to

Hindi ko pa rin lubos na maisip na sa akin ka na ngayon. Na sobrang tagal na nating naging matalik na kaibigan ay parehas lang pala tayong may nararamdaman sa isa't-isa. Natakot lang tayo umamin sa isa't-isa dahil akala natin ay isa lang ang nagmamahal sa atin.

Parehas lang pala tayo na ayaw natin masira kung ano ang meron tayo dati.

Pakiramdam ko ay para pa rin tayo mag-bestfriend dahil makikita iyon kung paano natin ituring ang isa't-isa. Naiba nga lang ay 'yung pagmamahalan na nararamdaman natin sa isa't-isa. Yung hindi mag-bestfriend. 'Yung love talaga.

Panaginip.

Hindi rin kasi ako makapaniwala na walong buwan na tayo nagmamahalan bilang isang babae at lalaki. Hindi iyong pagkakaibigan lang. Para pa rin akong nanaginip dahil umabot na tayo sa walong buwan.

Simula kasi na may nabuo na salitang "tayo" sa pagitan nating dalawa ay maraming hindi naging masaya sa atin. Sa halip na suportahan nila kung ano man ang mayroon sa 'tin dalawa ngunit hinihila lamang nila tayo pababa.

Maraming may tumututol sa relasyon natin. Maraming nanghusga dahil hindi naman daw tayo magtatagal kasi nga mag-bestfriend tayo eh. Walang mag-bestfriend ang nagkakatuluyan, sabi nila. Lalo na raw sa henerasyon natin dahil tayong mga kabataan ngayon, mabilis daw tayo magsawa sa isa't isa. Kung makapagsalita sila akala mo hindi natin silang kapwa kabataan.

Pero wala naman tayong pakielam doon.

As long as we love each other and also we understand each other. At aanhin namin dalawa 'yung opinyon ng iba. Hindi na natin kailangan iyon dahil may mga kaibigan at pamilya naman tayo na kaya tayong tanggapin.

"Love," tinawag mo na ako pagkakita mo pa lang sa akin dito sa terrace ng bahay namin.

Susunduin mo kasi ako ngayon. Magce-celebrate kasi tayo ng first anniversary natin. And yeah, magzi-zip line tayong dalawa. Tayo na ang adventurous couple.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top