Chapter Eleven

Lucrezia!

Ysrael's

TIME STOOD STILL. Wala akong ideya kung nasaan ako at kung anong nangyari. Ang huli ko lang naaalala ay nagmamaneho ako mula CLPH patungo kay Lucrezia. Bigla akong napabangaon. Nasaan si Lu? Noon ko lang napagtanto na nasa loob ako ng silid ni Lucrezia pero wala siya rito. Halos magkanda hulog ako sa kama sa kakamadaling lumabas roon pero ang natagpuan ko sa living area ay si Ica at Berry na naghahalikan. I stood there -shocked.

"Shocks, cockblocker." Nakasimangot na wika ni Ica habang lumalayo sa asawa niya.

"Nasaan si Lu?" Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako. Ica shrugged.

"Tinawagan ko ni Kuya Yael kanina at samahan ka nga raw namin dito at tulog ka. H'wag ka raw naming gisingin kahit anong mangyari. Si Ate Lu naman nasa ospital, nanganak na siya ng baby girl!" Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig. Mabilis akong lumabas ng unit ni Lu. Kailangan kong magpunta sa kanya. I need to see her. Kaya nga nandito ako para makausap siya at mapag-usapan ang dapat pero wala akong natatandaan sa nangyari mula nang makatuntong ako sa bahay niya. Maybe I passed out because I was too tired – or whatever.

Pasakay na ako ng kotse nang mag – ring ang phone ko. Ayoko muna sanang sagutin iyon pero si Mama ang tumatawag kaya hindi pwedeng hindi pansinin.

"Ma?"

"Anak, nasaan ka? Kailangan ka ni Rina."

"Ma, pupuntahan ko lang saglit si Lu sa ospi—"

"Anak, Rael..." Mama sobbed. "Anak, you need to come here. Rina gave birth to a still born, you need to come here, Ysrael." Parang piniga ang puso ko. Hindi ako makahinga. Mukhang talagang pinaglalaruan ako ng tadhana. Kailangan kong puntahan si Lu pero sa ngayon, mas kailangan ako ni Rina. I asked Mom where they are, and she told me they're in Varess Med. Doon na rin ako dumiretso. Hindi ko alam kung paano ko iwawaksi ang sunod – sunod na luhang bumagsak sa mga mata ko. Why does this keep on happening to me? Una si Mikee, si MM tapos ngayin naman ay ang anak ko kay Rina. May kulang pa ba? Ano bang masamang ginawa ko noon at palagi na lang ako ang binibigyan ng matinding pagsubok sa buhay? Ang gusto ko lang naman noon – kahit naman hanggang sa ngayon ay ang maging masama pero bakit sobrang hirap namang maabot ng bagay na iyon.

Halos paliparin ko ang kotse mapunta lang ako kung nasaan ang Mama sa ngayon. Hindi naman malayo iyon at nang naroon na ako ay agad akong nagpunta sa silid kung nasaan si Rina. I found her there surrounded by her mom and dad, plus my parents. Nakaupo si Rina sa hospital bed, habang hawak sa bisig niya ang isang sanggol lalaking hindi na gumagalaw.

"Where have you been, Ysrael?" Rina's father demanded. Mukhang hindi maganda ang gising niya – kunsabagay, sino ba ang magiging masaya kapag nakita mong ganito ang sitwasyon.

"Lamberto, please..." Wika ng Mama ni Rina sa kanyang asawa. Rina looked at me. She looked so helpless. Lumapit ako sa kanya at nang nakatayo na ako sa gilid niya ay saka siya umiyak nang umiyak.

"I'm so sorry, Rael. Dapat... dapat hindi na ako nagtrabaho nitong malaki na ang tiyan ko. You were right, but I was too stubborn. I'm sorry. I'm so sorry." I could only look at the baby in her arms. Hindi ako makahinga. How could this happen to me. Dahan – dahan kong kinuha ang anak ko sa mga bisig ni Rina. Agad kong naramdaman ang pagtapik ni Papa sa likuran ko. My eyes watered.

"He's so small..." I said in a quiet voice. I even kissed the baby's forehead. "What... what's his name?" I looked at Rina. Napaluha siya – even her mother cried and held my hand.

"Yzekiel." Bulong pa ni Rina. I nodded.

"Y-yzekiel... I'm your dad..." I kissed the baby's hand. Napahagulgol ako. Hindi inaalis ni Papa ang mga kamay niya sa likuran ko. "I'm you dad. I want to be your dad..." Napakalungkot ng araw na iyon para sa akin. Halos kalahating oras kong hawak si Yzekiel. Si Papa ay nakatabi lang sa akin, si Mama ay hawak ang kamay ko. Kinailangan nilang turukan si Rina ng pamkalma dahil iyan ito nang iyak. Ako naman ay ayaw bitiwan ang batang nas amga bisig ko dahil natatakot akong baka tuluyan siyang mawala sa akin. Pero dumating ang nurse para kunin na si Yzekiel. Pinigil ako ni Papa at wala akong nagawa kundi ang habulan sila ng tingin.

