Chapter Ten

Something to do with the truth

Lucrezia's

SA TOTOO lang ay nag – aalala na ako kay Rael. Kanina ko pa siya pinapasok sa loob ng unit ko pero kanina pa rin siya parang hindi mapakali. Putlang – putla siya tapos ay parang hindi siya makahinga. Naroong iyong titingnan niya ako tapos mapapailing, uupo, tatayo lalakad – lakad na at hihinto na para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa. Hindi na ako nakatiis at ikinuha ko na siya ng tubig para naman kahit paano ay mahimasmasan siya.

"Rael, ano bang nararamdaman mo? Ang putla – putla mo. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Hinawakan ko siya sa braso. "Natulog ka man lang ba?"

"I need to sit down." Wika niya matapos maubos ang isang basong tubig na bigay ko. Alalang – alala ako.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya. Muli akong bumalik sa kusina para pag – init siya ng kung anong ulam na mayroon pa sa ref ko. May mga pagkain pa roon na mula kay Mama kaya ininit ko na. Kinuha ko ang chicken afritada at inilagay sa microwave. Nang mainit na ay naghain na ako saka ko siya tinawag. Parang tuliro si Rael. Ni hindi siya makatingin sa akin. Kabang – kaba ako. Na-happy pill na naman ba siya ni Ody?

"Kumain ka na." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at naupo sa silya. Hinawakan niya lang ang mga kubyertos pero hindi siya kumain. Napapalatak ako. Kinuha ko ang spoon and fork sa kanya at ako na mismo ang nagsubo sa kanya ng pagkain. Hinawakan ko pa nga siya sa pisngi niya gamit ang kamay ko para ibukas niya ang bibig niya. Ginawa naman niya pero nakatitig lang siya sa akin.

"Rael, sasampalin na kita! Ngumuya ka! Kanina ka pa ganyan. Akala mo ba hindi ako nag – aalala sa'yo?" Napansin kong ngumuya na siya tapos ay lumunok. Ipinagpatuloy ko naman ang pagpapakain sa kanya kahit na takang – taka ako sa ganitong reaksyon niya. Bakit siya ganito? Anong nangyari? Nag – away ba sila ni Rina? Pero kausap ko si Rina kanina sa facetime at sinabi niyang dalawang raw na muli nang huli silang magkita ni Rael. Abala rin kasi si Rina sa mga gawain niya sa orphanage at bilang anak ng Defense Secretary ng bansa ay mga tungkulin siyang kailangan gampanan sa bansa at kailangan matapos niya iyon ngayong darating na dalawang linggo kasi malapit na rin siyang manganak. My guts tells me na sabay kaming manganganak ni Rina. Hindi ko alam kung matutuwa ako roon o hindi pero mas pipiliin ko na lang na matuwa kasi kapatid naman ni Riel ang baby na iyon. I really do hope my kid and their kid become friends.

"Ysrael?" Natigil ang pag – iisip ko nang mapansin kong umiiyak si Rael. Napasinghap pa siya. Kinuha niya iyong kutsara at nagpatuloy sa pagkain habang iyak nang iyak. Sinasabayan ng pagsubo niya ang pagpunas niya sa mga luha niya. "Anong nangyayari sa'yo? Rael?" Hinawakan ko siya sa kamay lalo lang yata siyang umiyak kasi kanina tahimik siya pero ngayon humahagulgol si Rael na parang batang nawala sa mall. Hindi ako makatiis na hindi siya yakapin.

"Rael, natatakot na ako. Ano bang nangyayari?" Hindi siya nagsasalita. Iyak lang siya nang iyak. Naiiyak na rin ako. Nasa ganoong pwesto kami nang kung ilang minuto pero siya na rin ang lumayo sa akin para uminom ng tubig. Tumayo siya at naupo sa couch ko. Sinundan ko siya.

