Chapter 44

CHAPTER 44

"Here taste this, it's strawberry cake."

I glanced at the small plate containing a slice of cake. My eyes immediately fell on a table full of cakes that others had also ordered for my son. I then turned to look at Mateo.

"Saan galing 'to?" Tanong ko pagkatapos kong abutin iyon sa kaniya.

Bago niya ako sagutin ay tinawag niya muna sila Ace para lumapit na agad namang pinaunlakan ng dalawang bata. Pinunasan ni Mateo ang bibig at kamay ni Ace na balot na balot ng cake, maging ang anak niya rin na pinagpupunasan ni Ace kanina. Sumunod din ang anak ni Lyden na mas madungis pa ang itsura kaysa kay Rian.

"Tito, punas." Abot ni Maui sa kamay niya kay Mateo.

Pa-simple akong lumingon sa kaniya habang pa-unti-unti nang kinakain ang bigay niyang cake.

"Bakit sa akin ka nagpapapunas. Andoon naman 'yong tatay mo oh." Parang tangang kausap pa niya sa pamangkin niya.

Napalabi ako at napailing nang ngumiti lang ng pagkatamis tamis si Maui sa kaniya. Si Mateo naman ay pinanggigilan pa ito at maya maya lang ay tinatanaw ko na lang silang mga paslit na papalayo sa amin. Mapapatayo pa sana ako para makita kung saan sila pupunta nang sumulpot naman si Sébastien kasama sila Massimo at nagkaniya kaniya silang karga sa mga bata.

Malakas na hagikhik nila ang narinig namin kaya't maging ang ilan sa mga kasama namin ay napatingin sa gawi nila.

"Nagustuhan mo?" Biglang tanong naman ni Mateo.

Napatango naman ako. Masarap naman kasi talaga. Mas masarap pa 'to sa chocolate, kaya sa tuwing may mga event ay kailangan may sarili akong cake, dahil ito ang gusto kong flavor.

Natigilan ako sa pagnguya ng mapagtanto ang nasa isipan ko, dahan dahan akong napatingin kay Mateo. Nakasandal ito sa upuan niya at mataman din akong tinititigan habang may nakasilay na ngiti sa kaniyang labi.

Gusto kong magtanong kung papaano. Gayong wala naman siyang alam sa akin. Pero pinili ko na lang na manahimik at sarilihin na lamang iyon. Siguro nasabi ni Lyden kanina. Sa daldal ba naman no'n, paniguradong nasabi nga niya.

Iwinaksi ko ang paningin ko sa kaniya at nagpatuloy. Pa-simple rin akong umusog kahit pa nga alanganin na ang puwesto ko.

Rinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. Mula sa gilid ng paningin ko ay aninag na aninag kong nasa akin pa rin ang paningin niya.

"Can you please not look at me." Hindi na napigilang saad ko, ang mga mata ko ay nakapako lamang sa platong hawak hawak ko.

"I'm sorry, but I can't help myself not looking at you---"

"You're making me uncomfortable, Mateo. Kumakain ako. It's rude to stare at me like that." Putol ko sa kaniya.

"O-Oh, I'm sorry then." Halata ang bagsak sa kaniyang boses. Umayos ito sa pagkaka-upo at nag-iwas nga ng tingin sa akin. Sandali siyang natahimik at maya maya lang ay tumayo. "I'll get you water." Maikling sambit niya bago ako iniwan.

Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa niyang lumapit sa akin. Kung si Ace lang ang habol niya, dapat nabuntot lang siya sa anak ko. Kung ako sa kaniya, sinusulit niya na dapat ngayon ang oras niya kay Ace, dahil pagkatapos ng araw na 'to, babalik na ulit sa dati ang lahat.

Muli ko siyang pinagmasdan. Akmang babalik na siya dito nang harangin naman siya ng ilan sa mga benefactor ng foundation. Dumako pa ang paningin niya sa akin, ngunit sandali lang naman.

Inilapag ko muna ang pagkain ko sa katabing upuan at sakto naman na papalapit sa akin si Niko. May hawak itong dalawang plato at ang lapad ng pagkakangiti sa akin.

"Pakihawak." Abot nito sa dalawang plato niya na inabot ko naman.