"Pa..."

"It's okay, son. Everything will be okay."

"How?" Hindi nakasagot si Papa. Tinapik – tapik niya ang balikat ko saka hinagkan ako sa noo. Mayamaya ay nagpaalam na sila ni Mama. Ang usapan pala ay si Mama ang mag – aayos ng maikling burol na gaganapin para sa anak ko. Sabi ng tatay ni Rina ay mag – uusap – usap na lang kaming muli. Rina needed to rest, and her mother said that I needed that too. Paano? Paano ako makakapahinga knowing that this happened to my son.

Habang naglalakad kami sa hallway nakasalubong namin si Ate Alyza Mae. Nagulat si Mama at Papa. Mukhang ganoon din ang Ate.

"AM, are you here for your check up?" Nakangiting tanong ni Mama.

"Ma, kapapanganak ko lang nine months ago." Napapailing na wika ni Ate. "Bale, kami kasi ang kasama ni Lu. Nanganak na po siya." And just like that I remembered why I wanted to talk to Lucrezia.

"Nasaan siya?" Tanong ko pa.

"Natutulog siya sa kwarto niya. Nandoon na ang Mama at iyong kapatid niya. Si Yael po at ako ay nakatambay sa may NICU..." Napatitig siya sa akin sabay kay Mama at Papa. "Bale, do you want to see your ch---" Tumikhim si Ate Aly. "Inaanak. Oo, diba kasi ano ninong ka." Hindi ko na siya hinintay. Agad akong naglakad patungo sa may NICU. Doon ko nakita si Kuya Yael na nakatayo sa may window at nakahalukipkip habang nakatingin sa loob. Tumayo ako sa tabi niya. Umikot naman ang mga mata ko hanggang sa napako iyon sa batang babaeng tulog na tulog na napapagitnaan ng dalawang batang lalaki. Nakasuot siya ng kulay pink na mittens at nakabalot sa kulay pink na cloth.

"Do you see her, Rael? Her name si Azriella Rae. Apat na beses kong chineck iyong spelling ng pangalan ng batang iyan kasi baka mabugbog ako ng best friend mo." Hindi ako makapagsalita. Kuya Yael put his arm around me. Lumapit siya sa akin saka ako binulungan.

"You must sort yourself, Rael. Dahil sa oras na maging maayos ka, tatamaan ka sa akin dahil sa ginawa mo kay Lucrezia." Napatingin ako kay Kuya. He winked at me and whispered again. "Ang ganda ng anak mo pero yari ka pa rin sa akin."

"Where is Lu's baby?" Mama asked. Kuya Yael grinned at me.

"The one in pink, Mama. Ang ganda diba? Parang kahawig ni Rael noong baby--- aray naman AM." Halinghing yata iyong lumabas sa bibig ni Kuya kaya binatukan si ni Ate Alyza Mae.

"Ma, kakain na muna kami nitong si Bobo number 1 kasi kanina pa ito gutom. Excuse po." Hinatak na ni Ate si Kuya. Si Mama naman ay nagsabing tatawagan si Mama Yza kaya kami ni Papa ang naiwanan sa tapat ng NICU.

"What a beautiful baby..." Papa said. I finally looked at my father.

"My baby, Papa."

"Ha?"

"Ako po ang ama ng anak ni Lucrezia, Papa."

Hindi ko kayang ipaliwanag ang reaksyon ng mukha ni Papa titig na titig siya sa akin. Akala ko ay may sasabihin siyang kung anong mahabang sermon pero ang nasabi niya lang ay;

"Bakit ba lahat ng anak kong lalaki, bobo?"

xxxx

Lu's

"KUMAIN KA nang kumain para maka-recover ka agad at para maraming gatas na lumabas diyan sa dede mo para sa apo ko!" Tuwang – tuwa si Mama habang sinusubuan ako ng sabaw ng tinolang maraming malunggay. "Naku, Lucrezia! Ang ganda – ganda ng apo ko! Mestiza! Namumula – mula ang pisngi! Malamang sa tatay nagmana iyon."

"Mama naman!" Napa-ingos pa ako.

"Aba'y totoo naman! Morena ka anak. Maganda ang kulay mo pero mestisahin ang apo ko! Hindi rin naman maputi ang tatay mo, lalong ako! Ang kuya Lance at si Luana ay kakulay lang natin! Saan magmamana ang apo kundi sa tatay niyang iresponsable?

"Ma, hindi po iresponsable ang tatay ni Riel." Sabi ko na lang sabay nguya ng manok na isibubo muli ni Mama.

