Chapter 3

PAPATAYIN KO SI POCHOLO SAAVEDRA!


Ito lang ang pagkakataon ko. Sasamantalahin ko na mahimbing ang kanyang tulog. Nanginginig ang kamay ko na iniamba ang aking hawak na patalim. Kinailangan ko pang gamitan ng dalawang kamay para lang panindigan ang aking gagawin.


Matagal akong nakatayo lang at nakaamba lang sa kanya. Pinagpapawisan na ako pero hindi ko pa rin siya magawang saksakin. Namalayan ko na lang na naibagsak ko ang kutislyo. Hindi ko pala kaya. Akala ko kaya ko... hindi pala.


Kahit pa napakasama niya ay hindi ko pala siya kayang patayin. Hindi ko kayang kumitil ng buhay ng tao. Kahit pa sabihing tanga ako ay hindi ko kayang kumitil ng buhay ng kahit sino.


Nanakbo ako pababa, pabalik sa kulungan. Nang matagpuan ko si Mang Karog ay lumuhod ako at yumakap sa kanya. "H-hindi ko po kaya... hindi po..."


Nakatitig lang sa akin si Mang Karog.


"A-ano na pong gagawin ko? H-habang-buhay na lang po ba ako sa lugar na ito?"


Napahugot ng paghinga ang matanda. "Hindi bale nang ikaw ang maagrabyado. Ang mahalaga ay mabuti kang tao."


Umangat ang aking mukha.


"Mabuti kang tao, Aiko. Darating ang araw na siya naman ang luluhod sa 'yo."


"Po?"


"Darating ang araw na magkakabaliktad kayo ng posisyon."


Mangyayari nga kaya iyon?


"Tulungan mo siya, Aiko. Tulad mo ay naghihirap din siya. Hindi niya gusto ito. Naghihirap siya dahil sa ginagawa niya sa 'yo."


Nahihirapan? Si Pocholo Saavedra ay nahihirapan dahil sa ginagawa niya sa akin? Pero bakit at anong dahilan?





"KNEEL," utos ni Pocholo Saavedra ang panginoon sa lugar na ito. Mula nang magkita kaming dalawa sa liwanag, palagi niya na akong pinaluluhod at pinayuyuko kapag kakausapin niya ako. Ayaw na ayaw niya na magtatama ang aming mga mata. Tila siya napapaso.


Lumuhod ako tulad ng utos niya. Nakaupo naman siya habang nakatalikod sa akin. Ibang-iba siya sa tuwing nasa mainit kaming tagpo. Kapag madilim ang paligid at nasa loob siya ng mga bisig ko. Ngayon ay sobrang lamig niya. Sobrang layo.


"Those two guys yesterday are my cousins. Borgy Montemayor and Conrad Deogracia."


Nakikinig lang ako sa malamig na boses niya.


"You should act normal when they're here. Eventually, they're gonna visit me more often."


Hindi ko na siya gaanong naririnig. Naglalakbay ang isip ko. Ano na nga ba ang mangyayari sa akin? Ang sabi niya ay kailangan kong mailabas sa mundong ito ang anak niya. Pagkatapos, paano na ako? Ano ang balak niya sa akin? Mapapatawad niya na ba kung ano man aking kasalanan kung sakaling manganak na ako?


"Are you listening?"


Napakurap ako. Nagsasalita nga pala siya.


"What did I say?"


Muli akong napakurap. "Ah... eh... iyong tungkol kina Borgy at Conrad."


Humalukipkip siya. "Continue."


Kinakabahan ako. Kapag hindi ko nasagot nang tama ang tanong niya ay pihadong magagalit siya. Ganito palang na malamig ang tono niya ay ilang na ilang na ako, paano pa kaya kapag sumigaw siya? Ayaw ko siyang sumigaw. Kailangan ay makaisip ako ng isasagot sa kanya para hindi siya magalit.


Nanghula na lamang ako. "N-na kaibigan—pinsan mo sila."


Pinungayan niya ako ng kanyang mga mata. "Proceed."


"Na magkakasingtangkad kayo?"


