SCOPE | II
PRODUCTIVITY, NOPE. Procrastination, yes, At sino itong imbes na gumawa ng assignments ay mas inuna ang pagmu-movie marathon sa Netflix habang nasa kuwarto. Wow, parang walang iniisip na responsibility, a?
Ilang araw na rin magmula noong magsimula ang klase-at sa totoo lang, nami-miss ko pa rin ang mga kaibigan, kaklase, at lalo na 'yong mga kamag-anak naming naiwan sa Cavite. Oo, iba rin kasi ang feeling na kasabay ang mga kaibigan ko roon na papasok ng senior high school. Pero ang sabi ng ani Kuya, create new memories with new people you meet along the way. Nakapapanibago pa rin, pero unti-unti na rin akong nasasanay.
Nag-pause muna ako saglit sa panonood nang in-open ko ang aking cellphone at tiningnan ang messages ng classmates ko sa group chat namin. Pero ang bumungad ba naman ay ang sinend ni Daryl na isang GIF ni Snowball from The Secret Life of Pets. Except doon, wala na akong iba pang nakitang messages. Nag-chat na rin ako sa mga kaklase ko.
"Ang cute naman ng sinend niya, parang siya," bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang GIF.
Tiningnan ko na rin ang profile niya sa FB. Wow, stalker lang? Ang bumungad pa nga sa akin ay 'yong profile picture niyang nakasuot ng coat at naka-pose pa sa picture na iyon na I bet, nakunan sa isang party. Naks, lakas maka-pogi ng get-up niyang iyon.
Ano ka ba naman, magpapakarupok ka ulit?
Habang tumitingin pa sa profile ay nag-pop-up ulit ang mga bilog sa screen at saka ko naman siya chineck.
NEWTONIUMS GC
Howell:
Hey @Lyra
Napataas ang kilay ko sa message na iyon ni Howell na minention pa ako sa GC.
Howell:
Nutis me plis.
Yoohoo
Ano kayang trip ng isang 'to? Wala ba siyang sariling buhay?
Hindi ko na lang pinansin 'yong messages niya. Ayaw kong ma-stress, utang na loob!
Howell:
Sige na
Check my message request 🙂
Parang gusto kong magpalamon sa lupa sa ginagawa ni Howell. Ano kayang masasabi sa amin ng mga kaklase kong mukhang pinagpipiyestahan ang mga nakikita nila? Ang dami pa namang nagsi-sseen, at kasama pa roon si Daryl.
Napasinghal na lang ako at chineck ang message requests. Hindi kami friends ni Howell sa FB at wala akong balak. Ano siya, sinusuwerte? Duh.
Lyra:
Bakit, ano ba gusto mo?
Howell:
Wala lang.
Napakatino talagang kausap nito.
Lyra:
Ha-ha-ha, tatawa na ba ako?
Howell:
Edi gawin mo, wala namang pumipigil sayo
Lyra:
Please lang, hindi ako nakikipagbiruan.
Wala akong time diyan.
Howell:
Accept mo na kasi friend request ko
Pretty please with a cherry on top
Lyra:
Asa ka naman. Ano ka, sinusuwerte?
This is my FB account and I can decide whatever I want.
My account, my rules.
Ano iyon, matapos noong ginawa niya sa akin, bibigyan ko siya ng chance? Over my dead body. Parang gusto kong manipa ng tao papuntang Mars.
---
"Daryl Criss Nepomuceno," Pagkatapos ng quiz namin sa Science ay nag-check na kami ng papel. And out of luck ay sa akin pa napunta ang papel ni Daryl. Of course, hindi malulan 'yong ngiti sa aking labi sa opportunity na ito. Ay, landi ka, girl?
"15 po, ma'am," sagot ko sa teacher namin nang in-announce ko ang kaniyang score.
"Lyra Madrigal," pag-a-announce pa ni Miss Hernandez para ma-determine ang score ko.
