CHAPTER 3

CHAPTER 3

NAKAKRUS ANG mga braso ni Jergen habang hinihintay na lumabas ang boss niya sa sasakyan nitong nakasara na ang bintana. Mag-iilang minuto na rin ito sa loob at hinihintay niyang lumabas dahil iyon ang sabi nito.

"Anytime now, Boss," she whispered while tapping her foot on the ground.

Ano ba ang ginagawa ng lalaking 'yon sa loob? Goodness. Is he doing some weird stuff again?

Akmang kakatukin na niya ang bintana ng sasakyan nang bumukas ang driver's seat at lumabas si Lysander doon.

"Namumutla ka, Boss," komento niya habang nakatingin dito.

Napahawak ito sa hood ng kotse na parang nanghihina, saka tumingin sa kanya. "Ayos lang ako." He tried to smile.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" nagtatakang tanong niya.

"I'm fine." Umayos ito ng pagkakatayo, saka ngumiti. "See?"

Umikot ang mga mata niya. "Fine. Now leave, Boss."

"No way." Lumapit ito sa kanya, saka hinawakan siya sa kamay at hinila papasok sa condominium.

Nang makapasok, agad siya nitong hinila papasok sa elevator. "What floor, Jergen?" tanong nito.

"Tenth," sabi niya habang pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Bakit ba nararamdaman niya iyon? Matagal na niyang ibinaon sa limot ang atraksiyong nararamdaman niya para sa boss niya. At ngayon, hinawakan lang siya sa kamay at ang puso niya ay nagri-react na agad. What was happening to her?

"Nandito na tayo," sabi ni Lysander.

Hindi namalayan ni Jergen na nakarating na sila sa tenth floor at nakalabas na rin ng elevator.

Napakurap-kurap siya. "Oh."

"Yeah. So, what room?"

Nauna na siyang naglakad patungo sa pinto ng condo niya. Gamit ang key card ay binuksan niya 'yon. Itinulak niya ang pinto pabukas at humarap siya sa boss niya.

"Salamat sa paghatid. Good night. "Pumasok na siya at akmang isasara ang pinto nang itulak iyon pabukas ni Lysander at pumasok ito.

"I believe we still have a wine to drink," sabi nito, saka parang pag-aari ang condo niya na naglakad patungo sa sala at umupo sa mahabang sofa, saka binuksan ang TV.

Tumaas ang kilay niya. "Boss?"

"Hmm?"

"Ipapaalala ko lang, hindi mo bahay 'to," sabi niya.

Nilingon siya nito. "This is given by the company to you, baby, so partly, it's mine."

Umawang ang mga labi ni Jergen kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig dahil nasisiguro niyang hindi iyon gawa-gawa ng imahinasyon niya.

Did he just call her baby?

Itinikom niya ang nakaawang na bibig, saka tumikhim para kumalma ang dibdib niya. "Boss?"

"Yes?"

"Did you just call me baby?"

He glanced at her. "I did." Amusement danced in his eyes. "Didn't I?"

Now this is awkward. Nag-iwas siya ng tingin. "Ahm..." Tumikhim siya, saka itinuro ang kuwarto niya. "Doon lang ako."

Habang naglalakad, narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki. Napailing-iling na lang siya, saka pumasok sa kuwarto.

Kung ano man ang narinig niya na itinawag sa kanya ni Lysander ay kailangan na niyang kalimutan. It wasn't healthy for both of them, especially at work.

Nang makapagbihis ng pambahay, lumabas si Jergen ng kuwarto niya habang dala-dala ang wine na kinuha niya kay Lysander. Nagpunta siya sa kusina at kumuha ng dalawang wineglass. Kapagkuwan ay nagtungo siya sa sala kung saan nanonood pa rin si Lysander.

"Hey, Boss," sabi niya, saka umupo sa kabilang dulo ng mahabang sofa at iniabot dito ang wineglass na may laman nang kalahating wine. "Here."

Tinanggap iyon ni Lysander, saka sumimsim habang matamang nakatingin sa kanya.