Umangat ang isa niyang kilay.


"Na pare-pareho kayong guwapo, pero masama ang ugali mo."


Kumunot ang noo niya.


"Na magkakasinglaki siguro kayo? Pero sa tingin ko, sa inyong tatlo, ikaw ang walang bayag." Natutop ko ang aking bibig nang mapagtanto ang mga salitang naibulalas. Argh! Ayaw ko nga siyang magalit, e!


Namula naman ang mukha niya hanggang sa leeg. "Are you making fun of me?!"


Napakamot ako ng pisngi. "S-sorry! N-nakalimutan ko kasi 'yong sinabi mo." Pero totoo naman! Wala siyang bayag dahil basta na lang niya ako kinidnap. Ni hindi niya masabi sa akin ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa akin. Isa siyang duwag!


Pasadlak siyang naupo sa swivel chair niya. Ang mahahaba niyang biyas ay kanyang idine-quatro. Ang mala anghel niyang mukha ay madilim. "You're tired, aren't you?"


Napakagat-labi ako. Oo, pagod na ako. Matagal na akong pagod sa lahat ng ito.


Tila nabasa niya ang nasa isip ko. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mapupula niyang mga labi. "Kulang pa 'yan, Aiko. Kulang pa yan kumpara sa paghihirap ko."


Paghihirap? Anong paghihirap? Hindi ba ako ang mas nahihirapan dito? Kung nahihirapan din siya, puwes parehas lang kaming dalawa!


Ang mga mata ko ay hindi ko napigilan na tumalim. Masama ang tingin ko sa kanya. Tila nagulat naman siya sa aking ekspresyon. Ngayon niya lang siguro ako nakita na ganito. Sandali siyang natigilan, pero nakabawi rin agad. Nagtagis ang mga ngipin niya at kanyang ibinato ang paningin sa kawalan.


Mga ilang minuto bago siya napabuga ng hangin. Nang muli siyang tumingin sa akin ay malamlam na ang kanyang mga mata. "It's been a while, Aiko. Don't you think so?"


Napalunok ako. Ano ang sinasabi niya? Pero may hinala na ako. May kabang bumundol sa dibdib ko.


"Now get up there." Tumayo siya at kinuha niya ang aking braso para iangat ako.


"A-anong gagawin mo?" kabadong tanong ko.


Mula nang magkita kami ay hindi na siya pumupunta sa kuwarto ko. Ewan ko pero kahit sa aking mga mata ay para siyang napapaso. Ganoon din ako. Ngayong maliwanag na at kitang-kita ko na siya, parang doon na gumapang sa aking ang pagkailang at hiya. Ang lakas ng loob ko kapag nasa kuwarto ko siya ay para bulang naglaho na.


Ang kaninang malalamig niyang mga mata ay nagsimulang magkaroon ng titis ng apoy. Nakaramdam ako ng kakaibang damdamin habang nakatitig doon. Bumukas ang mapupula niyang mga labi. "Don't look at me."


Nang yumuko ako ay bigla niya akong kinarga na dahilan ng aking pagsinghap. "Pocholo!"


Sa kauna-unahang pagkakataon ay binigkas ko ang pangalan niya. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang kalamnan. Hinila niya iyong mesa at inilagay niya ako sa ibabaw. Pagkatapos ay ibinuka niya ang mga hita ko.


Nang gumapang sa aking leeg ang mainit niyang mga labi ay hindi ko napigilan ang pagsinghap. Tila may sarili na namang isip ang aking katawan na nasasabik sa mga haplos niya at halik. Ag mga kamay ko ay humaplos sa malambot niyang buhok. Narinig ko ang maigting na pag-ungol niya.


Binaklas niya ang aking panloob at pinunit iyon na parang papel. Sinubukan kong itikom ang aking mga hita subalit ibinuka niya ulit iyon. Humila siya ng isang upuan at naupo kaharap ang aking gitna. Pinagmasdan niya ito.


"A-anong ginagawa mo?" Nag-init ang pisngi ko.