"Hindi ka pinanagutan. Wala siya rito kahit nanganak ka na. Tapos hindi siya iresponsable?"

"Ma, busy po kasi siya. Nasa South Korea siya at nagtatrabaho para sa future namin ng anak niya."

"Ikaw na bata ka!" Kinurot ako ni Mama sa tagiliran kaya napangiwi ako. "Sinasabi nang 'wag mong gawing biro iyang ama ng anak mo iyang Dodo na iyon." Imbes na D.O. ang sabihin ni Mama ay literal na Dodo ang tawag niya kay Do Kyungsoo kaya tawa ako nang tawa. Natigil lang kaming dalawa nang may kumatok sa pinto ng silid ko at pumasok ang nurse karga ang baby ko. Namilog ang mga mata ko. Nakita ko na siya kanina pagkagising ko. Dinala ako ni Kuya Yael roon sa NICU pero saglit lang kasi tapos na ang viewing hours.

"Mommy, good evening, feeding time na po natin." Dahan – dahang inilagay ng nurse si Riel sa mga bisig ko. Nakapikit lang siya pero bumubuka ang bibig. Ginagalaw – galaw niya rin ang ulo niya. Sobrang cute niya at gusto kong kagatin ang pisngi niya pero hindi pwede kasi pagagalitan ako ni Mama.

"Hi, anak. Ako ang Mama mo. Kakain ka na ha?" Tumingin ako kay Mama. "Ma, paano? Lalabas ko lang ang boobs ko?"

"Gusto mo bang hugasan muna ng joy? Malamang. Jusko. Paano ka nakaisa rito sa Metro?" Napapailing si Mama pero ginawa ko na ang sinabi niya. Noong una ay parang hinahanap pa ni Riel ang nipple ko pero nang matagpuan niya iyon ay nag-dede na siya.

"Masakit ba?" Tanong ni Mama sa akin. Umiling ako. Naluluha ako habang nakatingin ako sa anak ko. She's so small and all I could think about is how I wanted to protect her from all the bad things in this world. Kung pwede lang na wala siyang utang dahil sa punyetang flood control projects na iyan – jusko talaga.

"Mama, ang ganda – ganda niya." Sabi ko na lang.

"Oo. Ganyan – ganyan ka rin noong baby ka pa."

"Akala ko ba mana siya sa tatay niya?" Biro ko pa.

"Pwede ko bang sabihing ganyan ang tatay niy noong bata pa siya hindi ko nga kilala iyon."

"Mama talaga." Napatawa na lang ako. Natapos ko nang padedehin si Riel. Tulog na ulit siya pero tuwang – tuwa talaga ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na siya ang nasa loob ko sng siyam na buwan. I'm so in love with her.

Habang nakatingin sa bata ay bigla kong naalala si Rael. Kumusta na kaya siya? Hindi ko na siya natawagan simula kagabi. Kinuha ng nurse si Riel para ibalik sa NICU. Ang sabi niya sa akin ay may gagawing new born screening sa anak ko at babalitaan nila ako sa magiging resulta noon. Kapag natapos na iyon ay pwede nang sa silid ko matulog si Riel. Kapag wala raw nakita kay Riel ay makakalabas na rin kami sa lalong madaling panahon. Ang saya – saya ko pero ipinanalangin kong walang makitang kahit ano sa anak ko, pero kahit mayroon may ay mamahalin ko siya nang buo dahil para sa akin siya ang pinakamagandang regalo sa akin ng Panginoon.

Naiwan kami ni Mama. Tinulungan naman niya akong maglinis. Pinaliguan niya agad ako ng maligamgam na tubig habang sinasabing kung naroon daw ang Mama niya – ang Lola ko ay sasabihin nitong h'wag akong paliguan kasi kapapanganak ko pa lamang. Mababaliw raw kasi ako kapag nasukan ng hangin ang pukengkeng ko pero hindi na raw uso iyon kaya heto at presko na ako. Tinulungan na rin ako ni Mama na magbihis at siya pa ang nagsuklay sa akin.

Sa unit ko natutulog si Luana at Rainier. Tuwing umaga ay narito sila at sila ang nagdadala ng pagkain sa amin ni Mama. Kaya rin nalaman kong wala na roon si Rael ay wala na raw kasing tao sa unit nang dumating kagabi sina Luana. Nag-check naman ako ng phone pero wala naman siyang message sa akin. Naisip kong baka abala siya.

Pero sana man lang kinumusta niya ako. Sigurado naman akong nasabi ni Kuya Yael na nanganak na ako. Bahala nga siya. I only sighed. I was checking my social media while Mama rests on the sofa bed just beside me when I read the news. Napasinghap pa ako.

"Oh bakit, Lu?" Agad na lumapit sa akin si Mama. Pinakita ko ang nabasa ko.

"Ma, namatay ang anak ni Rael at Rina."

