CHAPTER 4
CHAPTER 4
"THIS IS TONIGHT?" tanong ni Jergen sa babaeng nagbigay sa kanya ng invitation para sa business party na gaganapin mamayang gabi at imbitado ang boss niya.
"Yes, Ma'am." Ngumiti ang babae.
"Sino-sino ang dadalo?"
"Confidential po ang mga businessmen na dadalo sa pagtitipon. And I'm not allowed to disclose it to a mere secretary."
Nakaramdam siya ng pagkainsulto kaya tumaas ang kilay niya. "Well, this secretary will not give this invitation to her boss if you won't tell me," pagtataray niya. "At mukhang isa sa mga importanteng tao sa pagtitipon ang boss ko, and trust me, my boss doesn't like this kind of lavish parties."
Tumaas ang kilay ng babae. "We will call Mr. Callahan." May pananakot sa boses nito.
Jergen smiled. "Be my guest, Miss." Iminuwestra niya ang kamay sa elevator. "You can leave now."
Inirapan siya nito, saka malalaki ang hakbang na pumasok sa elevator.
Umirap si Jergen nang mawala ang babae sa paningin niya. Ayaw na ayaw niya talaga sa mga taong ito na nga ang may kailangan, ito pa ang nagmamataas.
Bumuntong-hininga siya, saka umupo sa upuan niya sa harap ng mesa. Nag-iisip siya kung tatawagan ba niya ang boss niya o pupunta siya sa Bachelor's Village. Pero tuwing naiisip niya ito, bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi.
That kiss... Her cheeks heated up. Good heavens. What happened last night should never have happened!
Huminga siya nang malalim, saka napatingin sa elevator nang tumunog 'yon at bumukas.
Bahagyang namilog ang mga mata niya nang lumabas mula sa elevator ang boss niyang walang iba kundi si Lysander Callahan. He was wearing a very expensive suit and he looked formidable in it as he walked like he owned the place. Well, he did own the place. And she couldn't help but to admire how gorgeous he was in his suit.
But what the hell? He's actually here?
Napakurap-kurap siya. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya itong naglalakad papasok sa opisina.
Hindi ito nagsalita. Nang magtama ang mga mata nila, kinindatan lang siya, saka pumasok sa opisina nito.
Her mouth was still opened in shock. The hell? Her boss was here? Ano ang nakain nito ngayong araw at pumasok ito?
Nagmamadali niyang sinundan si Lysander sa opisina nito, saka natigilan sa paglalakad nang makitang nakaupo ito sa swivel chair. Hindi siya sanay na nakikitang nakaupo ito roon.
"Shock?" he asked.
Itinikom ni Jergen ang nakaawang na bibig. "You have no idea."
Nag-angat ito ng tingin sa kanya at hindi nakatakas sa paningin niya ang pagbaba ng mga mata nito sa mga labi niya at ang kakaibang kislap ng mga mata nito.
Nag-init ang pisngi niya. Naalala ba nito ang halik na 'yon kagabi?
Shit!
"So..." Humugot ang lalaki ng malalim na hininga. "What do you need me to do?" tanong nito. "I'm here and I feel like working my ass off today."
Naguguluhan at nagtataka pa rin siya habang nakatingin dito. "Ano nga ang nakain mo, Boss at pumasok ka?"
"It's not what I ate." May pilyong kislap sa mga mata nito. "It's what I tasted last night." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Damn your lips taste sweet—"
"Shut up, Boss." Namumula ang pisnging pinandilatan ni Jergen ang lalaki, saka itinuro ang steel cabinet na nasa gilid ng opisina nito. "First drawer, sign those papers. I already read them and all you need is sign them. Sa second drawer, nandiyan ang layout ng mga bahay na ginawa ng mga architect sa Architectural Department. There are fifty of them. Tingnan mo lahat at mamili ka ng treinta piraso para maipasa ko na 'yon sa Construction Department. Nasa ikatlong drawer ang reports ng sampung construction firm na sister company ng Callahan Real Estate. Kailangan mo ring pirmahan ang mga 'yon. And the last drawer, nandiyan ang lahat ng papeles na dumaan sa akin sa dalawang linggong absent ka. I-review mo, 'tapos ibalik mo sa akin para maayos ko kung may dapat pang ayusin."
Nakanganga lang si Lysander sa kanya habang nagsasalita siya. Parang hindi ito makapaniwalang nakatingin sa kanya. "May balak ka bang patayin ako sa trabaho ngayong araw?"
Matamis siyang ngumiti. "Why would I do that to you, Boss?"
Tumalim ang mga mata nito. "Are you trying to get even with me, Miss Secretary?"
