SCOPE | IV

LUNES, PANIBAGONG araw naman sa panibagong linggo. Wala namang masiyadong nangyari sa mga nakalipas na oras except sa iilang quizzes at announcement ng mga gagawing assignment. Compared talaga sa JHS, iba ang stress level na ibinibigay nila. Isabay pa ang quiz bee sa nagpadagdag ng responsibility ko bilang isang estudyante.

Kung noon, aligaga akong umuwi sa amin every dismissal, parang mas gusto ko pang mag-stay sa school para sa training namin ni Howell para sa quiz bee. Na-realize kong exciting din pala ang magsagot ng questionnaires. Maximum effort din ang kailangan namin, lalo na at sa Friday na ang competition. Ang bilis pala ng mga pangyayari.

Habang kinukuha ang mga libro ko sa may cubby hole sa dulo ng mga upuan bago lumabas, napansin ko ang pagkumpol ng mga tao at parang nagkaroon ng commotion. Na-curious ako at tiningnan kung ano 'yong mga nangyari.

Umagaw ng atensiyon ko si Daryl na papunta sa isa sa mga pintuan ng classroom namin at nilapitan si Laine na naglalakad papalabas. Wait, ano ang nangyayari?

"Sandali, Laine!" pagpipigil niya sa kaniya. Napatigil naman si Laine at napatingin kay Daryl.

"May ipakikita akong trick sa iyo," ang sabi pa ni Daryl sa kaniya at saka naglabas ng malaking panyo.

"I'm not prepared for this, pero sana, magustuhan mo." Naglabas siya ng panyo sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay iwinasiwas niya ito at sa isang iglap lang ay naging bouquet ito ng mga makukulay na bulaklak.

I already expected what happened next, pero pinanood ko pa rin habang parang tinutusok na ng sandamukal na karayom ang puso ko.

"Laine, puwede ba akong manligaw sa iyo?" Nagsimulang mangatog ang mga tuhod ko noong marinig ang mga sinabing iyon habang kasama ang maraming mga tao sa loob ng classroom. .

Natigilan naman si Laine sa mga pangyayari, at sa time na iyon, umaasa akong... sana, sana ay humindi siya. Ang sama ko naman, kung ganoon.

Pero ilang segundo lang ang lumipas, pagbuka ng kaniyang bibig ay mas nangibabaw ang tuwa sa kaniyang mukha sabay sabi ng, "Yes." Overwhelmingly pa nga niyang tinanggap ang bouquet at nasaksihan ko nga kung paano tingnan ni Laine si Daryl. "Yes!"

Habang umaalingawngaw ang malakas ng hiyawan ng mga kaklase ko sa mga nangyayari na para bang nanonood sila ng isang romantic film, saksak naman sa puso ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan sila.

Isang pelikula nga ang nangyayari ngayon, pero imbes na ako ang bida, ako 'yong side character na witness sa love story ng dalawang bida. At ako pa 'yong side character na may gusto sa bida, pero hindi rin pala na-reciprocate ang feelings ko sa bandang huli.

Asyumera nga ako ng taon. Iba pala sumampal ang reyalidad, ano? Sa gitna ng hiyawan at overjoy ng mga kaklase ko, pasimple na lang akong tumakas papalabas ng classroom. Iniwan ko na lang din si Howell na busy rin sa panonood sa romantic scene na para bang na-achieve na nina Daryl ang kanilang sariling happily ever after.

Ang galing lang. Ang galing ng pagkaka-align ng tadhana.

Naglakad ako papalayo habang pigil na pigil sa pagluha na anytime ay bubuhos na. Nakakawalang-gana tuloy magpunta sa practice.

Umumpo na lang ako sa may kalapit na building ng classroom namin at doon nag-moment. Iniyakap ko ang mga tuhod ko habang nagpapaka-sentimental.

Habang nagpa-flash sa utak ko ang mga nangyari, na-realize ko... na-realize kong bagay talaga sila.

Ano ba'ng karapatan kong makaramdam nito? Ano bang karapatan kong umiyak? Ang mag-drama? May karapatan ba akong umasa kay Daryl?

Kung umamin kaya ako noong una pa, masusuklian kaya niya ang nararamdaman ko?

"Ano na namang kadramahan iyan?" Isang pamilyar na boses ng lalaki ang biglang sumulpot. Kita ba niyang gusto kong mapag-isa? "Hindi ka pa pupunta sa faculty lounge?" tanong ni Howell sa akin. Ayaw niya ba akong lubayan?

"Manahimik ka na lang, please?" inis kong sabi sabay irap.

"Hindi ka mahal no'n. Move-on na kasi," sabi pa niya sabay upo sa tabi ko.

"I really knew it from the start. May gusto na talaga si Laine kay Daryl." The fact na napag-iwanan ako ng mga pangyayari, hindi ko talaga matanggap.

