SCOPE | I
BUSY AKONG tumitigin-tingin ng mga librong naka-display sa shelves habang nasa loob ako ng library. Hindi maalis sa sarili ko ang ma-amaze sa interior ng library na ito, lalo na at kung ikukumpara sa dati kong school ay mas malawak ito. Siyempre, mas na-amaze ako sa dami ng mga pagpipiliang mga libro at babasahin. Mukhang nahanap ko na ang favorite place ko rito sa Sycamore Plains Integrated School. Mrs. Librarian is my best friend na talaga dahil sa napaka-cozy na atmosphere na mayroon sa loob.
Vacant namin ngayon, lalo na at hindi rin muna nagpakita ang teacher namin sa isang subject kaya ginamit ko ang opportunity na ito na libutin ang buong campus sa first day of school. Pero kahit library pa lang ang napupuntahan ko ay mukhang ayaw ko nang umalis at maglibot pa. Sorry na, marupok lang.
Originally kina lola ko sa mother's side kami nakatira sa may Cavite. E, Napagdesisyunan nina Papa at ang tito ko sa abroad na i-take over namin ang bahay na nakatayo sa isang subdivision sa Angeles simula nang yumao ang lolo ko one year ago. Hinintay pa nga muna nina Mama na grumaduate muna ako ng junior high at si Kuya ng senior high bago kami lumipat. Napakalaking adjustment tuloy ang ginawa namin sa paglipat sa lugar na ito. Panibagong environment at feeling ko ay estranghero kami sa lugar na ito. Pero ganiyan talaga, dumarating sa buhay natin ang changes, so it's up to us if how we will embrace it.
Tahimik akong nagbasa ng kinuhang libro sa isa sa mga mesa sa tapat ng shelves. Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang mga taong nasa loob ngayon, kaya ang gandang environment nito para makapgbasa. But in the middle of my reading, mayroong nag-approach sa akin.
"Hello," pagbati ko sa lalaking lumapit sa akin-si Howell, classmate ko-na nakatayo ngayon sa tabi ko. E, siya lang kasi 'yong alam ko ang pangalan so far, dahil siya 'yong laging tinatawag every time na may itinatanong ng mga teacher. Mukhang famous at parang hahabol na congressman sa susunod na eleksiyon.
"Ikaw pala, Miss Transfer Student," pagbati niya pabalik gamit ang mga ngiti niya. "Bookworm ka din pala?" patuloy niya habang dala-dala ang sarili niya.
"A, oo..." Sumagot naman ako habang ibinaba 'yong libro sa mesa at saka naman ako nagpatuloy. "Actually, ipinaglihi raw ako ni Mama sa pocketbooks kaya siguro nahilig ako sa pagbabasa." Wait, nasabi ko iyon? Jusko naman, Lyra, bakit ka nagkalat?
Gusto ko na tuloy sampalin ang sarili ko sa sinabi kong iyon, pero sumingit naman itong si Howell, "Oh, I wonder kaya pocket-sized din ang height mo." Teka... ano 'yong sinabi niya? Kaya namula ang mukha ko sa inis. Pocket-sized pala, a? Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang 'to.
"A, ganoon?" Na-trigger tuloy ako sa sinabi niyang iyon kaya napatayo ako at tinaasan siya ng kilay ko. Hindi por que mas matangkad siya sa akin ay gaganiyan lang niya ako? Kainis!
"Chill ka lang," presko pa niyang saad kahit mahina na ang boses niya. "Huwag kang masiyadong hot, baka masapawan mo ako." Inilabas pa niya ang nakaloloko niyang ngiti na mas nagpa-inis sa akin.
Idinamba ko na lang ang aking kamay sa mesa "Makaalis na nga dito, buwisit!" Kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao at ni-ring na ang bell ng librarian ay kinuha ko na ang aking sky blue na Ruffles bag at padamba ko nang inihakbang ang paa ko palabas ng library at saka iniwan si Howell. Bad trip! Please lang, huwag ngayon. Wala ako sa mood mainis.
Hindi ko na tuloy alam kung saan ako pupunta para magpalipas ng oras habang naglalakad along the campus.
Napadaan ako sa may campus shed kung saan may mga nanonood ng soccer match sa katapat na field. Wow first day of school, may ganito na.