Naghila ito ng upuan at inilapit sa akin, pagkatapos ay pareho nitong kinuha ang plato niya sa akin at inilapag ang isa sa pagitan ng hita niya.

"May lamesa naman doon, bakit nandito ka?" Taas kilay kong tanong.

"Nah, dito na lang ako." Sagot nito habang sunod sunod na lumantak sa cake niya. "Mas maganda ring nasa paligid mo ako."

"Eh?" Ngiwi ko.

Nagsalubong ang kilay nito. "Ngayong araw lang naman, Fayra. Ayaw ko nang mabitsin ng mga pinsan ng ex mo. Tangina, ang pinunta ko dito itong foundation, hindi ikaw."

"Bakit ka naman kasi pumayag na makipag-inuman sa kanila. Eh, hindi naman kayo close, hindi ba?"

"Pakikisama, Fayra." Bored na sagot niya na para bang ang tanga tanga ng naging tanong ko.

"Hindi sa lahat ng oras kailangan mong makisama ng maayos, Niko. Lalo na't pinag-iisipan ka ng masama ng mga 'yon." Ani ko.

Ngumisi ito. "Oo na. Manenermon ka na naman. Basta, hindi muna ako lalayo sa 'yo, masyadong mainit ang ulo sa akin ng mga taong dala dala ng ex mo. Mamaya hindi ako maka-uwi ng buhay, kaya ikaw na muna ang bahala sa akin."

Pagkasabing 'yon ni Niko ay napabuntong hininga na lang ako. Kanina ay nagsumbong na rin siya sa akin na inaaya na naman siya nila Massimo na uminom biglang paghingi daw ng tawad, pero pakiramdam niya daw ay mas lalo pa siyang ilulungo sa alak kapag umu-oo siya, pero dahil pinilit siya ng mga ito ay naging oo ang naisagot niya.

Hindi ko alam kung bakit ba ang init ng pakikisama nila kay Niko. Higit sa lahat nang nadirito ay si Niko talaga ang trip nila.

Wala sa sariling napadako ang paningin ko kay Mateo na siyang may kausap lang, ngunit ang paningin ay nasa akin. Napakunot ang noo ko't nagningkit ang mga mata para makasiguradong ako ba talaga ang tinitingnan niya. At tama nga ako. Hindi basta simpleng tingin lang ibinibigay nito sa akin. Malalim at madilim na pagkakamasid ang ibinibigay niya sa akin na para bang may ginagawa akong hindi maganda sa kaniyang paningin.

"Ganiyan 'yong tingin niya sa akin that night, Fayra. Ganiyang ganiyan. Hindi kaya nagseselos 'yan?"

Inisang tingin ko si Niko at muli kay Mateo. Nakangiti na ito sa mga kausap at isa isang tinapik ang mga ito, mukhang nagpapaalam.

"Nagseselos?" Halos hindi ko maisip ang isang 'yan. Napailing ako at mahinang napatawa. Lukot ang mukhang pinagmasdan ako ni Niko.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Ang sinabi mo mismo, Niko. That's impossible at wala sa vocabulary niya ang bagay na 'yan, at isa pa. Who the hell I am to him para magselos siya? Parang hindi mo alam ang storya ng buhay ko Santiago."

Natahimik siya at nagkibit balikat. "Iba kasi ang nakikita ko, Fayra. I'm just telling what I observed. Lalaki rin ako, alam ko ang tingin ng isang lalaking nagseselos sa hindi, kaya sa palagay ko ay nagseselos 'yan sa akin."

Ako naman ang napanguso sa kaniya.

"Malabo ang mata mo, Niko. Huwag ako." Biro ko naman na ikinabagsak ng balikat niya. Akmang papatulan niya pa ako ng bigla na lang may sumingit na isang basing puno ng tubig sa pagitan namin ni Niko.

"Drink it." Aniya sa malamig na boses.

"A-Ahm, cake, Pare." Agad na pag-aalok ni Niko kay Mateo. Ngunit ang lalaking ito ay hindi pinansin ang kaibigan ko. Basta na lang itong umupo sa tabi ko pagkatapos niyang kunin ang plato kong inilapag ko kanina.

May natira pang cake doon na sinimot niya.