Napaigtad ako nang ipasok niya sa akin isa sa mahahaba niyang daliri. Ang init na hatid niyon ay doble-doble lalo na at nakikita ko na ngayon ang kanyang mukha. Ang mukha na parang sa isang anghel. Anghel na may galit sa mundo... o sa akin.


Mapungay ang mga mata niya na tumitig sa aking ekspresyon. "Aiko, you're lucky because you're carrying my child."


Yumuko siya na ikinalaki ng aking mga mata. Alam ko na ang gagawin kaya nag-panic agad ako. Maliwanag ngayon. Hindi gaya sa kuwarto ko na madilim. Ngayon ay may ilaw. Makikita niya nang buong-buo!


Ang hiya at pagpa-panic ko ay useless lang. Ginawa niya pa rin ang pinaplano. Mayamaya pa'y naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bahagi kong iyon. Napasinghap ako at napaungol na lang ako. Lalo na nang halikan niya ako roon.


"Hmmm... Pocholo..." ungol ko.


Tumirik ang aking mga mata sa laksa-laksang ligaya. Nang matapos ay nanginig ang mga hita ko. Nanghihina ako nang umangat siya. Ang inaasahan ko ay gagawin niya na, pero wala siyang ginawa. Inayos niya ang suot kong palda na aking ipinagtaka. Ang napunit kong panloob kanina ay ibinulsa niya.


"Get up." Muli ay malamig na naman ang tono niya.


Nang makabawi ng lakas ay tumayo ako.


Tumalikod na siya sa akin. "Now, get out of my sight."


Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi na ako nagtanong pa. Wala rin naman akong karapatan na mag-usisa. Bihag niya lang ako. Mabigat ang dibdib na tinungo ko na ang pinto. Hindi na ako nag-abala na lingunin pa siya.


Pagbalik sa aking kuwarto ay doon pumatak ang mga luhang hindi ko alam kung kailan pa nagsimulang sumilip sa aking mga mata.


Hanggang kailan ako ganito? Hanggang kailan ako mangangapa kay Pocholo Saavedra? Hanggang kailan niya ako bibihagin at pasasakitan ang puso ko? Hindi ko namalayan na napayakap na pala ako sa tsinelas habang nakasiksik sa sulok. Bigla ko tuloy naalala si Conrad.


Matutulungan kaya ako ng tahimik na lalaking iyon? Kung sabihin ko sa kanya na bihag ako ni Pocholo, itatakas niya kaya ako?





MUKHANG maganda ang mood ni Pocholo ngayon. Akalain mong pinabihisan niya ako kay Mang Karog. Pinagdamit niya ako ng magandang damit. Iyong may etiketa pa mula sa isang mamahaling mall. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito sa tanang buhay ko.


"Bakit po kaya ako pinagbihis ni Pocholo?" tanong ko kay Mang Karog pagkalabas ko ng pinto. Puting t-shirt at hanggang kalahati ng hita na palda ang suot ko, mga stocks daw ito sa guestroom ng mansiyon. Pero ang gaganda naman. Tsinelas naman ni Conrad sa pang-ibaba ko.


Nangunot ang noo ng matanda. "Alam mo na pala ang pangalan niya."


Tumango ako. "Opo. Narinig ko sa mga pinsan niya."


"Eh, puntahan mo na lang siya."


Pumasok na ako sa mansyon at dumeretso sa kuwarto ni Pocholo. Nadatnan ko siya roon na nakabihis na. Fitted na polo shirt at jeans ang suot niya. Ang tangkad at ang ganda ng katawan niya. Kahit saang anggulo ay mukha talaga siyang modelo. Binagayan pa iyon ng suot niyang mamahaling relo sa kaliwang pulso. May nakabitin ang kumikinang na silver dog tag sa kanyang makinis na leeg.


Napamewang siya nang mapatingin siya sa akin. Doon agad siya napatingin sa mga hita ko. "I don't like your skirt. It's too short."


Niyuko ko iyon. "Eh, ito iyong ibinigay mo sa akin kanina–"


Hindi pa ako tapos magsalita nang hilahin niya ako sa pulso. "No more talk. I'm in a hurry."