"Uy, Lyra!" Habang naglalakad ay napalingon ako sa kung sino ang tumawag sa akin. It's kinda weird na may mga nakakakilala na sa akin sa bago kong school.
Napalingon ako at nakita 'yong isa kong kaklase na nakaupo sa shed at nanonood. Hind ko alam ang pangalan niya, pero familiar ang mukha niya na nakaayos ang buhok niyang naka-pigtails.
"Hello," nakangiti kong pagbati sa kaniya.
"Kumusta first day natin? Welcome pala rito sa SPIS. I am Jeannie." Feel na feel ko ang pagiging bubbly niya habang nagpapakilala sa akin. "Sana, mag-enjoy ka sa stay mo rito."
"Oo naman," I answered with a forced smile. Hindi ko rin kasi malimutan 'yong nakaiinis na nangyari kanina sa library.
Pero sa gitna ng pag-uusap namin, hindi ko alam na may dadapong lumilipad na bola and for the love of God, ako pa ang natamaan.
"Lyra!" Lumapit si Jeannie nang bigla akong ma-out-of-balance at saka bumagsak sa semento. Hindi naman sobrang lala ng pagkakabagsak ko, e bola lang naman kaya nama-manage ko namang tumayo. Patayo na sana ako nang biglang lumapit ang isa sa mga player, si Daryl na classmate ko rin.
"Lyra, okay ka lang? Sorry!" pag-aalala niyang tanong habang inalalayan niya ako sa pagtayo. Pero hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kaniya habang lumapit din si Jeannie na tinulungan din ako.
"Ok... okay lang ako..." Nautal pa tuloy ako noong kausap siya.
'Sure ka ba?" Hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala.
"Yes, I can handle this."
"Ganoon ba?" Napakamot siya ng ulo habang patuloy na tumatagaktak ang pawis sa mukha niya. Did I mentioned na ang bango rin niya?
"O siya, Jeannie ikaw nang bahala kay Lyra, a? Babalik na ako sa field," nakangiti pa niyang saad sa kaklase ko habang nakatitig pa rin ako sa mukha niya. Gosh! 'Yong dimple talaga niya. Hoy, Lyra, maghunos-dili ka nga riyan!
At saka na siya bumalik sa field para magpatuloy sa paglalaro.
"Naku, girl! Mukhang iba na yata ang tumama sa iyo." Bigla namang humirit itong si Jeannie habang pinagmamasdan si Daryl na naglalaro ulit sa field. Napalingon naman ako sa kaniya at saka ko siya sinamaan ng tingin.
---
Ang buong akala ko, matatapos na ang kamalasan ko sa first day of school. Masiyado pang naging mahaba ang buong Lunes na ito. Homeroom subject at mineet kami ng adviser namin para i-orient kami kahit may orientation nang nangyari kaninang first period namin. Ito na rin ang time para mag-elect na ng class officers para sa school year na ito.
"Congratulations, Howard Amiell Jimenez, ikaw na ang class president ng ABM11-Newton," pag-aanunsiyo ni Miss Gomez sa naging result ng botohan habang isinulat niya ang pangalan sa listahan sa whiteboard. Aba't nanalo pa ang isang iyon, a? Napatunganga na lang ako habang nagkakaroon pa rin ng election.
"Okay, let's proceed sa election ng vice president," Miss Gomez then declared. "The nomination for the vice president is now open."
Pero ang pananahimik kong iyon ay biglang binulabog nang magtaas ng kamay si Howell.
"Yes, Howell?" pag-a-approach naman ni Miss Gomez na nakatayo sa harapan namin.
"I nominate Lyra for the position of vice president." What the? Biglang nanlaki ang mata ko sa ginawang iyon ni Howell. Aba lang, ano'ng trip niya? Gusto ko tuloy magprotesta sa ginawa niya.
Napa-facepalm na lang ako habang pinagtitinginan ng mga kaklase ko. Napatingin na lang ako kay Howell at saka lang niya ako binigyan ng isang nakalolokong ngisi. Sinamaan ko na lang ang tingin ko sa kaniya. Argh! The nerve of that guy.
