something
“Best friend,” tawag mo sa akin.
Hanggan best friend na lang ba ang tingin mo sa akin? Typical na best friend zoned ang pinaranas mo sa akin, Nevan. Nilingon kita at binigyan kita ng pekeng ngiti. Nalulumbay kasi ako kapag tinatawag mo akong bestfriend. Pero wala naman akong karapatan na magreklamo ‘di ba? Dahil totoo naman na bestfriend mo lang ako.
“May naisip akong gawin para sa fifth bestfriendsary natin. Next week na iyon,” Sa t’wing magcecelebrate tayo ng bestfriendsary natin, lagi ikaw ang nagplaplano kung ano ang gagawin natin. Adventurous ka kasing tao.
No’n second bestfriendsary natin ay tumambay tayo sa garden ng bahay niyo. Gabi ‘yon. Nag-picnic tayong dalawa at nag-star gazing. Hindi lang ‘yon, naglagay pa tayo ng bonfire. Mabuti na lang hindi nagalit si Tita.
No’n third bestfriendsary naman natin, pumunta tayo sa Skyranch dito sa Pampanga. Kasama natin ang pinsan mong babae at lalaki. Pero dahil nga sa adventurous ka ay humiwalay na tayo sa kanila dahil sumakay na tayo sa mga rides na gusto mong sakyan. Nag-enjoy ako noon dahil ang saya pala sumakay sa mga rides na wild. Intense sa puso kagaya na lang ang pagtibok niya ngayon dahil sa nararamdaman niya sa’yo.
And last year as our fourth bestfriendsary, nasa bahay lang tayo nag-celebrate dahil parehas tayong short budget no’n. Kaya napagdesisyunan na lang natin na mag-bake na lang tayong dalawa na bestfriend cake natin. Naalala ko pa ang sinabi mo noon, “As beginner tayong dalawa, basic na sa’tin ang circle cake. Kaya star na lang ang shape ng cake natin,” ‘di ba ang adventurous mo talaga? Pati cake hindi mo pinatawad. ‘Yung star na dapat na gagawin natin ay naging diamond. Nagpaturo tayo kay Mommy noon.
“Ano naman ang gagawin natin?”
“Mag-beach tayo. Tayong dalawa lang,” sabi mo.
Napaisip naman ako. Maganda naman ang ideya mo pero… ”Hindi mo isasama si Ashley? Girlfriend mo siya ‘di ba?” tanong ko sa iyo. Kinuha mo naman ang paper planes ko naka-display. Tinitigan mo iyon tsaka ngumiti ka na naman.
“Kaibigan ko lang si Ash. May boyfriend ‘yun.”
‘Yun naman pala, may boyfriend na pala si Ash. Eh, bakit lagi kayong magkasama? Gusto ko sana ‘yan itanong sa’yo pero baka isipin mo pa na nagseselos ako. Pero gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa narinig ko.
“Tsaka alam mo naman na nahanap ko ang forever ko ‘di ba?” dagdag mo pa. Nakatingin ka sa mga mata ko. Kailangan mo pa tumingin sa mata ko para sabihin ‘yan. Nasasaktan na ako dito oh.
Wala ngang Ashley. Pero may forever ka na.
…
Mabilis nagdaan ang mga araw. Dinala mo ako ngayon dito sa rest house niyo sa Bagac. Kaya naman pala panatag ang loob mo na sabihin sa akin na ililibre mo ako---na ikaw na ang bahala sa lahat dahil may bahay pala kayo dito. Ang daya mo dahil hindi mo sinabi sa akin na may rest house pala kayo dito sa Bagac. I never have been in Bagac. First time ko dito.
As usual, dagat ang nasa paligid ng rest house niyo. Marami rin tanim na coconut tree. Nakarating tayo sa rest house niyo pero maraming bulaklak at halaman kaagad ang bumati sa akin. Mahilig talaga sa mga halaman at bulaklak si Tita. 2 storey ang rest house niyo at gawa ito sa kahoy. ‘Yung woods na style bilog. Nang makapasok tayo sa loob ay napeke ako dahil naka-tiles sa loob. Kung ano ang itsura ng bahay natin sa subdivision sa loob ay gano’n din sa loob ng rest house niyo. Kakaiba ‘yung style ng rest house niyo.
“Dito ang magiging kwarto,” sabi mo. Nilapag mo ang mga gamit ko sa loob. Ang ganda ng magiging kwarto ko. May veranda pa.
…
Nanood tayo ng movie hanggan alas dos. Nang mag-alas tres ng hapon ay umalis ka. Sabi mo may kailangan ka lang gawin. Kaya naiwan ako dito sa rest house niyo. Lumabas ako sa rest house. Nagpunta ako sa dagat.
Naupo ako malapit sa may pampang. Ang kinis ng buhangin, kulay beige ito. Kung may white sands, dirty sands sa iba, dito naman sa inyo ay beige sands. Ang kulay bughaw ang tubig alat sa dagat. Mula sa kinauupuan ko ay makikita rin dito ang kagandahan ng kalubundukan.
Naisipan ko rin kumuha ng litrato sa paligid. Ang sarap magbakasyon dito. Kinuhanan ko rin ang sarili ko. Dito lang ako tumambay hanggan sa lumubog ang araw. Hindi ko rin iyon pinalampas dahil kinuhanan ko rin ‘yon ng litrato. Nang magkulay kahel na ang langit ay bumalik na ako sa loob.
“Best friend, magbihis ka. Sa labas tayo kakain,” sabi mo nang makita mo ako. Nandito ka na pala.
…
Nagulat na lang ako dahil dinala mo ako dito sa may tabing dagat na hindi kalayuan sa rest house niyo. Nakaayos. May tent do’n na kung saan may lamesa at dalawang upuan. May mga pagkain na rin sa hapag. Sa tent naman ay may dalawang lantern sa magkabilang gilid nito. Kanina rin may napansin akong mga rose petals na nakakalat sa buhangin hanggan dito.
“Magcecelebrate lang tayo ng bestfriendsary natin pero mukhang romantic ata ang dating,” biro ko sa’yo. Pero hindi ka na sumagot dahil inalalayan mo na ako sa pag-upo. Umupo ka na rin sa kabila.
“Pinaghandaan ko kaya ito,” wika mo. Kumain muna tayo tapos nagkwentuhan tayong dalawa.
“Hm…I have something to tell you,” sabi mo. Nahahalata ko na hindi ka makatingin sa akin ng maayos. May kinuha ka sa bulsa ng shorts mo at inilapag iyon sa ibabaw ng mesa.
“Gift ko for you. Pakibuksan na rin.” Kinuha ko ‘yun.
Binuksan ko ang maliit na box. May laman iyon na infinity ring. Kinuha ko ang singsing pero nakaagaw ng atensyon ko ‘yung note na maliit sa box. May nakasulat doon.
I have something to tell you.
‘Yan ang nakasulat sa unang note. Bali tatlong note iyon.
I have something to tell you.
I love you in a romantically way.
Can I court you, Micah Angela Quintanilla?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top