Chapter 60
CHAPTER 60
"Manang paki-hiwa naman po ako ng patatas at bell pepper para sa kaldereta. Padagdagan na rin po pala ng siling labuyo para mailagay ko na sa adobo." Pakisuyo ko kay Manang Celly habang ang atensyon ko ay nasa phone ko.
Nag-s-scroll ako ng gusto kong i-bake para pandagdag sa menu. Naghahanap na kasi ang ilan sa mga matagal na naming customer, ang gusto daw nilang matikman next ay ang bagong flavor.
"Ako nang bahala sa hapunan na'tin, Fayra. Asikasuhin mo na muna 'yang sa iyo, tutal ay patapos na na rin naman ang naumpisahan mong pagluluto." Aniya naman ni manang.
Saglit kong pinagmasdan ang dalawang kaldero na nakasalang, malapit na nga itong matapos. Maigi na rin siguro na magsimula na ako sa pagbake para sakto na may pang dessert kami after dinner.
Tatlong flavor ang gusto kong ipasok sa menu ng shop. Una ay avocado with chocolate. Bale magiging 2 flavor inside ang gusto kong mangyari, since wala ring thrill kung one flavor lang. Sunod naman ay oreo, sabi nila ay masarap daw 'yun and comes with a good reviews, kaya naman balak kong subukan ngayon. And lastly ay orange. Ang thoughts ko about it ay 'yung sa juices na flavor when it mixed with water. Gano'n ang suggestion ni Joy kanina, at kung magugustuhan ko ang lasa ay baka pumatok din sa ilang customers.
"Sige, Manang. Maaga pa rin naman at baka mamaya pa din ang uwi ng mag-ama." Usal ko at nag-umpisa nang kuhanin ang mga gamit na kailangan ko.
"Akala ko ba ay alas-sais ang uwi nilang mag-ama? Mukhang naharang sila ni Don Madeo, sa palagay mo hija?"
Nginitian ko si manang. "Siguro nga ho ay gano'n ang nangyari manang. Pero sana naman makagawa ng paraan si Mateo para makatikim pa si Ace ng cupcakes na ihahanda ko."
Nang sunduin kami ni Mateo kanina sa shop at agad niyang pinalaam sa 'kin na gusto na daw makita ni Don Madeo si Ace, kabilang na rin ang ama niya at sila Massimo. Nung una ay gusto kong tumutol, dahil alam kong baka isang linggo na naman bago nila ibalik sa akin si Ace.
Last time ay gano'n ang nangyari kaya naman dalang dala na ako. Buti sana kung nasa mansion lang sila, kaso ang lalakas ng trip nilang lahat, dahil nag-subic pa.
Ilang beses pang nangako si Mateo sa 'kin kanina at ang ending at pumayag na rin ako. Last three months pa ang naging huli nilang kita sa anak ko, isa pa mga dahilan ay ang kaniya kaniya nilang mga negosyo at personal na dahilan.
"Malapit na ang birthday ni Mateo. Tingin mo maghahanda ang batang 'yun?"
Napukaw ako sa kalagitnaan ng paghahalo ko ng mga sangkap dahil sa naging saad ni manang.
"Ang alam ko ay may business trip siya abroad that day. Natanong na rin sa kaniya 'yan ni Lyden at wala naman siyang naging sagot." Kaswal kong sagot.
Napatingin pa ako sa orasan kung saan naka-indicate na rin dito ang petsa ngayong araw.
Sa makalawa na pala ang kaarawan niya. Wala naman talaga siyang balak. Bukod kasi sa na-ikuwento 'yun ni Lyden ay minsan ko na din silang narinig nila Sébastien.
"Habang natanda siya ay ayaw niya nang i-celebrate man lang ang araw niya. Siguro kailangan na'tin siyang kumbinsihin, nang mapagtanto niya naman kung anong edad na ang tatahakin niya sa makalawa."
Napangisi lang ako kay manang.
Agad na pumasok sa isip ko na minsan niya nang nakalimutan ang edad niya, dala na rin siguro ng pagod sa trabaho at pagkaligta niya sa mismong sarili niyang kaarawan.
"Hayaan mo manang, ako na ang kakausap sa kaniya sa bagay na 'yan."
"Mapapapayag mo kaya si Mateo, hija? Gayong si Don Madeo at ang kapatid niya nga ay iniilingan niya lang sa usaping 'yan." Iling ni manang.
"Hindi ko ho sure. Pero, susubukan ko."
"Sabagay, bakit pa ba ako nagtatanong. Kapag ikaw na ang kuma-usap diyan, tiyak na magbabago ang desisyon no'n. Ikaw na 'yan eh."
"Manang naman." Hapyaw ko kay manang kahit alam ko sa sarili ko na tama naman siya.
"Hay naku anak. Pansin naming lahat 'yan. Pasimpleng nagpapa-under sa'yo ang batang 'yun. At natutuwa ako sa progress niya. Aba'y dapat lang talaga na nakabase sa'yo ang lahat, ikaw ang napapaliwanag ng tahanan at sa pamilya niyo. Nasa sa'yo dapat ang desisyon at wala sa kaniya."
"Manang, civil po kami kaya gano'n. Isa pa po, hindi kami ganap na magpamilya---"
"Kahit anong interpretasyon mo sa kalagayan niyo ngayon ay pamilya pa rin kayo, Fayra. Ikaw pa rin ang ilaw sa tahanang ito."