Hila-hila niya ako hanggang sa makarating kami sa kanyang sasakyan.


"Sasakay tayo riyan?" tanong ko sa kanya na hindi pa makapaniwala. Ito kasi iyong unang pagkakataon na makakasakay ako sa isang mamahalin at halatang brandnew sports car.


"Unless you wanna walk."


Mabilis na sumakay ako sa passenger seat. Ayaw kong maglakad. Doon ako tumabi sa pwesto niya. Nahiwagaan lang ako sa pinto ng kanyang kotse dahil iniaangat ito at hindi binubuksan. Two-seater lang ang sasakyan. Parang ganito iyong sasakyan sa future na napapanood ko sa movie.


Binuhay niya ang makina at akma na niyang paaandarin ito nang mapatingin siya sa akin. Nagsalubong ang kanyang mga kilay bago niya ako nilagyan ng seatbelt. Naamoy ko tuloy ang mabango niyang amoy. Lalo na nang bahagyang magkalapit ang aming mga mukha.


Pinaandar na niya ang sasakyan pagkuwan. Wala siyang imik habang nakatuon ang paningin sa kalsada. Ni hindi na niya ako tinapunan ng tingin sa buong pagda-drive niya.


Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagmamasid sa paligid. Nakakamangha ang tanawin. Napakalawak nga talaga ng kinaroroonan naming lupain. Walang katao-tao, walang kabahay-bahay. Kung titingnan ay tila abandonadong hacienda. Nang marating namin ang dulo ay isang malaking arko ang naroon.


Walang pangalan ang arko at may karatula sa gilid na ang nakasulat ay 'PRIVATE PROPERTY DO NOT ENTER'


Ilang sandali pa'y nasa kabihasnan na kami. Mga establisyemento naman ang mga natanaw ko. Mas namangha ako dahil ngayon na lang ulit ako nakakita ng mga ganito. Limang buwan kasi akong nasa kwarto lang kaya naman pakiramdam ko ngayon ay bagong-bago.


Huminto kami sa isang puting gusali. Pagkababa ni Pocholo ng sasakyan ay binaklas niya ang seatbelt at hinila ako palabas.


"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nakasunod sa kanya. Papasok na kami sa lobby ng isang klinika. Nasa isang klinika pala kami.


"You need a maternity check up."


Napatigil sa paghakbang ang aking mga paa. "Ha? Ipapa-check up mo ako? Bakit?!"


Yamot siyang humarap sa akin. Ang makakapal at itim na itim niyang mga kilay ay halos magbuhol sa pagkakasalubong.


Napalunok ako sa naghahalong gulat at pangamba. Paano kung hindi pala ako buntis? Paano kung madiskubre ng doktor na hindi talaga at false alarm lang pala? "S-sandali! Naiihi ako," pagdadahilan ko.


Napahilot siya sa kanyang sentido. "Bilisan mo." Dinala niya ako sa CR.


Tumango ako. Pagkapasok ko ng banyo ay nag-isip-isip muna ako. Kailangan kong makatakas kundi ay talagang papatayin niya na ako kapag nalaman niyang kasinungalingan lang ang aking pagbubuntis.


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto palabas at sinilip kung nandoon pa siya. Sakto namang nakatalikod siya at may kausap sa cellphone.


Sumalisi ako gamit ang magaang mga hakbang. Humalo ako sa ibang mga tao na nagdaraan sa hallway. Hinanap ko agad ang lobby. Nang makita ko ito ay lumabas ako at nanakbo palayo.


Subalit nakakailang hakbang pa lang ako nang tawagin niya ako. "Come back here!"


Hindi ko na siya nilingon dahil alam ko naman na siya iyon. Nahagip ng paningin ko na nananakbo na siya palapit sa akin kaya naman lalo kong binilisan ang aking pagtawid sa kalsada.


Nakatawid na ako nang bigla akong makarinig ng malakas na preno at kalabog sa aking likod. Nang lumingon ako nakita ko na nagkakagulo roon ang mga tao. Napanganga ako nang makita ang dahilan.


Nasagasaan pala si Pocholo!


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top