Chapter 25
CHAPTER 25
"Where the hell on earth is she?! Kanina pa dapat tayo nabyahe dahil maagang mag-start ang program nila Mira."
"Kumalma ka nga Morgan. 'Yong program ba talaga ang ikinababahala mo o ang kaibigan ko na gusto mong makita?" Nakangiwing tanong ko kay Morgan at inabutan siya ng isang basong tubig.
He let out a chuckled. "Speaking of your friend, Fayra. She's freaking not answering my damn calls, para naman akong others sa kaniya."
"She's probably been busy, Morgan. Alam mo namang maraming pasikot sikot ang buhay ni Lyden and one more thing, bakit naman niya sasagutin ang tawag mo? Wala namang kayong business na dalawa." Mapanuyang saad ko na ikinatigil niya.
"Your words are getting worst day by day Fayra. Gawa pa rin ba 'yan ng pregnancy mo?"
Nagkibit balikat lang ako. Tumayo ako para suriin ang dress ko sa salamin. Maging ang make up ko na very light lang na bumabagay sa suot ko. Napako ang paningin ko sa bump ko. Hindi pa rin siya masyadong halata dahil hindi naman fitted ang dress, medyo lumalaki pero parang bloated lang ako kung titingnan.
"Siya nga pala, mapapaaga ata ang uwi ni Gio. Sinabi niya na sa akin na ikaw ang magiging secretary niya, hindi naman mahihirapan dahil dalawa naman kayong under kay Gio. And knowing him, magiging mabait 'yon sa 'yo lalo na at buntis ka."
"Hindi ba parang unfair naman 'yon, Morgan?"
"No, it's not, Fayra. Look, kung 'yan ang lagi mong iisipin mabuti pang umalis ka na lang kay Gio. Inaalala ko lang ang kalagayan mo, Fayra. After mo namang manganak ay puwede kang mag-trabaho kahit saan. Wala nang limitations. And by the way, ipapadala rin pala dito sa Pinas 'yong kasabayan mong mag-apply. Do you remember her name?"
Napakunot ang noo ko, matagal akong nakatitig kay Morgan bago ako napamaang. "Yeah, Isabella. 'Yan ang pagpapakilala niya sa akin. Good for her huh and good for me also kasi baka magkasalamuha pa kami sa opisina. Maganda na rin 'yon dahil medyo magaan din naman ang loob ko sa kaniya no'ng unang araw."
"But she kinda familiar..." Aniya sabay himas sa kaniyang panga.
Maging ako ay natigil din. 'Yon din ang nasabi ko sa sarili ko way back sa building ni Sir, Gio. Familiar talaga siya sa akin, pero hanggang ngayon ay hindi ko mapangalanan ang nasa likod ng isip ko. Hindi ko sigurado kung anong araw 'yon basta ang natatandaan ko lang ay nakita ko siya sa personal at nakita ko na rin ang larawan niya somewhere.
Napukaw ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto ng hotel at iniluwa no'n ang kanina pa namin hinihintay. Ngunit gayon na lamang ang pagsinghap ko at agarang paglapit sa kaniya dahil sa nakita kong iilang pasa sa kaniyang mukha.
"Pare, tangina. Anong nangyari sa 'yo?!" Gilalas ni Morgan na muntikan pang maibuga ang tubig sa mukha ni Sébastien.
Nagkamot ito sa batok at nakangiting bumaling sa akin.
"Nagkabiruan lang kagabi." Tipid niyang sagot. "Siya nga pala, tara na. Sabi no'ng inutusan ko malapit na daw mag-umpisa 'yong program. At hindi na rin maipinta ang mukha ni Mira dahil panay ang lingon sa paligid."
Nagkatinginan kami ni Morgan habang umiiling iling ito. Ngumisi sa kaniya si Sébastien at maya maya'y nagulumihanan naman ako sa unti unting pag-seryoso ng ekspresyon ni Morgan. Lumapit ito kay Sébastien at tinapik ang braso nito.