"Rael?" Iyak pa rin siya nang iyak kaya muli ko na naman siyang niyakap. Hinayaan ko lang siya sa ganoon. Iyong iyak ni Rael ay tila puno ng galit at emosyong hindi ko kayang ipaliwanag. Para bang bawat hikbi niya ay may kasamang bigat na hindi lang mula sa lungkot, kundi mula sa isang sugat na matagal nang hindi gumagaling. His emotions were raw, aching, unfiltered, and overwhelming. I could feel the pain in his voice; in the way his shoulders trembled with every sob. I don't know how else to describe it except to say that his crying frightened me. Not because he was loud, but because it felt like something inside him was breaking, and I didn't know how to help.

"Sorry... sorry, Lucrezia." Sisigok – sigok niyang wika. Para saan? Hindi ko siya maintindihan. He kept on crying. Hindi ko na kaya. Habang nasa mga bisig ko siya ay tinawagan ko si Kuya Yael. Sumagot naman agad pero si Ate AM ang kausap ko.

"Ate... puntahan ninyo naman kami ni Rael. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Nang um-oo si Ate AM ay tinapos ko ang tawag. Hinaplos – haplos ko ang likod ni Rael.

"Ano ba kasing nangyayari sa'yo? Alam mong ayaw kong ganyan ka. Alam mong ayaw kong walang alam. Ano ba kasi iyon?" My voice cracked, not out of anger, but out of helplessness. I hated not knowing. I hated seeing him like this—unraveling, and I couldn't catch the pieces.

Rael looked at me. There was something in his eyes, something he seemed to want to say. His lips parted, trembled even, as if words were fighting their way out. But nothing came. Just silence. Just the weight of everything he couldn't say.

And then, he moved forward and wrapped his arms around me. No words. Just that. A quiet surrender. He buried his face in the curve of my neck, and there—he cried again. Louder this time. More broken. As if the pain had found a voice, and it was his sobs. I held him tighter, unsure if it was for him or for me. Maybe both.

Sa ganoon kami natagpuan ni Ate AM at Kuya Yael. Sinabi ko kay Ate AM ang passcode ko kaya nakapasok sila. Alalang – alala si Kuya Yael na nilapitan kami pero hindi naman niya malapitan nang husto si Rael kaya nagtatakang tumingin siya sa akin. I shook my head.

"Ysrael, anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Kuya Yael habang hinahaplos ang likod ng kapatid. Nang hindi siya nagsalita ay naupo si Kuya Yael sa likuran niya. Dahan – dahan ko naman siyang ibinibigay sa kapatid niya nang bahagya akong makalayo ay saka lang yata siya nahimasmasan.

"Lu! Lu! H'wag mo akong iiwanan!" Sigaw niya na siyang ikinabigla naming lahat. Nagwawala siya. Niyakap lang siya ni Kuya Yael kaya hindi siya makalapit sa akin pero lalong nag-uumigting ang kagustuhan niyang lumapit sa akin. "Lu! Please, h'wag mo akong iwanan..." Humagulgol na naman siya.

"Okay..." Muli akong naupo. "Hindi naman kita iiwanan. Ano ka ba?" Naluluhang wika ko. Yumakap na naman siya sa akin. Nagkatingnan lang kaming tatlong nila Ate AM at Kuya Yael. Mukhang wala akong kawala ngayon. Kahit na hindi na ako halos makahinga ay hindi ko binibitiwan si Rael. Hindi ko alam kung ilang minuto pa siyang umiyak pero hindi naman nagtagal ay tumahimik na siya at naging regular na ang paghinga niya. Sa pagkakataong iyon ay nilapitan na ako ni Kuya Yael at noon niya binuhat si Yael palayo sa akin.

"Sa kwarto ko na lang muna siya, Kuya..." Mahinang wika ko. Tinanguan lang naman ako ni Kuya Yael. Naiwan kami ni Ate AM sa living area. Agad niya akong nilapitan at inabutan ng tissue.