"19 po." Biglang lumakas ang kabog ng puso ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napatingin pa nga ako sa may likod at nakita rin si Daryl na nakangiti sa akin sabay thumbs up. Pagkatalikod ko naman ay hindi ko na alam ang ire-react ko-kung kikiligin ba, sasabog, o ano?
"Sus, kinikilig naman ang isa diyan." Aba't nagawa pang humirit ni Jeannie na katabi ko lang ng upuan.
"Manahimik ka nga!" pagsitsit ko sa kaniya sabay ngitngit ng aking ngipin.
Habang pumipila pa nga sa canteen noong recess ay nakasabayan ko pa siya kasama noong iba niyang mga kaibigan na bahagi rin ng soccer team. E, dahil maraming tao pa naman ngayong oras na ito kaya medyo siksikan. Nagsimula tuloy akong ma-conscious habang nagkakadikit ang mga katawan namin ni Daryl. Kahit pinagpapawisan ay gumuhit sa aking ilong ang mahalimuyak niyang pabango.
"Ate, spaghetti nga po." Nagkasabay pa kami sa pagsabi noon. Ito ba 'yong vocal synchronization sa sinasabi nila? Kaya nagkatinginan pa kami na nagpalakas ng kabog ng puso ko nang makita ang maaliwalas niyang mukha at para bang nag-slow motion ang buong paligid sa nangyaring iyon.
"Hala, sorry mga anak, 'yan na lang 'yong available." Bigla namang sumingit si Ate na nagtitinda sa amin. Pagkatingin din doon sa mga naka-display na pagkain, iisang plato na lang ng spaghetti ang nandoon.
"Ate, sa kaniya n'yo na lang po ibigay," paalala ko na lang sabay turo kay Daryl.
"No, sa kaniya na lang po. Palabok na lang po ang sa akin." Nabigla pa ako nang mag-insist siya. Nakakahiya tuloy kay Daryl.
"Su...sure ka?" Marahan akong tumingin kay Daryl habang umo-order pa kami.
"Okay lang, Lyra." Bukal pa sa loob niya ang mga salitang iyon, kaya hindi ko maiwasang kiligin sa generosity niyang iyon sabay kuha ng plato ng spaghetti.
"Thank you," nahihiya ko pang sabi sa kaniya nang hindi maka-eye contact kasi nako-conscious talaga ako sa kaniya.
"Wala iyon!" Bahagya niyang hinampas ang balikat ko. Ramdam ko na tuloy ang pag-build-up ng dugo sa mukha ko, kaya agad-agad na akong umiwas at dumeretso sa cashier para magbayad. Ang hirap talagang magpigil ng feelings sa mga time na iyon.
Ang hirap talagang maging marupok, ano?
E, sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog kay Daryl? Parang halos lahat na ay nasa kaniya. Moreno at maganda ang skin complexion, may dimples, mapupungay ang mga pilik-mata, maganda ang shape ng mga kilay. Aside doon, napaka-friendly, talented, at higit sa lahat, gentleman pa. May favoritism talaga si Papa God. I'm sure, masuwerte ang magiging girlfriend niya kapag nagkataon.
Iyon nga lang, hanggang saan ba ako dadalhin ng nararamdaman kong ito? Ano nga ba ako sa mundo niya? E, hindi ko pa siya totally kilala and vice versa. Paghanga lang naman ito at wala namang masama roon, pero saan ba ako nakaposisyon sa pedestal niya?
---
Nakaka-stress din pala ang magkaroon ng crush. Hindi kaya ako magawang patulugin nitong si Daryl na walang ibang ginawa kung hindi bulabugin ang isipan ko habang nakahiga sa kama. May nagsasabi raw na kaya hindi makatulog kung minsan ang isa ay baka laman siya ng panaginip ng isa pang tao. Napananaginipan kaya ako ni Daryl? Yikes, napaka-delusional ko tuloy.
Lumipas na ang ilang buwan at si Daryl pa rin ang patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Parang gusto ko nang maningil ng renta sa kaniya sa pag-i-i-stay niya sa utak ko, Free real estate lang? Ano'ng akala niya, libre lang ang pagpapatuloy ko sa utak niya?