Inosente niya itong nginitian. "I don't know what you're talking about, Boss." Nginisihan niya ito, saka lumabas na siya sa opisina nito.
She would take advantage of her boss being present today. Minsan lang 'tong mangyari kaya dapat lubos-lubosin na niya. Who knows kung kailan naman ito papasok.
Umupo si Jergen sa kanyang upuan at inangat ang telepono, saka tinawagan ang bawat departamento sa loob ng kompanya para ipaalam na pumasok ngayon ang big boss. At kung may papipirmahan, ngayon ang tamang oras baka absent na naman ito bukas.
Masaya siyang napangiti nang matapos niya ang tawag at isa-isang nagsidatingan ang mga head ng bawat departamento at may mga dalang papipirmahan kay Lysander.
At dahil lahat ng may kailangan ay pinapaderetso niya sa boss niya, ang tanging ginawa niya lang ay tumanggap ng tawag at mag-set ng appointments.
She was smiling happily and humming when her boss got out from his office, looking broody and annoyed.
Nginitian niya ito. "Hi, Boss."
He glared at her. "Don't fuck with me, Jergen. I'm pissed!"
Nanatili ang ngiti sa mga labi niya. "Ano ba'ng ginawa ko?" inosente niyang tanong.
"You know exactly what you did," galit nitong sabi. "Halos hindi ko na alam ang gagawin sa loob sa dami ng trabaho ko at sumabay pang nagsidatingan ang head ng mga department para magpapirma!"
Nagmaang-maangan siya. "Nope. Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi mo, Boss."
He took a threatening step towards her. Nang makalapit ito sa kanya, halos mapugto ang hininga niya nang ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha nila.
"What you did requires an extra payment, baby," sabi nito na matiim na nakatitig sa kanya, kapagkuwan ay bumaba ang tingin sa mga labi niya.
She saw desire in his eyes. Bumilis ang tibok ng puso niya. "Boss, don't you dare kiss—"
Hinuli ng mga labi nito ang mga labi niya at mapusok siyang hinalikan. Sa takot na baka may makakita sa kanila, pilit niyang itinutulak palayo si Lysander kahit pa nga nagugustuhan niya ang kiliti na hatid ng paggagad ng mga labi nito sa mga labi niya.
"Boss—"
Lalo nitong diniinan ang paghalik sa kanya, saka niyapos ang baywang niya at hinapit siya palapit.
Itutulak sana niya ito uli nang tumunog ang cell phone nito. Nakahinga siya nang maluwang nang pakawalan nito ang mga labi niya pero hindi ang pagkakayapos sa baywang niya.
"Huwag kang gagalaw," bulong ni Lysander, saka kinuha ang cell phone sa bulsa at sinagot ang tawag. "Yes, speaking."
He kissed her again, this time she didn't spoke to stop him. Baka marinig ng nasa kabilang linya. Nanatili siyang tahimik at tinanggap ang masarap na pakiramdam ng halik nito. She even close her eyes not to savor his kisses but to stop herself from feeling pleasure.
Damn, his kisses feel good.
"Yes. No, hindi ko pa natanggap," Lysander said in between kissing her lips, to her chin, down to the side of her neck.
Nahigit ni Jergen ang hininga nang maramdaman ang kuryenteng dumaloy mula sa puson niya pababa sa pagkababae niya.
Oh, God... why was she feeling wet down there?
He nipped and licked the skin on her neck making her whimper quietly. Napahawak siya sa balikat ni Lysander nang bahagya nitong kagatin ang balat sa leeg niya at paglandasin ang dila dahilan para lalong maramdaman niya ang pagkabasa sa gitnang bahagi ng mga hita niya.
"Yes, it would be my pleasure," Lysander said between kissing her neck. "Oh?" Sa wakas ay tumigil na ito sa ginagawa sa leeg niya at bahagyang binigyang pagitan ang mga mukha nila. "Jergen, open your eyes, honey."
Dahan-dahan niyang iminulat ang mariing pagkakapikit sa mga mata na dala ng estrangherong sensasyong ipinaparamdam nito sa kanya na hindi niya mapigilan. "A-ano 'yon?" nautal niyang sabi habang kapos ang hininga.
Tinakpan nito ang mouthpiece ng cell phone, saka nagtatanong ang mga matang nagsalita. "Tinarayan mo raw iyong organizer ng business party mamayang gabi?"
Natakpan ng inis ang kakaibang sensasyong nararamdaman kani-kanina lang. "Oo. Bakit? Nagsumbong sa 'yo?"
He nodded. "Yep."
"She called me a mere secretary."
