Chapter Thirteen

Welcome home!

Lu's

"BAKA NAMAN kapag nandoon ka lumandi ka na naman sa best friend mo at masundan iyang si Riel nang wala pang isang taon. Sinasabi ko sa'yo, Lucrezia ha! Galingan mo at nagkaka-edad ka na. Kung gusto ninyo pang mag – anak ni Rael, magpursigi kayong dalawa. Malapit ka nang mahirapang magbuntis at may edad ka na."

"MA!" Napalingon ako sa pwesto ni Rael. Siyempre karga na naman niya ang malditang batang sipsip. Nakapasipsip ng anak ko sa tatay niya. Pitong araw palang siyang buhay sa mundo pero parang kahit ako hindi niya kilala kasi basta nandito ang tatay niya, alam niya at hindi talaga siya nagpapakarga kahit kanino. Kailangan lang ako ni Rela kapag mag-feeding na siya pagkatapos noon ay iiyak na naman siya para kunin siya ni Rael. Halos wala nang ginagawa si Mama kasi panay si Rael ang gumagawa ng dapat sana ay kaming dalawa ni Mama. Si Rael naman, ibibigay niya lang talaga ang bata kapag iiyak o kaya man ay kailangan niyang magpunta sa cr.

Lalabas na ako ngayon ng ospital. Lahat kay Azriella ay maayos naman. She's a healthy baby – isang baby na seven days old palang ay may attitude na.

Kahapon habang nag-aayos kami ni Mama ay tumawag sa akin si Kuya Pascal – siya ang may – ari ng unit na nirerentahan ko at sinabi niya sa akin na noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng building inspection at may natagpuan na black molds sa insulation ng ng bawat floor kaya kailangan muna naming mag – evacuate at pansamantalang maghanap ng matutuluyan habang hindi pa maayos ang building namin. Timing naman kasi talaga kung kailan ako nanganak ay saka nangyari ito. Ang una kong balak ay ang umuwi na lang sa Bulacan. Doon na lang ako kay Mama mag-stay tapos mag – uuwian na lang ako kapag bumalik na ako sa trabaho pero naiisip ko palang ang traffic na kahaharapin ko ay parang napaagod na ako. Isa pa, sobrang init sa Bulacan. Hindi ko alam kung bakit baka nasa Bulacan pala ang sentro ng impyerno kaya ganoon.

Naisip kong makituloy kay Joy dahil two bedroom naman ang apartment niya pero ayoko namang maguluhan siya dahil may kasama akong batang maldita. Namomoblema talaga ako hanggang sa bigla na lang magsalita si Rael – naririnig niya kami ni Mama at alam na alam niya ang problema ko.

"I have a house in Forbes. Riel could stay there. Kung tutuusin, bahay niya iyon, right, baby? You're so beautiful, adorable and perfect." Nakangiting wika ni Rael habang paulit – ulit na hinahalikan ang kamay ng anak ko.

"Ma, h'wag kang magsalita ng ganyan! Baka marinig ka ni Rael kung anong isipin niya."

"Aba'y bakit? Totoo naman. Anyway, nagsabi siya sa akin na nakapag – usap na kayo. Maayos na ba ang usapan ninyo?" Muli akong lumingon. Isinasayaw – sayaw pa ni Rael si Riel. Tuwang – tuwa talaga siya sa anak namin. Sabagay, may kasabihan naman talagang love your own. Napabuntong – hininga na lang ako. Mukhag okay naman kami ni Rael. Balik sa dati – winawalang-hiya na niya ako so ibig sabihin ay okay na kami – ako yata ang hindi okay kasi lalo kong naisip na talagang malabong maging interesado siya sa akin at ang gabing iyon ay pagkakamali dahil kung hindi siya lasing ay hinding – hindi talaga mangyayari iyon. But we're okay now and that's the most important thing because we now have Azriella and she always comes first.

Tango lang ang naisagot ko kay Mama.

