Chapter 12
Ayun, naamin ko na rin kay DJ. medyo gumaan pakirandam ko. feeling ko wala na kaming problema. Ang sarap
talaga ano? lalo nang malaman mo na yung taong di mo expect na mamahalin mo eh mahal ka rin.
Napatahan na ako sa kakaiyak, since nandito pa gamit ko. dito ulit ako matutulog. dapat uuwi na kami ni kuya Diegs
eh. pero binigyan nila kami ng space. nakahiga kami ni DJ, walang imik. magkayakap kami.
"So.. What happens now kath?" sabi niya, napatingin ako sa kanya, grabe ang lapit niya pala saakin. napa smile ako.
"Hindi ko alam, Basta ang alam ko, Mahal kita at mahal mo ako." sabay kiss sa kanya. sa lips shempre. :3
Napa buntong hininga siya. "Alam kong hindi ka pa ready magkaboyfriend dahil sa nangyari sa inyo ni Quen. pero
kahit M.U lang, pwede ba?" edi ba fake girlfriend niya ako? Ayaw niya ba yun? Sabagay. ibang level kasi pag M.U .
"Papayag ako, basta wala nang fake girlfriend. Deal?" sabi niya. tapos nakipagappir siya sakin. "Deal."
Ayun, nagtitigan, bigla nalang mangaasar. pero alam ko, safe ako sa kanya. i know na mapapagbago ko tong
lalaking to. mahal ko to eh, and i know he feels the same way.
Pinikit ko na mga mata ko. at ayun, nakatulog na.
>> Kinabukasan.
"YAY! HAPPY KATHNIEL DAY!" Ugh, ang ingay! nagising tuloy ako. Aish, nakina DJ pala ako. Sina Julia at Kuya
yung nagsalita.
napatayo si DJ tapos nagrub ng eyes niya. "Ano nanaman kalokohan yan?" sabi niya. napa yawn ako tapos
nagsmile. "26 kahapon, means... 26 Monthsary ng Kathniel! YIIEE" sabi ni Julia. huh. M.U lang kami noh.
"Bes, Ano ka ba, M.U lang kami. hindi pa ako ready magka boyfriend ulit." sabi ko sabay tay sa kama. "Tss, bat di
mo pa iboyfriend? Baby sis naman, nanjan na grasya oh." sabi ni kuya diegs. tinarayan ko nga.
"O sha, wag ka nang manaray baby sis, haha. May pasok pa tayo, magready na kayo." sabay alis nila. nakauniform
na sila. grabe lang ha.
napatingin ako kay DJ tapos niyakap niya ako. "Morning Baby Kath ko." sabay kiss sa ilong. ang sweet lang.
"Morning din, Baby Deejhay ko." tapos kiss sa noo. EEEEHHH. Nilalanggam ako. namumula ata. :/
Ayun, naligo na siya. sa kwarto ako ni Juls naligo. ang saya saya ko this day. i feel blessed, feeling ko.. binigay siya
ni lord saakin.
Nagdrive na si DJ papunta sa school. ako sa tabi niya tapos si Julia at kuya diegs sa likod. inaasar kaming dalawa.
pero kami, nakikipagtalo din.
"DanRyn nalang kasi." sabi ni Kuya Diegs, pinalo siya ni Juls. "KathNiel. mas maganda pakinggan." tapos ayon.
nagaway, hanggang nasa school na kami.
"DanRyn." Kuya.
"KATHNIEL!" Bes.
"Danryn." Diegs.
"KATHNIEL SABI EH!" Juls.
Hay, ingay nila. pero si DJ, nakahawak lang sa kamay ko tapos nakangiti. Ang Cute niya ngumiti. tapos hinalikan
niya ako sa ulo. andaming nakatingin, pinaguusapan nanaman kami. pero isnab lang. Haha
Nasa tambayan na kami, parang mga yelo yung mga kabarkada namin. nakatingin lahat sa kamay namin. "W-Wala
nang war?" sabi ni Yen. tumango lang ako. "Love and Peace na eh." dugtong ko. napatawa si Juls at Kiray.
