Chapter 46
CHAPTER 46
"You don't need to bring that much, Ace. Just put three shirt and short, then your undergarments." Sita ko kay Ace nang mabalingan ko ito na pinupuno ang pack bag niya.
Ngayon siya susunduin ni Mateo para dalhin sa lolo niya. Ilang araw ko ring inisip kung dapat ko ba silang pagbigyan. Ilang araw na rin ang nakakaraan nang magpadala muli ng mensahe ang Don sa amin. Maging ang secretary nito ay nagre-reach out sa amin sa gusto niyang mangyari.
Sa huli ay ito. Kinain ko rin lahat ng sinabi ko. Labag man sa kalooban ko na ipasama si Ace, gayong hindi ko naman kaya na mawalay siya sa akin kahit na isang araw ngunit ngayon ay dapat ko munang tiisin.
Nagka-usap na rin kami ni Mateo na huwag pabayaan si Ace dahil talagang malilintikan siya sa akin. Tinatawanan pa ako ng lalaking 'yon na para bang nagbibiro ako sa kaniya. Ang kampante niya sa akin, para bang maayos na kaming dalawa.
"Mommy,"
"Yes, anak?" Baling kong muli sa kaniya.
"Why don't you want to come with us po?" Ngusong tanong niya sa akin at lumakad pa palapit. Umupo ito sa gilid ng kama malapit sa akin at nag-indian sit.
"Mommy has a fever, anak. Pero ako naman ang susunod sa 'yo the day after niyong makapag-bondong ng lolo mo." Saad ko't marahan kinurot ang mataba niyang pisngi.
"I'll be good there, Mommy. Promise." Taas niya sa kanang kamay na animo'y nanunumpa.
"That's good, Ace. At dapat lagi kang magto-toothbrush pagkatapos mong kumain. At isa pa, eat some veges. You need that para hindi ka matulad kay mommy." Pagpapaalala ko pa na ikinabusangot ng mukha niya.
"Mommy, I'll try my best po. But I really hate veges." Hindi matago ang pagkadigusto sa kaniyang reaksyon.
Napabuntong hininga naman ako. Talagang nakuha niya ang side na iyon ni Mateo. Kung ano pa ang makakabuti ay inaayawan.
"Sige na, tapusin mo na 'yong paglalagay ng gamit sa bag mo. Mamaya ay susunduin ka na ng daddy mo." Aniya ko't pinanood siyang bumaba at lumapit sa bag niya.
Ang ilang mga damit na natira sa sahig ay maingat niyang itinupi at pinagpatong patong. Pagkatapos ay binuhat niya ito papasok sa closet namin. Nang makalabas ay ang bag niya naman ang inaayos niya at inilagay sa sofa na nandito sa loob ng kuwarto namin. Kinuha niya na rin ang sapatos niya't isinuot iyon sa kaniyang sarili.
Napangiti ako sa pagiging responsable niya. Maganda na rin na natuto siya sa sarili niya habang maaga pa, magagamit niya rin naman 'yan lalo na ngayong pupunta siya sa puder ni Mateo.
"Oh, Mommy. It's time for your medicine."
Hindi pa man natatapos sa isang paa niya sa paglalagay ng sapatos ay agad na bumalikwas sa pagkakatayo si Ace at agad na dumako sa may side table ng kama namin. Nang tingnan ko ang natunog na alarm ay doon ko lang napagtanto na oras na nga.
"Here, Mommy." Abot nito sa akin.
"Thank you, Ace." Pasasalamat ko na ikinangiti niya.
Nang mainom ko ang gamot ay atsaka lang siya umalis sa harapan ko at muling ipinagpatuloy ang pagsasapatos niya. Nasa kalagitnaan ako ng panonood kay Ace ng makarinig ako ng pagkatok sa labas ng kuwarto. Agad namang tumakbo si Ace at siya na ang nagbukas.
"Daddy!" Masiglang salubong ni Ace. Agad namang pumasok si Mateo at kinarga ang anak sabay pupog dito ng halik.
"Excited?" Tipid niyang tanong ngunit ilang beses na ikinatango ng anak.
Mas lumawak pa ang pagkakangiti ni Mateo at nang magbaling ito sa akin ay hindi na maialis ang pagkakangiti niya.
