Chapter 11

"DJ, wag mo akong paglolokohin ha." nawala ang yung ngiti ko, eh kasi naman diba, sinong hindi magugulat dun?

Sasabihin niya nalang na mahal niya ako basta basta? Ano siya? Nanay ko? wala siyang karapatan.

Kasi alam ko hindi siya seryoso. ginagawa ko naman ang lahat diba? para to kay brownie eh. napakamot siya ng ulo.

Ngumiti lang siya. "Hindi ako nagloloko. Kahit na eto, kahit Gago ako, Mapaglaro ako, May karapatan din akong magmahal. at napili ng puso ko na ikaw yun." dugtong niya.

Parang nawala yung kaluluwa ko nung narinig ko yun, halos hindi na ako gumalaw. bakit ganun?

Totoo ba to? Lahat to? Walang halong biro?

Nag-walkout ako sa kanya, bigla nalang ba akong hinila ng paa ko. kasi hindi ko talaga alam kung ano paniniwalaan.

Yung Utak ko na iniisip na nanloloko lang si DJ o yung puso kong sinasabi na Mahal mo siya, pagbigyan mo na.

Lumabas pala ako ng bahay. walang nakapansin sakin. mismong si DJ hindi ako sinundan, sabi na nga ba eh. loko lang to.

Saan naman kaya ako pupunta?

Sa park, Dun nalang siguro no?

Wala lang, ewan ko. para akong lumayas sa nanay kong pinagalitan ako.

I need space kasi eh.

Na makapagisip. hindi ko rin alam kung ano irerespond ko.

Umupo ako sa Bench. Nakakahiya nga eh, naka pajama na kasi ako.

Tapos rabbit pa yung tsinelas ko. para akong bata, pinagtitinginan ng mga tao. tsk.

Hanubeeey. Wag na kayong tumingin. >.<

"K-Kath?" may narinig akong tumawag ng pangalan ko. lumingon ako sa likod ko kasi alam kong don galing yun.

"Q-Quen?" Tama bang nakikita ko ?

Si Quen to? Umupo siya sa tabi ko tapos ngumiti.

"Kamusta ka na?" sabi niya.

Wow, parang hindi kami nagkita nung makailan ah.

"Ayos lang. Humihinga parin." Sagot ko. napatawa naman siya. parang angsarap pakingan. medyo awkward. :|

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ahh. Wala, nagpapahangin lang." ayun, ayoko namang sabihing.

'Si DJ kasi eh, sabi niya mahal niya daw ako.'

Tapos sabi nila na mahal pa ako ni Quen. alam ko ako yung babaeng laging silent sa classroom, walang kaibigan at laging nagbabasa na hindi tipo ng mga lalaki.

Pero ngayon.. Hay.........Tong layp talaga ....Mapaglaro ka ralaga ..Hindi na nakakatuea ah......

"Kath.. Nasabi na ba ni Julia yung pinapasabi ko para sayo?"

DugDugDug, bigla akong kinabahan dun ah? Anong isasagot ko.

"Ah-Eh.. Hindi eh. Wala pa." sabi ko. Aiish, wrong move kath! wrong move!

"Siguro... ako nalang magsasabi sayo.." UWAAAAH! WAG. nagbuntong-hininga siya tapos tumingin sakin.

"Kath.. Kasi.. Mahal pa ki-" naputol.

"Baby! Ano ba kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala! Oh Quen! Pre! Anong ginagawa mo dito?" SI DJ?

Huh? Bigla niya akong niyakap patalikod tapos tumingin kay Quen.

Tagasira ka ng moment DJ. nakakainis na ewan. pero may part na parang tama lang na dumating siya sa moment na to.

"Baby?" tanong ni Quen. napatingin ako kay DJ, nagbigay ng death glare. sinasabi bang subukan-mong-sabihin- papatayin-kita . tsk.

Ngumiti siya kay Quen. "Hindi mo ba alam pre? Kami na ni kath." sabi niya.

O.O nagulat din si Quen, hindi lang ako. kasi bigla niya ako hinila patayo.

"Sensya na ha, Gabi na eh. Uwi na muna kami. Kita nalang tayo pre." sabi niya tapos hinila ako papaalis. napatingin ako kay Quen. parang nalungkot siya.

:| Ayoko sa lahat yung may nasasaktan dahil sakin eh. "DJ ano nanaman bang pakana to?" sabi ko tapos tinangal yung kamay ko sa kanya.

