunit bago pa siya maabot nito ay ako na ang kumuha sa kamay niya.
"Protective, huh." Mula sa gilid ay nakita ko ang mga magulang ni Fayra.
Agad na nagpaalam ang natatawang si Mr Solemn at siyang pagkamot ko naman sa batok ko dahil sa hiya.
"Happy birthday nga pala, hijo. Wala kaming dalang regalo dahil kagagaling lang namin abroad, isa pa, swerte ka na kahit papaano dahil nandito sa tabi mo ang anak ko."
"Mommy, be nice, please." Suway ni Fayra sa kaniyang ina.
"Don't mind your Tita Meg, Mateo. Masama lang ang timpla niyan," ani Tito Francis.
Ayos lang naman sa akin. Medyo may kaba lang dahil ngayon ko lang ulit nakita ang mga magulang niya. And last time, hindi pa maayos ang relasyon ko sa anak nila. And I hundred percent understand Tita Meg's attitude towards me.
"Pasensya ka na, hijo. Katulad nang sinabi ng asawa ko, masama lang ang timpla ko, lalo na sa mga may masasamang ginawa sa anak ko." Pagpaparinig pa nito na alam naming lahat na para 'yun sa 'kin.
"Mommy," pagtawag ni Fayra sa ina, habang nakatakip ang palad niya sa tainga ng anak namin.
"What, hija? Nagpapaliwanag lang ako para hindi ako ma-misunderstood." Sarkastikong sagot ni Tita Meg sa anak, agad din naman siyang nagbaling sa 'kin. "Mauna na kami, hijo. Happy birthday ulit sa 'yo."
"Ingat ho kayo, at salamat ho sa pagpunta. Ipapahatid ko na lang ho kayo sa tauhan ko." Aniya ko't iniwan na muna sila.
Napapailing akong inilibot ang paningin ko sa maraming tao. Mabilis ko namang nakita ang uutusan ko, ngunit bago ko pa man siya mapuntahan ay sinalubong naman ako ng kapatid ko.
Inabutan niya ako ng wine na mabilis kong tinungga.
"Mukhang beast mode ang ex-mother-in-law mo sa 'yo ah."
"Yeah, pero ayos lang naman sa akin."
"Ayos lang sa 'yo, pero kay Fayra mukhang hindi."
Nagbaling ako sa gawi nila Fayra, kung saan ko sila iniwan ay nandon pa rin sila. Panay ang paggalaw ng labi ni Fayra, habang ang ina rin ay gano'n. Mukhang nagpapalitan sila ng salita.
"Bago ka pa dumating ay sinusuway niya na ang mommy niya. Panay na nga lang ang tawa ko, dahil maging ako naparinggan."
"She's really that mad at me." Napapalabing saad ko.
"Kung ako ang nanay ni Fayra, baka hanggang kamatayan ko dalhin ang galit ko sa 'yo." Hapyaw pa nito.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tantanan mo na nga ako, Kuya. Birthday oh, birthday ko."
"Oo na. Parehas talaga kayo ni Sébastien, masyado kayong pikon." Ingos nito sabay tapik sa akin at umalis na.
Napapailing akong dumiretso sa pakay ko, at muling bumalik sa gawi namin kanina.
"Siya na po ang maghahatid sa inyo, Tito, Tita." Aniya ko, pagtutukoy sa aking tauhan.
Bumuntong hininga si Tita Meg at humalik sa apo at sa anak, gano'n din si Tito Francis.
"Salamat hijo, happy birthday again. Enjoy your night." Si Tito Francis.
"I will, Tito. Thank you for coming."
"Let's go, Francis." Si Tita Meg na nauna na.
Nakatinginan kami ni Fayra. Napailing siya na ikinatawa ko lang.
"It's okay. I understand, it's no big deal." Saad ko.
"Forget about my mom's attitude, let's just enjoy your night. Happy birthday again." Aniya at muling sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top