forever

“Do you believe that friendship is the start of a real romance?” tanong sa akin ni Kyla. Kilala mo na siya ‘di ba? Oo, ‘yung pinsan ko. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko.

Friendship and Real romance. Naniniwala nga ba ako? Hindi ko alam kasi hindi ba kapag sinabi na friendship—two or more ang involved at ibig sabihin dapat mutuals din ang feelings niyo sa isa’t-isa para masimulan niyo na ang real romance sa pagitan niyong dalawa. Maisusulat niyo na ang happy love life niyo hanggan sa makagawa kayo nang magandang istorya. Sa karanasan ko kasi, ako lang ang nahulog sa’tin dalawa.

“Wuy! Sagutin mo ang tanong ko,” aniya. Kinurot niya pa ako sa kaliwang pisngi ko.

“Aba malay ko,” sagot ko na lang sa kanya. “Ikaw ba?”

“Oo naman. Sa pagiging magkaibigan kami nagsimula ni Lanzer,” sagot niya. In love talaga si Kyla sa boyfriend niya. Bigla kasi sumigla ang mukha niya tapos ‘yung mga mata niya na akala mo’y kumikinang. Pakisama na rin ang kanyang mga ngiti. Mukha ng isang taong in love at masaya.

Sana katulad tayo kila Kyla at Lanzer na nagsimula sa pagiging magkaibigan hanggan sa maging sila kaso hanggan pangarap ko na lang iyon. May mahal ka kasing iba. Si Kyla kasi, nakilala niya si Lanzer sa kaibigan niya. Pinsan kasi ng kaibigan niya si Lanzer. Pinakilala siya kay Lanzer kaya naging magkaibigan sila hanggan sa naging magka-ibigan.

“Eh kayo ba ni Nevan? Best friend pa rin kayo?”

“Best friend naman talaga kami ha,” sagot ko sa kanya.

“Papatunayan niyo na may forever sa mag-best friend. Pero mas maganda na rin ‘yan kaysa maging kayo baka mamaya maghiwalay lang kayo kaagad.”

Siguro nga baka patunayan nating dalawa na best friend forever tayo. Pero hindi ko maintindihan si Kyla na kapag naging tayo ay kaagad din tayo maghihiwalay. Hayaan ko na lang dahil…

Malabo naman na maging tayo. You and I in romantically relationship, malabo talaga.




Nevan na pangit: Hello sa best friend ko na babsy! Jk lang. Happy Valentine’s Day!

Text mo ‘yan sa akin. Gusto sana kitang replyan kaso wala naman akong load eh. Mamaya na lang kita babatiin sa classroom.

“Happy Valentine’s Day,” panggri-greet sa akin ni Kuya Levinn, governor ng student council natin. Binati ko rin siya pabalik. Nasa may gate sila ng university. Kumuha siya ng pulang rosas doon sa itim na timba na hawak niya at inabot ito sa akin. Kasama niya rin ang mga lalaking miyembro ng student council. Namimigay sila ng bulaklak na may tag sa tangkay. Tag na kung saan may quotes do’n.

Always wear your beautiful smile as bright as star in the night sky.
--- forever your boyfriend. ♥

“Naks! Boyfriend talaga ang nakalagay sa lahat, Kuya Levinn? Wala pa naman akong boyfriend,” sabi ko kay Kuya Levinn. Second year college na kasi tayo habang si Kuya Levinn ay graduating na.

“Ang purpose n’yan ay para sa mga taong single para kahit papaano maramdaman niyo naman na may boyfriend kayo.”

“Hindi ko alam kung nang-aasar ka kuya pero salamat,” tumawa lang si Kuya Levinn tsaka nagpatuloy siya sa pamimigay ng bulaklak.

Araw na talaga ng mga puso ngayon. Ang dami kasing magkasintahan na nasa hallway tapos ‘yung ibang lalaking nakakasalubong ko---kundi gitara ang dala, boquet of roses or tulips naman ang nakikita ko. Sa mga babae naman na mag-isa na naglalakad sa hallway, may dala rin naman sila na galing siguro sa kasintahan nila. Ako nga lang ang single dito.

“Good morning best friend,” bati mo sa akin. Hindi tayo magkatabi sa loob ng silid kasi ayaw tayo pagtabihin ng mga prof natin. Alam kasi nila na mag-bestfriend tayo.

“Good morning din. Happy Valentine’s din pala. Wala akong load,” sabi ko sa iyo. Naupo na rin ako sa upuan ako kung saan magkatabi tayo.

“Alam ko naman,” animo. May kakaiba talaga sa mga ngiti mo.

“May lakad ka mamaya noh? Kakaiba ‘yang mga ngiti mo eh.”

Tumingin ka naman sa akin at tinuro mo ang iyong mukha. “Alam mo kaagad. Makikipag-date kasi sa akin si Ashley.”

Si Ashley na naman. Sa t’wing magkasama tayo laging si Ashley ang bukambibig mo sa’kin. Ang dalang na nga lang natin magkasama at magbonding kaya lang si Ashley naman ang kinukwento mo. I suggest, magsama na kaya kayo sa iisang bahay kasi mukhang namimiss mo kaagad si Ashley.

“Nevan, halika dito p’re.”

“Mica babsy, punta muna ako sa kanila.”

Kayo na ba ni Ashley? Kung kayo na ba’t wala ka man lang sinasabi sa ’kin.  ‘Yung mga ngiti mo kanina, sobrang lawak. Sobrang kagalakan ang nararamdaman mo.

“Hello to Earth, Micachiks!” Tinapik ni Hayazhi ang kanang pisngi ko. Siya ang seatmate ko.

“Kay aga-aga, kaaga mo rin nakatulala,” aniya. Umupo na siya sa upuan niya. Hindi ko na siya sinagot dahil nakita ko naman na nilagay niya ang earphones niya sa magkabilang tainga.

Sa bandang likod ay naroroon kayo ng mga kaibigan mo na lalaki. Naririnig ko ang mga boses niyo rito sa harap.

“Ikaw Nevan, nahanap mo na ang forever mo?” tanong sa’yo ng kaibigan mo. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa inyo dahil sa pinaguusapan niyo. Kalalaki niyong tao pero love life ang pinaguusapan niyo.

Nakasandal ka sa may bintana. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa’yo. Nakatingin ka rin pala sa akin habang sinasagot ang tanong ng kaibigan mo.

“Matagal ko ng nakita ang forever ko,” saad mo. Ngumiti ka pa sa akin kaya inirapan kita. Binalik ko na lang ang tingin ko sa harapan.

Naghiyawan ang mga kaibigan mo na lalaki. Tsk.

“May date pa nga sila mamaya ng forever niya,” bulong ko sa aking sarili.

Buti ka pa natagpuan mo na ang forever mo. Eh, ako?

May forever nga ako. Kaya lang, trap naman sa best friend forever.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top