"Kasalanan mo 'yan, tangina ka kasi eh." Aniya sa kaibigan at binalingan ako. "Tara, Fayra. Hayaan mo 'yan, malayo 'yan sa bituka. Atsaka tingnan mo," duro nito sa mga pasa ni Sébastien. "Nagamot na oh."
Pagkasabi no'n ni Morgan ay kinuha nito ang coat niya na nasa couch at napapailing na lumabas ng pinto. Samantalang ako naman ay nakasuri lamang kay Sébastien na ngumingiwi ngiwi.
"Where did you get that from, Seb?" Puno ng kuryusidad kong tanong.
Sa tinagal tagal naming magkasama ni kahit kailan ay hindi ko pa siya nakikitang nagkaroon ng ganito. Hindi rin naman siya palaaway, kaya't labis akong nagtataka.
"Just a friend hit me, Fayra. Katuwaan lang, huwag kang mag-alala malayo sa bituka 'to. Isa pa," huminto siya at malawak na ngumisi sa akin habang inabot ang kamay ko at baywang upang maalalayan palabas. Kinuha niya rin ang shoulder bag ko at isinukbit sa balikat niya. "Napuruhan ko pa nga ata 'yon." Aniya habang natatawa.
SA BYAHE ay hindi pa rin ako mapakali. Masyadong naaagaw ni Sébastien ang buong sistema ko. Paano kasi kada buka niya sa kaniyang bunganga ay humihiyaw ito na tila isang babae. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Pero isa lang ang alam ko ngayon.
Napangiti ako at kinalabit si Sébastien. Nakakunot ang noo nitong bumaling at sinuyod ako ng tingin.
"Hanggang kailan ba nagaling ang pasa?"
"Bakit mo naman naitanong 'yan Fayra?" Si Morgan na nasa front seat. Sumilip pa ito sa amin sa likod na nakangisi pa rin.
Nag-crossed arm ako at ngumiti rin sa kaniya. "Gusto ko 'yong mukha ni Seb ngayon---"
"Hoy, Fayra. Aba'y parang alam ko na 'yang gusto mong nangyari ah!" Anas ni Sébastien.
Nanliit naman ang mata ko sa kaniya. Hindi ako nagsalita at ang tanging maririnig lang sa loob ng sasakyan ay ang malakas na paghalakhak ni Morgan na pinapalo palo pa ang hita niya sa tuwa.
"After gumaling niyan, dapat mayro'n agad---"
"Fayra naman eh! Ayan ka na naman!" Ungot niya at hinila ang kamay ko. Pinisil pisil niya iyon at nagmamakaawa ang mukhang nasa harapan ko. "Gagawin ko lahat 'wag lang 'yan! Ma-d-dislocate ang panga ko sa lakas ng suntok ng gagong 'yon! Maaawa ka sa 'kin!"
Napailing ako at ngumuso. "Sebby, I really like your face right now. You know what," iwinaksi ko ang kamay ko sa kaniya at ikinulong ang mukha niya sa magkabilang palad ko. "Bruises makes you sexier." Napapalabing saad ko at binitiwan siya.
Natahimik si Morgan na bumaling sa akin. Hindi pa siya nakuntento at literal na ipinangtukod niya ang kaniyang tuhod sa kaniyang upuan upang mapaharap talaga sa amin.
Si Sébastien naman ay tila natulala sa akin kaya't pinitik ko ang tungki ng kaniyang ilong. Doon siya nahimasmasan at ilang beses na napalunok habang dumadako ang paningin kay Morgan.
"N-Nilalandi niya ako M-Morgan." Mahinang sambit niya at napahilamos sa kaniyang mukha. "Nilalandi niya ako!" Malakas ang boses niyang ulit na umusog pa sa may bintana na animo'y natatakot sa akin. Siraulo.
