SCOPE | III

KINABUKASAN DIN ay nag-start na ang training namin for the quiz bee. Every after dismissal ang training namin, kaya medyo nakaka-sad lang na hindi ko mapanonood 'yong K-drama series na sinusubaybayan ko.

Habang kanina pa ako nagkakamot ng ulo sa yamot sa sinasagutang questionnaires ay todo dada naman itong kasama ko sa loob ng library. 'Yong totoo, wala bang salitang "silence" sa bokabularyo niya?

Parang ako na tuloy ang nahihiya para kay Howell. Kinakabahan na nga ako at baka masita kami ng librarian at paalisin kami. Saan kaya kami pupunta nito?

Nag-focus na lang ako sa pagsagot sa napakaraming questions na nasa photocopied questionnaires na provided sa amin ni Miss Gomez. Medyo mahihirap nga lang ang mga tanong, lalo na at halos hindi pa namin nadi-discuss from junior high ang mga tanong na nakalagay.

Halos mga under general knowledge ang mga sinasagutan namin na parang galing pa nga sa mga college admission test ang items.

We were given 40 minutes to answer all of the questions under three categories: Math, Science, and English. Pero siyempre, inuna ko na 'yong pinakamahirap sa lahat-'yong Math na halos kaltukin ko na ang ulo ko sa pagsasagot ng Trigonometric equations. Partida, wala pa ako sa part two and three, pero mukhang mauubos na ang oras ko sa Mathematics.

"Eureka, Howell! Ang galing mo talaga," bulalas nitong si Howell habang tuloy-tuloy lang sa pagsagot. I peeked on his paper at napakabilis nga niya at patapos na siya sa Mathematics section na sinasagutan niya rin ngayon.

"Ano, Lyra the Hobbit, buhay ka pa ba diyan?" tanong pa niya na mas nagpapakla ng aking mood. Hobbit pala, a?

Howell never fails to make me pissed.

Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko at nagwika, "Puwede, sumagot ka na lang? Hindi ka nakakatulong." At iyon, tumiklop ang unggoy at nagpatuloy na lang sa pagsagot.

Ang ipinagtataka ko na nga lang, sa kabila ng kadaldalan niya ay as nauna pa siyang makatapos kaysa sa akin. Ang mas nakagugulat pa ay naka-perfect pa siya sa sagot niya. Oh, well... matalino naman kasi si Howell; lagi kaya siyang active sa klase lalo na kapag nagpapa-recitation ang teachers namin. Magaling din siya sa reporting, Math wizard pa! Kung puwede lang sanang hiramin ang utak niya nang matapos ang sinasagutan ko.

Mukhang namali yata ng pagpili si Miss Gomez sa mga isasabak sa quiz bee.

"Alam mo, Lyra, chicken lang ang contest na ito. I can handle this in no time," may pagka-arogante pa niyang satsat kaya inirapan ko na lang siya. Gusto ko pa sana siyang i-correct na dapat "we" ang gagamitin niya at hindi "I", pero mukhang self-centered at conceited ang unggoy. Pumupuro na talaga ang isang ito, naku!

Ayos na sana kung matalino or magaling siya, pero 'yong kahanginan niya, iyon ang bawas-bawasan niya. Nakakabwisit lang kasi.

"Okay. Sabi mo iyan." Umirap na lang ako at saka nauna na lang. Bahala na talaga siyang mag-isa niya.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman kita sasapawan," sabi pa niya saka ini-snap ang kaniyang mga daliri. "Because you will never, ever beat me."

"A, gano'n? E 'di, ikaw na," sabi ko.

"Besides, alam ko na rin namang talo ako. E, sa pahanginan, first place ka na. Ano pang laban ko?" pagpaparinig ko. Nakakainis ang isang ito. Hindi ko hangad ang competition pero nakakainis ang mataas na confidence sa sarili ng isang ito. Lumakas tuloy ang hangin na sumabay pa sa pagkulimlim ng kalangitan.

"Peace lang, ikaw naman," sabi pa niya sabay ngiti nang nakaloloko. "'Wag kang hot diyan, Lyra."

"Mauna na ako, a? Magre-review pa kasi ako," pagsinghal ko sabay ngiti nang may kaplastikan sa kaniya at saka na lang iniwan ang mokong at lumabas ng gate. Nagbabadya na rin ang malakas na pag-ulan.

Naabutan pa nga ako ng ulan, kaya sumilong muna ako sa may waiting shed sa may sidewalk kasama ng ilang mga tao at hinintay na sana man lang ay tumila ang ulan.

Naba-bad trip na nga ako kay Howell, sumabay pa itong ulan. Great! Ang ganda ng timing.