"Ayon naman pala! Damihan ninyo pa ang apo ko. Ang ganda ng resulta ninyong dalawa."

"Mama naman!" Napalakas ang boses ko kaya mayamaya ay nasa loob na ng bed area si Rael.

"Tita, okay na po ba? Nasa baba na po iyong driver ko." Sabi pa ni Rael kay Mama.

"May driver ka? Diba ayaw mo?"

"Oo. Nasa baba na si Kuya Yael. Tara na. Nandyan na rin iyong nurse. May dala silang wheelchair. Upo ka muna roon." Inalalayan ako ni Mama paupo sa wheelchair, si Rael naman ay humarap sa akin para ibigay sa akin ang bata. Pagkalapag sa bisig ko ay umungot na agad siya, Dumilat pa nga siya na para bang inaaninag ang ama niya at nang hindi makita ay umiyak na.

"Baby love..." Hinaplos ni Rael nang marahan ang ulo ni Riel. "I'm here don't cry. Kay Mommy ka muna kasi kailangan ni Daddy na ayusin ang mga gamit, okay?" Parang magic word biglang tumahimik ang maldita at pumikit na ulit. Natawa si Mama. Kung pwede lang ay iirapan ko ang batang ito pero naalala kong anak ko nga pala siya.

Pagbaba sa lobby ay naroon nga si Kuya Yael. Kasama niya si Yohan na kasing tangkad na niya. Kinalabit ni Yohan ang tatay niya at nang makita kami ay ngumiti ito.

"Ready to go home?" He asked me.

"Hi, Baby..." Wika ni Yohan sa pinsan niya na tulog na sa pagkakataong iyon. Tinulungan ni Yohan si Rael na magbitbit ng gamit. Si Mama naman ang nagtulak ng wheelchair ko.

"Ma, nabigay ko ba iyong HMO ko sa'yo?" Tanong ko nang maalala kong nagpabayad akonng bill kahapon.

"Iyon nga pala, anak. Noong magbabayad na ako kahapon, bayad na pala. Binayaran na ni Rael lahat. H'wag mong kalimutang magpasalamat sa asawa mo ha? Natutuwa talaga ako sa batang iyan. Ang bait. Swerte ka na. Ano pa bang hahanapin mo."

"Mama. Friends lang kami. Jusko, Mama. Nakakahiya kapag narinig niya." Tiningnan lang ako ni Mama na para bang hindi siya naniniwala sa akin. Hindi naman na siya nagsalita hanggang sa makasakay kami sa van na naghihintay sa amin sa labas. Si Kuya Yael nga ang driver. Si Yohan ay naupo sa harapan kasama ng Daddy niya, si Rael ay nasa tabi ko habang si Mama naman ay nasa likod. Inaalalayan ni Rael ang ulo ni Riel habang umaandar kami. Hindi naman magtatagal ang byahe kasi malapit lang naman ang Forbes dito at isa pa, walang traffic. Hindi naman nagtagal ay nasa tapat na kami ng bahay ni Rael.

It wasn't just a house – it's a mansion – might I say. Malaki at malawak iyon. Nakilala ko ang bahay sa tabi ay ang bahay ni Yael at ang bahay naman sa tapat ay ang bahay ni Hyacinth at ng asawa nito. Ngayon ko lang naalala na magkakapitbahay nga pala ang magkakapatid – maliban kay Ica na nasa kabilang street.

"Dito ka ba tumutuloy, Rael?" Tanong ni Mama sa kanya habang nagbababa sila ng gamit.

"Sa Quezon po talaga, Tita tapos kapag nandito ako kina Mama ako. Matagal nang walang tumutuloy rito pero regular naman pong nalilinis kasi andyan ang mga kapatid ko." Nakangiting wika ni Rael. Ang laki – laki ng bahay niya pero nagtyatyaga siya sa condo unit ko kapag lumuluwas siya Alam ko rin na noong nagsama sila ni Mikee ay sa Vejar Towers naman sila nag-stay at hind sa bahay na ito.

