Chapter 24

Hello, I've been reading some private messages, and they're primarily concerning this story. I simply wanted to say, please trust me on this one. Wala pa po tayo sa exciting part. :)

__________________________________

CHAPTER 24

"Fayra, wait!"

Napapikit ako sa inis nang marinig na naman ang  maka-ilang ulit na pagtawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung nanadya ba talaga ang tadhana sa akin o talagang pagkakataon lang ang lahat ng ito sa buhay ko.

Kinuha ko sa bag ko ang phone ko at mabilis na tinawagan si Sébastien para masamahan ako dito sa mall. Nang hindi niya sagutin ay dali dali na lang akong nag-text at umaasang mababa niya din kaagad ito para mapuntahan niya na ako ngayon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Lumabas ako ng store na pinasukan ko at naghanap kung saan na naman kaya ako puwedeng tumungo para hindi ako makita ng taong ito.

"Fayra, shit! Ngayon na nga lang kita nakita, tatakbuhan mo pa ako!" Sigaw niya kaya't bahagya ko siyang nilingon. Nag-peace sign ito sa akin at nagmamadaling tinakbo ang pagitan namin.

"What do you need, Massimo?"

"Chill, wala akong kailangan sa 'yo. Nakita lang kita at gusto lang kitang kumustahin dahil sa nabalitaan ko but you got over reacted."

Nanliit ang mata ko sa kaniya. Hindi ako kumibo at pinasadahan lang siya ng tingin.

"Look, alam kong nanahimik na ang buhay mo. Hindi ba puwedeng mag-hi sa 'yo? After all naman, may pinagsamahan din tayo." Ngiwi niya.

Napailing ako. "Kalimutan mo na 'yon, Massimo. Kung ano mang alam mo tungkol sa balitang sinasabi mo ay hanggang doon na lang din kayo---"

"Ang alam lang namin ay nagloko sa 'yo si Mateo. Hanggang doon ang ang balitang ibinigay ni lolo sa amin, Fayra." Seryoso niyang ani. Napalunok ako at napatingin sa paligid. "Kung ano man ang hindi pa namin alam isa lang ang sasabihin ko sa 'yo, hindi namin gustong malaman ang kasunod. Isa pa, ikaw pa rin ang gusto naming makasama sa pamilya, Fayra. You know that, right?"

Napabuntong hininga ako.

"I'm sorry, Massimo. Ngunit simula nang magkaroon ako ng lakas nang loob to let go your cousin, ibig sabihin din no'n ay tapos na ang ako sa pamilya niyo. Maybe, workout with Rose. She's better." Payak kong sambit at tumalikod na.

Ngunit dahil sadyang may sa kakulitan talaga ang taong ito. Natural na susunod siya sa akin. Hindi ko pa rin siya pinansin. Hindi naman na siya nagsasalita ngunit ang mga yabag niya ay nasa akin. Naiinis ako. Panigurado ring nandito ang ilan sa mga pinsan niya.

Napahilot ako sa sintido ko. Hindi lingid sa akin na alam na rin nila, lagi namang may balita sa akin si Morgan at kasama sila doon. Lagi nila akong hinahanap sa kaniya at gusto pa nga akong kumbinsihin na huwag nang umalis sa pamilya nila. As if naman ako ang unang nag-plano na gusto kong umalis.

Dire-diretso lamang ang lakad ko hanggang sa may maamoy akong nanunuot maging sa kalamnan ko. Napapalabi kong sinundan 'yon at sa isang restaurant ako dinala ng aking mga paa. Agad na nawala ang inis sa sistema ko. Parang nawala sa isipan ko na may nakabuntot sa akin.

"Ang dami mo namang in-order, Fayra. Kaya ba na'ting ubusin 'yan? Saan naman ang akin jan?"

Napa-angat ang paningin ko kay Massimo na nakakunot ang noong sinusuyod ng paningin niya ang kabuuan nang mga in-order ko.

"Kayo kong ubusin 'to, and take note... um-order ka ng sa 'yo, wala ka dito." Nguso ko at inayos ang napkin sa hita ko at nag simula nang kumain.