Sumagi na rin sa isipan ko na ibuhos na ang nararamdaman kong ito, pero natatakot ako. Baka masiyado pang maaga-masiyado pang half-baked-hindi pa sigurado sa nararamdaman kong ito sa kaniya. Ang hirap lang na kalabanin itong feelings ko. Pero para bang sa paglipas ng mga araw na nakikita ko siya sa school ay mas umuusbong pa itong nararamdaman ko. Alam kong mahirap ito especially na napakahirap niyang abutin; he's the type of guy who is out of my league.
Nanonood kami nina Jennie ng soccer match nina Daryl sa may field. Ngayon lang talaga ako makanonood ng totoong match mula noong nangyari 'yong incident na iyon noong first day of school (na ayaw ko nang alalahanin pa).
Bigay-todo kami sa pag-cheer kahit na friendly match ito versus sa mga galling sa Grade 11 HUMSS.
All I can say is, Daryl knows how the game is being played. Hasang-hasa na talaga siya sa laro lalo na at siya ang laging nakaka-score sa goal.
Masasabi ko ring ang attractive niyang tingnan habang naglalaro-na seryoso-at pawisan. Iba talaga ang tama ng bola-este ni Daryl sa akin.
Sa gitna naman ng pagchi-cheer, sumingit naman itong si Howell at umupo sa aming tabi ni Jeannie.
"Sus, gusto ka ba?" Iyon ang pambungad niya kaya nangasim ang mukha ko. Ang ganda-ganda na nga ng moment, sisirain pa ng asungot na ito? Naiisis pa tuloy ako sa pang-aasar niya.
"Ewan ko nga ba diyan kay Lyra. Nalulukring na talaga kay Daryl." Aba at nagawa pang sumabat nitong si Jeannie. Sige, pagtulungan na lang nila akong dalawa.
Pinanliitan ko ng tingin si Howell bago pa nagsalita, "Hindi ka siguro mahal ng mama mo."
"Paano mo nalaman? Ikaw ba siya?"
"Hindi, pero worth it kaya ang pag-invest ng feelings mo sa kaniya?" Aba't nagawa pang humirit ng isang 'to?
"Hindi ko alam," may katarayan kong sagot sa kaniya habang nakaharap at nanonood sa may field. "Kaya nga tayo sumusugal sa taong gusto natin. Hindi kasi tayo sure kung mare-reciprocate ang feelings ng iba sa atin, kasi wala naman tayong telepathic abilities."
"Kaya sa magiging resulta nito, be prepared na lang. Ready ka bang masaktan?"
Wow, lakas makasabi noon, pero hindi magawa sa totohanan. Ipokita lang?
Sa totoo lang ay ayaw ko nang ma-stress kay Howell kaya nagpipigil na lang talaga ako.
---
Linggo, habang naghihintay sa mga kagrupo ko sa may 7-Eleven (a.k.a. ang pambansang meeting place) ay in-open ko na lang ang cellphone ko at naglaro ng Wordscapes. Inagaahan ko na nga ang pagpunta ko mula sa oras na pinag-usapan namin ng groupmates ko, kahit na magkandaligaw-ligaw pa ako pagpunta rito. Akala ko pa nga ay male-late na ako, pero ako pa talaga ang mauuna sa kanila.
Sa bahay ng isa kong classmate namin napag-usapan na gagawin ang group project for Filipino. Hindi pa puwede sa bahay namin kasi may mga inaayos pang mga gamit.
Speaking of... nasaan na ba yong iba kong mga kagrupo? Magna-9 AM na at wala pang ni isa sa kanila ang dumarating. May mga on their way pa lang dito, at 'yong iba, no response. Napahilot na lang ako ng sentido sa table na katabi ng bintana. Bakit ba hindi mawawala ang mga ganitong groupmates? Jusko lang, ang ayaw ko pa naman ay ang naghihintay.
