Chapter 45

CHAPTER 45

"I already made up my mind; I will make you be with me, not by force but by your choice... for the second time around."

Ilang araw na ang lumipas simula nang maganap ang eksenang 'yon sa pagitan namin ni Mateo, ngunit tila ayaw akong patahimikin ng utak ko dahil maya't maya ko na lang naririnig ang litanyang binitiwan niya sa akin. Nang oras ding iyon, halos hindi ako makagalaw. Napagtanto ko na lang na masyado na akong nakatulala nang buhatin niya ako pabalik sa resort. Ilang beses akong nagpumiglas dahil baka may makakita sa amin at kung ano ang isipin, ngunit hindi niya ako pinakinggan. Laking pasasalamat ko na lang at wala ng mga tao sa may lobby para masaksihan ang nakakahiyang sitwasyon sa pagitan namin. Maging ang eksena sa kuwartong 'yon ay hindi ko lubos maisip na hindi ko man lang siya itinaboy. Hindi ko alam kung ano ang puwede kong ipangalan sa bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na iyon. Masyadong nakaka-pagkalabog ng dibdib ang mga ikinikilos niya sa akin.

The way he gently combed my hair when we were both laying down on that bed; the way he gave me soft kisses on my shoulder when my back was facing him. Parang dati lang, nang mga panahong pinaki-usapan siya ni Rose para alagaan ako. On such days, I yearned to experience his gentle care, but on that particular night, all I yearned for was to disappear along with my son and never come back for our own good.

Three years ago, I was mistreated because I wanted to be loved and cared for by him. I suffered heartbreak and emotional pain, and I even begged him to choose me over his lover. That was such a selfish move, but I have rights to be chosen. 

I forgot my own self to be fit for him. I became blind and deaf just to justify my love for him, which I think he deserves more than anyone. I endured that pain—the pain of being a key for him to get his inheritance. I endured being called a whore by him and by his lover. I even put myself in a position where I leaned myself over him, thinking that maybe that was my chance to be chosen. But I'm wrong. 

The funny thing is that he even got shocked when he realized that I'm still a virgin. His reaction made me immediately think that he thinks that I already gave myself to others. And that was the most unforgivable thing he ever did to me. Offering myself that night made me realize my worth was being stolen. But I didn't think of neglecting myself because I loved him. And now, I have delivered his son.

Si Ace na ngayon ay inaako niya bilang anak niya. Na hindi ko kailanman ibibigay ang obligasyon niya sa bata para lang maging parte muli ng buhay na inayos ko sa loob ng ilang taon.

Hindi ko na kakayanin pang bumalik sa dati. Hindi ko na ipagkakait sa sarili ko ang malayang kaligayahan na natatamo ko ngayon. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na muli akong magiging sunod sunuran kahit na kanino pa man.

"Fayra, anak." Napukaw ang pag-iisip ko nang marinig ang katok at pagtawag ni mommy sa akin mula sa labas ng kuwarto ko.

Tinungo ko ang door knob at nakangiting pinagbuksan si mommy.

"Breakfast is ready, let's go." Pagyaya niya.

"Susunod ako, Mom. Aayusin ko lang 'yong higaan namin ni Ace." Aniya kong tinanguan ng aking ina.

"Sige, sumunod ka agad para hindi maging malamig ang umagahan mo." Saad pa niya at tinalikuran na ako.

Simula nang makabalik ako sa bahay ay ganitong set up na lagi ang sumasalubong sa akin. Nag-stay si mommy sa bahay, at ipinaubaya kay daddy ang trabaho nila sa opisina. At si dad naman, ay inasa sa secretary niya para lang makapag-bonding sila ni Ace. Somehow, may guilt na gumigising sa akin dahil sa ilang taon kong pagtatago sa kanila. Halatang halata kay dad ang pagkasabik sa apo niya, gano'n din si mommy na halos makalimutan na kami ni Mira dahil nagsasalit-salitan lang sila kay Ace sa pag-aalaga. Si Mira naman ay bihira na lang na nandito sa bahay dahil bumukod na ito at malapit lang siya sa pinapasukan niyang paaralan sa kolehiyo. Ang balita ko ay si Mateo pa mismo ang gumastos sa nilipatan niya, bagay naman na ikinuwestiyon ko kay nila mommy. Pero ang rason nila sa akin ay hindi pumayag si Mateo na bayaran ang expenses ni Mira, kahit pa nga pinadalhan na nila ito ng cheque.