Napatango na lang ako sa kaniya. Ayaw ko nang makipag-argue pa kay manang dahil alam ko na kung saan tutungo ang usapan namin.
Hindi ko naman iniiwasan. Sadyang hindi lang tamang ipasok lalo na ngayon na maayos na ang lahat.
Hindi ko na namalayan pa ang takbo ng oras, maging ang ginagawa ko. Dahil sa sobrang focus ko sa pagb-bake ay namalayan ko na lang na handa na ang lahat. Kasalukuyan kong tinitikman ang cupcakes na gawa ko. Sa unang kagat sa avocado flavor ay agad akong napangiti.
Tingin ko ay magiging best seller ko ang isang ito kahit pa hibdi ko pa natitikman ang iba.
Akmang isusunod ko naman na sana ang sunod na flavor nang mapa-angat naman ako ng tingin.
"Nandito na pala kayo." Bungad ko habang ngumunguya.
Nagpagpag ako ng kamay at lumapit para makuha si Ace sa kaniya.
"Nakatulog na, pagod na pagod 'yan dahil panay harot nila kuya."
Napanguso ako. Hinalikan ko sa noo at pisngi si Ace at nagbaling kay Mateo.
Agaran akong napakunot ng noo dahil sa salubong niyang kilay at madiing pagkakatitig sa akin, ngunit hindi ko na 'yun pinansin.
"Halata nga sa mukhan ni Ace na pagod siya. Dalhin mo muna sa taas, susunod na lang ako." Pag-aabot ko sa kaniya muli sa anak namin.
Habang karga karga niya si Ace ay napatuon naman ang tingin niya sa counter top.
"Nagbake ka pala."
"Ah, oo. New flavors 'yan na idadagdag ko sa menu after kong ma-judge." Aniya ko at kumuha ng isa. "Subukan mo, tapos sabihin mo sa akin kung pasok ba sa taste mo."
Pagka-abot ko sa kaniya at hinanda ko na sa plato ang sunod pang mga flavors at muling nagbaling sa kaniya.
Napalabi ako ng mabilis niya 'yung naubos. Malabo pa ang kaniyang pisngi nang magthumbs up sa akin at lumunok.
"I like it, saktong sakto ang avocado tapos chocolate, at icing. You did a great combination , for real deal."
"Next naman. Oreo ang nasa loob niya. Tingin ko ay usual na lasa lang rin 'yan, but I still want to add that to my menu." Abot ko sa kaniya.
"Do you try this?"
Umiling ako. "First flavor pa lang ang natitikman ko. Kakatapos ko lang rin kasi."
"I see. Here, take a bite first then I'll go next." Paglapit niya sa cupcake na siyang binigyan ko naman ng kagat, siya ring pagsalpak niya ng buo sa kaniyang bunganga.
"It's still taste like a chocolate, pero mas angat ang oreo, kaya pasok pa rin siya in my opinion." Kaswal niyang pahayag.
Napasang-ayon ako. At sinunod na ang last flavor. Inabutan ko siya ng isa, at kumuha na rin ako ng akin.
Sabay kaming kumugat at ilang beses akong nagpikit ng mata.
"This is so good." Paghaharap ko sa kaniya at muling kumagat.
"Yeah, I like it more than the avocado and oreo. This is so great lalong lalo na for kids." Aniya niya at kumuha pa ulit. Maging ako ay gano'n din.
Nakangiti ako habang inuubos ang sa akin. Tila nawalan ako ng pakialam sa paligid, kaya't nang mahimasmasan ako ay nagbaling ako sa kaniya.
Malawak ang pagkakangiti ni Mateo sa akin. At ang paglapit niya ng bahagya sa akin ay nakapagpataas ng kilay ko.
"Sa sobrang sarap ng pagkakagawa mo, para ka ng bata kung kumain." Iling nito sabay marahang dampi ng hinlalaki niya sa gilid ng aking labi.
Nang sundan ko 'yun ng tingin ay may icing pala.
Kaagad akong kumuha ng tissue at iniabot sa kaniya, ngunit mabilis siyang umiling.
"Sayang 'to." Aniya sabay lapit ng hinlalaki niya sa bibig at dinilaan ang icing habang nakatingin pa sa'kin.
Dagliang naningkit ang mga mata ko.
"Ihiga ko na muna sila Ace sa taas, ako na rin ang bahala sa kaniya. Umupo ka na at mukhang kanina pa kayo ni manang dito sa kusina." Aniya habang naghuhugas ng isa niyang kamay.
Nang magbaling siya sa akin ay malawak pa siyang ngumiti.
"I like your hair tonight. Messy bun, suits you very well."
Napangisi ako. "Sadya 'yan." Biro ko na ikinangisi niya.
"Yeah, you look hot though." Pagkasabi niya no'n ay mabilis siyang lumapit sa akin sabay dampi ng kaniyang labi sa akin.
Wala pang dalawang segundo ay nag-iwas na din siya.
"We're heading upstairs. Magpahinga ka na." Aniya sabay lagpas sa akin.
Hindi naman mag-sink in sa utak ko ang nangyari. Kaya't para akong lutang na naglakad palabas ng kusina.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top