Chapter Twelve

Okay? Okay. 

 Ysrael's

PUMATAK na naman ang luha ko nang ilagay ng Mama ni Rina ang isang kwintas na may locket na puso sa mga palad ko. Inside the locket were my son's ashes. Kanina lang siya na-cremate at iyak nang iyak si Rina dahil hanggang ngayon ay hindi niya matanggap ang nangyari. All our families were there. My family, even my nieces and nephews were there to meet their cousin for the first and the last time. Kumpleto ang mga kapatid ni Papa roon. Si Ninong Yllak ay kanina pa tinatapik – tapik ang likuran ko. Si Mama ay iyak nang iyak sa mga bisig ni Ma Yza. Ako naman ay nakatabi lang kay Rina. Magkahawak ang kamay naming dalawa habang hinihintay ang proseso hanggang sa matapos ang pag-cremate sa kanya. Inilagay si Yzekiel sa isang urn pero nilagyan rin ng abo ang mumunting locket na ibinigay sa amin.

"I'm so sorry, Rael." Umiyak na naman si Rina. Wala pa kaming nagiging maayos na pag – uusap mula nang mangyari ito sa anak namin. Hindi ko rin naman siya sinisisi. Ang sabi ng mga doctor ay wala hindi na humihinga si Yzekiel nang lumabas ito kay Rina. Nakapalupot ang umbilical cord nito sa loob at hindi iyon agad naagapan dahil hindi nakabalik si Rina sa doctor dahil sa sobrang abala niya sa trabaho. Nagpadala si Rina sa ospital dahil naninigas raw ang tiyan nito at nang nasa ospital ay sinabi ng doctor niya na wala nang hearbeat ang sanggol. She had undergone an emergency CS and here we are now.

"Wala kang kasalanan." I kissed her forehead. "The Lord needed an angel, so he called our Yzekiel. Don't cry, Rina. Things will get better."

Isa – isa nang nag-alisan ang mga tao. Nagsipagpaalam na sila kaya lumabas na rin kami sa munting crematorium na iyon. Nagpalipad na ng lobo ang mga bata. Nakita kong naroon ang mga kapatid at mga tiyuhin ko. Si Mama Yza ay dinala na si Mama sa loob ng kotse. Si Ninang Yna naman ay hawak ang kamay ni Papa. Ihahatid ko sana si Rina sa sasakyan niya dahil alam kong kailangan na niyang magpahinga pero bago pa man ako makalapit ay sinampal ako ng tatay niya – si Lamberto Osias. Napaupo ako dahil sa hindi ko inasahan iyon.

"Kuya!" Narinig ko ang boses ni Ica. Tumayo ako para lingunin siya at umiling.

"This is all your fault! Hindi mo inalagaang mabuti ang anak at ang apo ko!"

"Dad please!" Umiiyak si Rina. "Walang ginawang masama si Rael."

"With all due respect, Sir, ilang beses ko nang sinabi kay Rina na kailangan niyang magpahinga dahil sa kalagayan niya, pero ang palagi niyang sinasabi sa akin ay tatapusin niya ang trabahong kayo mismo ang nagbigay sa kanya dahil ayon sa kanya, siya lang ang inaasahan ninyo."

"Bastos ka! Unang – una dapat pinakasalan mo ang anak ko kung nabuntis mo siya!"

"Daddy!" Rina sobbed harder. "Napag-usapan namin ni Rael na kikilalanin muna ang isa't isa bago kami pumunta sa usaping iyon—"

"May problema ba, Kumpadre?" Natigil kami nang magsalita si Uncle Yvo mula sa likuran ko. Kasama niya ang nakakuyom na palad na si Ninong Yllak na kanina pa nakakuyom ang palad. Sa gilid ni ninong ay si Dio na kanina pa niluluwagan ang neck tie tapo naroon din si Orion.

"Kung may problema ka, Osias, mag – usap tayo, hindi iyong sasaktan mo ang pamangkin ko." Yllak Consunji was hissing. I looked back and I saw my father and his armed men – as if he was just waiting for his brothers' signal.

"Sinasabi ko lang ang totoo. Iyang pamangkin ninyo walang bayag! Ayaw pakasalan ang anak ko!"

"Dad, napag-usapa—"

"Tumahimik ka!" Singhal nito kay Rina. "Sumakay ka sa kotse ngayon din! At ikaw Ysrael Consunji hindi pa –"

"Akala ko ba cremation at libing ito, Red bakit parang may taping? Wala naman si Tita Bernice sa paligid." Natigil si Lamberto Osias dahil nangibabaw ang boses ni Rocheta Consunji – ang asawa ni Olivers. When I looked back, I saw her talking to Red Azul, who was intently looking at us. Nakatayo si Red sa gilid ng mga body guards ni Papa.