"Nageevolve na si ate Lampa!" HAHAHA FUNNY. :|
"HAHAHA nakakatuwa." sinabi ko sarcastically. tapos tumawa lang sila. "Oyy, Bregs! No problem na pala tayo kay
Kath eh. after many months. tignan mo kayo na!" sabi ni Neil. nagsisign si DJ na parang wag sabihin yun. parang...
nahihiya? "Bakit Neil, Explain mo nga. at nang malaman ko kung bakit ako pinapahirapan nito ni DJ." sabi ko, tapos
nag cross arms.
nagbebeg si DJ kay neil na wag sabihin, pero astigin to si Neil eh. "Kasi, Totoo lang. kaya nagbreak yan si Ella at DJ
dahil sayo, nagkagusto kasi yan sayo eh. nawala nga lang kasi akala niya ikaw may kasalanan kung bakit sila nagbr-
" napatigil yung explainations niya . tinakpan ba naman ni DJ yung bibig? HAHA
"Ah, ganon. ngayon alam ko na." sabi ko sabay lihis ng tingin. "Sorry na baby! at least nga nagka-crush sayo etong
gwapong to oh! HAHA dejokelang. Past is Past, Present is all that matters now." sabi niya tapos kiniss niya ako sa
cheeks. napasmile nalang ako.
"ANOBEEEY, KINIKILIG KAMEEY!" sigaw ni Yen. tapos nag katikati effect sila. HAHA nakakatuwa sila. "Daming
Langgam!" sabi ni Kuya. mga baliw!
*Rrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnggggggg*
Bell na, mean kailangan nang bumalik sa classroom for preparations. pagkapasok ko eh, tambak agad ng duties.
Ahm.. Secretary kasi ako ng Class Officers. Aww. nakakainis naman, nakadepende kasi sila sa grade eh. hays.
Pagod mode na muna ~
>> After 2 hours
"Pagod ka ba?" sabi ni DJ. nandito kami ngayon sa rooftop, nakahiga ako sa lap niya habang siya, pinaglalaruan
yung buhok ko. "Sobra, pero nawala na. nandito ka na sa tabi ko eh." sabay kiniss niya ako sa lips.
AKO NA KINIKILIG. KYAAAAAAAA~ SWERTE KO NAMAN. AYIIIEEE AKSHDKGS
"Kelan Practice niyo?" tanong ko, napatingin siya sa palad niya. "Ayan, Nakasulat sa aking mahiwagang palad na
ang practice namin ay sa Thursday. Dundundun~" Ang cute lang, may sound effects pa? napatawa ako sa kanya.
"Ang cute mo. IloveYou baby Deejhay!" sabi ko sakanya, napasmile siya tapos pinisil ilong ko. "ILoveYoumore Baby
Kath!" asddfghjkkl
"Wait lang ha, CR lang ako. dito ka lang please. " sabay smile sa kanya. tumango naman siya. tapos umalis na ako.
Sus, dapat lang na magbehave yun. kung hindi. tsk. sapak yun saken! =))))
Bumababa na ako pababa ng Third floor. nandun kasi CR eh. tapos lahat ng tao nagwawave sakin at nakasmile .
Bakit? Anong meron? "Hi Kathryn!" sabi nung isang babae. nag wave nalang ako. weird nila ah. i feel so loved today.
<3
Nagwash ako nang hands sa CR, nang may narandaman akong papasok ng makita ko si..
ELLA?
hala.
baka magaway nanaman kami dito.
ihanda ang ispada! bushing bushing!
"Kath, I'm Sorry."
Wait..
Abort Mission, Abort Mission.
"Ha? Bat ka nagsosorry?" sabi ko sakanya. napapaluha siya tapos nagsmile sakin. "Kasi, napakatanga ko. hindi ko
nakita na may mahal na si DJ na iba. sorry kung pati ikaw nadamay ha? hindi na ako mangugulo pa. promise." sabi
niya. hindi ko alam kung bakit, pero niyakap ko siya.