"Nagpadala nga pala ng mensahe si Don Madeo kahapon. Gusto niya daw makita ang apo niya, pagbibigyan mo ba Fayra?" Si dad sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Dalawa silang nasa akin ang paningin. Naghihintay sa magiging sagot ko.

"Kailangan pa ba, Dad?" Balik kong tanong dahil hindi ko din alam kung dapat ko pa bang ipakita o ni ipakilala ang anak ko sa kanila.

Para saan pa ba? Wala akong makapang dahilan para makilala nila si Ace ng lubusan.

"Ikaw ang made-desisyon niyan, anak. Nasa sa 'yo ang pagpapasya kung ano ang nararapat para sa inyo ng anak mo. Pero kung ako ang tatanungin, parte pa rin naman siya ng pamilya nila Don Madeo. Isa pa rin siyang Vejar kahit pagbalik - baliktarin mo man ang mundo."

Napangiti ako ng payak sa kaniya.

"Tama naman ang ama mo, anak. Kahit saan tingnan na anggulo ay nasa dugo pa rin ng anak mo ang pagiging isang Vejar. Kung magkataon na mapabalita ang pagbabalik mo, paniguradong maisasama si Ace sa pagbabalingan ng media."

Tama si Mommy. Ito ang iniiwasan ko, katulad nang pinili kong hanapin ang sarili ko ay umabot pa sa media ang nangyari sa akin. Akala ko sa aksidente lang sila magfo-focus ngunit mali ako. Maging ang naging paghihiwalay namin ay nahanapan pa ng butas. Buti na lang ay naresolba kaagad kaya't hindi na masyadong pinaglaanan ng atensyon.

"Ang tatay ni Mateo. Si Mason, gusto ka ring makita. Kaya't hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ng ibang bansa." Dagdag pa ni dad.

Napatango na lang ako.

Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko. Kailangan ko muna sigurong pag-isipan ng mabuti ang isang ito, gayong nakasalalay din dito ang anak ni Mateo na si Rian. Hindi naman ako masamang tao para hindi maisip ang bata.

"Siya nga pala, kailan mo ilalakad ang birth certificate ni Ace?"

"I don't know, Dad. Sa ngayon wala pa akong plano, but I'll work with it as soon as possible. Kakailanganin niya rin 'yon kung sakaling maisipan kong sa ibang bansa na lang manirahan."

"Well that's great, anak. Malawak naman na ang kompanya na'tin, siguro naman ay kaya mo nang magpatakbo on your own."

Napangiti ako. "Of course, Dad. Habang wala rin naman ako dito for the past years, ay inabala ko ang sarili ko para maging handa sa bagay na 'yan. Niko also trained me well by giving me a position sa kompanya niya."

"Speaking of that Niko, hija. There's a rumours that he's having a relationship, pero itinatago niya sa media. Now if you don't mind, we're wondering if that's you."

Napangiwi ako sa diretsahang isinambit ni dad. Si mommy naman ay nakangiti nakatingin lang sa akin.

"Don't get me wrong, anak. Gusto lang namin malaman kung ikaw ba 'yon, dahil baka i-celebrate na'tin 'yan since Nikolas is a good catch. Malinis ang reputation niya, unlike your ex husband." Walang tabas na saad ni dad.

Napalabi ako. "Dad, I'm not."

"Are you sure, anak?" Taas ang kilay niyang tanong.

Lumapad ang pagkakangiti ko. Inabot ko muna ang baso ko para uminom at muling ibinalik ang tingin kay dad.

"He doesn't have a girlfriend, Dad. It's just a... show. You know, gusto siyang ipakasal ng tatay niya sa hindi niya naman kakilala. So he did that little news na hindi naman namin akalaing magiging patuka para sa media."