"Hindi pa tayo tapos, Ysrael Consunji!" Muling wika niya saka isinakay si Rina at ang kanyang sarili sa van at pinasibad na iyon. Nang mawala sila sa paningin namin ay agad na lumapit si Ica sa akin para haplusin ang pisngi ko. Mangiyak – ngiyak ang kapatid ko.

"Dapat lumaban ka, Kuya Rael." Humikbi si Ica.

"I'm okay."

"Relax, Yllak." Narinig kong sabi ni Uncle Yvo. "Ikaw rin Dio, umayos ka. Manang – mana ka sa ama mong dinadaan ang lahat sa init ng ulo. Yna! Iyong asawa at anak mo." Orion patted my back.

"That was intense, huh? Good thing Etang was there to break the tension. Let's go home. Victoria is waiting for me. Hindi siya nakapunta kasi may sakit ang panganay namin. But she sends her condolences and prayers, Rael."

"Thanks." Hindi na ako nilubayan ni Ica. Kahit sa sasakyan ay kasama ko siya. Pinauna na niya sina Berry sa bahay. Doon rin naman ang tuloy namin pero ayaw niya lang akong mag – isa.

When the car stopped in front of our parents' house, Ica finally spoke.

"Kuya... don't worry too much. I'm sure Mikee will take care of Zeke in heaven." Wala akong naisagot kay Ica Kundi ang pagtango kasabay noon ay ang pagsunod – sunod ng mga luha ko. Ica smiled and hugged me. Hinayaan niya akong humagulgol nang humagulgol at nang sa tingin koay ayos na ako at handa na akong humarap sa lahat ay saka kami bumaba ng kotse ni Ica para harapin ang mga bisita.

I wanted to be alone, but I have social obligations. Nagpunta silang lahat rito para makiramay sa amin – sa akin and the least thing I could do is be there for them.

But who's with me? Amid it all, I feel so alone. So, when I thought everyone was busy with their own thing, I left the house. I rode my car and went straight to the hospital. Doon ako nagtungo sa NICU kung saan naroon si Azriella – or as what the nurses calls her fondly – the pink baby. But as I stood there, I realized that she wasn't there anymore. Kumatok ako para mapansin ako ng nurse. Nakangiti siyang lumabas para harapin ako.

"Nasaan iyong baby?"

"Ah! Si Pinkie po ba? Nasa Mommy na po niya, Sir." Napaawang ang mga labi ko. Kung gayon magkasama na ang mag – ina ko sa silid nila. Nagpasalamat ako sa nurse at saka ko tinungo ang silid ni Lucrezia. Nasa fift floor siya. Sa room 510. Iyon ang natatandaan kong silid na sinabi sa akin ni Ate AM kaya doon ako nagtungo. Kumatok ako at binuksan iyon. Maliwanag naman ang silid ni Lu. Nasa hospital bed siya at natutulog, ang Mama naman niya ay nasa sofa bed, tulog rin. Si Azriella naman ay nasa crib at tulog rin. I stood right by her crib. I smiled while looking at my daughter.

Yes, she is mine. My daughter, I love her... I love her so much and I will do everything to make this world a better place for my daughter.

"Hi, Love... I'm dad..." I whispered as I slowly touched her face. Gumalaw siya, naghikab pero hindi naman dumilat. Natagpuan ko ang sarili kong nakangiti pero naiiyak pa rin. It would've been better if Azriella met her brother. They would have been close – I would make sure of that. Kaya lang sadyang may ibang plano lang talaga ang tadhana para sa akin at sa anak ko.

"Rael... nandito ka pala." Narinig kong nagsalita ang Mama ni Lu. Nakatayo na siya at nakatitih sa akin.

"Good afternoon po, Tita."

"Good afternoon din naman sa'yo. Kumusta ka? Kumain ka na ba?" Lumapit siya sa akin para yakapin ako. "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa anak mo. Napakahirap para sa isang magulang na siya ang maghahatid sa kanyang anak sa hantungan. Sana'y makayanan mo, anak." Sabi niya sa akin. Napatango na lang ako. "Kumain ka na ba?" Marahan akong umiling. "Halika, may pagkain rito. Kumain tayo. Hayaan mo muna iyang mag – ina mong tulog. Kumain ka. Hindi pwedeng malungkot ka na at nagluluksa tapos wala pang laman iyang tiyan mo."

Nagpunta kami sa dining area ng suite na iyon. Pinaghain ako ni Tita Grace at niyakag kumain.

"Ysrael, anak, pasensya ka na, alam kong marami kang iniisip pero gusto ko lang sabihin sa'yo na alam kong ikaw ang ama ng apo ko. Pasensya ka na sa mga pagkakataong nasabi kong iresponsable ka at walang kwenta."

"Po? Kailan ninyo po sinabi iyon?" Nagtatakang tanong ko.