"Good morning." Bati nito.
"Handa na ang gamit ni Ace. Aalis na ba kayo?" Agaran ko namang tanong. Nagkatinginan silang dalawa at maya maya pa ay bumulong si Ace sa kaniya.
Nangunot naman ang noo ni Mateo na nakatingin sa akin at ako ay napataas ng kilay.
Ibinaba niya kinalaunan si Ace at lumapit sa akin. Napalunok pa ako dahil wala naman akong uurungan. Nang idampi niya ang likod ng palad niya sa noo at leeg ko ay ilang beses itong bumuntong hininga. Bumaling ito kay Ace at nagtanguan lang na para bang nagkakaintindihan sila.
"Alis nga jan." Asik ko sa kaniya sabay tampal sa kamay niyang nasa akin pa rin.
"You're sick." Seryosong aniya nito.
"So?" Mataray kong tanong.
Ngunit tila binabalewala niya lang ang pag-uugali ko.
"Did you take a medicine?"
"Yes, Daddy." Si Ace na ang sumagot. Lumapit pa ito sa ama niya at isinandal ang sarili sa binti nito.
Napaka-clingy ni Ace kay Mateo tuwing nagkikita sila, bagay naman na hindi niya masyadong ginagawa sa akin.
"Aalis na ba kayo?" Muling tanong ko.
Napatango naman si Mateo sabay buhat sa anak. Ako naman ay tumayo na rin at lalapitan sana ang bag ni Ace nang pigilan ako ni Mateo.
"Ako na." Saad nito sabay kuha sa bag. Isinukbit niya iyon sa balikat niya at ako naman ay nagpauna nang lumabas ng kuwarto.
"Nasaan nga pala sila Tito Francis?" Tanong nito bago pa kami makababa, magsasalita na sana ako ng matigilan naman ako sa paghawak niya sa braso ko.
Hindi iyon mahigpit, punong puno ng pag-iingat at tamang suporta lang. Pinabayaan ko na lang din dahil mukhang bibigay ako sa hagdan lalo na't unti unting umiikot ang paningin ko dahil sa sakit ng ulo.
"Business meeting, sa makalawa pa ang uwi." Sagot ko naman.
Walang tao sa bahay. Ang dalawang kasambahay at ang driver nila, ay pinauwi na muna ni mom at dad dahil wala namang masyadong mamalagi dito sa bahay simula ngayon. Ako naman ay may nabiling condo na malapit lang sa kompanya kaya doon kami ni Ace lilipat kapag balik niya.
Nasa labas na kami ng bahay nang mapagtanto kong hindi lang pala si Mateo ang susundo kay Ace kung hindi maging si Don Madeo na kakababa lang sa sasakyan niya.
"What a surprise you have for our family, Fayra." Bungad nito pinasadahan si Ace ng tingin.
Ang anak ko naman ay todo ang kapit sa leeg ni Mateo. Malamang ay nahihiya ito sa Don.
Napatikhim ako. "Dalawang araw lang ho, Don Madeo." Pagpapa-alala ko sa pinag-usapan namin.
Tumango tango siya sa akin at binalingan si Mateo na halatang hindi sang-ayon sa dalawang araw na ibinigay ko sa kanila.
Sandali niyang kina-usap si Ace para maipakarga kay Don Madeo na naghihintay mahawakan ang anak ko. Panay ang tango ni Ace sa ama habang maiging iniintindi kung sino ba ang matandang nasa harapan. Kalaunan ay si Ace na mismo ang bumati kay Don Madeo. Nagpalapag ito sa ama niya at nagmano kay Don Madeo.
"Paano, mauna na kami. Susulitin ko pa ang dalawang araw sa apo ko." Malawak na pagkakangiti ni Don Madeo sa akin at nag-umpisa nang maglakad papalayo sa amin.
Kumuway pa si Ace sa akin, wala nang takot sa kaniyang mukha habang hawak hawak siya ni Don Madeo.
Nang makasakay sila at nag-umpisa nang buhayin ang makina ng sasakyan ay siyang baling ko naman kay Mateo na nakatanaw sa papalayong sasakyan.
"Sumakay ka na sa sasakyan mo, bago ko isarado ang gate" Pukaw ko sa kaniya.