"Tahan na, i understand." sabi ko ng mahina sa kanya, tapos humiwalay na siya sa yakap ko. "Dahil nagpromise ako
sayo, hindi ko na isisiksik ang sarili ko sa inyong dalawa. Magdodrop na pala ako sa school na to. Sasama nalang
ako kay Dad sa Australia. I'm going back soon. pero gusto ko friends na tayo nun." inilabas niya yung kamay niya na
parang nangaaya ng shake hands.
"By the way, let's start over. I'm Ella Denise Cantillana." sabi niya. i smiled, and accepted her hand. "I'm Kathryn
Chandria Santos. Nice to meet you." sabi ko tapos tumawa kaming pareho. nag s-sniff pa rin siya dahil sa iyak niya.
nag bye na siya sakin kasi wala na daw siya bukas.
Alam niyo yung feeling na, nakipagbati sayo yung taong kinakatakutan mong magalit sayo? Ang sarap lang. feeling
ko, wala na talagang makakapaghiwalay saamin ni DJ.
Bumalik na ako sa rooftop, wagas pa rin ngiti ko. nakita ko si DJ, paikot ikot. "Anjan ka na pala, bakit ang tagal tagal
mo?" lumapit siya sakin, tapos nakangiti parin ako. "Wala lang. sorry kung matagal ako ha." sfghjkl nakakainis. i feel
free na talaga!
"Bat ka nakangiti? Nakasalubong mo si Quen no? Anong sabi niya? Asan na yong bwiset na yon?" paalis na sana
siya pera hinawakan ko kamay niya. sabay palo sa ulo. "Ano ka ba? Hindi noh! anong paki ko sa haliparot na bwiset
na ex na yon?" Wow, bitter lang. wala namang ginawang masama sakin si Quen eh.
Pababa na kami, pero naguusap pa rin. "eh bakit about langit yang ngiti mo? Ang panget, di kasi bagay sayo." tss.
nagasar pa.
"Eh ano pa yang Eyebags mo? Puyat kasi ng puyat. ayanm nagmukhang rugby boy." ganti ko sa kanya, galing
naming magharutan no?
"Ehh sige na baby! bakit ka ba nakasmile?" sabi niya. nasa harap ko siya, naglalakad siya ng paurong habang ako pasulong, nakaharap siya sakin eh, nagbebeg!...
"Sige na nga, Kasi nagpromise si Ella na hindi na niya tayo gugulhin. Kasi alam niya 'Daw' na mahal mo ako. Ano bang sinabi mo dun?" napatigil siya bigla tapos napatama ako sa dibdib niya. "Oh? Parang na shock ka jan?" napatingin siya sakin tapos nagsmile din.
"Yuck, ano ba DJ. Lalo na yang ngiti na yan. nagmumukha kang tae!" asar ko sa kanya. tapos ayun, hinabol niya ako!
Ang Tweet lang! :">
>> Uwian
"Weh, Sapakin kaya kita ng matauhan ka?" eto talaga si DJ, kanina pa kami nagtatalo eh. Kasi daw bakit ganun,
Bakit daw yung Greenland, malamig dun at panay yelo. tapos yung Iceland, panay puno at warm yung weather. simple noh? Baliw na to eh.
Tumawa siya habang nakahawak kamay ko. "Ang weird kasi eh, baliw naman nila." pinapasok na niya ako sa passenger seat. tapos nagdrive na siya.
"Oh baka mamaya, sabihin mong yung word na Desserts eh Stressed backwards?" sabi ko. napatawa siya at
tumingin sakin. "Alam ko na yan eh, baliw din gumawa niyan." tapos nakangiti siya.
"Eh alam mo ba ang salitang mahal kita ay gawa ni Daniel para kay Kathryn?" sabi niya. Weeh, Ganun? Pinisil ko
yung cheeks niya. "Ikaw ha, baka maging candy na ako sayo. nagiging matamis na ako eh." sabay tawa.
Dinaan na niya ako sa bahay, nandun na kasi ulit kami eh. si Mommy nasa Nueve Ecija pa. nasa dati naming bahay.