"Basta." Tinapik niya ang balikat ko. "Nag- usap na ba kayo?"

"Dapat po noong nagpunta ako sa unit niya pero hindi po nangyari kasi ..." Paano ko ba sasabihing nag – iiyak ako?

"Okay lang iyon. Basta mag – usap kayong dalawa. Kanina niya lang sinabi sa akin na ikaw ang ama ni Riel."

"Riel?"

"Oo. Jusko, iyong anak ko balak itago ang totoo pero pinangalan naman iyong anak niya sa'yo Riel, Rael. Azriella – Ysrael. Ewan ko ba riyan kay Lucrezia. Ipinangalan kasi ng ama sa lola niya kaya ayan naging lukaret nga." Ngiti lang ang naisagot ko kay Tita. "Oo nga pala. Pwede bang iwanan muna kita rito? Uuwi muna ako sa condo nitong si Lukaret at may kailangan lang akong ayusin. Nagbilin rin kasi iyang ipalilinis ang bahay niya dahil lalabas na sila sa isang araw na mag – ina. Babalik rin ako mamayang alas sais ng gabi. Ayos lang ba sa'yo, Rael?"

"Opo, Tita. Ako na po munang bahala sa kanila."

"Okay. Kumain ka nang kumain ha? Ilang linggo lang kitang hindi nakita namayat ka nang sobra. Mauna na ako. Ikaw nang bahala sa mag – ina mo." Tango lang ang naisagot ko kay Tita Grace. Tahimik na pinanood ko siyang lumabas at saka nagpatuloy sa pagkain. Dito na muna ako. Dito kasi hindi ko nararamdamang mag – isa ako kahit na tulog pa si Lu at wala pa kaming usap na matino.

xxxx

"MA... Mama..."

Nagmulat ako ng mga mata para hanapin si Mama. Nakakaramdam ako ng gutom. Tamang – tama naman kasi mayamaya ay padedehin ko na si Riel. Nakakatwang diretso ang tulog niya ngayon, samantalang kagabi ay halinhinan kami ni Mama sa pag-iiwi sa kanya kasi iyak siya nang iyak. Hindi ko malaman sa anak ko kung anong pwesto ang gusto niyang gawin. Inayos na namin siya ni Mama sa crib niya. Isinayaw – sayaw pa siya ni Mama tapos noong mangawit si Mama ay ako naman. Hiniga ko pa siya sa may dibdib ko pero lalo lang nagwala iyong anak ko. Jusko, nagkapuyat kami ni Mama. Napagod na lang yata siya nang husto kaya natulog na siya noong bansang alas kwatro ng umaga.

Naghikab pa ako. Medyo madilim kasi patay ang isang ilaw pero kahit madilim ay malinaw na malinaw sa akin ang nakita ko nang lumingon ako sa may sofa bed at ang tumambad sa akin ay si Rael na nakasandal sa sofa, nakatingala habang nakapikit habang nasa dibdib niya si Riel na suportado ng kanang bisig niya habang tulog na tulog.

Ang bruhang bata! Kaya pala iyak nang iyak kagabi naghahanap ng tatay!

"Gising ka na pala. Nagugutom ka na ba?" Nagulat ako. Sa kakatitig ko kay Rael at Riel ay hindi ko napansing nakadilat na pala ang mata niya. Dahan – dahan siyang tumayo para ilapag si Riel sa crib pero paglapat palang ng likod ni Riel ay nag – iiyak na siya. Ang lakas pa namang umiyak ng baby ko. Akala mo isang buong araw hindi pinakain. Napatingin si Rael sa akin.

"Kanina pa siya ganyan. Ayaw niya magpababa kaya ko lang naman siya kinarga kasi ayokong magising ka. Mukhang puyat ka kasi kagabi."

"Pasensya ka na, Rael ha? Limang araw palang buhay sa mundo iyong anak ko demanding na agad. Amina, nakakahiya na sa'yo."

"Okay lang. Sabi ni Tita Grace, kumain ka muna bago ka magpa-feeding mamaya. Bilin niya iyon bago siya umalis."

Umalis pala ang Mama. Siguro kanina pa si Rael dito at kanina pa niya karga si Riel. Malditang bata. Mana sa mga tiyahin – ay wait – anak ko nga pala ito hindi ko siya dapat i-bash sa isipan ko.

"Kumain ka na." Sabi niya pa sa akin. Tumango ako at dahan – dahang bumaba ng kama. "Kaya mo ba?" Nagmamadaling lumapit siya sa akin. Hindi naman niya ako maalalayan kasi nga karga niya ang malditang anak namin.