"Uy!" bumaling sa aking atensiyon ang matangkad na pigura ng lalaking pumasok sa loob. Lumapit si Daryl na pusturang-pustura sa suot niyang red t-shirt, black denim pants, at green camouflage na cap. Muntikan na nga akong mapanganga nang makita siya, pero buti na lang at naibalik ko agad ang sarili ko sa composure ko.
"Ikaw pa lang, leader?" tanong niya sa akin sabay ngiti na siyang nagpatangay sa akin.
"O... oo... ako pa lang," medyo nahihiya ko pang sagot bago siya umupo sa harapan ko. Pero siyempre, dapat kong panindigan ang pagiging leader ko ngayon. Wala munang crush-crush dito. "Nasaan na ba 'yong ibang kagrupo natin? Anong oras na, a?"
"Ano ka ba, parating na sila. Nag-text si Pearl sa akin, may inilakad lang daw, pero hahabol siya," sagot naman ni Daryl sabay pakita sa akin noong message sa kaniya.
"Ay, ganoon ba? May mga hindi pa kasi nagre-reply sa GC natin, e. aAyaw ko lang talaga na pinaghihintay." Hindi ko tuloy maiwasan ang maglabas ng frustrations. Ang gusto ko lang naman ay 'yong nakapagsisismula kami nang maaga para kaagad din kaming makatapos.
"Okay lang iyan, Lyra. Chill ka lang," may pagkabanayad na sabi sa akin ni Daryl na inialis ang cap niya sabay hawi ng buhok, kaya napangiti ako, Geez, ang guwapo niya tuloy sa bago niyang hairstyle.
"Gusto mong makakita magic tricks habang naghihintay?" Nagtaka tuloy ako noong naglabas siya ng deck of cards mula sa shoulder bag.
"'Oy, 'di ba, sugal 'yan?" Napahagikhik naman si Daryl sa sinabi ko noong inilapag niya ang mga baraha sa table.
"Hindi sugal ito. Magma-magic ako," pagkaklaro niya sabay spread ng mga baraha.
'Bumunot ka ng isang card at huwag mong ipakikita ang symbol ng nabunot mo, a?" Sinunod ko naman ang ipinagagawa niya sa akin. Three of hearts ang nabunot ko. Ipinabalik ni Daryl iyon sa akin nang hindi ipinakita ang symbol. Doon naman niya ishinuffle ang deck of cards.
Siya naman ang bumunot ng card mula sa deck at saka ipinakita ang kinuha. "Ito ba ang nabunot mo?" Three of cards ang ipinakita niya. Medyo gasgas na ang ganitong trick, pero nandoon pa rin ang pagkamangha.
"Madaya! Dinaya mo lang 'yan, e!" pang-aasar ko pa sa kaniya.
"Uy, hindi. That's what you call magic." Hindi ko talaga maiwasan ang maging awkward kapag kausap si Daryl kahit napakakomportable naman niyang kausap. Ewan, dahil siguro intimidated ako?
"Mahilig ka pala sa magic tricks, ano?" ang sabi ko sabay hawak noong cards sa mesa. Mukhang hindi na ako makapag-focus sa mga groupmate kong nowhere to be seen pa rin hanggang ngayon dahil kay Daryl.
"Yup. Actually, si Papa ang nagturo sa akin. And take note, 'yong second name ko, taken siya mula kay Angel Criss, 'yong sikat na illusionist sa US." Napatango na lang ako sa sinabi niya sabay tingin sa bintana ng convenience store.
"Hey!" Pero sa isang iglap ay biglang nag-shift ang atmosphere nang dumating din itong si Howell. Wala na. Sira na ang araw ko. "Daryl! Hob-este, Lyra!" pagbati pa niya sa akin.
"O, bakit ka nandito?' Iritable kong tanong sa kaniya.
"Wala lang. May problema?" presko pa niyang sagot sa akin. Kainis, ang hangin talaga. "Dito rin ang meeting place ng groupmates ko."
"Kung makaasta ka, parang sa 'yo itong convenience store. Anne Curtis ka, girl?" pahayag pa niya nang may nakakainis na tono. Hindi na lang ako sumagot. Ayaw ko nang dumagdag si Howell sa kunsumiyon ko.
