CHAPTER 2
CHAPTER 2
"JERGEN, kailangan na raw ng Marketing Department 'yong layout na inaprubahan ni President," sabi ni Catheya na ipinadala ng nasabing department.
"Jergen, ano na raw ang sabi ni Boss sa ipinadala ni Advertising Department?" sabi ni Susan.
"Jergen, 'yong report daw sabi ng Accounting Department, naaprubahan na ba ni President?" Si Danya.
"Jergen, 'yong lot transfer kay Mr. Hubella, napirmahan na raw ni Boss 'yon?" tanong ni Daisy.
"Jergen, nasaan na raw 'yong payroll para sa inyo ni President? At napirmahan na raw ba ni President 'yong ibang mga papeles para maipasok na sa account ng mga empleyado ang mga sahod nila?"
Gustong sabunutan ni Jergen ang sariling buhok habang sabay-sabay na nagsasalita ang mga empleyado sa harap niya.
Argh! Shit!
Parang sasabog ang ulo niya sa dami ng trabaho na kung tutuusin ay hindi naman sa kanya! Pero dapat relax lang siya. Ayaw niyang ma-stress nang maaga.
Breath in. Breath out. Then, she smiled. "I'll get back to you all. Just give me thirty minutes. Handa na ang lahat. Hahanapin ko lang sa table ko, okay?"
"Sige," sabay-sabay na sabi ng mga empleyadong nasa harap niya at nagsialisan na ang mga ito.
Napabuga ng malalim na hininga si Jergen. Mababaliw na siya kapag nagpatuloy pa iyon. Bakit naman kasi ang tamad-tamad ng boss niya? Ayaw pumasok at ang gusto lang ay ang mag-chill at relax.
Kahit naiinis at nai-stress na, hinanap niya ang mga kailangan at siya na mismo ang naghatid ng mga iyon sa mga departamentong nangangailangan niyon. Pagkatapos ay sinunod niyang trabahuhin ay ang mga report ng layouts para sa mga bahay. Kailangan niya iyong i-compile sa isang folder bago ipakita kay Lysander para aprubahan. Pagkatapos ay iniisa-isa niyang basahin ang mga report ng bawat departamento para tingnan kung kailangan ba ng pirma ng boss o kung hindi naman kailangan. Unfortunately, lahat kailangang pirmahan.
Napatigil lang siya sa pagtatrabaho nang may tumikhim sa harap ng mesa niya. Nag-angat siya ng tingin at kumunot ang noo nang makita ang isang delivery boy.
"May kailangan ka?" nakataas ang kilay na tanong niya.
Ngumiti ang lalaki at alam niyang pilit iyon. It was part of his job to smile at the customers. "Hi po. I'm Emman." May inilabas itong naka-pack na pagkain mula sa malaking bag na dala. "Heto po 'yong order na pagkain ni Mr. Lysander Callahan para kay Miss Jergen Camince. Nandito ho ba siya?"
Ipinakita niya ang Company ID. "That's me." Tumikwas ang isa niyang kilay. "Si Mr. Callahan ang nag-order?"
"Yes po. Binayaran na rin po niya."
Tinanggap ni Jergen ang iniaabot nitong plastic, saka binuksan. Nanubig ang mga bagang niya nang makita ang paborito niyang pagkain.
"Sige po, Ma'am, aalis na po ako. Maraming salamat po." Pagkasabi niyon ay umalis na ang delivery boy.
Siya naman ay kinuha ang cell phone at tinawagan ang tamad niyang boss na agad namang sumagot. Ang wala nga namang ginagawa.
"Boss—"
"Yes. I ordered for you," sansala ni Lysander sa iba pa niyang sasabihin. "I'm sure hindi ka pa kumakain."
"At paano ka naman nakakasiguro?" tanong niya na nakataas ang kilay.
"Because I called the cafeteria. Hindi ka pa raw kumakain do'n." Napalatak ito. "I'm getting worried, Miss Secretary. I don't want you to die in starvation."
Tumahip nang mabilis ang puso niya pero agad niyang sinaway iyon. He was just being his lazy boss, Lysander. This was what he did best. Pampering his employees.
"Marami akong trabaho, Boss, unlike you na—"
"Blah, blah, blah," putol nito sa sasabihin niya. "Alam kong tamad ako kaya huwag mo nang ulit-ulitin. I just don't feel like working, okay? And I'm your boss. Now, eat."
