CHAPTER 7: MESSED

Chapter 7: MESSED

SUMISIPOL na nilakad ko ang daan mula sa dorm patungo sa klase ko. Magaan ang katawan ko nang bumangon ako at mas lalong gumaan nang maalala kong nasa rank 6 ako sa activity kahapon. I took a shower and even hummed as I dressed. My corn soup for breakfast tasted like steak because of my ecstatic feeling.

It's a beautiful morning, isn't it? Kahit late akong nagising, I know walang batuhan ng itlog na mangyaya—what the hell?!

An egg just cracked in my head. Another one followed! And another. At isa pa. At isa pa! Puto! Kilala ba nila ako? I am Sonia Gallego, the sixth spot on yesterday's activity!

Napasinghap ako nang may bumuhos na harina sa akin. Napaubo ako nang ilang beses at hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko! Nabalot ng tawanan ang paligid at alam kong ako ang pinagtatawanan nila! That's it! Ayokong magyabang pero pinipilit nila ako!

"Anong ginagawa n'yo? Kilala n'yo ba ako?" I tried to sound scary pero mukhang katawa-tawa ako ngayon, alam ko.

"Prep classer!"

"Loser!"

"Zero value!"

"Woman!"

Aba! Sinusubukan talaga nila ako! Calling me names and pouring these ingredients on me? Huh! Anong akala nila, magpapaapi ako? Pinahid ko ang harina sa mukha ko at hinarap ang mga estudyante. "I'm Sunny Gallego at ako lang naman ang—" I wan't to say na ako ang lumampaso sa labinlima pang kasali sa activity kahapon. Napalunok ako. "Ako si Sunny Gallego at hindi ako nagpapaapi sa kung sino-sino man!"

Kuyom ang palad na nilapitan ko ang lalaking may dalang metal na timba. Natakot ang loko at tumatakbong iniwan ang timba. Gee, takot naman pala! Pinulot ko ang timba at hinarap ang iba pa ngunit agad din namang nagsitakbuhan ang mga ito. I gritted my teeth. Wala naman palang mga bayag, eh! Matapang lang kung walang palag 'yong binu-bully nila!

I stared at myself at halos mapamura ako. Now my uniform, my day, and my mood are all ruined! Thanks to those bastards!

Laglag ang balikat na tumalikod ako at hinarap ang daan pabalik ng dorm. Next time, maaga na talaga akong gigising at sasabay sa ibang taga-prep class.

"Uh-oh," I heard a sing-song voice.

Paglingon ko ay nakatayo sa likod ko si Triangle. His head is bed made—kung hindi lang siya mukhang fresh at malinis baka inisip ko na paggising niya ay agad siyang nagbihis, eh. His scent is soothing to the nose even from this distance. Yep, I discreetly assessed him.

No improvements on his fashion. Open-buttoned polo exposing his black shirt with a 'f*ck u' print. Lumagpas rin ang manggas ng T-shirt niya sa suot niyang polo. His pants? Black pants na butas sa tuhod.

He wore his usual pirate smile at lumapit sa akin. "Look who's here?" He wiped his thumb on my face at sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Mas lalo akong nanigas nang tinikman niya iyon! Puto! Anong problema niya?

"Sweet. Like I thought, no need for sugar because you will surely make a good pancake," nakangising wika niya. Sinapian ba siya ng demonyo? Oh well, he is the devil himself.

Saka lamang promoseso sa utak ko ang sinabi niya. My fist automatically lifted to hit him ngunit nahawakan niya ang kamay ko.

"No, don't do it, Pancake."

Pancake?! What? He touched my face with his thumb again and tasted it!

"Bastos!" sigaw ko.

Ibinaba niya ang kamay kong hawak pa rin niya. "Are you suggesting? Hindi kita binabastos, Gallego."

"You're tasting me!" Huli na nang ma-realize kong may pagka-green ang sinabi ko. Looking at him, mukha naman talaga siyang green. The epitome of a fuck boy.