"Ilang ang kwarto nito, Rael?" Namamanghang wika ko.

"Walo yata. Anim sa taas, dalawa rito sa baba. We'll be using the rooms here. Hindi pa ayos iyong mga kwarto sa taas. Baka maalikabok pa. Kawawa naman si Riel noon." Walang ano-ano'y kinuha niya sa akin ang bata. Sinundan ko naman siya. May isang silid roon kung saan naroon na ang mga gamit ni Riel at sa gitna ang crib niya. Ito ang nursery. Nakaayos na iyon. Sa gilid ay may changing tables. Kulay pink at purple ang silid. Maganda. Natutuwa ako.

"Ate Hya arranged everything in this room. Excited siyang makita si Riel. Mamaya nga pala may dinner dito. Sinabihan ko na rin si Tita saka si Luana. Darating sila mamaya."

"Okay. May gagawin pa ba ako kasi parang nagawa mo nang lahat?" Non tumingin si Rael sa akin. Wala syang sinabi. Ngumisi lang tapos nilagpasan ako. "Hoy!" Pinababalik ko siya pero hindi niya ako pinapansin kaya sinundan ko siya. Bumalik lang naman siya sa sala kung saan naroon na si Ate Hya, ang asawa nitong si Ignacio at ang mga anak nilang sina Idella, Icarus at Ignatius. Ang lalaki na rin ng mga anak ni Ate Hyacinth. Sabi sa akin ni Rael noon, fifteen years old na raw ang mga kambal. Si Yohan kasi talaga ang panganay sa mga pamangkin ni Ysrael sa mga kapatid niya.

"Where's the baby?" Sabi noong isang kambal ni Hyacinth.

"There in Tito Rael's arms! Come! Oh my god! Sobrang cute! Kamukha ko!" Sabi noong isa.

"Are you her parent? Paano mo naging kamukha?! Papa si Icarus sobrang delulu!"

Huminga nang napakalalim si Hyacinth.

"Pasensya ka na. Maingay iyong mga babae ko, iyong nag – iisa kong lalaki, buti mana sa ama. Kumusta ka na, Lu? You look good for someone na kapapanganak lang. Nag-hi na rin ako sa Mommy mo. Nakita mo ba iyong nursery? That's my creation!"

"Thank you, Ate Hya." Sabi ko na lang sa kanya.

"You're welcome! Ang ganda ng anak mo ha! Manang – mana sa Tita!" Tinawanan niya pa ako. Gusto kong mapangiwi kasi parang hindi naman ganda ang namana ng anak ko sa Tita niya kundi iyong ugali.

"Ate Lu!" Dumating na rin sina Ica at Berry kasama ang anak nilang si Fides, Jose Yto ay ang baby na si Lourdes. Hindi nagtagal ay nagka-ingay na sa bahay ni Rael. Si Mama ay tuwang – tuwa sa mga pamangkin ni Rael. Enjoy na enjoy siya habang pinapanood ang mga batang naglalaro. Sa loob ng ilang oras ay ilang beses nagkapikon si Idella at Yana mabuti na lang at nandoon si Yohan para pumagitna sa kanilang dalawa. Ang mas batang mga pamangkin naman ni Rael ay naglalaro ng mga toys. Ilang panahon na lang ba at ganyan na rin si Riel – and speaking of Riel, nagulat ako nang iabot ni Rael sa akin ang baby.

"Gutom na siya." Nakangisi na naman si Rael sa akin.

"At talagang ginawa lang akong stock ng gatas ha."

"Ano bang magagawa ko kung umiiyak siya kapag nalalayo sa akin." Nakanguso pang sagot niya. "Baka kasi alam niya na wala kang balak sabihin sa akin na siya ang baby ko kaya ganyan siya ngayon. Bad ka raw." Naitirik ko na lang ang mga mata ko.