"Marami pa akong gagawin—"
"Eat," sabi nito na may diin. "Ang mahal niyang pagkaing in-order ko para sa 'yo. Babayaran mo 'yan baka akala mo libre. Bawas 'yan sa sahod mo, okay?"
Umikot ang mga mata niya. "You are a jerk, Boss."
"Yes, and you're so bossy. Now, eat then get back to work. Binabayaran kita para magtrabaho—-"
Pinatayan niya ito ng tawag, saka pinatay rin niya ang cell phone para hindi na uli makatawag ang tamad niyang boss.
Mabilis siyang kumain, saka bumalik agad sa trabaho kapagkuwan. Kailangan niya iyong tapusin kasi first Monday of the month na. Marami pa siyang reports na kailangang basahin bago iyon papirmahan kay Lysander.
Hindi namalayan ni Jergen ang oras. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niya mula sa glass wall ng opisina na madilim na sa labas.
"Gabi na?" tanong niya sa sarili, saka bumuga ng hininga. "Damn, ipagluluto ko pa pala si Boss."
Mabilis siyang tumayo, saka isinukbit ang tote bag niya sa balikat. Kinuha niya ang folder na may lamang papeles na papipirmahan niya kay Lysander at nagmamadaling sumakay sa elevator.
Sayang ang bayad niya. Lamang tiyan din 'yon.
NANG PAGBUKSAN si Jergen ng boss niya ng pinto, agad siyang pumasok sa loob ng bahay nito na katabi lang ng high tech nitong barn.
"Sorry late ako. Traffic, eh," sabi niya.
"It's okay." Isinara ni Lysander ang pinto sa likuran niya. "Anyway, nakahanda na ang ingredients sa kusina. Ikaw na ang bahala."
Humarap siya rito at ibinigay ang isang pirasong papel kung saan nakasulat ang babayaran nito sa kanya. "Six hundred fifty sa taxi kasi traffic, plus effort ko sa pag-upo sa taxi at sa mahaba kong pasensiya, one thousand na 'yan. Plus cooking skills ko, that's three thousand, Boss. And of course, ako pa ang maghahain at mag-aayos ng mesa kaya plus two thousand 'yon."
"Hmm..." Iyon lang ang narinig niya mula sa bibig ng lalaki.
Tumaas ang kilay niya. "Anything you want to say, Boss?"
Amusement danced in his deep brown eyes. "Nope. Nothing."
Inirapan niya ito, saka nagtungo siya sa kusina at inilapag ang bag niya sa gilid ng island counter. Nagsuot siya ng apron at nag-umpisa nang magluto.
Simpleng pork steak ang niluto niya na paborito ni Lysander at chicken ala king na isa rin sa mga paborito niya. Wala siyang pagpipilian sa putaheng lulutuin kasi nakabili na ng ingredients ang boss niya at may note pang nakadikit sa stove kung ano ang dapat lutuin.
"Done," sabi niya, saka nagtungo sa hapagkainan para naman ayusin ang mesa at maghain.
Nang matapos, hinanap niya si Lysander. Natagpuan niya ito sa sala—nakaharap sa laptop nito.
"Tapos na," sabi ni Jergen para kunin ang atensiyon ng laaki.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Great." Tumayo ito, saka ibinigay sa kanya ang hawak na laptop. "Here. Tapusin mo ang ginagawa ko. Kukuha ako ng champagne sa cellar."
Lukot ang mukhang tinanggap niya ang laptop. "May bayad 'to."
"Yes. I know." His boss said in a matter-of-fact voice, then left.
Siya naman ay umupo sa mahabang sofa at ipinatong ang laptop sa mga hita niya. Tiningnan niya kung ano ang ginagawa ng boss niya na pinapatapos nito.
Umawang na lang ang mga labi ni Jergen nang makitang may ka-chat ito. Iyon ang may-ari ng online shop na gumagawa ng customize sizes ng condoms. Yes. He knew the guy because she sometimes chatted with him to order Lysander's condoms.
The same size, Mr. Callahan? tanong ng ka-chat nito.
Siya ang nag-reply. Yes. Six point six circumference and the length is like a Durex XXL.