"Kumusta kayong dalawa? Saya ng moment n'yo, a?" Gusto ko na talagang magwala now na.
"We're okay naman." Si Daryl na lang ang sumagit.
Umupo naman ang unggoy sa may kabilang table. Pagkakita sa akin ay ngumisi siya nang nakaloloko pero inirapan ko na lang ang mokong. Tumayo muna si Daryl para bumili ng makakain sa may aisle.
Tiningnan ko na lang si Howell at saka ko na lang siya minake-face.
Howard Amiell Ramirez, isang dakilang epal; panira ng moment. Ang sarap niyang kutusan.
---
Jeannie:
Lagi mo talagang chinichika sa akin si Howell no? Crush mo siguro.
Lyra:
Crush? Sa tingin mo, magkaka-crush ako roon?
Kasalukuyan kong ka-chat itong si Jeannie sa FB kahit malalim na ang gabi. Sa kaniya ko nasasabi lahat ng mga kadramahan ko sa buhay. Buti na lang at nagkaroon ako ng malapit na kaibigan kahit ilang buwan pa lang ako rito sa SPIS.
Crush? Hindi ba puwdeng frustrated lang ako kay Howell?
Jeannie:
Huwag magsasalita ng tapos girl.
Lyra:
Kay Daryl lang ako loyal, 'no? Excise me lang po.
Excuse*
Jeannie:
Kailan mo ba balak umain kung ganon?
Lyra:
'Di ko alam. Natatakot pa rin akong sumugal.
Ito na naman po tayo sa usapang Daryl Criss Nepomuceno. Sana ay infatuation lang ang nararamdaman kong ito para kay Daryl. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko ito. Hindi pa ako handa sa ano mang maaaring kahaharapin ko kung patuloy akong mahuhulog sa kaniya. Pero iyon na nga... nangyayari na ito sa akin.
May pagka-madyikero nga itong si Daryl at pati ako ay naapektuhan na ng kaniyang salamangka.
---
"So, willing ka nang sumali sa Interschool Quiz Bee?" tanong sa akin ni Miss Gomez na adviser namin habang nasa faculty lounge kami. Siya ang lumapit sa akin kaninang after class para tanungin ako kung gusto kong sumali, if ever.
Nasabi na rin niya sa aming by pairs ang sistema. Aside from that, sa ibang school din gagawin ang contest. May isa na ring um-agree na magiging partner ko na si Serena.
"Sure na po," desidido at mataimtim kong tugon.
"Bueno, kung ganoon... Teka, nasaan na kaya ang makakasama mo?" tanong ni ma'am habang palingon-lingon sa palibot ng faculty lounge. Mukhang wala pa nga si Serena.
"Good afternoon po, Miss Gomez." Napabuka na lang ang bibig ko pagkarinig sa boses na iyon. Speaking of--wait, ano'ng ginagawa ni Howell dito?
"Late na po ba ako?" tanong niya sabay upo sa tabing upuan ko. Iniusog ko nang kaunti ang inuupuan ko.
"Hindi pa naman. Kasisimula pa lang ng orientation," tugon naman ni Miss Gomez. At nagwika siyang muli, "A, Lyra, indi ko pa pala nabanggit sa 'yo. Nag-back-out si Serena kaya itong si Howell na ang magiging kapalit niya."
Ano? Siya na ang makaka-partner ko sa Quiz Bee? Parang gusto ko na ring mag-backout katulad noong ginawa ni Serena.
"Lyra, good luck na lang sa atin," sabi niya sabay shake hands sa akin. Ngumiti na lang ako nang may kaplastikan. Mukhang magiging kalbaryo ang kahihinatnan ko every training. Geez.
"O siya, you know the drill. Every dismissal ang ating magiging training natin," saad muli ni ma'am. "Ilang weeks na lang from now ang competition kaya sana ay gawin ninyo ang inyong best."
"Okay po," sabi ko kasabay ng pangangasim ng mukha. Ngumisi naman itong si Howell.
Kabanas na buhay ito!
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top