He laughed softly. "I'm tasting the the egg and flour in you, Gallego. Not you."

I gasped and tried to think logically. Inaamin kong may point siya. Hindi naman niya ako direktang dinilaan. Puto, what am I saying?!

"P-Patay gutom!" I shrieked. Okay, that's unexpected. Minsan kasi ay may sariling tangang utak din ang bibig ko. Uh.

"That could be right than the previous one," wika niya at nilaro ang kanyang tongue ring. "Nandito lang naman ako para sabihin sa 'yong hindi porket napa-impress mo si Beethoven—"

"Sino si Beethoven?" Narinig ko rin iyon kina Coco kahapon, eh.

"Are you a goldfish? Did you forget the one who gave the activity?"

"Ah, si Bionic Arm!"

He gasped in disbelief. "You dared calling him bionic arm!"

"Big deal sa 'yo?!" Aba! Paki ba nila?! I don't know Beethoven, I only know bionic arm.

"So, I was saying, hindi dahil napa-impress mo siya ay nababagay ka na rito sa Academy," wika niya. He took another step closer and his voice came into whisper. "I'm telling you, hell has just begun."

"Ah, so ikaw si Lucifer?" sarkastikong wika ko. He snorted like he didn't like my reply. "At pwede ba? 'Wag kang feeling close sa akin. Basta-basta ka na lang lumapit at kinakausap ako. Bakit kaya?" I made a thinking gesture. "Hindi kaya may gusto ka sa akin?"

It took me a lot of confidence to say it. Let's see how will he react to it.

Bigla siyang natawa. "You really have no shame, Gallego." He licked his lower lip. "I don't fall for women. Women fall for me."

Tinalikuran niya ako at tinangkang umalis ngunit bago pa man makatatlong hakbang ay tinawag ko siya.

"Hoy, Triangle Bermudo!"

He stopped and looked back. Ginaya ko ang pirate smile niya at nakita kong bahagya siyang nainis! Now he knows how it felt to be smiled like that!

"What?" he asked.

"The part of walking out is mine!" wika ko at tumalikod upang umalis, not minding his crunchy swears and cuss.

Bumalik ako ng dorm at nagbihis. Iwinaksi ko sa isipan ko ang nakakabwisit na mukha ni Triangle dahil baka tuluyan na talagang madurog ang katiting na natitirang mabuti sa araw ko ngayon. I slipped into my jeans and shirt at naglakad pabalik sa prep class. No need to hurry dahil wala naman akong prof na aabutan.

Kulang na nga lamang ay bilangin ko ang nadadaanan kong bato. I took all my time enjoying the view at pagdating ko sa harap ng classroom ay may nakatayong babae roon. She looks so pretty pero, sandali. Don't tell me, na-demote siya sa prep class?!

"Hello!" masiglang bati ko sa kanya. "Ako nga pala si Sunny, na-demote ka ba sa prep class?" Yup, may pagkachismosa rin naman ako, slight nga lang.

Tinapunan ko ng tingin ang ibang nasa loob at abala sa sinusulat. Margo and Iris glared at me pero hindi ko sila pinansin. Hinarap ko ulit ang diyosang nasa harapan ko, puto! Unfair talaga! Bakit hindi ako ganito kaganda?!

"Why are you late, Miss Gallego?" she asked. Her voice was so sweet. Ah, suman! Maganda na nga, maganda pang boses. Ano'ng hindi maganda sa kanya?

"Eh? Kilala mo ako? Ah, you probably knew me because of yesterday's result." Tumawa ako at nahihiyang tinampal siya sa braso. "Wala 'yon! Ano ka ba!"

Napansin kong napatampal din sa noo nila sina Iris at Suri. Drix dropped his pen while Coco dropped his face.

Maarteng tinabig ng babae ang kamay ko. She raised one brow at me. "On your seat now, Miss Gallego, and answer your quiz."