Napatigil kami, medyo malayo narin naman sa park. malapit na sa bahay nila. buti wala masyadong tao kasi medyo napapasigaw ako.

"Pinoprotektahan ka lang, kath!" sagot niya.

"Anong pinoprotektahan? Hindi naman masamang tao si Quen ah!" sabi ko sa kanya. hindi naman diba? Mabait si Quen. sinasabi niya lang nararandaman niya. nagiging confuse na ako dito.

Kasi napaka protective ko kay Quen. Hindi ko rin alam kung bakit. kahit na may past kami, may pakialam pa rin ako sa kanya.

"Ayokong maagaw ka niya sa akin kath. Narinig mo naman yung sinabi ko sayo kanina diba? Mahal kita! Totoo nga kasi to bakit ayaw mo akong PANIWALAAN?" sinabi niya pa talaga yung word na Paniwalaan na pasigaw.

Ano? NAGPAPARINIG BA?

"DJ! ANO BA! NILILITO MO NA AKO! MAY PART SA SARILI KO NA AYAW KANG PANIWALAAN DAHIL SA PAST MO. DI KO ALAM DJ! PERO SASABOG NA TALAGA UTAK KO. " napapaluha na ako. kasi sobrang gulo na talaga ng utak ko. bigla niya naman akong niyakap.

"Kath, for the 100th time. Paniwalaan mo ako, Maloko nga ako. pero totoo na talaga to. Paniwalaan mo na ako or bigyan mo naman ako ng chance para patunayan sayo na totoong totoo na to." sabi niya.

Should we try? Should I give him a chance to prove what he's saying?

Ano ba? Gulong gulo na ako. "Sige, Bibigyan kita ng time para makapagisip. Hindi mo ako makakasama, or makikita sa bahay. Bibigyan kita ng chance para magisip." bigla siyang kumalas sa yakap. tapos umalis.

"Basta, tandaan mo. Mahal na mahal kita. at gagawin ko ang lahat, MAPASAAKIN KA LANG." sinabi niya habang naglalakad.

Si DJ ba talaga yun? Or hindi?

>> Sa Bahay.

10pm Hindi pa rin umuuwi si DJ. pinanindigan niya talaga yung sinabi niya eh noh?

"Bes! Ano ba talagang nangyari? Nasaan na si LilBro?" concern talaga si Julia. hindi ko pa pala nasabi sa barkada. lahat sila worried eh.

Sabi ko kasi hindi ko alam san siya pumunta. alam nila nagsisinungaling ako. kasi nauutal kong sinabi yun eh. hays.

Tumingin ako sa kanila. Inhale. Exhale. Sasabihin ko na.

"Inamin kasi ni DJ na mahal niya ako." Nagulat silang lahat, at the same time may kilig effect pa.

"Ano naman sabi mo?" sabi ni neil. napatingin ako sa ibang direction.

"Sabi ko naguguluhan ako."

"HA? DIBA MAHAL MO DIN SIYA SIS?" sabi ni Kiray.

"Oo." sagot ko.

"Edi puntahan mo! Kontakin mo! sabihin mong mahal mo nadin siya!" sabi ni Kuya Diegs.

Umiling naman ako. "Hindi ko alam nasaan siya eh." Lumapit sakin si Julia, parang tapos hinawakan balikat ko.

"Tell him the truth, bago pa magbago isip nun." sabi niya.

"Edi magbago isip niya. Kung mahal niya ako, edi hindi na magbabago yun" sabay cross arms ko. ako na Mapaet. Ako na Ampalaya. binatukan naman ako ni Neil. pero hindi malakas.

"Baliw ka ba kath? Pagbigyan mo na! Minsan lang magmahal si DJ eh. Swerte mo nga eh." Weeh. porke gwapo swerte agad? sabagay.. sweet din siya, mabait. Yiie,

"Paano?"

"SABIHIN MO NA MAHAL MO DIN SIYA." sabi ni Ej. tapos nagapir sila ni Kiray.

"Tama!" dugtong ni Julia.

"Paano?" bigla kong tanong habang tinitignan silang lahat. napapaisip sila, tapos biglang tumingin sakin si Kuya.

"Ikaw na dapat magisip non, kung deserving talaga si DJ sa paningin mo, ikaw ang gumawa ng move, basta tandaan mo, nandito lang ang barkada para suportahan ka.."