"Bakit ka nakatingin sa akin nang ganyan?" naiilang na tanong niya pagkatapos sumimsim din ng wine sa wineglass.

Pinaikot-ikot nito ang lamang wine sa wineglass habang mataman pa ring nakatitig sa kanya. "Bakit masama bang tingnan ka?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi naman."

"Hmm..." Ilang segundo itong natahimik bago nagsalita uli. "You know, hindi mo magagawa sa ibang boss ang ginagawa mo sa akin."

Ibinalik niya ang tingin dito. "Alam ko, kaya nga hindi ako nagre-resign kahit sobrang stress ko na." May munting ngiti na gumuhit sa mga labi niya. "It's not every time that a secretary can insult her boss for being so darn lazy."

He chuckled. "Yeah? And you like insulting me?"

"Pretty much." Uminom si Jergen ng wine. "I get to insult my boss, I get to learn a thing or two about being a secretary slash president of a company, I have a high paying job, I have extra pay because you're darn lazy to do things on your own and above of it all, I can finance my family because of my job." Ngumiti siya. "Sinong aayaw maging secretary mo kung marami akong benepisyong nakukuha?"

Inagaw nito ang wien bottle na hawak ng isa niyang kamay, saka nagsalin ito sa sariling wineglass na wala nang laman.

"Pero bilang empleyado mo, Boss, masasabi kung ang tamad-tamad mo talaga kahit kailan. Wala kang pinagbago," dagdag niya. "Limang taon na akong nagtatrabaho para sa 'yo pero mabibilang ko lang ang mga araw na pumapasok ka. I'm even shock that Callahan Real Estate still survive through the years."

"Because I'm awesome," sabi nito na para bang dagdag points iyon para sa sales at stocks ng kompanya.

Inirapan niya ito. "Actually, ako ang awesome, hindi ikaw. Huwag kang ambisyoso, Boss."

Sanay na siya sa sagutan nilang ganoon ni Lysander. This was what made them comfortable with each other. Sanay na siyang iniinsulto ito palagi dahil alam niyang hindi naman iyon dinidibdib ng lalaki.

"Oo na." Umiling-iling si Lysander. "Ikaw na."

"Ako naman talaga." Mahina siyang natawa. "Ako pa, ako yata ang nagpapatakbo ngayon sa kompanya mo. Dapat nga increase-san mo ang sahod ko, eh. Too much load na ako bilang sekretarya mo. Dapat 'yong sahod mo, akin na rin."

Hindi maipinta ang mukha nito. "Kaya nga 'di ba binawasan mo na ang sahod ko? You're not even allowed to do that, but hell, you're doing it anyway. Maybe I'll fire every employee in the Accounting Department. Trabaho nila ang tinatrabaho mo, eh." Umiling-iling ito na parang naiinis sa kanya. "Bakit ko ba pinirmahan ang payroll na 'yon? Wala na akong panggasolina nito."

"Boss, baka nakakalimutan mong ipinatanggal mo ako sa payroll na tinatrabaho ng Accounting Department kasi gusto mong ako mismo ang gumawa ng sarili kong payroll na kasama ka." She rolled her eyes. "At puwede ba, Boss, hindi bagay sa iyo yang paawa effect. Ang alam ko namang kahit wala kang sahurin, may pera ka pa rin."

Nawala ang inis sa mukha ng lalaki, saka mahinang natawa. "You know me too well, baby."

Bumilis ang pintig ng puso niya. There's that baby again. Am I hearing him wrong or was I right?

Pareho silang natahimik na dalawa hanggang sa magsalin na naman ng wine si Lysander sa champagne glass nito.

"Magmamaneho ka pa pabalik, Boss. Huwag kang uminom nang marami," paalala niya.

"I'll be fine," sabi nito, saka ininom ang wine na inilagay sa champagne glass. At mukhang hindi pa sapat iyon, ininom nito ang natitira pang wine sa bote.

Nalukot ang mukha niya. "Ayos ka lang ba, Boss?"

"Have you seen my passport, Jergen?" sa halip ay tanong nito.