"Tsk. Grabe. Kawawang Rael. Noong nakaraan iyong Mikee – diba siya ang nakakita roon sa dalaga sa bathtub nang duguan at walang buhay? Ngayon naman ang anak niya. Anong sumpa kaya ang tumama sa batang iyan. Kaya pala wala siya rito. Inaakala kong dadalawin ka niya agad kagabi. Saan ba iyong lugar? Papupuntahin ko si Luana at Rainier. Nakakahiya rin sa mga Consunji, ilang taon natin silang kapitbahay. Isa pa, kaibigan mo si Rael. Hindi ka naman pwedeng lumabas agad at baka mabinat ka."

"Sa Heritage po." Malungkot na wika ko. Tinawagan agad ni Mama sina Luana para utusang magpunta roon ako naman ay hindi mapakali. Agad kong tinawagan si Rael at tulad ng inaasahan ay hindi nga siya sumagot sa akin. Baka mamaya kasi ay abala siya sa pag – estima sa mga tao. Inalala ko rin si Rina dahil naging magkaibigan naman na talag kaming dalawa. Wala akong ideya na ganito ang nangyari sa kanila. I was in cloud nine seeing my little one. Hindi man ako nakabalita sa kahit na sino sa labas ng mundong iyon. I sighed again. Pinili kong i-message si Rina.

To: Rina Osias

Message: My condolences, Rina. I just heard the news. I will pray for you and your family.

Hindi ko naman aasahan ang pagre-reply niya. Nakaramdam ako ng kalungkutan at na-realize ko na baka kaya nagkaganoon si Rael kahapon ay dahil sa balitang natanggap niya. If only I could be there for him right now, but I couldn't. Mas kailangan ako ng anak namin.

Natigil ang pag – iisip ko nang may kumatok na naman pero sa pagkakataong iyon ay bumukas ang pinto ng silid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Yto at ang kakambal niyang si Ma'am Yza.

"Grace, kumusta?" Bati ni Sir Yto sa Mama ko.

"Heto, lola na naman ako. Kumusta, Yto? Nabalitaan namin ang tungkol sa anak ni Ysrael." Napansin kong nakatitig sa akin ang Titi ni Rael habang ngiting – ngiti. Kinabahan tuloy ako.

"Doon nga kami pupunta nitong si Yzang. You remember my twin sister, Yza, si Grace, kung natatandaan mo siya ang asawa ni Donato, iyong kaibigan kong sa PBI nagtatrabaho noon."

"Hi, of course, I remember her. Madalas kaming magkita noon sa mga charity events. Nice to see you again, Grace." Napakalamyos ng tinig ni Yza Consunji. Matapos niyang kumustahin ang Mama ko ay tiningnan niya akong muli.

"Ba-bakit po?"

"Wala naman, hija. We came because Yto said he wanted to see you and your daughter. Also may mga dala kami para sa'yo at sa baby mo." As if on cue, pumasok ang mga unipormadong babaeng may dalang kung ano – ano. May isang basket ng prutas, bulaklak, mga diaper yata iyon at mga damit na pam-baby. Napatingin ako kay Mama na nakakunot ang noo habang sinusundan ang mga dalahing iyon.

"Maraming Salamat po pero hindi naman po kailangan—"

"Kailangan." Sabi ni Sir Yto. "Kailangan at nararapat lang." He smiled at me. Hindi ko sila naiintindihan.

"Ku... kumusta po si Rael?"

"Malungkot siya, hija." Sabi pa ni Yza Consunji sa akin. "Hindi rin naming inasahan na ganito ang mangyayari. I remembered when he came to see me to tell me that Rina was pregnant. He was so happy. I knew he would be a good father..." Tinitigan na naman niya ako. "He could still be, kung bibigyan siya ng pagkakataon, tama ba, hija?

Hindi ako makagpasalita.

"Bukas ang cremation ni Yzekiel." Sabi pa ni Sir Yto. Yzekiel... what a beautiful name. "Hindi kami makakapunta rito bukas, Lu pero dadalaw muli kami at kasama na si Rael sa pagkakataong iyon. Sa ngayon ay mauna na muna kami, Grace, Lucrezia."

"Bye po..." I even waved at them. Ngumiti sa akin si Yza Consunji pero may kutob akong may laman ang mga ngiting iyon. Nang makaalis sila ay bumaling ako kay Mama. Nakatitig siya sa akin na tila ba nagtataka rin.

"Kung ibang tao ako, iisipin kong si Rael ang tatay ni Riel kaya nandito iyang si Yto--- Lucrezia!" Pinanlakihan ako ni Mama ng mga mata. Huminga na lang ako ng napakalalim.

"Hindi po si DO ang ama, Mama. Si Ysrael nga po." Iyon lang at kinurot na naman ako ni Mama sa singit. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top