"Oh, so that's the story huh." Hindi maitago ang pagkadismaya sa boses ni dad.

"Para kang nalugi, Dad." Pabirong kong saad na sinang-ayunan ni mommy.

"Well your dad, just want you to have a peaceful and a happy life, anak. Tumatanda na rin naman kasi kami, gusto namin malagay ka sa maayos bago man lang kami takasan ng huling hininga."

Napanguso ako sa sinabi ni mommy. "You're both young to leave this earth, Mommy. Huwag kayong mag-isip nang kung ano ano. And to satisfy your inner peace, ako na ang magsasabi na kaya ko ang sarili ko. I don't need any man, all I want is my son alone. Sapat na sa akin si Ace, Mommy, Daddy." Pagsisiguro ko.

Pagkatapos naming mag-umagahan ay pinagbihis ko naman si Ace para makapag-swimming kaming dalawa. Si dad naman ay pumasok sa opisina niya dito sa bahay at si mommy ay umalis muna para pumunta sa market.

Nagsuot lang ako ng one piece na swimsuit at si Ace naman ay pinagsuot ko ng regular niyang pang beach wear.

"Mommy, help." Abot ng anak ko sa kamay niya. Agad naman akong lumusong at inalalayan siyang makalangoy ng maayos.

"One more, baby." Aniya ko't binitiwan siya.

Pinanood ko kung papaano magpabalik balik si Ace sa paglusong. Si Niko ang naturo at nagsanay sa kaniya sa ganito. Unang taon niya pa lang ay isinabak na siya ni Niko. Nagtatalo pa nga kami dahil baka malunod ang anak ko, but he insisted na baka nga daw mas magaling pang lumangoy ang anak ko kaysa sa akin.

Nasa gano'n akong pag-iisip nang bigla akong mapaurong mula sa pagkakasandal ko sa gilid ng pool. Agad akong napabalikwas ng tingin sa kinaroroonan ko kanina at gayon na lamang ang pagkangiwi ko.

"Ngayon lang ulit ako nagpakita, ganiyan pang reaksyon ang natanggap ko." Aniya nitong may pahawak hawak pa sa dibdib niya na animo'y nasasaktan.

Napairap ako sa kawalan at binalingan si Ace na nakaahon na pala at naka-upo na sa siesta. May tuwalya na rin ito na kusa niyang ipinupunas sa maliit niyang katawan.

Lumangoy ako sa gawi ni Ace at doon umahon. Inasikaso ko muna siya at ibinalot ang bathrobe niya at ibinigay ang shake na kakalagay lang ni manang kanina.

I heard him coughing fictitiously as I was about to take a sip of mine. I looked at him as I sent a skeptical glance his way. He then licked his lower lip and gave me a complete body scan like a pervert one.

"We're fantasizing, aren't we?" My eyes narrowed at him. 
 
He stroke his hair and gave me a smirk. "Does it bad?" Balik niyang tanong na ikinangisi ko ng todo.

"Yes, it is, considering that you already have a wife and a kid." He looked away for a brief moment, and as soon as I continued walking, he looked back at me. I could tell he was sorry by the look on his face, but I didn't want to stop. More needs to be spoken in order for him to understand what he was doing in light of the fact that he had a family.

"If Rian will find out what you're doing right now, she must be disgusted by your action," I add, lowering my voice in the middle so he can consider and comprehend what I just said.

Namayani ang katamikan sa aming dalawa. Nasa akin lang ang paningin niya at alam kong gusto niyang magsalita ngunit pinili na lamang na manahimik.

Ibinalot ko sa sarili ko ang bathrob ko at ipinapagtuloy ang naudlot kong pag-inom sa shake ko.

"Don't do the same mistake, Mateo. Naging makasalanan ka na nga noon, magiging makasalanan pa ngayon... That's disgusting." Huling saad ko bago ko kinarga ang anak ko at ipinasok sa loob.

Saktong nakasalubong ko naman si mommy na kasunod ang kasa-kasama niya, halata ang gulat sa mukha nito nang lumampas sa akin ang kaniyang paningin.

"Napadalaw ka, Mateo." Aniya ng ina ko.