"Lyra." Habang nakatayo sa waiting shed dala ang bag ko ay napatingala ako sa kung sino ang lumapit. Bigla ba namang nagkaroon ng sunshine sa gitna ng ulan nang makita ko si Daryl na may hawak na kulay pink na payong.

"Daryl!" medyo may kaaliwalasan kong bati sa kaniya.

"Pauwi ka na?" tanong niya. Kahit almost inaudible ang boses niya dahil sa ulan ay naiinitindihan ko pa rin ang sinasabi niya.

Mukhang kagagaling lang din niya sa practice para sa soccer. May sasalihan din kasing inter-school competition ang soccer team. Mukhang kapapalit lang niya ng damit bago umuwi kaya ang fresh niyang tingnan. Pagkalapit ay gumuhit sa aking ilong ang kaniyang pabango.

"Oo, hinihintay ko lang na tumigil 'yong ulan," ani ko naman.

"Saan ka ba nakatira?"

"Sa may Emerald Subdivision," sagot ko sa kaniya nang hindi nakaderektang eye contact sa kaniya.

"Emerald? Sakto!" Napapitik siya ng dalawang daliri. "Doon din ako papunta." Bigla tuloy nagliwanag ang mga mata ko sa narinig. Pero Nabawi rin iyon agad-agad nang makaramdam ako ng pagka-conscious.

"Hala, nakakahiya naman." Napayuko naman ako.

"Okay lang iyon, kaysa naman mabasa ka pa. Para agad ka na ring makauwi sa inyo." Biglang tumakas ang tibok ng puso ko sa narinig mula kay Daryl. At mas tumaas pa ang dugo ko nang bigla niyang hawakan at tapikin ang nalikat ko. Papaano niya kaya nagagawa ito sa akin? Kung sa bagay, isa siyang magician at unti-unti akong hinuhulog sa patibong ng kaniyang salamangka.

Habang naglalakad at nakasilong sa kaniyang payong ay tinanong ako ni Daryl, "Kumusta practice n'yo?" Hindi naman ako makatingin sa kaniya nang deretso habang tintahak 'yong sidewalk.

"Good luck sa inyo, a?" Nakangiti pa siya habang nagpapatuloy. "For sure naman, mananalo kayo. E, kayong dalawa pa nga ni Howell, pangmalakasan na." Napahagkhik tuloy ako sa sinabi niya. Ang hilig pala niyang mag-joke."

"Thank you. Ikaw rin, galingan mo sa match n'yo. MYSP." Siyempre, binigyan ko rin ng motivational words si Daryl.

"MYSP?" tanong niya nang nakakunot ang noo.

"Make Your School Proud 'yon," pagkaklaro ko naman.

"Ay, 'yon pala meaning noon?" natawang sambit ni Daryl. Nawala tuloy ang mga mata niya kapag tumatawa o kaya ay nakangiti. Bumagay rin sa kaniya ang maliit na nunal sa ilalim ng kanang mata niya.

Ang lakas maka-delusional, pero ganito pala ang feeling na maglakad kasama siya at nakasilong sa dala niyang payong. Akala ko, sa mga romantic TV series ko lang ito mapanonood. Akala ko, pang-Wattpad story lang ang ganitong senaryo.

Bigla kaming napatigil sa paglalakad nang matapat kami sa 7-Eleven na malapit na sa subdivision namin.

"Wait, may bibilhin pala ako. Libre din kita." Nanlaki naman ang mata ko sa mga sinabi niya. Grabe, nakakahiya na ito.

"Uy, huwag na. Baka maabala pa kita."

"No, I insist. Pang-congratulatory gift ko na sa 'yo 'to in advance." Nangulit pa ang isang 'to, kaya bumigay na rin ako. Sino ba kasing tatanggi sa libre?

Pagpasok ay kung ano-ano ang mga pinamili niya: chips, milk tea na nakabote, at chocolates. Mukhang picnic ang pupuntahan ng isang 'to. Nakakahiya naman kasi sa kaniya kung kukuha pa ako nang marami, kaya nag-settle na lang ako sa isang pirasong hotdog sandwich at saka C2.

"'Yan lang kukunin mo? Kuha ka pa." He nudged his shoulders habang bitbit ang basket ng mga pinamili habang nakapila kami sa counter.

"Hindi, okay na. Pero thank you." Iyon na lang ang sinagot ko, sabay kagat ng labi ko.

Hindi ko talaga mapigilan ang ma-swoon over kay Daryl. Ang surreal nga ng feeling na ito; kung panaginip lang ito, parang ayaw ko nang magising pa.