Nagkatinginan kami ni Niko. Nanlalaki ang mga mata niya sa akin at ako naman ay nginisihan lang siya. Mukhang takot siya kay Mateo. Sa presensiya ba naman kasi na ibinibigay niya kay Niko ay katulad ng presensiyang ibinibigay niya sa akin noon. Malamig ngunit ramdam mong hindi ka niya gustong makasalamuha. Talagang isinisigaw 'yon ng presensiya niya.

"Maiwan ko muna kayo." Biglang tayo ni Niko sabay beso sa akin. "Akyat na ako, Fayra. Kapag bumalik sila Ace, sabihan mo na lang ako." Aniya nito bago mabilis na naglaho sa harapan ko.

Sunod sunod akong napailing. Bakit ba kasi iniintindi niya ang isang ito, kung sana hindi siya nagmadali ay puwede ko namang paalisin si Mateo.

Speaking of that man. Para akong natutuod sa kinau-upuan ko dahil sa tindi ng pagkakatingin niya sa akin. Ilang minuto na ang lumipas ngunit ang tingin niya ay nasa akin pa rin. Wala sa sariling nilingon ko siya.

"May problema ka?" Takang tanong ko.

Ngunit imbes na sumagot ay tumayo ito at naglakad palayo sa akin. Walang salitang lumabas sa bibig niya kung hindi ang malalim na pagbuntong hininga.

"May saltik talaga." Bulong ko sa sarili at tumayo na.

Wala akong balak siyang sundan o pigilan o itanong kung saan ba siyang pupunta. Bakit ko naman gagawin 'yon? Wala naman akong pakialam sa kaniya.

Lumakad ako palabas ng venue at nakita ko sila Ace na naghahabulan kasama sila Massimo. Lahat ata ng mga bata ay taya at ang mga matatanda naman ay ang mga hinahabol nila.

Napangiti ako. Hindi ko pa ata nakitang ganito kasaya ang anak ko. Masyado siyang masaya na mayro'n sa akin na baka mahirapan akong ilayo siya sa kanila. Lalo na't madaling makuha ang loob ni Ace. Malaking halimbawa na lang ang kay Mateo na agad niyang tinanggap bilang ama niya. Ni hindi na nga lumalapit sa akin si Ace kung hindi ko pa tatawagin.

Lumipas ang mahabang oras. Pagkatapos nang kaunting salo salo na idinaos namin para sa anak ko ay napagpasyahan ko nang umakyat sa taas. Tinawag ko na rin si Ace at maging si Rian para patulugin muna. Si Maui naman ay ayaw pa dahil ang tatay niya ay ayaw pang umakyat.

"Puwede mo namang iwan na lang si Rian dito, ako na lang ang magpapatulog sa kaniya mamaya." Aniya ni Morgan.

"Ayos lang. Hindi naman makulit si Rian, tsaka, ba-byahe pa mamaya. Masyado nang babad ang mga bata kakatakbo." Saad ko naman na ikinatango niya.

"Sige, kunin ko na lang siya mamaya."

Hawak ko sa magkabilang kamay ko ang mga paslit. Nakapaskil na ata sa akin ang galak habang hawak hawak ko silang dalawa. Gustong gusto ko talaga magkaroon pa ng babaeng anak. If ever nga na kaya kong mag-adopt na lang kay nila Sister Arlet ay baka gawin ko once na makapunta ako sa doon.

"Here, milk niyong dalawa." Abot ko sa tsupon na may lamang gatas.

Agad na bumagsak ang dalawa na agad ko rin namang kinumutan. Tinabihan ko sila at maya maya lang rin ay nakapikit na. Akala ko ay mahimbing na ang pagkakatulog ni Ace, kaya gayon na lang ang pagbalik ko sa kama nang bumangon ito at tinawag ako.

"Mama. I want daddy besides me. Hug."

Napalabi ako sa gusto ni Ace. Gusto kong salungatin ang gusto niya ngunit bakas sa mukha nito ang kagustuhang makatabi ang ama niya. Kaya't napatango ako at nagpaalam na hahanapin lang si Mateo.

Tinawagan ko si Morgan na bantayan muna ang mga bata, hindi ko na sinabi kung saan ako pupunta dahil baka iba lang ang maisip nila. Kung hindi lang para sa anak ko, hindi ako lalabas ng kuwarto.