Wow! Talino ni kuya ha! High Five! *clap

"Thank you Guys ha, mahal na mahal niyo talaga ako." sabay group hug kami. :

"> Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko, lahat sila nakadamay pagmay problema. <3 Ayan, final na. Sasabihin ko kay DJ kung ano nararandaman ko. I'll give him a chance narin. :)

Kinabukasan.



Yan, maybe this day ko na sasabihin kay DJ nararandaman ako.

Sure na ako dito. Wala kaming Klase kasi preparation lang ng school. every students must cooperate daw eh. pero anong ginagawa ko. ahaha.

Chill lang. Hindi ko pa nakikita si DJ, pero sabi ni Neil pumasok daw siya. nakakapag taka, paano niya nakuha uniform niya? eh nandun ako sa kanila buong gabi? kahit umaga? O.o

"Bes, Ano. Ready?" sabi ni Julia.

Bakit? papunta na bang locker si DJ? Umiling ako.

"Kinakabahan medyo. baka nagbago na isip." sabi ko.

"Diba sabi mo, kung mahal ka talaga niya hindi na magbabago iyon? mahal ka nun. trust me Bes!" sabi niya.

Nasa Cafeteria pala kami. bigla lang siyang sumulpot. may sinusulat kasi ako sa isang scratch eh. basta, something.. private? with matching coffee pa. ako na sosyal XD

"Sabagay." yun lang nasabi ko, tapos bigla akong napatingin sa kanan.

Ayun Si DJ, Bandmates niya ata kasama niya.

Oo, bandmates niya nga. May band kasi siya. ewan ko ano pangalan.

Si JC, Lester, Katsumi at Sed yung bandmates niya.

I spoke to them once, kasi masyadong popular yan dito eh. pero mababait yan.

Nagkatinginan kami ni DJ, tapos ngumiti siya sakin. Grabe, Nakakamatay ngiti niya.

"Ahem, Bes. baka matunaw LilBro ko ha." sabi ni Julia. Ayan, nawala tuloy ako sa mood magsulat tapos na rin naman eh. sinong pinagloloko ko? haha tsk.

"Tara na nga bes, dami mo pang ingay jan eh. punta na tayo sa room. help natin sila." sabi ko tapos nilagay na yung gamit sa bag ko.

Si Bes talaga. Hay. Pagkabalik namin sa classroom, hala. ayun, gawa materials doon, boto doon, pili doon.

Hay, pero tuwing Sports Fest eh masaya. lalo na yung mga booth?

Mga kissing booth or Marriage booth. hay. Sana Sports fest na <3

"Kathryn, Favor. pakuha naman ng mga kartolina dun sa Science Lab, naiwan kasi ni Alexis eh. " sabi ng class P.R.O namin nasi Camille.

"Sige." tapos lumabas na agad ako ng classroom. Teka, san banda yung Science Room?

2nd floor pala. bumaba na ako, tapos ayun! Nakita ko na. kinuha yung Kartolina, Grabe , ang dami. >.< Lumabas na ako ng Science Room, tapos may naririnig akong naggigitara sa Music Room.

Hmm.

Sa umaga't sa gabi ,
Sa bawa't minutong lumilipas , Hinahanap-hanap kita ,
Hinahanap-hanap kita,
Sa isip at panaginip,
Bawa't pagpihit ng tadhana , Hinahanap-hanap kita.

Familiar yung boses ah. pero ang galing, nakakamatay yung boses. feeling ko ikakabuhay ko yun.

Dahan dahan kong binuksan yung music room, habang yung mga kartolina buhat ng kanan kong kamay.

Si Daniel? "K-Kath?" sabi niya, inalis niya agad yung Gitara sa kamay niya. tapos parang nahihiya.

Cute. "DJ? Ikaw ba yung kumakanta? at tumutugtog?" tanong ko tapos sinarado yung Music Room.

Aircon kasi eh. sayang naman. nilapag ko yung mga kartolina sa

Desk. napakamot siya sa ulo, hala. nahiya nga. :3

"Oo naman.." mahina niyang sagot.

"Ang galing mo naman. " sabay ngiti. napataas yung ulo niya, nakayuko kasi siya kanina eh.

"Salamat." sagot niya. tapos bigla ko nalang siyang niyakap.

"Sorry kagabi ha, naging OA ako. hindi ko rin alam kung bakit. alam ko medyo nasaktan ka rin, binibring back ko yung past mo. dapat hindi na diba? dapat yung present yung inaalala ko. pasensya ka na dahil nagpakatanga ako. inuna ko yung iniisip ko kesa sa nararandaman ko. Sorry talaga ha." Paliwanag ko sa kanya. medyo inalis ko na yung yakap ko tapos ngumiti siya.