Para naman na-estatwa si Massimo sa harapan ko. Ilang beses itong napakurap at maya maya'y nagtaas nang kamay para tawagin ang waiter. Ilang pagkain lang ang in-order niya, mas marami pa rin ang akin. Pagka-alis ng waiter ay pa-simple ko siyang binalingan. Naka-crossed arm ito habang nakasandal sa upuan niya na nakatingin sa akin.

Bumilog ang kaniyang bibig, akmang may gustong sabihin sa akin ngunit naagaw ng nag-r-ring niyang phone ang atensyon namin pareho.

"They probably searching for me." Saad ni Massimo.

"Sino?"

"Uh... Maximilian and those two." Malapad ang ngiting ibinigay niya sa akin.

"Huwag mo sabihing pati sila ay kailangan ko rin pakisamahan ngayon?" Nanliliit ang matang tanong ko habang sunod sunod na nilantakan ang pagkain ko na sinundan naman niya ng ilang pagtango.

I poked my tongue in my cheek and gave Massimo a death glare.

"Well, it's just for today Fayra. Pagbigyan mo na ako dito, after nito, paniguradong hindi ka na naman namin makikita lalo na't Morgan was on your back."

Napabuntong hininga ako.

"Bakit ba kasi hindi niyo na lang tanggapin na wala na? At kasama sa paglayo ko ang pagputol ko rin sa ugnayan ko sa inyong mga Vejar."

"We don't know, Fayra. Basta't ang alam namin you are deserving to be a Vejar---"

"Do you want me to laugh at that, Massimo?" Ngising tanong ko. Para naman siya na-offend dahil napayuko ito. "You don't deserve me. Vejar will never ever again deserve a Fabian. I'm done with all the crap I've been through in the six months since your cousin and I married. It's just been six months and the pain that Vejar caused me was unbearable."

"Can't you just give my cousin a chance, Fayra? I know it's hard, but what if he wants you back---"

"Cut it out. Masyado mo na akong naabala. Pagkatapos mong maubos 'yang mga in-order mo, leave me alone. And tell them not to come here. I don't want to see all of you again kung patuloy niyo lang ipagdidikdikan sa mukha ko 'yan."

"Nagbago ka, Fayra."

Para akong narinidi sa narinig ngunit pinilit kong kumalma. Hindi ko dapat ini-stress ang sarili ko sa kaniya. Kailangan kong alalahanin na may anak akong umaasang maalagaan ko siya nang maayos kahit pa nasa sinapupunan ko pa lamang siya.

"People change for the better, Massimo. I'm done being a fool. Nasa kabanata na ako ng buhay ko kung saan kaya ko nang tanggapin lahat lahat. After what I've been through, tingin mo sino bang hindi magbabago? Kung sasabihin mo sa akin kung ikaw ang nasa sitwasyon ko at hindi mo pipiliin na magbago, aba'y hindi ko alam kung anong klaseng utak ang mayro'n ka."

"That's harsh!" Angal niya.

"It's better to say harsh words than foolish ones to avoid being hurt, Massimo."

Napakamot siya sa ulo niya at maya'y nagpatuloy na sa pagkain. Nasa kalagitnaan kami nang tahimik na atmosphere nang muli na naman siyang magsalita.

"It's her 10th death anniversary, tomorrow. Uuwi ang daddy nila Morgan at paniguradong magdadaos nang kaunting salo salo pagkatapos ng padasal. Makakapunta ka ba?"

Sandali akong natigilan. Nangangapa ng isasagot sa kawalan. Hindi ko na-meet ang parents nila Morgan. 'Yong mommy nila, ang alam ko ay naaksidente no'ng fifteen years old pa lamang si Mateo. Sa kasal naman namin, tanging via Skype ko lang naka-usap ang daddy nila. Boto naman siya sa akin at ilang beses akong kinumbinsi na for sure maging ang asawa niya ay sang-ayon sa kaniya. Anak lang talaga nila ang hindi.

"Graduation ni Mira bukas---"

"Gabi naman dadausin ang padasal dahil busy sila lolo. Paniguradong tapos na rin ang graduation ni Mira no'n at isa pa, pupunta rin kami."