"Oh." Realization dawn on his face then he spoke to the other line. "She insulted my secretary too," he paused, his face growing darker every seconds. "No. She's not saying sorry. At kapag may sinabi pa siyang masama tungkol sa sekretarya ko, mawawalan siya ng trabaho kaya huwag niya akong subukan." Pinatay nito ang tawag, saka ibinalik ang cell phone sa bulsa at ibinalik ang atensiyon sa kanya. "Now, where were we?"
Mabilis siyang humakbang paatras, palayo rito. "No, Boss, you're not kissing me again."
"Why not?"
"Because!" Pinandilatan niya ito. "Hindi ito tama."
"Sino'ng nagsabi?"
"Ako." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Saka marami ka pang trabaho—"
"Kapag natapos ko ba ang trabaho ko, magpapahalik ka na sa 'kin?"
Namula ang pisngi niya. "Lysander!"
Mahina itong tumawa. "Now that's a first... palaging boss ang tawag mo sa 'kin, eh."
Inirapan niya ito. "Tigilan mo ako, Boss."
"Nope." Humakbang uli ito palapit sa kanya, may kakaibang kislap ang mga mata. "I want to kiss you so I'm kissing you."
"Tigilan mo sabi ako, eh!" naiinis niyang sabi kasi nararamdaman niyang nadadarang na siya.
"No."
"Lysander!"
"Honey,"
"Don't call me that!"
"Baby."
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Hindi mo talaga ako titigilan? Ano ba ang kailangan mo sa 'kin, Boss, ha?! Is this some kind of a test?! Stop it... stop this now! Hindi na ako natutuwa! Hindi!"
Tumigil ito sa paglapit sa kanya, saka tumuwid ng tayo. "Fine. I'll stop now."
Nakahinga si Jergen nang maluwag. "Bumalik ka na roon sa loob ng opisina mo."
Nawala ang emosyon sa mukha nito. "I'm your boss, Miss Camince, so don't boss me around like I'm your employee." Pagkasabi n'on ay tinalikuran siya nito at pumasok na sa opisina.
Pabagsak siyang naupo sa upuan niya, saka lumapat ang mga daliri niya sa mga labi niya at gumapang iyon pababa sa baba niya hanggang sa leeg kung saan siya hinalikan kanina ni Lysander.
Nararamdaman pa niya ang mainit nitong paghalik. She liked it. She liked it very much! Pero ayaw pa rin niya. Limang taon na siyang nagtatrabaho para kay Lysander. Alam na niya ang likaw ng bituka nito pagdating sa mga babae. Marami na siyang babaeng nakitang umiyak nang dahil dito. Kaya nga pinili niyang itago ang atraksiyong nararamdaman dahil sa pagiging babaero nito.
She knew him too well when it came to women. She knew him too well not to trust him.
Kaya naman ayaw niyang magpadarang sa masarap na sensasyong ipinaparamdam nito sa kanya. She'd end up like his other women before, in the gutter, bleeding and crying. At hindi niya hahayaang mangyari 'yon sa kanya at iyon ay kailangan niyang ipaintindi rito.
Huminga si Jergen nang malalim, saka nagtimpla siya ng kape at hinatid iyon sa loob ng opisina ni Lysander.
"Here, Boss," sabi niya.
Tumango lang ito, saka nagpatuloy sa pagtatrabaho. Kaya naman humakbang siya paatras, tumalikod, saka naglakad palabas ng opisina.
Bumalik siya sa mesa niya, saka ipinagpatuloy ang pagtatrabaho hanggang hapon. Pareho silang hindi kumain ng boss niya. Nang sumapit ang alas-singko ng hapon, gutom na gutom na siya kaya naman pumasok siya sa opisina ni Lysander.
"Boss, kakain ka ba—" Napatigil siya sa pagsasalita nang makitang nakasandal ito sa likod ng swivel chair at mahimbing na natutulog. Napailing-iling siya. And here she thought he was working his ass off.
Napabuntong-hininga siya, saka nilapitan ang lalaki at ginising. "Boss, pagabi na," sabi niya habang niyuyugyog ang balikat nito. "Gising na."
Slowly, his eyes opened then he frowned. "What?" Dinig na dinig niya ang iritasyon sa boses nito.
"Gabi na," sabi niya. "Umuwi na tayo. May pupuntahan ka pang party, 'di ba?"
"Oh. Akala ko papatayin mo ako sa trabaho." May sarkasmo sa boses nito. "At hindi mo man lang ako pinakain."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Akala ko kasi galit ka kaya hindi na ako nag-abala."
"I was starving, Jergen. You could have at least feed me! Alam mo bang ang dami kong trabaho, 'tapos ginutom mo pa ako!"