"Kaya ko naman. Ano ka ba? Normal delivery naman ako. Noong unang dalawang araw lang ako hirap maglakad. Ngayon kaya ko naman basta dahan – dahan lang." Tumango si Rael. Nagtuloy ako sa dining area. Mukhang sinubukan niyang ibaba muli si Riel pero nagmamaldita talaga kaya nang bumalik siya sa dining area ay karga niya pa rin ang bata. Natatawa ako. Nakadantay si Riel sa balikat niya at tulog na tulog. Si Rael naman ay inaalalayan ang likod ng ulo ng anak ko – ay namin pala pero hindi niya pa alam iyon.

Nagsimula na akong kumain. Nakaupo siya sa bandang tabi ko. Tiningnan ko si Rael. Malungkot ang mga mata niya.

"Condolence ha?" Inabot ko ang braso niya. "Kaya pala iyak ka nang iyak noong nagpunta ka sa bahay. Alalang – alala ako sa'yo. Pasensya ka na, Rael. Hindi ko alam. Sana nalaman ko para mas alam ko kung paano ka i-comfort nang mga panahong iyon."

"Ah?" Parang naguguluhang wika niya. "Ah... oo."

"Kumusta si Rina?" Sumubo pa ako ng sitaw at petchay. Sinigang na ulo ng salmon ang ulam ko. Laging may sabaw ang pinakakain ni Mama sa akin.

"She's been better, I guess. It hurts of course. We lost the baby."

"Angel na siya ngayon."

"Yes. That's what Ica told me earlier." Napabuntong – hininga siya. Nagtataka lang ako kasi para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero parang nagdadalawang isip siya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sabay higpo ng sabaw.

"Oo. Kanina."

"Kakain ka lagi ha? Sabi ko naman sa'yo---"

"Why didn't you tell me, Lucrezia?" Tanong niya sa akin na siyang ikinabigla ko naman. Anong pinagsasabi niya? "You could've told me the truth. You had all the chances. I ask you every time... but you told me may asawa ang tatay ni Riel."

Ang tagal – tagal kong nakatitig kay Rael. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya sa akin. Hindi nagla-landing sa akin ang mga salita niya.

"You could've told me. I could've been with you all throughout this pregnancy."

All throughout this pregnancy.

My mouth parted.

"You know the truth..."

"Yes. Andy told me. She saw us at the cctv footage that night. I'm sorry for taking advantage of you, Lu. Kung naiba lang ang sitwasyon ay hinding – hindi ko iyon gagawin sa'yo."

May bumikig na kung ano sa lalamunan ko. Oo nga pala. Si Rael ito. Ako lang naman si Lu. Ano pa nga bang aasahan kong sasabihin niya sa akin. Malamang hindi niya gusto ang nangyari lalo na ngayong naalala na niya.

"Sus, okay lang. Akala mo naman ako ang kauna – unahang babaeng na-virgin-an ng lasing. Saka kung ako ang tatanungin matagal ko nang gustong isuko ang Bataan ko. Nagkataon lang naman na sa'yo nga kasi nandoon ka noong gabing iyon." Pinilit kong ngumiti sa kanya. Nakakunot ang noo ni Rael. "Okay lang. No hard feelings." Mangiyak – ngiyak na ako tapos lalong gusto kong magwala nang maalala kong sumunod sa akin si Rina. Malamang mas nag – enjoy siya kay Rina. Malamang sa malamang mas malaki ang boobs ni Rina sa akin. Mas maganda siya saka si Rina literal na bueaty queen? Ako ba? Jusko, ako lang naman ito. Nothing special.

Siopao lang ang special at hindi ako.

"Noong nalaman mong buntis ka, sana sinabi mo sa akin."

"Para saan pa?" Tumingin ako kay Rael. "Kung ako ang tatanungin, gustong – gusto kong makalimutan ang gabing iyon kasi nga..." Huminga ako nang sobrang lalim kasi ayokong umiyak sa harapan niya. "Kasi nga ayokong masira tayong dalawa. Wala talaga akong balak sabihin sa'yo pero nandito na. Alam mo na ang totoo. Ayan, Rael, may anak tayong dalawa. Pero sana, sana hindi magbago ang tayong dalawa kahit para na lang sa anak natin."

"Iyon ba ang gusto mo?" Tanong niya sa akin. Tahimik akong tumango. Rael sighed.

"Okay. Fine." Tumango na lang ako sa kanya sa tono kasi ng pananalita ni Rael para bang pilit na pilit siya. Anog gusto niya, magpapasalamat ako sa kanya?

"Kumain ka nang kumain. Sabi ni Tita pagkakain mo magpahinga ka ng fifteen minutes tapos feeding time na ni Riel."

"Okay."

"Okay." Tumayo siya at bumalik doon sa may bed area. Nang masiguro kong malayo na siya ay saka ko hinayaan ang sarili kong tahimik na umiyak. Okay lang. At least wala na akong tinatago sa kanya. Magiging okay rin ang lahat. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top