"Good morning po. Sinadya ko lang sila Fayra, hindi rin po ako magtatagal---"

"Mabuti naman." Agarang sambit ko at agad akong pinandilatan ni mommy.

"Dito ka na mananghalian, Mateo. Magluluto lang naman ako at aalis kami ni Francis. Sabayan mo na lang sila Fayra." Aniya ni mommy at nagdire-diretso na sa kusina.

Ako naman ay naiwang nakaawang ang bibig.

Hindi ba dapat ay ipinagtatabuyan niya ang lalaking 'to? Bakit tila yata wala akong makapang kahit na anong emosyon kay mommy?

"Ako na ang magpapaligo kay Ace. Go change yourself."

Hindi na ko na napigilan pa si Mateo nang kunin niya si Ace sa bisig ko at nagdire-diretso paakyat. Nangunot ang noo ko nang mapagtantong sa kuwarto ko siya pupunta. Agaran akong sumunod, ngunit masyado na akong nahuli dahil naipasok na nito si Ace sa banyo. Rinig ko ang daldalan nilang dalawa. Napailing na lang ako at pumasok sa may closet ko para mamili ng damit ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at ginamit na lang ang banyo sa ibaba. Hindi na ako masyadong nagtagal, nang matapos ako ay sinilip ko muna si mommy sa kusina.

Hinarap naman ako nito ay may mapanuksong ngiti sa labi na tiningnan niya ako.

"Ayaw mo ba talagang bigyan ng chance, anak? Mukhang seryoso naman sa 'yo si Mateo."

Agad na nalukot ang mukha ko kay mommy.

"Hindi ka ba kinikilabutan, Mom?"

Nagkibit balikat lang si mommy. "I know his actions in the past caused you too much pain, anak. But seeing how pure he is for making you with him again, I just appreciate that. But don't get me wrong, I'm just asking that kind of question to know what you feel towards him."

"Mommy, pangalawang araw pa nga lang po ngayon ang dalaw niya simula nang maka-uwi kami. Then you're saying that his pure? I don't think so, Mom." Naiiling kong saad.

"Well, I'm too old na anak. Marunong akong kumilatis kung ano ang seryoso sa hindi---"

"Mommy, tama na po. Mas gugustuhin ko pang humanap ng bagong makakasama sa buhay kaysa bumalik sa taong ginawang empyerno ang ilang buwan ko sa kaniya."

"Anak, gusto ko lang naman na magka-ayos kayo for my grandson. Parehas na'ting nakikita kung gaano kinasasabikan ni Ace si Mateo. Hindi mo na mailalayo pa si Ace sa ama niya, not now that they are closed enough."

"Mommy,..."

"Hindi ko sinasabing bumalik ka ng tuluyan, Fayra. Ang sa akin lang ay ayusin niyo ang samahan niyong dalawa for your son. Kung ayaw mo na talaga, wala naman nang makakapagpabago sa desisyon mo."

Labis kong pinag-isipan ang sinabi ni mommy. Kailangan ko ba talagang makipag-ayos sa kaniya for our son?

Bakit ba kasi kailangan pang bumalik pa siya sa buhay ko? Kahit sabihin niyang para lang kay Ace, damay pa rin ako. At maging ang sa panig niya. Ayaw ko nang gulo, ngunit tila mararanasan ko na naman 'yon kung pahihintulutan kong papasukin ng tuluyan si Mateo.

"Mommy, mommy."

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ng tuluyan sa kuwarto nang salubungin naman ako ng pabulong na pagtawag ni Ace sa akin. Galing itong higaan at dahan dahang bumaba at lumapit sa akin. Hinila ako ni Ace papasok at siya na ang nagsarado sa pinto. Punong puno ng pag-iingat ang kilos niya na labis ko namang ipinagtaka.

"Ace, anak." Tawag ko sa kaniya. Humarap siya sa akin.

"Shh, Mommy. "Daddy's going to wake up if your voice gets louder." Pagpapatahimik niya sa akin.

Nagawi ang paningin ko sa higaan. Doon ko nakita si Mateo na nakadapa at nakalambitin ang paanan. Mukhang bigla na lang siyang nakatulog nang hindi niya namamalayan.