"Bakit? Hindi naman kayo kailangan do'n." Bahagya pang tumaas ang kilay ko at boses.

"Come on, Fayra. Alam mong simula nang maging part ka ng pamilya at dalhin si Mira upang maipakilala sa aming lahat ay alam mo kung gaano kami natutuwa. Ikaw at si Mira ay itinuturing naming nakababatang kapatid katulad ni Morgan. Kayo ang pumuno sa kakulangan namin. Dahil sa inyong dalawa naramdaman namin ang pagiging kuya."

"Susubukan ko, Massimo. Pero hindi ako sigurado, naiintindihan mo ba?" Paglilinaw ko na ikinatango niya.

"Tita will probably be happy seeing you there, Fayra. Lalo na si tito na araw araw kaming kinukulit about sa 'yo. Siguro dahil hindi pa nakakarating sa kaniya ang balita."

"Don't worry, pagnakuha ko na ang copy ng papeles namin ni Mateo sa korte, baka doon niya lang malaman lalo na't sigurado akong maisasa-publiko ito."

"You're really leaving my cousin." Payak niya ani at uminon ng tubig.

"He wants this, Massimo---"

"And you don't want it, right?"

"I want this too, Massimo. Stop with your conclusion."

Natahimik si Massimo at ilang minuto pa ay sabay na kaming natapos. Siya na rin ang nagbayad kahit pa nga iniaabot ko ang credit card ko para sa aming dalawa.

Pagkalabas namin nang restaurant ay babalingan ko na sana siya ng bumulaga naman sa amin si Sébastien. Napangiwi ako dahil ngayon lang siya dumating. Siguro napasarap ang tulog niya.

"Buti naman dumating ka na. Ang tagal mo namang mabasa ang text ko." Reklamo ko na ikinangiti niya lang.

"Napasarap ang tulog eh. Huwag ka nang magtampo, may pambawi naman ako eh."

Napailing na lang ako at tuluyan ko nang binalingan si Massimo na ang rumirehistro sa buong mukha ay pagtataka.

"Mauna na ako, Massimo. Sasabihin ko na lang din kay nila mommy that you're going to her graduation together with them." Aniya ko.

Napakurap naman ito ngunit iwinaksi ang tingin sa akin.

"Why are you together?" Takang tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Sébastien at muntik pa akong mapatalon nang yakapin niya ako mula sa likod. Napako ang paningin ko kay Massimo na napa-bilog ang bibig at nasapo ang kaniyang noo.

"Don't tell me... Don't tell me may relasyon kayo?!" Hindi makapaniwalang tanong niya habang salitan ang daliri niyang pagturo sa amin.

"Wala pa sa ngayon, brad. But we're going there." Mapanuksong sagot ni Sébastien at umayos ng tayo. Hindi pa siya nakuntento sa panggu-gulat sa akin dahil hinawakan niya pa ang kamay ko at sinakop sa kamay niya. "Hindi pa puwede dahil nakatali pa siya, but after this night, baka puwede na kaming magkaro'n ng relasyon." Nakakalokong ngisi ni Sébastien sa nakatulalang si Massimo.

Napakagat labi ako nang maramdaman ang pagpisil ni Sébastien sa kamay ko. Pinasadahan ko siya ng tingin at ngumiti lang naman siya.

"H-How? Best friend ka ni Mateo, how come---"

"Uh, he wouldn't mind that, Massimo. After all, he had another woman in his life. Do you think he will care even if I date or making his soon to be ex-wife my girl? I think not."

"But, come on Seb. You're breaking the code!" Namumulang anas ni Massimo.

"I love breaking the code, Massimo. Kung si Fayra ba naman ang dahilan no'n, why not totally breaking it, right?"

"Seb, you fucked up!" Naiiling na sambit ni Massimo na hindi na pinansin ni Sébastien.

Parehas kaming tinalikuran siya na magkahawak pa rin ang kamay. Pilit kong iwinawaksi iyon kay Seb pero pinipigilan niya ako.

"He's watching, Fayra. Act all along. Play with me at  paniguradong may uusok na tainga at ilong ang sasabog mamaya."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top