---

"May maidadagdag ka pa ba, vice president?" tanong ni Howell sa akin habang nagkaroon kami ng meeting sa may bandang campus shed together ng iba pang officers. Biglaang nagkaroon din ng emergency meeting ang faculty members, kaya grinab na ring ng pinakamamahal na class president ng ABM11-Newton ang opportunity na ito.

Kainis lang talaga itong si Howell at ako talaga ang favorite person niya-favorite na pagdiskitahan at pahirapan. Isang araw ba naman ay inutusan niya akong maghakot ng mga supot-supot ng mga gamit para sa pagde-decorate namin ng classroom? Mabuti na lang nga at tinulungan ako ni Daryl at kung hindi ay makukutusan talaga siya sa akin, makita niya.

"All I can say, maayos naman ang proposals ninyo, Mr. President," I answered sabay ng pagnguso. "Okay na ang pag-contribute ng students weekly para sa class funds."

"Are you sure?" Minata pa niya ako sabay angat ng isa niyang kilay.

"Wala na nga-I mean, nothing at all," sagot kong ulit. Ewan ko lang kung bakit napakakulit ng isang 'to?

Speaking of pagiging makulit, hindi pa niya ako tinantanan. Kagagaling lang namin sa misa at umakyat sa kuwarto ko at naghihihiga sa aming kama. Binuksan ko ang aking phone para tumingin sa newsfeed sa aking Facebook account, pero ang bumulaga sa akin

Howell:

Uy Hobbit

Psst

Lyra:

O, Ano na naman?

Nag-send naman siya right after ng isang picture. At stolen shot ko iyon na mukhang kinuhanan lang noong Friday. Halos takpan ko na ang mukha ko ng kumot at ingitngit ang aking mga ngipin sa unan ko. How could he do this to me?

Lyra:

Tatawa na ba ako niyan?

Howell:

Okay.

Aba lang! Ang ayos talagang kausap ng isang 'to. Hindi ba niya alam na natu-turn-off talaga ako sa mga ganito? Panira ng araw! Kagagaling ko lang sa simbahan at baka magkasala na ako nito. Huwag ako, please lang.

Lyra:

Puwede ba, tigilan mo na ako? Naiinis lang ako sa panti-trip mo.

Howell:

Okay

Lyra:

Isa pa! Bahala ka na nga sa buhay mo.

Howell:

Okay. Noted.

Lyra:

Will you please stop pestering me! Nagsasawa na ako sa mga kalokohan mo! Puwede, iba na lang ang pag-trip-an mo? Naiinis ako sa iyo. Please lang, utang na loob!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sa sobrang inis ay blinock ko na siya. Bahala na siya roon at wala na akong pakialam sa kaniya.

Good bye, Howard Amiell Ramirez. Manigas siya! Salamat na lang sa lahat.

Kinuha ko na lang 'yong binabasa kong novel na kabibili lang sa NBS kahapon sa may bedside table. E, dahil bored kaninang umaga (wow, parang walang assignments at training, a?), sinimulan ko na lang siyang basahin, kaya sa mga time na ito, almost halfway through na ako.

Pero sa gitna ng pagbabasa ko ay hindi ko maiwasan ang ma-distract, kaya in-open ko ulit at tiningnan ang Messenger.

May isang bumungad sa akin na nag-pop-up ang message, tiningnan ko ito at nakita kung sino ang nag-chat-si Gino iyon na isa sa mga kaibigan ng mokong na iyon. Ano na namang trip ng isang ito? Alam kong hindi ko rin mapagkakatiwalaan ang isang 'to, lalo na at iisa lang ang takbo ng isip nila. Kung sa bagay, birds with the same feather flock together.

Gino:

Uy Lyra sorry na daw sabi ni Howell

unblock mo na raw siya.

Wow, ha? May kakapalan pa ng balat ang isang iyon para mag-sorry? Hindi ko na kasi matiis ang nakakainis niyang ugali. Sagad-sagaran na rin ang ginawa niya. Harapin niya iyon. Magdusa siya.

Lyra:

Bahala siya sa buhay niya.

Pakisabi, wala akong pake sa kaniya.

Gino:

Hindi kana raw niya pagtitripan

Lyra:

Maniwala. Asa siya.

Gino:

I'm really sorry Lyra.

Kung naiinis ka man sa akin I'm begging for your apology.

- Howell

Na-realize ko tuloy ang ginawa kong iyon kay Howell, 'yon bang dahil sa apology niyang iyan, bigla akong nakonsensiya? Am I really getting harsh at Howell? Napapasobra na ba ang inis ko sa kaniya kung minsan? Hay, ewan... bakit ba nagugulo itong isipan ko?

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top