"Alam mo, tigilan mo na ako, utang na loob lang, Howell..." Ayaw na ayaw kong pinakikialaman ako ng sinuman.

"Bakit mo ba kasi sinasayang ang luha mo sa taong hindi naman masuklian ang feelings mo? Who's dimwitted being is going to do that, anyway?" komento pa ni Howell sabay ngisi at pagkrus ng mga braso. "Ganiyan nga siguro kapag nagmamahal ka ano? You've been blinded by some sugar-coated lies at patuloy kang umaasa na baka masuklian din ang feelings mo," pagpapahayag pa ng kaniyang sentimiyento na para bang paring nagse-sermon sa misa.

"But when everything turns out not the way you desired for, these feelings you've invested will start to torment you⁠-they become thorns that gonna prick your heart."

At saka pa siya nagsabing muli sa gitna ng pagda-drama ko, "Ano, nagising ka na ba sa katotohanang 'di ikaw ang gusto niya?"

"Ano ba ang pakialam mo? Go get yourself a life!"

"I'm just stating the truth, Lyra. Katotohanan nga ang sumasampal sa atin, ayaw pa nating tanggapin kasi in denial tayo sa delusion nating hindi kailanman nangyari. Nakakalungkot, 'di ba?" Ano ba'ng problema ng lalaking ito?

"Excuse me, nakalulungkot po iyon," pagko-correct ko. Lumabas na naman ang pagiging Grammar Nazi ko kay Howell.

"Whatever, Lyra. The thing is, hindi mababago ng pag-e-mo mo diyan ang nararamdaman niya sa iyo." "Kahit, umiyak ka pa ng dugo, may napala ka ba?"

"Besides, hindi mo bagay ang umiyak. Kita mo, pumangit ka tuloy," Sinamaan ko na lang ang tingin ng lalaking ito at saka inirapan. Bwisit!

"Oh, Ano na, Hobbit? Tara na, hinahanap na niyan tayo ni Miss Kathleen," pagyayaya pa niya at saka na ako tumayo sa bench kahit medyo labag pa sa kalooban ko.

Kahit ang sakit magsalita nitong si Howell, kahit na medyo antipatiko ang isang ito, ang weird lang na sabihing kahit papaano medyo pinagaan niya ang loob ko. Hindi man ako okay sa nangyari, pero sa simpleng gesture niya ay kahit papaano ay na-lighten-up niya ang mood ko... sana. Sana man lang.

---

Parang virus na kumalat ang star-crossed love story nina Daryl at Laine. May part na hindi ko pa rin matanggap-hindi ma-sink-in sa utak ko ang katotohanang nagde-date na sila. Mas naging sweet pa nga ang dalawa. 'Yong pagpasok pa lang nila sa classroom ay para bang ang lagkit ng tinginan nila sa isa't isa. Hindi ko maide-deny ang chemistry nina Daryl at Laine; I must say that they are really meant for each other.

"O, ito na ang love birds, uwi na tayo," pang-aasar nitong sina Gino pagkakita sa kanila.

"Mabuhay ang bagong kasal! Saan honeymoon?" hirit pa nitong si Karl. Ang hirap talagang maiwasan ang topic na ito, lalo na at naroon pa ang aftershock na gumulantang sa buong ABM11-Newton kahapon.

"Sira! Bakit, gusto n'yong mag-sponsor?" pumatol din naman itong si Daryl sa kanila.

Dinaig pa nila ang 'yong mga sikat na love team sa pagiging item ngayon lalo na at sila ang laman ng samu't saring confessions sa Sycamore Plains Secret Files. Maraming followers at admirers din ng dalawa ang dumbfounded dahil nahanap na nila ang forever sa isa't isa.

Mukhang isa lang din ako sa mga tagahanga ni Daryl na umasa. Wala rin naman akong pinagkaiba; pinili ko ang mahulog sa kaniya kahit hindi naman ako ang pinili sa bandang huli.

Kahit binabagabag pa rin ng nararamdaman kong ito, pinilit ko pa ring i-divert ang sarili ko sa training sa paparating na quiz bee. Bilang na lang sa daliri ng kamay ang mga araw bago sumapit iyon, kaya mas sinubsob ko ang sarili ko sa pagre-review, akhit tambak na rin ng assignments at projects. Ayaw ko ring mapag-iwanan ang studies ko kahit busy sa extra-curricular activities.

Kung puwede lang din sanang magpahati ng katawan para dito, nagawa ko na. How to be like Howell na kayang i-juggle ang lahat ng ito?

Howell:

Uy Pandak matulog kana. May pasok pa bukas.

Speaking of the devil, parang kabute siyang at nag-message sa akin habang nasa gitna ako ng pagre-review. Pa-epal ang isang ito. Pasalamat siya at mabait ako kaya in-unblock at in-acccept ko na rin ang friend request ng mokong. Kita talaga sa tuwa niya ang ginawa kong iyon. Parang batang paslit lang.