"Parang galit ka sa 'kin kanina, eh..." nakasimangot niyang sabi. "Saka nagugutom din naman ako, ah. Pareho lang tayong hindi kumain kasi ang arte mo kanina."
He sighed, then got up. "Come on. Let's eat." Hinawakan siya nito sa kamay, saka hinila palabas. "Nagugutom na talaga ako."
Habang pababa ang elevator, magkahawak ang kamay nilang dalawa at mas bumibilis ang tibok ng puso niya.
Nang makalabas sila ng elevator, hawak pa rin ni Lysander ang kamay niya hanggang makapasok sila sa kotse nito. Lihim siyang napangiti nang makitang ibinaba nito ang bintana sa passenger seat para sa kanya. Mukhang naalala nito na ayaw niyang nakakaamoy ng aircon.
"Sakay na. Kakain tayo," wika ng lalaki.
Binalingan niya ito. "Akala ko galit ka sa 'kin."
"I still am, actually."
"Kung ganoon bakit mo ako pinapasakay sa kotse mo?"
"Kasi gusto kitang halikan sa loob kaya pumasok ka na bago pa kita halikan dito sa labas."
Namilog ang mga mata niya. "Lysander!"
He chuckled. "There's my name. Sounds good when you say it."
Inirapan niya ito. "Tigilan mo na ako, Boss. Hindi ka na nakakatuwa."
Sa halip na tigilan siya, humakbang ang lalaki palapit sa kanya, saka ipinalibot ang mga braso sa baywang niya at niyakap siya nang mahigpit.
Kumabog na naman nang mabilis ang puso niya habang yakap siya ni Lysander. Hindi na siya magtaka kung marinig nito ang tibok ng puso niya sa lakas ng tibok niyon.
"Boss—"
"Call me Lysander." It wasn't a request, it's more like a command. "Nakakarindi na sa tainga ang katatawag mo sa 'kin ng boss."
Para siyang mabibingi sa lakas ng tibok ng puso niya. "Boss—"
"It's Lysander, Jergen. Ly-san-der."
"L-Lysander," mabilis ang tibok ng puso niyang sambit. "Okay na? Bitawan mo na ako."
"Nope." Mas humigpit pa ang yakap nito. "Just a little longer."
"Minamanyak mo na ako, Boss." sabi niya para mawala ang kabang nararamdaman niya. "Tama na 'yan."
Mahina itong tumawa, saka pinakawalan siya sa pagkakayakap at tumingin sa kanya. "Hiking tomorrow?"
"Yeah, sure," sabi niya na hindi pa rin maka-move on sa pagyakap sa kanya ni Lysander. Her heart was still hammering inside her chest.
"No payment needed?"
Inirapan ni Jergen ang lalaki. "'Yan ang hindi mangyayari, Boss." Sumakay siya sa kotse nito, saka hinintay itong makaupo sa driver's seat. "Ihatid mo na lang ako sa bahay," sabi niya nang makasakay ito. "Doon na lang ako kakain. Saka ikaw mag-aayos ka pa para mamaya sa party."
Napabuntong-hininga ito nang banggitin niya iyon. "Actually, I don't want to go."
"Pero kailangan kaya pumunta ka na. Sobrang katamaran na 'yan, Boss."
Umiling-iling ito habang nagmamaneho. "I'll get bored there. Hindi kita kasama, eh."
Nalukot ang mukha niya. "Ano'ng tingin mo sa 'kin, clown?" Inirapan niya ito. "Saka huwag mo akong idamay-damay sa party na 'yan. Busy ako ngayong gabi."
"At bakit?"
"Manonood ako ng Avengers na cartoons."
Napapantastikuhang sumulyap sa kanya ang lalaki. "Pinapatulan mo 'yon? Goodness, baby, you're not a kid anymore."
Jergen rolled her eyes. "It's fun to watch."
Napailing-iling na lang ito, saka itinigil ang kotse sa harap ng condominium building niya. "Malapit lang pala dito sa opisina ang condo mo."
"Yeps." Binuksan niya ang pinto ng kotse. "Have fun in the party, Boss."
Lysander rolled his eyes. "I won't have fun, unless..." he grinned, "... you come with me."
"Nah-ah." Umiling pa siya, saka nginisian ito. "May the force be with you, Boss."
Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Lysander. "Really? Star Wars?"
Tumawa siya. "Yes."
"And? Wala ka nang ibang alam o sasabihin para hindi ako ma-bore mamaya sa party?"
Kumurap-kurap siya, nag-iisip, kapagkuwan ay napangiti. "Avengers, assemble."