Papalubog na ang araw. May parte na sa resort na unti unti nang kinain ng dilim.

Mula sa gawi ko ay nakita ko ang papalapit na bulto nila Massimo. Masama man ang loob ko sa kanila ay wala akong nakikitang paraan para malaman kung nasaan si Mateo.

"Hindi ba't magkasama lang kayo kanina?" Takang tanong ni Sébastien sa akin.

Napatango naman ako. "Kaso umalis siya. Kaya nga nagtatanong ako ngayon, baka nakita niya kung nasaan."

Sabay sabay naman silang umiling. "Hanapin na lang naman---"

"Huwag na. Ako na ang maghahanap." Agad kong pigil.

"Gabi na kasi Fayra. Patulong na lang tayo sa guard, baka nakita niya si Mateo." Aniya pa ni Sébastien.

Napatango naman ako.

"Bakit mo nga pala siya hinahanap?"

Ang tanong niyang iyon ay alam kong may ibang pakahulugan.

"Hinahanap siya ni Ace. Hindi makatulog ang anak ko dahil sa kaniya." May inis sa boses ko na hindi ko maitago.

"Tanggap na ni Ace ang ama niya." Biglang singit na na ni Matthias. Nagningkit ang mata ko sa kaniya kaya't mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

Kalaunan ay dumako kami sa may guard. Nagkasundo kaming hanapin na lang si Mateo para mapadali namin siyang makita. Sasama sana sa akin si Sébastien ngunit pinili kong guard na lamang ang sumama sa akin.

Habang nasa kalagitnaan kami ng kawalan sa resort na ito ay nakakita ako ng maliit na bonfire sa hindi kalayuan. Agad ko iyong pinuntahan at hindi nga ako nagkamali na si Mateo ang nandoon.

Sinensayan ko ang guard na ayos na at puwede na siyang bumalik. Pagkatapos ay lumakad ako palapit sa kaniya na ikinatigil niya naman. Kitang kita ko ang mabilis niya pagtatago sa iilang bote ng alak sa likod niya, ngunit masyado ng huli dahil nabilang ko na nga kung ilan na ang walang laman.

"Mahamog na, anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sabay tayo.

Bago pa ako makasagot ay parang nahigop ang mga salita ko. Napako ang paningin ko sa kaniya nang hubarin niya ang jacket niya at lumapit sa akin. Walang pasabing isinuot niya 'yon sa akin at isa isang ipinasok ang kamay ko sa bawat nakalaang butas. Masyado akong kinain ng sitwasyon at tila napaso ako sa pagkakahawak niya sa akin.

"Lumabas ka na manipis lang ang tela ng suot mo, kita mo ng malamig ang panahon ngayon." Tila nasermunan pa ako ng wala sa oras.

Tinatagan ko ang sarili ko at bahagyang lumayo sa kaniya.

"Hinahanap ka ni Ace. Pinagpapahinga ko na siya kasama ang anak mo, ang kaso ayaw niyang matulog kasi gusto ka niyang katabi." Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

Titig na titig lang siya sa akin habang nakapamulsa at namumugay na ang mga mata, malamang ay may tama na sa kaniya ang mga nainom niya.

Tumikhim ako at pinili na lamang na tumalikod. Mukha wala akong mapapala sa kaniya.

"Kumatok ka na lang mamaya sa kuwarto kung gusto mong tabihan si Ace, ibabalik ko rin 'tong jacket mo---"

"Ang lapit mo na sa akin, Fayra. Pero bakit... bakit ang pakiramdam ko napakalayo mo pa rin sa 'kin."

Natigilan ako sa paglakad. Nakatalikod ako sa kaniyang ngunit pakiramdam ko ay nasa harapan ko lang siya ngayon.

"You make me want to lose my grief, Fayra. Every damn minute I see you, I want to run to you and hug you so tight, but I'm afraid to do it because I know how much you hate me."

"Anong bang sinasabi mo, Mateo. Ang layo naman nang lumabas sa bibig mo sa sinabi ko sa 'yo." Lingon ko sa kaniya at gayon na lang ang pagkalambot ng tuhod ko ng makita ang mga luhang mabilis na kumakawala sa mga mata niya.

"Nagsisisi ako, Fayra. I really regret hurting you so badly before. That even if I beg right now for your forgiveness, I know that it's not enough for what I've caused you."