Nanlaki ang mga mata ko. What the?! Ibig sabihin?! Oh God, did I mess up again? Mama, anong kamalasan ang inilihi mo sa akin? Papa? Bakit ganito?!

"No cheating. Mind your own papers. Follow each instruction carefully. Eyes on your papers only."

Bahagya akong yumuko. "Pasensya na po, Ma'am." Hindi na ako nagsalita pa at agad na tinakbo ang mesa ko kung saan nakataob ang test questionnaires. I can hear the 'tsk' of others at hindi na lamang iyon pinansin. My jaw literally dropped when I saw the chemical formulas on the questionnaire! Calculus problems! Long essays?! What the?!

Inilibot ko ang paningin sa iba. Tutok na tutok sila sa kani-kanilang papel. May pa-pikit-pikit effect pa nga si Coco at umusal ng kung ano-ano na para bang nag-oorasyon. My eyes shifted into their papers na halos puno na ng sagot! God, how about me?

Nagulat na lamang ako nang may humablot sa papel ko. Si Ma'am Ganda. Pinunit niya iyon at hinulog sa sahig. Narinig kong napasinghap ang iba nang makita ang ginawa ni Ma'am sa papel ko.

"I told everyone to mind your own papers," wika niya sa akin.

Nainis ako! As if naman kumukopya ako! "I didn't copy their answers! Tiningnan ko lang naman sila!"

"No excuses, Miss Gallego." Her voice was calm and dangerous.

"No excuses? Pinunit mo ang papel ko!" My voice raised.

"Sunny!" saway ni Jeffrey.

"Sunny!" wika naman ni Suri.

"But I said, mind your own papers. Eyes on your own papers. I've warned you fair enough," wika ni Ma'am na mas lalong kinainisan ko. Ngayon, alam ko na kung ano ang hindi maganda sa kanya. Iyong ugali niya!

"Inikot ko lang naman ang paningin ko sa iba but I didn't cheat!" Padabog na ginalaw ko ang upuan ko. "Try sitting here so that you will know that you cannot see their answers!"

"Sunny!" si Iris naman ang sumaway sa akin.

"Tama na 'yan, Sunny," nag-aalalang wika ni Margo.

Humakbang si Ma'am palapit but she maintained a considerable distance between us. "I didn't say you cheated."

Then why did you tear my paper?!" Inis na inis ako. Ang katiting na maganda sa araw ko ay tuluyan nang inilipad ng hangin.

"You're not following instructions," she said with a lopsided smile. Nangati ang kamay kong i-dislocate ang mga bahagi ng mukha niya at nang hindi na ako humanga sa kanya.

"That's it? You're not even hearing reasons?!"

"Hindi na iyan kailangan, Miss Gallego," sagot niya.

"Unbelievable. Kung ganyan pala ang sistema ng pagtuturo dito, no wonder students here are not really knowledgeable when they graduate."

Tumaas ang kilay niya. "Excuse me?"

"Sunny!" tawag ni Drix.

"Sunny!" Si Coco.

Tiningnan ko sila nang masama. "Ano ba, Sunny kayo nang Sunny, eh!" Hinarap ko ulit si Ma'am. "You're more on method than substance. Hindi masusukat ang nalalaman ng tao sa paraan ng pagsunod niya sa isang instruction!"

"You have a point, Miss Gallego." Her smile became dangerous. "But this exam isn't about knowledge, this is about discipline. Bakit naman ako magbibigay sa inyo ng napakahabang exam gayong hindi ko pa kayo natuturuan?"

My shoulders dropped. She also has a point. Ang mga pagkakataong ito ay hiniling ko na sana ay lamunin na lamang ako ng lupa. Or sana may undo button at nang ma-undo ang lahat ng nangyari. Argh, I'll try making that button soon.

"And you just proved to me, Miss Gallego, that you don't have discipline. Congratulations on messing your first activity in my class." Mahinang pumalakpak siya nang tatlong beses bago iniwan ako at pumunta sa harap. "The rest of you, continue answering."

Wow, this time, I really messed up. Big time.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top