"Ang OA." Sabi ko na lang sa kanya. Inalalayan ako ni Rael papasok sa nursery. Tinulungan niya akong maupo sa rocking chair doon. "Azriella, kakain ka na ha? H'wag kang iiyak." Malumanay na sabi ko. Ilalabas ko na sana ang boob ko nang ma-realize kong nandoon pa si Ysrael.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Magpapadede ako."

"So? Nakita ko naman na iyan eh." Nakangusong sabi niya.

"Rael!" Napasigaw ko na naging dahilan ng pagkagulat ni Riel kaya umiyak siya na para bang ginugutom ko siya.

"Tingnan mo, sumigaw ka, nagulat ag prinsesa ko."

"Lumabas ka na kasi." Giit ko pa. Ang loko, ngumisi lang pero lumabas naman siya. I rolled my eyes and looked at Riel. Nakadilat siya at nakasibi. "Anak, nanay mo ako ha? Hindi ako human breast milk. Magulang mo rin ako ha?" Sabi ko sa kanya. Si Riel ay hinahanap na ang utong ko at nang makita iyon ay pumikit siya na para bang iyon lang ang kailangan niya para sumaya sa mundong ibabaw.

"Ang ganda – ganda mo. Sana naman mabawasan iyong pagiging maldita mo kapag malaki ka na." Sabi ko pa sa kanya. She made a little sound kaya lalo akong napangiti. Titig na titig ako nang maramdaman kong para bang may nakatingin sa akin at nang mag – angat ako ng tingin ay nakita ko si Rael. Tumayi lang pala ang gunggong sa may pinto. Nag-init ang mukha ko.

"Ysrael!" Sigaw ko. Tumawa lang siya nang tumawa pero umalis na rin talaga siya. "Bobo talaga." Natagpuan ko rin ang sarili kong nakangiti sa kadahilanang hindi ko maintindihan.

xxxx

DUMATING na ang oras ng dinner. Naroon na ang lahat pati na rin ang mga magulang ni Rael. Naging maaayos naman ang pag -uusap sa mga magulang niya at kay Mama. Nakakatuwa na kahit na matagal nang hindi nagkikita si Mama at sila Sir Yto ay nagkakasundo pa rin sila. Sabagay, matagal rin kaming naging magkapitbahay at talagang magkaibigan si Sir Yto at ang Papa ko.

"Rael, umiiyak ba ang mama ko?" Hinatak ko siya nang mapansin kong nagpapahid ng luha si Ma'am Nikkita habang hawak si Riel.

"Oo. She was just telling me that things would've been more perfect if Yzekiel is here." Dinig na dinig ko ang lungkot sa tinig ni Rael. Hindi pa namin napag – uusapan ang bagay na iyon. Sigurado akong masakita pa rin sa kanya hanggang ngayon ang pangyayari. Wala pang isang buwan kaya sigurado akong sarili iyon sa kanya. Agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Kumusta si Rina?" I asked him.

"Kinumusta ko rin siya. Sabi niya tingin niya raw kailangan niya ng professional help. I understand her. What happened to her is traumatic. Sinisisi niya ang sarili niya and I told her that she's not at fault pero hindi ko naman hawak ang isipan niya."

"Just be there for her. Make her feel that she's the most important." Napansin kong tinitigan ako ni Rael saka siya umiling.

"Sure. Ikaw, kumusta ka na?" Tanong niya sa akin.

"Okay na okay ako. Salamat ha?" Kinurot ko ang ilong niya. Hinuli naman niya ang kamay ko.

"What for?"

"Kasi nandiyan ka para sa akin kahit na sa pagkakataong ito mas kailangan mo ng comfort. Hindi man lang kita nadamayan noong gabing nagpunta ka sa bahay. Sorry."

"Sorry kasi napaanak ka nang maaga dahil sa akin. But it turned out so well. She's perfect." Nakangiti na naman si Rael.