Lyra:
Matutulog na po, Mahangin.

Howell:
O siya goodnight sleep well. See you in your dreams.

Halos iuntog ko ang ulo sa sobrang inis. Nasobrahan sa pagiging narcissistic ng isang ito. Napakahangin nga. Kainis!

Nakabuti rin kahit papaano itong quiz bee para ma-divert ang sarili ko sa mga nangyari. Lately ko lang talaga na-realize na bagay talaga sina Laine at Daryl.

Nag-sink in din naman sa akin ang reyalidad na baka shallow feelings lang itong nararamdaman ko para kay Daryl, nothing deeper than that.

Saan dito 'yong audacity?" tanong niya habang sumasagot kami sa mga desk sa faculty lounge.

"Ha?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Hinahanap ko kasi 'yong audacity dito." Ipinakita naman niya 'yong item sa printed questionnaire kung saan i-a-identify namin ang mga lugar sa mapa ng NCR.

"Tatawa na ako?" Pinanliitan ko siya ng mata dahil hindi ako makapag-focus sa sinasagot ko. Hindi ito ang oras para makiapg-joke. "Sumagot ka na lang diyan."

"Ang galing-galing mo talaga, Howell!" bulalas pa niya habang patuloy kaming sumasagot ng mga tanong. Kanina pa siya nag-iingay na para bang hindi niya alam kung nasaan siya.

Out of 50 questions ay nasa number 20 pa lang ako. Ang hirap pa ng ilang questions lalo na ang mga may mathematical equations. Juice colored! Masu-survive ko pa kaya ito?

"Ano na? aabutin ka na diyan ng Pasko sa pagsagot mo," tanong pa niya na mukhang medyo chillax lang. Kainis.

"Tumigil ka nga. Ang ingay mo, ano?" satsat ko na lang saka nagpatuloy sa pagsagot. Pinaglihi yata siya sa puwet ng manok.

"At least, cute at pogi naman," sabat pa niya. Hay naku! Bagay nga sa kaniya ang kaniyang bansag-Howell-ectric fan, 'yong naka-number six.

"Sus," pagkikibit-balikat ko na lang.

Pero feeling ko ay magsusuka na ako anytime sa sinabi pa niya, "Aminin mo na kasi, affected ka sa charms ko," he said while smirking. Ang sagwa lang!

"Isa-" Bago ko pa ituloy ang aking pagsasalita ay nasita kami ng ibang mga faculty member na naroon sa loob. Pahamak siya. Kasalanan talaga niya kung bakit kami nasisita. Mas inuuna rin niya ang daldal kaysa tapusin itong ginagawa namin.

Nakakainis itong si Howell to the point na gusto ko siyang ihulog sa kanal o buhusan pa nga ng kumukulong mantika. napaka-consistent niya sa pangungulit at pang-aasar niya sa akin. Routine na yata niya ang asarin ako.

Habang papalabas ng library ay may pasabi pa si Howell, "Matulog ka nang maaga, a" pagpapaalala niya sa akin. How thoughtful naman.

Hindi ko tuloy namalayan ang oras lalo na at bukas na pala ang contest proper na gaganapin pa sa Calevir High School.

"Opo, sir," sabi ko. Kung maka-advice e, akala mo ay magulang ko? Tatay ko ba siya?

"Mag-review ka naman, hindi 'yong puro K-drama ang pinanonood mo. Hindi ka mahal ng mga oppa mo," paghirit pa niya.

At saka mayroon pa siyang ibinulong sa akin, "Pati ni Daryl." Aba! Sumosobra na ang isang 'to!

Sarkastiko ko na lang siyang tinawanan. "Ewan ko sa iyo, bahala ka na riyan!" sabi kong muli at saka na siya iniwan.

"Uy, bastos naman nito." Nagsimula pa siyang mag-emote habang naglalakad ako sa may corridor. "Magwo-walk-out ka na lang? Iiwan mo na lang ako rito?"

Dinamba ko ang aking mga paa habang papalakad sa labas ng gate. "Drama mo!"

"Whatever, Lyra."

Okay, I find this guy really annoying. May times na gusto kong tapalan ng packing tape si Howell sa pagiging madaldal niya at walang habas na pagsasalita. Pero sa times na magkasama kami, na-a-appreciate ko ang sense of humor niya kahit napaka-corny niyang mag-joke. Kahit para siyang kiti-kiting galaw nang galaw at napaka-hyper. Kahit madalas ay buwisit siya ay pinagagaan niya ang loob ko. Ang gulo lang ng lalaking ito, sa totoo lang.

"See you tomorrow, Lyra!" iyon ang huli niyang sinabi pagkalabas namin ng gate.

"See you rin tomorrow, Howell."

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top