Lalo siyang naguluhan sa tanong nito. "What?"

"And have you seen my passbooks?"

Napailing-iling siya. Nalasing na yata 'to. "'Yong passport mo kasama siya sa mga passbook mo. Nasa may kulay-dark blue na maliit mong cabinet sa gilid ng walk-in closet mo. Doon ko iyon inilagay noong pinakisuyuan mo akong mag-deposit ng pera sa bangko pagkatapos mong umuwi galing Colorado."

"Oh." He rested his feet on the center table. "You knew me too well, baby. Too well."

"Yes, I do," sabi niya, saka tumingin dito. "Boss, limang taon na akong nagtatrabaho para sa 'yo. Lahat na yata ng tungkol sa' yo ay alam ko na. Alam kong kapag umiinom ka ng tequila, ayaw mo ng asin at garnish, gusto mo pure. Alam ko ring allergic ka sa polyester kaya cotton ang lahat ng damit mo kahit ang loob ng mga tuxedo mo. Alam ko ring kapag kumakain ka ng burger, inaalis mo 'yong lettuce, tomato at iba pang gulay kasi ayaw na ayaw mo sa gulay dahil ang tawag mo sa kanila ay damo. At alam ko ring kapag birthday mo, ayaw mo ng malaking cake, gusto mo cupcake lang kasi selfish ka at ayaw mong may kumakain sa birthday cake mo kundi ikaw lang."

He looked at her. "Kilalang-kilala mo na talaga ako, 'no?"

"Oo." Tumango siya habang sinasalubong ang tingin nito. "At ikaw rin ang pinakatamad na lalaking nakilala ko."

Mahina itong natawa. "At ikaw ang pinaka-bossy kong secretary. At ikaw lang ang sekretarya kong iniinsulto ako. But I kinda like you insulting me, at least I know you're real and not fake." He glanced at her. "That's what I like about you, you never lie to me. Sinasabi mo sa akin kung ano'ng laman ng isip mo kahit negatibo pa 'yon."

Pumintig nang mabilis ang puso niya. He liked her? "Umuwi ka na nga, Boss, gabi na. Lasing ka na yata, eh."

Nanatili itong nakatitig sa kanya. "Do you have a boyfriend, Jergen?"

Tumaas ang kilay niya sa tanong nito. "Bakit ka naman nagtatanong? Personal 'yon."

"Sagutin mo na lang ako."

"Wala."

"Nagkaroon ka na ng boyfriend noon?"

"Oo."

Nagdilim ang mukha nito. "Sino? Ipapa-assassinate ko."

Inirapan niya ito. "Wala 'yon. Kaklase ko noong college sa probinsya namin. Nakipag-break ako kasi ayoko ng long distance relationship nang makipagsapalaran ako rito sa Manila."

"Mas guwapo sa akin?"

Mahina siyang natawa sa tanong ni Lysander. "Boss, you do realize that you look like a freaking model."

"Yes." May pagmamalaki ang boses nito. "Yes, I am."

Jergen rolled her eyes. "And here goes the ipuipo of boastfulness."

Sa halip na sumagot, tumawa lang ito at dumausdos ng higa sa mahabang sofa habang nakapikit ang mga mata. Hanggang sa ang ulo nito ay nakaunan na sa hita niya.

Nalukot ang mukha niya. "Boss, ano ba, huwag ka ngang magbiro diyan. Bumangon ka na nga."

Akmang yuyogyugin niya ang balikat nito nang marinig niya ang mahina nitong paghilik.

"What the..." Hindi niya natapos ang sasabihin, saka napailing-iling na lang. "Matulog ba naman sa sofa at ginawa pang unan ang hita ko." Napabuntong-hininga siya. "Dapat may bayad 'to, eh."

Bumaba ang tingin niya sa maamo nitong mukha na natutulog. Hindi niya maiwasang pakatitigan ang boss niyang ilang taon na rin niyang pinagnanasaan. Ngayong tulog ito, malaya niyang napagmamasdan ang guwapo nitong mukha.