"He shouldn't be here sleeping, Ace. Wake him up." Mahinang saad ko naman sa anak ko at sunod sunod itong napailing.

"Mommy, we can't wake him up po. He said, he doesn't sleep for a couple of days. Kawawa po siya."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Ace. Nang idako kong muli ang paningin ko kay Mateo ay hindi nga maitatagong wala siyang tulog. Pansin ko na rin 'yon kanina, malalim ang mata niya, namumugay na anytime puwedeng bumagsak.

Wala pala siyang tulog, pumunta pa dito.

"Mommy, I'll sleep too." Pukaw ni Ace sa akin at dumiretso sa tabi ni Mateo.

Nakatihaya siya at ipinatong ang maliit niyang binti sa likod ng ama at agad na pumikit. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa itsura ni Ace. Halatang pinipilit niya lang na matulog. Panay ang galaw ng talukap ng mga mata niya, kasabay no'n ang mabilis na pagdilat pagkatapos ay muling pipikit. Nang hindi makuntento ay tumagilid ito at yumakap sa ama niya, at katulad kanina ay hindi pa rin ito makahanap ng tamang puwesto. Tumayo si Ace at hinila ang braso ni Mateo. Hirap na hirap man ay sinubukan niya iyong unahan sa pagbagsak, ngunit hindi niya kinaya ata ang braso ng ama.

Napapailing na lang akong lumapit sa higaan at mahinang tinapik si Mateo. Umungot ito. Ayaw pang pa-gising, ngunit inulit ko ang pagtapik.

"Umayos ka ng higa, tatabi si Ace." Pabulong ngunit alam kong sapat para marinig niya. Bahagya siyang nagmulat at tinitigan pa ako.

"Si Ace?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"Nasa likod mo, nakasimangot na kaya umayos ka't harapin mo." Sambit ko.

Tumihaya naman siya at niyakap si Ace na napalitan nang pagkakangiti ang lukot na mukha.

"Umayos kayong dalawa." Pagputol ko sa yakapan nilang mag-ama.

Tumalima naman si Ace at tinapik ang unan ko habang nakatingin kay Mateo.

"Dito, Daddy."

Mabilis na lumipat si Mateo para mapaunlakan si Ace. Kaagad namang lumapit ang anak niya sa kaniya at ipinikit ang mata nito at gano'n din si Mateo.

Sandali pa akong nahintay para maayos ko ang kumot sa kanilang dalawa. Inuna ko ang sa puwesto ni Ace at sinunod ko ang kay Mateo. Patapos na ako sa ginawa ko nang bigla na lamang siyang lumingon sa akin at hapit sa balakang ko dahilan upang maitukod ko nang wala sa oras ang kamay ko sa dibdib niya. Gulat ang namayani sa sistema ko habang nakikipagpalitan ng tingin sa kaniya.

"Isang pamilya lang ang mayro'n ako, Fayra. Alanganin pa ako sa ngayon, pero isang pamilya lang ang mayro'n ako. At kung sino 'yon... kayong dalawa 'yon ni Ace. Wala nang iba pa."

"Ano bang pinagsasabi mo, Mateo." Natatauhang saad ko at umayos ng tayo. Ngunit naging mabilis ang kamay niya upang mahawakan naman ang palapulsuhan ko.

"I'm saying what you should know, Fayra." He said, seriously. "I'm not married nor have a child to others. Not even a family you're referring to."

"What will you get when you're lying, Mateo?" I ask.

He breathes heavily and lets go of me.

"Consider me a liar over and over again, Fayra. I'm saying the truth, though. I really don't like to admit this, but I hate it when you assume that I have a family when all I want to do is be with you."

"Then what are you trying to emphasize here?" Paghahamon ko.

He looked at me deeply that I can feel it through my soul.

"Rian was not mine, and I can prove that if you want proof. And because of that, I can do whatever I want just to reconcile myself to you. You, together with our son, make up my family, Fayra. I may have done too many horrible things to you, but after that night of realization, I cleaned myself up to become better for you."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top