Nag-iinit ang pisngi niya habang nagre-reply. Goodness. This had always made her blush.
"How's this for a wine?"
Napaigtad si Jergen nang marinig ang boses ng boss niya. Agad siyang nag-angat ng tingin dito. "Huh?"
Ipinakita nito sa kanya ang wine. "From 1930. Like it?"
Tumaas ang kilay niya. "Bakit tinatanong mo ako?" Inalis niya ang laptop sa hita niya, saka inilapag sa center table at tumayo na. "Anyway, na-order ko na 'yong pinapa-order mo."
Sinusuri ni Lysander ang bote ng wine habang nagsasalita. "Nasabi mo ba ang exact size?"
Her cheeks burned. "Yes."
"Good. Because that fucking Durex XXL is really tight." He tsked, sounded annoyed. "I need something with a wider circumference. It's strangling my cock—" he paused and looked at her, lips parted. "Sorry for the too much information."
Nag-iwas siya ng tingin. "Ilang taon ko na ring alam 'yon, so no harm done."
Anong no harm done?! Halos umusok na siya sa sobrang init ng mukha niya! This was beyond awkward! This was super weird and super green. Green like erotic green.
"Okay." He took a very deep breath. "Anyway, I just want to ask..." He paused for a second. Kapagkuwan ay lumapit ito sa kanya, saka hinawakan siya sa pupulsuhan at hinila patungo sa hapagkainan. "So, ahm, my question is... how much would I pay to have a dinner with you?"
Lumipad ang tingin niya kay Lysander na matiim na nakatingin sa kanya. "A-ano?"
"Dinner. With you. How much?"
Umawang ang mga labi niya at napakurap-kurap siya. "What?"
Lysander rolled his eyes. "How much?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Boss, I'm only selling my skills not my free will."
"Oh." Bumaba ang tingin nito sa hapagkainan. "Looks like I'll be dining alone then."
Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Jergen. "Paano ang ka-date mo?"
"Not coming." Umupo ito sa upuan at tumingin sa kanya. "Go. I'll be okay. I'll wire the payment for your service tomorrow."
Parang biglang bumigat ang pakiramdam niya. She could feel it in herself that she didn't want to leave him. Kaya magandang ideya man ito o hindi, umupo siya sa kaharap nitong upuan at sinalubong ang tingin nito.
"This is free," sabi niya.
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Yeah? That's a first."
"Yes." She smiled. "Let's eat."
Lysander smiled and started eating.
Nasa kalagitnaan sila ng tahimik na hapunan nang may maalala si Jergen. Bigla siyang umalis sa hapagkainan at kinuha ang bag niya sa island counter at dinala iyon sa mesa.
"I got this for you, Boss," sabi niya, saka inilabas mula sa bag ang payroll nilang dalawa na kailangan nitong pirmahan para maipasok sa account nila ang sahod sa buwang nagdaan. "Sign it."
Tumigil sa pagnguya si Lysander. "Your boss..." Itinuro nito ang sarili. "And that's me, is eating. Show some respect."
Umupo siya, saka inilapag ang ball pen at papeles sa ibabaw ng mesa malapit dito. "Sign it, Boss. Eat later."
He gave her an arched look. "You're giving me orders now?"
Walang buhay ang mga matang tinitigan ni Jergen ang guwapong mukha ng kaharap. "Boss, gusto mo bang isa-isahin ko ang stress na idinulot mo sa akin sa dalawang linggong absent ka? At sa end of the month pa talaga kung kailan marami ang trabaho." Peke siyang ngumiti. "Now sign it."
Lysander grimaced. "Stop that smile."
"This fake smile will only go away if you sign that."
Bumuntong-hininga ito na para bang napakahirap ng ipinapagawa niya. "Ngayon na talaga?"
"Oo. Baka makalimutan ko mamaya. Kailangan na iyan bukas." Humalukipkip siya. "Kung ikaw hindi nangangailangan ng pera, ibahin mo ako. Kailangan ko ang sahod ko. May dalawang kapatid akong nag-aaral sa kolehiyo at may mga magulang akong sinusuportahan."
Lysander sighed heavily. "Yes, yes, I get it, Jergen. Don't poke my conscience anymore." Inis nitong pinulot ang papel, saka binasa. Kapagkuwan ay hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "Binawasan mo ang sahod ko?"