Nagpatuloy ang nomination at umaasa talaga ako na sana, kaunti lang ang bumoto sa akin. Please lang!
Pero alam n'yo ang nakakatawa? Na-landslide win pa ako sa botohan kahit dalawa lang kaming nominee sa position na iyon. Kainis! Isa talagang kamalasan si Howell. Ganito ba ang bubungad sa akin sa first day of school ko? Oh, come on.
"Class officers, puwede bang maiwan muna kayo saglit?" Nag-announce pa itong si Howell sa amin habang papaalis na kami sa labas ng classroom ngayong dismissal. Sumunod naman 'yong iba kong mga kaklaseng officers pero pasimple na lang akong lumabas.
Asa siya! Bahala na siya kung balak niyang magpa-meeting. Kating-kati na talaga akong umuwi at manood ng K-Drama sa bahay. Nagpatay-malisya na lang akong dumiretso papalabas ng classroom at hindi na lang pinansin si Howell.
"Lyra." Patay.
Napadabog na lang ako nang may halong pagngitngit bago ko siya hinarap nang may pekeng ngiti. Kung kalian nasa labas na ako ng pintuan, doon pa siya tatawag.
"Yes po, Mr. President?"
"May meeting pa tayo. Don't worry, saglit lang ito." Binigyan ko pa rin siya nang may sarkastikong ngiti at saka umupo sa tabi ni Laine na muse namin.
"May balak ka pang tumakas, a?" napakrus na lang siya ng braso. At saka ko naman ini-roll ang mga mata ko habang nakaupo. Ka-badtrip naman ang isang 'to.
Tumayo pa siya sa harapan namin at saka ako nilapitan. "Being a class officer means he must not neglect his duties and responsibilities," pagsermon pa niya. But excuse me, siya ang nagpapasok sa akin dito, "Kaya ka inilagay sa position na iyan kasi our classmates believe in your capabilities. Right, guys?" Napatingin pa siya sa mga kaklase ko at saka um-agree sa sinabi niya. Gusto ko na lang talagang sumabog sa mga oras na ito, as in. Aangal pa ba ako?
Paano ko kaya masu-survive ang first day of school kong ito?
Name a scam: Saglit lang ito.
E, halos abutin na kami ng 45 minutes sa meeting na iyon. Kung kalian kating-kati na akong umuwi. Ang dami pa kasing mga cheche bureche na pinagsasabi nina Howell sa meeting naming class officers. Kung pupuwede lang talagang tumakas, nagawa ko na.
Padabog na lang akong naglakad pauwi sa amin dala-dala ang inis sa kaloob-looban ko. Puro kamalasan at kabuwisitan lang ang nangyari sa aking first day sa bago kong school. Buti na lang at sobrang lapit ng bagong school sa subdivision kung nasaan ang tinitirhan namin. Keri namang sumakay na lang ng tricycle, pero sayang din ang pamasahe.
Kapapasok ko lang sa kanto nang makasalubong ko sina Kuya Alcher na naglalakad din. Kasama rin niya si Kuya Gil na nakatira sa tapat ng bahay namin.
"O, Lyra. Kumusta ang first day?" pambungad na tanong ni Kuya sabay subo ng kinakaing fish ball na nasa baso.
"Bakit parang wala ka sa mood?" kasunod naman niyang tanong at saka ko naman kinuha ang baso niya, tumusok ng isang piraso ng fish ball, at saka sumubo. Binalik ko rin kay Kuya ang baso niya. Hindi na lang ako sumagot pagdating sa gate ng bahay dahil naba-badtrip na ako at uwing-uwi na talaga ako.
"Stressed siguro, kaya ganiyan," sagot naman ni Kuya Gil sa kuya ko kasabay ng pag-inom ng softdrink sa plastic.
Habang papasok pa nga ay nakalampag ko pa ang gate namin sa sobrang inis ko. Ike-K-drama ko na nga lang ito.
"Ay, galit?" hirit pa ni Kuya sa akin habang papalapit sa pinto.
"Baka may period. Intindihin mo na lang kapatid mo," ang sabi naman ni Kuya Gil sa kuya ko.
First day na first day, ganito ang senaryo ko. Masu-survive ko pa kaya ang buong school year na ito? Bahala na si Batman.
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top