"Thank you, Rael." Sabi ko na lang ulit.

"Again, for what?"

"Just for being you."

"Akala ko dahil binigyan kita ng magandang anak."

"Kahit sinong tatay ng anak ko maganda iyan kasi maganda ako."

"Pero hindi ganyan kaganda kasi hello, Consunji ako."

"Eh ano naman?" Tinaasan ko siya ng kilay. Rael laughed – he laughed so hard his laughter filled the room. Napansin kong nakatingin sa amin ang mga tao sa paligid namin. Lahat sila ay animated na nakatingin kay Rael – parang hindi sila makapaniwala na tumatawa nang ganoon si Ysrael.

"Grabe, wala lang talaga sa'yo kung Consunji ako."

"Kailan ba may effect sa akin iyan?" Napangiti na rin ako.

"You're right..." He shook his head.

Bandang alas diyes nang gabi nang magpaalam na sila Mama dahil uuwi pa sila ng Bulacan matapos noon ay isa – isang nagpaalam na rin ang mga bisita namin. Sila Ican ang pinakahuling umuwi dahil naglalaro sila ni Rael ng chess. Natutuwa lang akong close na close na naman sila sa isa't isa. Alas – once nang matapos sila ni Ica maglaro. Ako naman ay nasa nursery na noon at doon na rin nagpaalam si Ica sa akin. Habang naglalaro sila ni Rael kanina ay naligo na ako at nagbihis ng pantulog. Sabi ni Rael doon daw ako sa kwarto sa tapat ng nursery. May isang crib pa roon para kay Riel kaya doon ko siya nilagay. Tulog na tulog siya at hindi niya naman hinahanap sa ngayon ang karga ng ama niyang sobrang spoiler.

"Nak, tulog ka lang ha? H'wag kang iiyak. Mamaya na kapag gutom ka na." Sabi ko pa habang hinahaplos – haplos ang pisngi niya. Nagdesisyon akong matulog na rin kasi nga mamaya gising na naman ko. Pinatay ko ang ilaw at binuksan ang lampshade saka ako nahiga na. Papikit na ako nang maramdaman kong lumundo ang kama. Agad akong napadilat at napaupo.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Ysrael.

"Bakit ka riyan?! Dito ka matutulog?!" Nanlalaki ang mga mata ko. Halos lumuwa na iyon.

"Ay anong gusto mo, sa lapag ako? Ayoko nga, sasakit ang likod ko." Sukat ay humiga siya sa tabi ko, kinuha pa lahat ng kumot para ikumot sa sarili.

"Rael! Doon ka sa sofa!" Sabi ko sa kanya. Nanggigigil ako.

"Ikaw nakaisip, ikaw gumawa." Sabi niya sa akin sabay tinalikuran ako. Inirapan ko siya pero natigilan rin naman ako. Diba't ito ang gusto ko? Iyong babalik kami sa dati? Ganito naman kami kahit dati pa. Natutulog kami nang magkatabi. Ano pa bang bago rito? Ang tanging nag – iba lang naman ay may Riel na kami sa ngayon kaya ano pang ininarte ko?

Nahiga na lang rin ako at pumikit na. Mamaya kasi ay gising na naman ang batang maldita. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod ay mabilis akong nakaramdam ng antok pero nawala iyon nang maramdaman kong yumakap sa akin si Rael – hindi basta yakap, kinulong niya ako sa mga bisig niya, iyong binti niya nakapatong sa binti ko – we're too close – so close that I could feel his heartbeat – so close that I feel like the world has quieted around us, like every ache and worry I carried all day has melted into the warmth of his skin. His breath brushes the back of my neck, steady and soft, and for a moment, I forget everything. There's only his arms, his heartbeat, the hush between us—and the terrifying, beautiful truth that I never want to move from this space again.

Napabuntong – hininga na lang ako.

Wala. Mahal ko talaga pero sana, hindi ko na lang na-realize ang mga bagay na ito... 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top