Nginiting aso ang itinugon niya rito. "I told you I will, Boss." Uminom siya ng tubig, saka matamis itong nginitian. "Two weeks kang wala last month, and that's fifty percent less."
Halos hindi maipinta ang mukha ni Lysander. "Kung ganoon bakit twenty five percent lang ng isang buwan kung sahod ang inilagay mo rito kung fifty percent ang bawas?"
"The remaining twenty five percent is for all the stress that you have given me last month." Lalong tumamis ang ngiti niya. "See below? 'Yong may pangalan ko? Yes, that. See? Iyong nawala mong sahod, nasa akin na siya kasi ako naman ang gumagawa ng trabaho mo. All you do is sign the papers. You don't even read them."
He scoffed. "It's your job to read them and it's my job to sign them."
She rolled her eyes. "So twenty five percent for you for signing the papers." Umiling-iling pa siya na may sarkasmong ngiti. "Signing papers is such a talent, Boss. Nakakaubos iyon ng ink ng ball pen. Round of applause for you."
Pinirmahan ni Lysander ang papeles, saka tumingin sa kanya. "You're insulting me again, Jergen. May I remind you na ako ang boss mo? Ako ang dahilan kaya may sahod ka buwan-buwan."
Inubos niya ang pagkain sa pinggan, saka tumayo at nginitian ito nang peke. "May I remind you din na dalawang linggo ka nang hindi pumapasok. Without me doing all your work, you'll be in the office working your ass off." Then she glared at him. "You're very much welcome, Boss." Kapagkuwan ay inilabas niya sa bag ang nabiling lubricant. "Here. Your lubricant. Have fun with that weird stuff." Inirapan niya ito, saka isinukbit ang bag sa balikat. Kinuha rin niya ang champagne na nasa ibabaw ng mesa. "At dadalhin ko 'to sa bahay. Tutal marami ka namang champagne sa cellar mo." Pagkasabi no'n ay malalaki ang hakbang na umalis siya sa hapagkainan.
Akala niya ay hindi siya sinundan ni Lysander dahil wala naman siyang narinig na yabag. Kaya naman nagulat siya nang may magsalita sa likuran niya habang binubuksan niya ang pinto palabas ng bahay.
"Hey."
Nilingon niya ito. "What?"
"I'll drive you home. Gabi na, baka mapano ka sa daan." Napakaseryoso ng mukha ni Lysander. Hindi siya sanay na ganoon ito.
"Okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko."
"No. I insist." Lumapit ito sa kanya, saka hinawakan na naman ang kamay niya at hinila siya palabas ng gate kung saan nakaparada ang sasakyan nito. "Sakay na."
May choice ba siya? Binuksan niya ang passenger seat at sumakay. Sumakay na rin ito sa driver's seat. Nang umusad sila, binuksan niya ang bintana, saka napapikit nang maramdaman niya ang hangin.
"Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Lysander kapagkuwan. "Itaas mo nga 'yong bintana. May aircon naman."
"Ayoko niyan." Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib. "Ihahatid mo ako, fine with me, Boss. Pero ang i-off mo ang aircon. I can't stand that."
He blinked numerable times before speaking. "No aircon?'
"Nope." Umiling pa siya para pumasok talaga iyon sa isip nito.
Humigpit ang hawak nito sa manibela at itinutok ang mga mata sa dinadanan nila. "Fuck. I'm gonna die later," he mumbled but she heard him.
Umikot lang ang mga mata ni Jergen. "Ang arte nito. Mas maganda 'yong fresh air, eh."
"Oo na," parang suko na nitong sabi. "Panalo ka na. Keep that freaking window open."
Nginitian niya ito nang sumulyap sa kanya. "Thanks, Boss."
"Yeah, yeah, pero may bayad 'yan."
Hindi na siya nagulat. "Ano naman ang bayad ko rito sa pagbukas ng bintana?"
May kakaibang kislap ang mga mata nito na agad ding nawala kaya hindi niya nabasa. "You'll see. We'll get there."
Sa halip na sagutin si Lysander, ihinilig na lang niya ang ulo sa gilid ng bintana para mas tumama pa sa mukha niya ang hangin. Nakakahiyang sumuka sa Lamborghini ng boss niya.
That would be a total disaster.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top