"Ano ka ba, kahit naman di ka na magsorry eh. kasi kahit anong gawin mo mapapatawad agad kita." sabay kiniss niya ako sa cheeks.

"DJ, nakapagisip na ako." sabi ko bigla. napatingin siya sakin, tapos nakangiti.

"Wow, nakapagisip ka agad? Bakit? Namiss mo ako no? Isang araw lang akong wala ah." tapos tawa niya.

"Ano ka ba, ikaw kasi. wala naman akong sinabing umalis ka eh." tapos napatawa ako ng Konti.

"Alam mo DJ, kahit na Maangas ang dating mo, mapangtrip ka, or mapangasar ka. Kahit minsan may niloloko ka, nasaktan ka, naging womanizer ka. Yun lang naman ang paningin nila sayo eh. Hindi nila nakita yung tunay na ikaw. Nagpapasalamat ako at ako nakita ko yun. Mabait ka, Sweet ka, Mapagalaga ka. Alam kong mabuti kang tao." ang haba naman ng speech ko, pero sinabi ko lang talaga ang totoo.

"Salamat, ikaw lang nagsabi sakin niyan." tapos nagsmile siya. kinuha ko na yung mga kartolina.

"Tara na nga!" sabay pisil sa pisngi niya. lumabas na ako ng Music room.



Daniel's POV

Natuwa ako sa sinabi ni Kath kanina. siya lang talaga ang unang taong nagsabi sakin ng ganon.


Si kath? Mabait yan, super bait! Sweet din, palatawa. kahit na minsan na babadtrip yan.

Super swerte ko at siya napili ng puso ko. sinundan ko siya. kinuha ko narin yung kartolinang hawak niya. nagpapaka gentelman lang.

:3 'Ang gentleman naman ni DJ.'

'diba sila yung pinaka sikat na couple?'

'Papa DJ! huhuhu wala na akong pagasa!'

'uwaaah! may girlfriend na si DJ!'

'swerte ni kathryn...'

'TAKEN NA SI KATH?' 'wala na akong pagasa kay kath.'

Wow, bulong bulungan nanaman kami oh.

Gwapo ko talaga. (a/n : hangin mo DJ.) weh, author. totoo naman kasi eh. wag kanang kumontra. Swerte ko din at napakaganda neto ni kath. parang may bonus pa ha.

Grabe, wala nang negative comments saming dalawa.

Ayun, buong araw kong kasama na si kath, hindi na medyo awkward yung nangyari.

Parang bumalik na nga yung pagiging fake girlfriend ko sa kanya eh. once na malaman ko ano yung napagisipan niya, liligawan ko siya agad.

Ano kayang sagot niya?

Sa bahay nila DJ.

6:00pm Nandito si kath ngayon, pati si Diego. dito daw sila matutulog eh. boring daw sa kanila. kaso nasa kwarto sila ni ate Julia. nagsosoundtrip lang ako, nang may biglang kumatok.

"Sir Daniel, si Andrea po." tapos pinapasok niya si Andrea. Shit. anong ginagawa niya dito?

"DJ, bat di mo na ako tinatawagan?" nakakainis, kung kelan tumitino na ako dumating pa siya. argh. si

Andrea kasi... isa sa babaeng ginamit ko.

Dahil to kay Ella kaya ako naging Womanizer. Takte. dapat umalis na siya.

"Andrea? Umalis ka na dito." sabi ko. pero palapit siya ng palapit sakin. hanggang tinulak niya ako sa kama.

*gulp.

may masamang plano to. "ANDREA ANO BA, UMALIS KA SABI EH." sumisigaw na ako.

Pero ayaw niya talaga. "DJ, i know you want me." sabay hinalikan niya ako sa leeg. AHHH.

HORMONES! tapos bigla na niya akong hinalikan sa labi.

Kath's POV

Kaloka yung usapan namin ni Julia at Kuya! Daming kalokohan! Embarrasing moment, Unforgettable experience!

Wow, lalo ko pang nakilala si Julia!

"teka, nauuhaw ako. inom lang ako ha." sabi ko sa kanila.

"Dalhan mo ako ha." sabi ni kuya , nag oo naman ako. Lumabas na ako ng pinto tapos sinarado. wow, i can't get over talaga, ang ganda talaga ng bahay niya.

Hmm... ano kayang ginagawa ni DJ? makatok nga.