Hindi ko alam kung anong puwede kong isagot para lang tumigil na siya. Kung alam ko lang na ganito ang epekto sa kaniya ng alak at kung alam ko lang na umiinom siya, sana hindi ko na lang siya hinanap. Sana nagdahilan na lang ako kay Ace. Mas madali pang kausap ang anak ko kaysa sa taong 'to.

"Gusto kong magsimula ulit. Gustong kong magsimula ulit tayo, Fayra."

Ang mga katagang binitiwan niya ay ang hindi ko inaasahang maririnig ko kung kailan wala nasa isipan ko na pumasok pa sa isang katangahang matagal ko nang isinuka.

"Don't play with me, Mateo. You're just drunk for God's sake. Kung ayaw mong pagbigyan si Ace ngayon, sabihin mo lang." Asik ko sa kaniya at muling tumalikod.

Sinubukan kong maglakad ng mabilis sa abot ng makakaya ko. Akala ko ay hindi na siya susunod ngunit gayon na lamang ang pagkakasinghap ko nang maramdaman ko ang kamay braso niyang mabilis na pumulupot sa baywang ko.

"D-Dont leave me, please."

Nagpumiglas ako. Hindi ito ang ipinunta ko dito. He's acting too way much. Hindi kaya ng sikmura ko.

"Let go of me, Mateo." Matigas kong saad ngunit ang lalaking ito ay mas lalo pang hinigpitan ang kapit niya sa akin.

"W-What do you want me to do, Fayra? Huh? I can do everything for you. I'm willing to do everything you ask me to do, just please. Please, tanggapin mo lang ulit ako sa buhay niyo ni Ace."

Pagkasabi niya ay bumitaw siya sa akin at agad na lumipat sa harapan ko. Nakamasid lang ako sa kaniya at nang lumuhod ito sa harapan ko ay mas lalo ko pang tinigasan ang aura ko para sa kaniya.

He held my hands and squeezed them while looking deeply at me. His eyes were blown out by his own tears. tears that didn't even make my soul believe that it was the real deal. 

"Hindi ko kayang hindi ko kayo ulit makita at malapitan nang ganito kalapit after this, Fayra. Hindi ko kaya."

"Hindi mo kaya?" Natatawang tanong ko. Iwinaksi ko ang kamay ko sa kaniya at ilang hakbang patalikod ang ginawa ko para makalayo. "Sinong niloloko mo sa ating dalawa, Mateo? Ako o ang sarili mo mismo, huh?"

"Fayra,..."

"Enough of your drama, Mateo. Masyado na tayong naglolokohan noon na ayaw ko nang ibalik sa buhay na mayroon kami ni Ace ngayon. Nasa maayos na ang lahat, hindi mo na kailangang sabihin 'yan para pampalubag loob lang."

"I'm not saying this for that, Fayra. I'm serious of taking you back---"

"I don't want to be back, Mateo. It's sucks being with you. Nasubukan ko na, bakit ko pa babalikan?" Sarkastiko kong balik sa kaniya.

Kitang kita ko ang pagbasak ng balikat niya. Halatang hindi niya inaasahan ang lumabas sa bibig ko.

Malalim akong bumuntong hininga at mabilis na hinubad ang jacket niya. Inilapag ko 'yon sa harapan ko at niyakap ang sarili ko.

"You ruined everything before, Mateo. Don't repeat the same mistake with your daughter. Rian is a good girl; she's an angel. Ilaan mo ang oras at atensyon mo sa kaniya, she needs you more than Ace."

After saying those words, I immediately stepped back. I composed myself and breathed heavily, but as soon as I was ready to run away, a tight grip on my arm stopped me. It's him again. Unlike a while ago, his aura is too cold now; hence, the tears are still visible in his eyes. He's deeply looking at me, like I look like prey to him.

"I'm stupid for letting you go away from me before, Fayra. And I don't want to commit another stupidity while you're here and make you go away from me again for the second time." His eyes flare with too much emotion.

He slowly released his grip on my arm but then drew me in. He only supports me by placing one arm over my waist and the other around the back of my head. Then he rubs my back with his hands, pressing our foreheads towards one another.

"I already made up my mind; I will make you be with me, not by force but by your choice... for the second time around."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top