Naiiling na lang ako at itinuon ang paningin ko sa daan. Ang alam ko ay malapit na kami sa venue ng graduation. Nakaramdam ako ng excitement. Excitement na makita muli si Mira at sila mommy at excitement para ipaalam sa kanilang nagdadalang tao ako.
"May upuan tayo sa gitna. Naka-upo na sila Tito Francis doon together with your mom, Fayra." Bulong sa akin ni Sébastien habang inaalalayan akong dumaan sa mga hilera ng upuan.
"Seb, may dala ka bang pagkain?" Tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Hindi ko pa kasi makita sila mommy. Parang ang lawak lawak na tila isang upuan sa sinehan ang ayos dito.
"Careful, Fayra." Hawak niya sa baywang ko nang hindi ko makita na may hagdan pala sa sunod kong lalakaran. "I have foods here, but we need to find our seat first. You badly need to sit down." Aniya at iginala ang paningin sa kabuuan. "Oh shoot, I saw them."
Parang gusto kong maiyak nang magtama ang paningin namin nila mommy. Nanlalaki pa ang mga mata nito at agad na tumayo para salubingin ako.
"M-Mom." I uttered softly.
Naramdaman ko ang mahinang haplos ni mommy sa buhok ko habang nakayakap sa akin.
"Oh God, you're here!" Halata sa boses niya ang pagkasabik.
I nodded twice. "Yes, mommy. I'm here. I'm back." Nagbaling naman ako kay dad na nasa likod ni mom at nakamasid lamang sa amin. Ngumiti ito sa akin at hinagkan ako sa noo at niyakap.
"I'm happy that you're here now, anak. Siguradong tatalon sa tuwa si Mira kapag nakita ka niya mamaya."
"Oh, I can't wait to see here dad." Ngiti ko.
Inaaya na kami nila mommy na umupo ngunit bago pa iyon ay natigilan kami nang marinig ang matinis na boses ni Lyden, awtomatikong napasulyap ako kay Morgan na ngayon ay nakatulala na kay Lyden.
"He's inlove." Sébastien muttered behind me.
"He needs to heal first, Seb. Hindi siya papatulan ni Lyden 'cuz she knows." Buntong hininga ko na sinang-ayunan niya.
"Sissy! I missed you ng bongga bongga!" Mahigpit na yakap niya sa akin at pinaghahalikan pa ako sa pisngi.
"Uh, Lyden! You're gross!" Asik ko sa kaniya na ikinanguso niya. Hindi ito nagsalita bagkus ay dumako ang paningin niya sa bump ko.
"Pasalamat ka at may bola ka ja'n, babawi ako sa 'yo kapag wala na 'yang laman." Mahinang saad niya sapat para marinig ko lamang sabay ang pag-irap nito sa akin at ibinaling ang tingin kay nila mom. "Hello, Tita Meg, Tito Francis!" Kaway niya kay nila mom na sinuklian naman siya ng matamis na ngiti.
"May upuan ka dito." Pigil ni Morgan nang akmang lalakad si Lyden sa harapan namin at doon uupo.
"I don't sit with strangers." Irap muli ni Lyden at hindi nagpatinag sa kaniya.
"Sila?" Kalabit ni mommy sa akin at napailing ako. Sasagot na sana ako nang kalabitin rin ni dad si mom.
"Sweetheart, pati ba naman mga bata makiki-chismis ka?" Ngiwi ni dad at mabilis na iwas nang balingan siya ni mommy.
"Manahimik ka, Francis. Nagtatanong lang ako, ikaw na lalaki ka." Asik ni mommy na ikinailing ko na lang.
Hindi kalaunan ay nag-umpisa na ang seremonya. Halos walang mapagsidlan ang tuwa ko nang mag-speech si Mira sa stage. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang ibabalik niya sa amin. Talagang hindi niya pinabayaan ang pag-aaral niya knowing na sinasabi ko sa kaniyang kaya ko naman siyang suportahan kahit tumanda na ako. Napakabait na bata, for sure magiging mabuting tita rin siya para sa anak ko.