Nangunot naman ang noo niya sa akin at umiling.
"I'm not coming with them. Bonding nilang dalawa 'yon, together with my dad."
"Iiwan mo si Ace sa kanila?" Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng tono. Wala naman sa usapan namin na hindi niya sasamahan si Ace.
"Mapapagkatiwalaan naman sila lolo and dad, Fayra. And as far as I know, tingin mo kailangan mo ako ngayon." Seryosong saad niya.
Umarko ang kilay ko sa narinig. Hindi naman ako bingi. Araw araw akong naglilinis ng tainga ko kaya imposibleng mali ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.
"Sino ka para kailanganin kita?" Ngiwi ko sa kaniya at nilagpasan siya.
Handa na akong saraduhan siya ng gate ng harangin niya naman ako ay sumunod na pumasok. Siya na ang nag-lock at muling bumaling sa akin.
"You're sick, Fayra. I can't leave you behind."
Bahagya akong natigilan at napatawa sa inasal niya.
"Sanay akong mag-isa, Mateo. You can now leave me, para naman makapag-pahinga ako't hindi tumaas ang kulo ng dugo ko sa 'yo." Sarkastikong saad ko't tinalikuran na siya.
Mabilis akong umakyat sa kuwarto at agad na inihiga ang sarili ko sa kama. Kanina ko pa gustong ihiga ang katawan ko. Kaso alam kong mag-aalala lang sa akin si Ace at tiyak na hindi aalis ang batang 'yon kung makikita niya akong nakabaluktot lang sa higaan.
"Magluluto ako, anong gusto mong kainin?" Rinig kong pagpihit ni Mateo sa pinto. Ramdam ko ang papalapit nitong yabag sa kama ngunit hindi ko na inintindi pa.
Humanda lang siya sa akin kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko. Hindi ko lang siyang kasusuklaman ng husto, baka masakal ko pa siya ng wala sa oras.
"Ang gusto ko umalis ka sa bahay na 'to, Mateo. Sundan mo si Ace at siguraduhin mong maayos ang lagay niya. 'Yon ang gusto ko." Saad ko.
"I'll cook you porridge." Hindi niya pag-iintindi at muling pinihit ang pinto.
Inalis ko ang talukbong sa mukha ko at pinakatitigan ang pintong nilabasan niya.
This isn't nice. Hindi talaga magandang nandito siya't kaming dalawa lang ang tao sa loob ng bahay. I should call Lyden to bring Maui here.
I immediately picked up my phone beside and dialed Lyden's number. Ilang ring rin ang lumipas bago niya ako sinagot.
"Thank God, you answered!" I exclaimed.
"Busy kasi, pasensya na. Anyways, may kailangan ka ba?"
Base sa tono ng boses niya, mukhang pagod na siya. Baka hindi na rin siya makapunta dito kung ngayon ko siya aabalahin.
Napatikhim na lang ako.
"Can I have Maui with me today, Ly? Wala kasi dito si Ace---"
"I'm sorry, Fayra. Pero nakay nila Sébastien kasi si Maui. Hiniram no'ng dalawa kagabi pa."
"Ah, gano'n ba." May panghihinayang sa boses ko.
"Balita ko nga wala rin sila Tita Meg jan. Gusto sana kitang puntahan kaso busy talaga ako ngayon, madaming papeles sa kompanya. Gahol na rin ako sa oras since may kailangan pa akong i-present sa board later. Pasensya na talaga, sis. Babawi na lang ako sa 'yo next time, isasama ko na rin si Maui."
"Ayos lang. Nakaabala pa ako sa 'yo, anyways, huwag kang magpapalipas ng gutom. Mahirap magkasakit ngayon." Pagpapa-alala ko pa.
"Don't worry, Morgan already ordered for my lunch. And siya nga pala, ang sabi ni Morgan sa akin kanina ay wala atang balak na sumama si Mateo sa bonding nila Don Madeo together with your son. Siya na lang kaya ang papuntahin ko sa 'yo para naman may kasama ka?"
"Lyden!"
Napahilot ako sa sintido ko. Gusto ko sanang sabihin na nandito na nga ang lalaking 'yon, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Sa ugali ni Lyden, baka kung ano ano pang lumabas sa bibig niya na hindi ko magustuhan.