This man was really handsome. Kaya hindi nakapagtatakang magkagusto siya rito.

But she knew better than to fall for her boss. Tiyak na mawawalan siya ng trabaho kung malalaman ni Lysander ang laman ng isip niya sa tuwing nakikita ito. Baka bumalik na naman siya sa cause of death; starvation. Kaya nga siya tumagal bilang sekretarya nito kasi ang alam nito ay platonic ang relationship nilang dalawa. Walang malisya. Pero heto at pinagnanasaan niya ito.

Alam niyang sinesante ni Lysander ang sekretaryang sinundan niya dahil nagkagusto ang babae rito at ayaw niyang mangyari 'yon sa kanya.

Napabuntong-hininga si Jergen, saka hinaplos ang noo nito. Sinuklay niya ang buhok nito habang nakatitig siya sa mukha nito. "Bakit naman kasi ang guwapo mo?" pabulong niyang tanong.

Bigla na lang nagmulat ng mga mata ni Lysander dahilan para tumigil ang paghinga niya at manlamig ang buong katawan niya. Narinig ba nito? She was so close. Of course, he heard her!

Then he smiled. "It's in my genes, baby."

Umawang ang mga labi niya. "Oh... my..." halos manlamig ang buo niyang katawan at parang sasabog ang dibdib niya. "Boss..."

He grinned. "And it's also God's gift to women—"

Bigla siyang tumayo na para bang napaso siya sa kinauupuan dahilan para mahulog si Lysander sa sofa at tumama ang ulo at likod nito sa sahig.

"Ouch! Fuck!" Mabilis itong tumayo, saka pinukol siya ng masamang tingin. "Is that the right way to treat your boss? Fuck! Nabali yata ang ribs ko."

She glared back at him. "Hindi! Pero hindi rin naman tamang magtulog-tulugan ka!" Hindi niya napigilang sigawan ito, lalo na't nag-iinit ang pisngi niya sa hiya. "Are you making fun of me, Boss?"

"Of course not! And I think we're even," sagot nito na masama pa rin ang tingin sa kanya. "Nauntog ang ulo ko sa semento at nabali yata ang ilang ribs ko." Nakangiwi ito habang hinahaplos ang likod ng ulo.

Gusto niyang bulyawan ang lalaki sa ginawa nitong pagtutulog-tulugan pero mas namayani ang pag-aalala niya sa ulo nito.

Mabilis siyang kumuha ng cold compress sa ref, saka bumalik agad sa sala.

"Ayos ka lang ba?" Nilapitan niya si Lysander, saka pumuwesto siya sa likuran nito at inilapat ang cold compress sa likod ng ulo nito. "Masakit pa ba? Ikaw naman kasi, Boss, eh," paninisi niya. "Huwag mo kasi akong ginugulat. Hayan tuloy, nagkabukol ka na."

"That's okay," sabi nito, saka inagaw ang cold compress na hawak niya at bigla na lang humarap sa kanya. "Hindi mababawasan ng bukol na iyan ang kaguwapuhan ko."

Nag-angat si Jergen ng tingin sa lalaki at lihim siyang napalunok nang mapansing ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nilang dalawa. At nang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya, parang nanuyo ang lalamunan niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan sa hindi malamang kadahilanan kahit gustuhin niya.

"You owe me," sabi nito habang nakatingin pa rin sa mga labi niya. "Una, binuksan mo ang bintana ng kotse ko kahit ayaw ko. Pangalawa, hinulog mo ako sa sofa at iniuntog mo pa ang ulo ko sa sahig—"

"Hindi ko naman sinasadya 'yon, Boss." Naiinis na sumimangot siya. "Sorry na. Actually kasalanan mo naman talaga, eh."

"Hindi sapat ang sorry mo para sa bukol ko." Lalong lumalapit ang mukha ni Lysander sa mukha niya. "That requires an extra payment, Jergen."

She gulped and frowned. "Extra payment?"

"Yes, baby," he whispered. "And this will do." With that, he pressed his lips on hers.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top