I'm looking forward, Mira. I'm looking forward to see you being a great auntie to my baby.
"A-Ate?" Maya'y lahat kami ay natigilan nang maisingit ni Mira sa kaniyang speech ang katagang iyon.
Lahat ng mga estudyante, guro at maging ang ibang tao sa loob ng seremonya ay panay ang pag-ikot ng tingin na tila hinahanap ang tinutukoy ni Mira.
I gave her a small smile and waved. Mira's surprised expression had me bite my bottom lip to keep my emotions in check.
"My sister has arrived!" She exclaimed with delight. I nodded as I gave her the motioned to continue. She nodded and resumed her monologue, while keeping her confidence.
Pumalakpak ako nang matapos si Mira sa kaniyang speech, halos hindi natigil ang pagkuway niya sa amin mula sa kaniyang upuan. Ni ayaw alisin ang tingin niya na tila ba ayaw niya na akong mawala sa kaniyang paningin. I smiled at her more at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako na tila may mga matang nakamasid sa akin.
Pasimple kong iginala ang aking paningin at mula sa kung saan kami naka-upo ngayon ay tanaw na tanaw ko ang mga mata na hindi lamang sa isang tao kundi sa tatlo pa. Nasa unahang part sila ng hilera ng mga upuan at lahat sila ay nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha na ikinaiwas ko ng tingin.
It's them. Massimo, Maximilian and Matthias.
Nandito talaga sila. Para akong binambol sa kaba nang sumagi sa isip ko ang posibilidad na baka nandito lang rin si Mateo.
Naagaw lang ang pag-iisip ko nang tumayo si Morgan at magmamadaling tinakbo ang entrance. Medyo madilim sa parteng 'yon at hindi ko na maaninag kung ano ang ipinagmamadali niya at bakit hindi siya sa exit dumaan.
"We need to go, Fayra." Bulong ni Sébastien na ikinakunot ng noo ko. Narinig din iyon nila mommy kaya nagtanong din ito sa kaniya. "We're going to the celebration venue, Tita Meg. Morgan will explain later to Mira everything, kaya hindi na siya magtataka." Aniya at isinukbit na ang bag ko sa balikat niya.
Ni hindi na nga ako nakapag-paalam pa kay Lyden dahil busy ito sa phone niya, even kay dad na puno nang pagtataka sa kaniyang itsura.
"S-Seb, ano bang nangyayari? Buntis ako oh! Kung makahila ka ja'n parang walang laman ang tiyan ko!" Asik ko sa kaniya at natigilan naman siya.
Malapit na kami sa parking nang mapahilamos ng mukha si Sébastien. Namumula ang kaniyang ilong at tainga. Para siyang iiyak.
"S-Seb---"
"Nasa entrance si Don Madeo, kaya pinapa-alis ka ni Morgan doon, at hindi rin makakabuti sa 'yo dahil kasama niya si Mateo."
Napalunok ako. "A-Ano naman ngayon, Seb? Andoon ako para kay Mira."
"I know. We know, Fayra. But we really need to go now, alam mong hindi na'tin puwedeng suwayin si Morgan and one more thing."
"Ano 'yon?"
"Someone's find her, Fayra. Someone's find where my Isabel is."
"R-Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko, bahagya akong nakaramdam ng tuwa para sa kaniya.
"And I need your help, that's why I'm grabbing this opportunity. Is that ok with you?"
"Of course, Seb. Of course." I smiled. "Ano bang magiging tulong ko?"
"Si Gio. She's one of Giovanni's employees."
Napakunot ang noo ko at para akong natauhan.
"Oh my God, are you referring to Isabella?!" Hindi mapigilang tanong ko. Hindi siya sumagot at napalabi ako nang maalala kung saan ko nga ba nakita ang babaeng 'yon.
I've seen her picture in Mateo's office in our house back then, together with the information that belonged to her. And that night, in Palawan where she's wearing a red dress that blooms her out for the night. That's why she's familiar with me!
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top