"I'm just kidding, Fayra. But you know, if you want a companion. Sigurado naman akong willing ang isang 'yon. Tapos malay mo 'di ba... masundan si Ace---"
"Okay, that's enough. I'll hang this up now, bye!"
Sa pagkakababa ko ng tawag kay Lyden ay sakto namang muling bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Mateo at may dala itong isang tasa.
Nang makalapit siya sa akin ay doon ko naamoy ng tuluyan kung ano ang laman no'n. Ginger tea.
"Drink this, pampagaan ng pakiramdam." Abot niya.
Kinuha ko naman 'yon at madaling tinungga kahit mainit init pa nga. Nang ibalik ko sa kaniya ang baso ay pinakatitigan ko siya ng mabuti.
"You can really leave now, Mateo. I can handle myself alone."
"But I don't want to leave---"
"Hindi naman ako mukhang nakakaawa hindi ba? Hindi ko pa naman ikamamatay ang lagnat na 'to, kaya umalis ka na dahil hindi kita kailangan dito."
Malalim siyang bumuntong hininga. Seryoso siyang nakatingin sa akin at ako naman ay nag-iwas ng tingin.
"Gusto kitang alagaan, Fayra."
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa kaniya.
"Ano ako, bata?" Puno ang tanong na iyon ng kasarkastikuhan.
"Fayra, come on. Gusto kong bumawi sa 'yo, at gusto kong umpisahan ngayon---"
"Kung noon mo 'yan sinabi, Mateo. Baka nagtatatalon pa ako sa tuwa." Mahina ngunit sapat para marinig niya. "Ano bang hindi mo maintindihan sa hindi nga kita kailangan? You're smart. Pero bakit ang kitid ng utak mo ngayon, huh?" Baling kong muli sa kaniya.
Kitang kita ko ang pag-igting ng panga niya. Ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib na halatang nagpipigil sa sarili niya.
"Didiretsuhin na kita, Mateo. Iyang kagustuhan mong bumawi sa akin ay mababalewala lang 'yan. Gusto mo akong bumalik sa 'yo? Bakit? Para saan pa? Para ibalik mo sa impyernong kalagayan ko noon sa 'yo? Hell no." Ngisi ko.
"That's not what I mean, Fayra. Gusto kong bumawi for real. Hindi kita bibigyan ng impyernong buhay kagaya noon dahil hindi ko na kayang gawin pa ulit sa 'yo ang kagaguhan ko noon---"
"Save that to yourself, Mateo. Huwag mong ipagpilitan sa akin ang bagay na 'yan dahil tatawanan lang kita. Magsasayang ka lang ng oras."
"I don't care," agad naman nitong saad. Lumapit pa ito sa akin at umupo kung saan malapit sa akin. He held my hand and kissed it passionately. "Say all you want to say, Fayra. Kahit murahin mo ako, o ano. Tatanggapin ko. Pero sasabihin ko na sa 'yo ngayon pa lang, hindi ako susuko. Hindi kita susukuan. Nagkamali na akong pakawalan ka noon. Ayaw ko nang magkamali ulit ngayon."
"You're insane." Tanging naiwika ko't sapilitang inagaw sa kaniya ang kamay ko.
He smirked at me, and I gasped as he leaned forward and rested his face on my neck, breathing heavily. That caught me off guard; I almost can't breathe.
"Perhaps I am, Fayra," his breath on my neck makes me shudder. I want to push him, but it's as if my strength has vanished. "I'm insane for leaving you behind, not thinking it'll be my biggest mistake in my entire life. I'm sorry."
He moved away from me as soon as he said that. We're only a few feet apart. He put his hands on both of my checks while his gaze wandered around my face. My heart started racing the moment his gaze locked on my lips. I can feel electricity coursing through my entire body, yet I quickly go numb as a result.
As he got closer, I assumed he was about to kiss me, but instead his lips touched my forehead. He takes another deep breath and rests his forehead against mine. He closes his eyes and runs his thumb along my cheek.
"Let me take care of you, Fayra,... like those college days when I'm at your pad. I had fun with it, and I want to revisit the moment when my heartbeat was so heavy that it made me crave to feel it again ever since."
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top