Grabe, miss ko na si Lola. Dun kasi ako lumaki eh. :< buti pa yung school ko dati doon, ako heartthrob. hahahaha
ako na. XD
Bibisita ako minsan dun. lels
"Oh Kuya! Aga ata uwi mo." sabi ko kay kuya Diegs, nagluluto siya ng pagkain eh. andami ata? O.O "Ah, mag sastar
gazing kasi tayo mamayang gabi sa burol. di mo ba alam?" habang nilalagyan ng cheese yung tinapay. kumuha
naman ako ng walang palaman na tinapay.
"Pawang diw kow alam yown ah. kayow, nagpaplano ng di kow alam aw!" medyo bulol. nakain kasi ako ng tinapay
diba? Natawa nalang si kuya diegs. "Basta, magbihis ka. kompleto tayong lahat. after 1 hour aalis na agad tayo."
sabi niya. "Yes Boss~" tapos nag salute ako. tumawa siya tapos binato yung bimpo sakin. "Baliw ka na baby sis!"
Nagpalit na ako ng damit, yung maong na hanggang tuhod, flats tapos red na pangtaas. simple lang. :)
Bumaba na agad ako, tapos shock sa nakita ko.
"Oh? Baby? anong ginagawa mo dito? diba dapat mamaya pa tayo magkikita?" Napatingin ako sa bear na hawak
niya. Ayan yung unang bear na sinabi ko sa kanya na gusto ko nung namili kami para sa investigatory ah?
binigay niya yun sakin, tapos napa smile ako. "Talaga? Naalala mo pa to! Yiie! Sweet naman ng baby ko." sabay kiss
sa cheeks. "Ako pa, sa totoo lang, binili ko agad yan eh."
Wow, nakaka flatter naman. Ginawa niya yun?
"Seryoso?" sabi ko, tapos may kinuha siya sa wallet.
"Tignan mo yung resibo." sabi niya sakin, nagulat ako. Oo nga ano. Tama siya! Ang Sweet! :) "Picturan nga kita."
sabi niya, Nakakatuwa naman. Tapos nilabas niya yung blackberry niya . *click!*
Thank you! :3
"Tara na Guys! Napaaga tayo. Dalhin mo to kath oh." inabot sakin ni kuya yung plastik na panay pagkain, tapos
sumakay na kami sa kotse ni DJ.
Tapos, ayun! Pagkadating namin ng burol, Nandun ang barkada! May Bonfire na! May nakalatag na sapin tapos may
maliit na lamesa.
"Ayan na sila!" sabi ni Kiray. tapos ayun, nagkainan na.
after nun, humiga kaming lahat. pabilog. dikit dikit mga ulo namin.
"Tuwang tuwa ako sa barkadang to, nakakatuwa!" sabi ni Yen. "Oo nga eh. kaya walang iwanan ha!" sabi naman ni
Juls. napapaluha ako, ang sweet nilang lahat. "Promise natin yan." sabay may nakita kaming shooting star. "Uy!
Shooting star!" Turo ko. "Wish na kayo dali!" isa isa silang nagwish. tapos, nagulat ako nang may binulong sakin si
DJ. "Wish ko, sakin ka habangbuhay." AYIIIEE. KAKAKILIG ANUBEY.
"Wish ko, Long Lasting FRIENDSHIP SA BARKADA!" sabi ni Neil. tapos ayun! nagkwentuhan. sobrang saya. sana
hindi na to magbago. sana lagi kaming ganito.
"Uyy! Barkada! EK tayo Next week!" sabi ni Yen.
napatayo kaming lahat. "In kami jan!" sabi ni Julia. tapos nag group hug kami.
Ang swerte ko, naging kaibigan ko sila.
pero mas swerte ako, dahil mahal ako ni DJ.
Napakasarap ng feeling, parang bumabawi na lahat ng bad vibes sa buhay ko dati ah.
Sobrang saya....
Sana lagi nalang ganito.
A/N: salamat po sa pagbabasa do hope you'll give feed backss....Thank you po talaga sa pag babasa....LOVE LOTS....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top