*knock knock

"DJ, si Kath to. buksan ko na ha." tapos dahan dahan kong binuksan yung pinto.

O.O OH MY GOD.

Natulala ako sa nakita ko, tama ba tong nakikita ko?

Oh guni guni ko? Sabi na eh, niloloko lang ako ni DJ.

Guess what? Ayun, Nakapatong yung babae kay DJ. wala nang pangtaas maliban sa kanyang bra. and naka shorts pa, pero half open na.

Si DJ? Ayun. tuloy pa din sa ginagawa niya.

Nasasarapan? hindi ata nila alam na nandito ako eh. kasi NAGLALAPLAPAN pa rin sila.

Medyo nandilim na yung paningin ko. nagagalit talaga ako.

BWISET.

tinulak ko yung babae. "ANO NANAMAN BA TO DJ?" sabi ko, napasama pala tulak ko sa babae, nasama pati yung base.

Ayun nabasag. pero wala siyang sugat.

"h-hindi ko alam...."

"ANONG HINDI MO ALAM? DJ ANO BA! FOR ONCE, SANA PANINIWALAAN KITA. AKALA KO BA MAHAL MO AKO ...ALAM KONG NAGBAGO KA NA! PERO ANO NANAMAN BANG KAGAGUHAN TO? DJ UMAYOS KA NGA!KAHIT NGAYON LANG .....DJ AKALA KO BA TITIGIL KA NA ...PERO ANO TO ...ANO NANAMAN TO.......DJ SABIHIN MO LANG SAAKIN KUNG GISTO MO AKONG PATAYIN SA SAKIT .....KASI AKO MISMO ANG MAGBIBIGAY SAYO NG PANA PARA PATAYIN AKO..........DJ NAMAN KASI EHHHH.." sigaw ko sakanya. Hindi ko namalayan uniiyak na pala ako.....biglang dumating si Julia tapos si Kuya.

Na shock din, pinaalis na nila yung babae tapos ako, iyak ng iyak.

"Kath.. sorry na." papalapit sana siya sakin.

"WAG KANG LUMAPIT! PLSSS WAGGG parang awa mo na! I'm tired of this Shts DJ, nagsisisi ako kung bakit sa dinamidami ng tao.. ikaw pa.ikaw pa ang PINILI nito" Tinuru ko ang puso ko habang umiiyak

"Kath! hindi naman kasi talaga ako! pinapaalis ko siya pero wala! ayaw niya! Kath, i'm telling the truth. Paniwalaan mo naman ako... i can't control myself sometimes. Hindi ganon kadali ...Pero sinusubukan ko na ..Sinubukan ko at minsan na bibigo ako.......Gagawin ko lahat kath para mag bago ...Peto ito ...Hindi ko naman pakana to ehh....Kung sana paniwalaan mo ako......Kahit ngayon lang.....sorry talaga kung nasaktan kita Sorry na talaga.Pero kathhh ..Hindi talaga ako.."

"DJ NAMAN, Hindi dapat ako mag kakaganito eh. Bat kasi umaasa ako ehhhh sayo pa talaga.haha....Ang TANGA ko ano????!!!!" tuloy padin yung pagiyak ko. magkaharap kami sa kama niya, nakaupo kami eh.

"Sorry na. Please, paniwalaan mo naman ako..."

"Enough of this DJ!! ayoko nang marinig pa yang Sorry mo. Ayoko na. tigilan mo na.Tigilan mo nah....Di ko na alam ano gagawin ko...Sorry..." napaupo ako. tinakpan ko yung mukha ko habang umiiyak, narandaman ko siyang papaalis.

"kung ayaw mong maniwala, no choice ako. iwan mo nalang ako. kung ayaw mo na talaga sakin, fine. di mo na ako makikita for the rest of your life."

"DJ naman eh! Hindi mo kasi nakikita.Bat kasi ang bulag mo ..Dj hindi ba halata MAHAL KITA ..!!MAHAL NA MAHAL KITA. KAHIT ANG SAKIT SAKIT NA." sinabi ko sa kanya, napatigil naman siya at tumingin sakin.

"Sobra, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. takot lang akong sabihin sayo. Dahil sa past mo nga diba? pero ngayong nasabi ko na. It's Either you go or stay. Yun lang naman gusto mong malaman diba?"

Tapos papaalis na rin sana ako, dinaanan ko siya. pero niyakap niya ako. at hinalikan ako. ...Shockksss

"That's what I wanted to hear. Mahal na mahal na mahal din kita kath." Mahinhin nyang sabi......

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top