Lysander give her a bored look. "That's it?"
"You are the guardian of the galaxy."
Lysander shook his head. "Wala ka nang pag-asa, Jergen. Pang-mental ka na."
Mahina siyang natawa. "That's why you like me, Boss."
"Yeah." Matiim siyang tinitigan ni Lysander. "That's why I like you, Jergen."
Nagbaba siya ng tingin, saka lumabas na ng kotse nito para makaiwas. Para maiwasan din niya ang mag-assume ng kung ano-ano.
Lysander liked her as his secretary. Nothing more and nothing less. That kiss meant nothing. Kilala niya ang boss niya pagdating sa mga babae, tiyak na hindi ito seryoso sa kanya.
"Jergen?"
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. "Yes, Boss?"
"Have fun watching Avengers."
May gumuhit na munting ngiti sa mga labi niya. "Thanks, Boss."
He smiled, that kind of smile that could drop someone's underwear. "See you, baby."
Her heart skipped a beat. Hindi siya nakapagsalita hanggang sa makaalis ang sasakyan ni Lysander sa harap niya. Natulos siya sa kinatatayuan at paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang pagtawag nito sa kanya ng "baby."
Damn. Why am I so affected?
LYSANDER was bored to death. Ayaw niya sa mga ganitong party. Businessmen trying to win another businessmen's favor and on and on and on. Lahat plastic, lahat may mga hidden agenda at lahat may gustong makuha.
At hindi siya kasali sa mga 'yon. Kontento na siya kung ano ang mayroon ang kompanya niya. And anyway, he didn't need investors. His company could stand on its own.
"Mr. Callahan?" A woman's voice called his attention.
Nilingon niya ang babae. She's a beauty, but... "Hi." Ngumiti siya. "May I help you?"
Inilahad ng babae ang kamay. "I'm Klariza Dela Fuente, heiress of DF Shipping Lines."
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Lysander Callahan, owner of Callahan Real Estate and some other companies."
The woman smiled flirty at him. "It would be my pleasure to go to your place tonight."
Nanatili ang ngiti sa mga labi niya. "Sorry." He felt odd being with her. He didn't like it. "I, ahm..." Tumikhim siya. "I have somewhere else to be after here."
Halata ang disappointment sa mukha nito. "Oh. Maybe tomorrow?"
"Ahm..." Nag-iwas siya ng tingin. "I don't know. Not sure. I'm a busy man." Say what? I'm lazy for goodness' sake! "Excuse me." Tinalikuran niya ito, saka kinuha ang cell phone sa bulsa. Tinawagan ang kaibigan niyang may sagot sa katanungan sa isip niya.
"Callahan." Mukhang nagulat ang nasa kabilang linya sa tawag niya. "May emergency ba sa village? Is my house on fire? We're on vacation for goodness' sake!"
"Tyron, my man, I have a quick question."
"Shoot."
"I just declined a woman's invitation for a sexy erotic night." Hinilot niya ang sentido. "Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Hindi naman ako ganito noon, ah."
Mahinang tumawa si Tyron sa kabilang linya. "Welcome to Possessive Men's Club, buddy."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "What the fuck?"
"Deal with it, buddy." Pinatayan siya nito ng tawag.
Napatitig siya sa screen ng cell phone niya. "Anong deal with it?" Napabuntong-hininga siya, saka tinawagan ang sekretarya niya. Bored na siya at nasisiguro niyang malilibang siya nito.
"Hey, baby."
"Boss, huwag mong sirain ang gabi ko."
Napangiti siya nang tarayan na naman siya ni Jergen. He liked calling her baby. It seemed to him that that certain endearment was made only for her.
"How's your night?" tanong niya. "I'm so fucking bored."
"I'm watching Avengers beating up Ultron, Boss." Tumawa ito na parang siyang-siya. "Ang saya ng gabi ko."
"I'm bored, baby."
"Eh, di umalis ka diyan," suhestiyon nito na parang iyon ang pinaka-rational na gawin. "Hindi mo naman kailangan ang mga businessmen na 'yan."
"Hmm..." That was true. "Sige, pupunta ako diyan sa condo mo."
"What? At bakit?" Jergen sounded shock and scared at the same time. "No! Go home, Boss. Huwag mo akong istorbohin. Matutulog na ako actually."
Tumawa lang siya. "See yah, baby."
"No—"
"Bye, baby."
"Baby-hin mo ang mukha mo!"
Malakas siyang tumawa, saka pinatay niya ang tawag at nagmamadaling lumabas ng hall kung saan ginaganap ang party.
He have more important things to do than to party. Important like his secretary.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top