"Anong nangyayari sa kanya?" Tanong sa akin ni Ate AM. Umiling lang ako. Hindi ko mapigil ang pag – iyak ko. Awang – awa ako sa kaibigan ko pero kasabay noon ang pagtataka kung bakit siya nagkakaganoon.

"Dumating siyang balisa eh. Hindi siya nagsasalita. Hindi ko alam kung saan siya galing. Paulit – ulit ko siyang tinanong pero wala siyang masabi sa akin hanggang sa pinakain ko na tapos ayon, umiyak nang umiyak si loko. Anong gagawin ko, Ate?"

"Hayaan na muna natin siguro siya."

"Tulog na tulong ang baby." Nakabalik na si Kuya Yael mula sa silid ko. "Itatanong ko kay Ica kung may nabanggit ba si Rael sa kanya. The last time he was like that was when MM was taken away from him after months of grieving for Mikee." Kuya Yael said in a quiet voice. Tama. Natatandaan ko ang araw na iyon. Wala rin siyang ginawa kundi ang umiyak at ayaw niya ring magsalita. Nagkaroon siya noon ng broke down and it took a while before he decided to come back. "Sinabi ko naman na sa kanya noon na kung kailangan niya ng kasama sa psychiatrist, sasamahan ko siya. Gusto ko talagang patingnan si Ysrael kasi pakiramdam ko nagkaroon siya ng trauma sa nangyari kay Mikee noon." Napansin kong tumango si Ate AM.

"Yael and I went there." Ngumiti si Ate sa akin.

"Ate?"

"Oo. Hindi naman kasi kaila iyong nangyari sa amin bago kami naging okay. It was traumatizing for me, kaya sinamahan niya ako. Nagulat na lang ako noong sabihin niya sa akin na gusto niya akong dalhin roon para sa mga nangyari sa akin dati noong gago pa siya."

"I was never proud of that. I'm so sorry, Aly."

"Ano ka ba? Okay na." Lumapit si Ate AM kay Kuya Yael para hawakan ang kamay nito. "Lahat naman ng mga sumunod na pagsubok nalagpasan nating magkakasama and I am happy now. Mahal kita, mahal mo ako at marami tayong anak. But thank you for acknowledging my mental needs, Bobo." Hinagkan ni Ate si Kuya sa pisngi. Napangiti naman ako.

"Kaya tama rin si Yae. Maybe Rael needs that kind of help. May kilala kaming doctor. Si Doc Cynthia Martha. Sa kanya ako dinala ni Yael noon."

"Ayaw niya eh." Wika pa ni Kuya Yael sa akin. "Kinausap ko na siya noon pero aya niya talaga. Kaya nga sa pag – aalala ko, dati inaya ko pa siyang sa akin tumira kasi ayokong matulad siya kay Mikee." I only nodded. It was very traumatic for Rael. He was the one who found her at the tub... I shook my head.

"Iwanan ninyo na siguro siya. Ako na lang—Aw..." Napangiwi ako nang maramdaman ko ang paghapdi ng tiyan ko. Napahawak ako roon. Baka sumipa si Riel kaya ganoon ang pakiramdam ko. Napatayo si Ate AM.

"Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?"

"Parang sumipa lang siya. Mukhang natuwa nang marinig ang boses ninyong dalawa---aw" Sa pagkakataong iyon ay sigurado akong hindi sumipa ang anak ko – sigurado akong humahapdi ang tiyan ko. "Aray, Ate, Kuya manganganak na yata ako..." Napapangiwing wika ko. Napasinghap ako nang pakiramdam ko ay nabasa ang panty ko.

"Her water broke!" Kuya Yael announced.

"Hala! Hala! Ysmael! Dalin na natin siya sa ospital!"

"Aray!" Muling wika ko. Si Kuya Yael ay tumayo. "Iyong hospital bag ko nasa may pinto—aw! Shit!" Pahapdi nang pahapdi ang contractions ko. Agad na kinuha ni Ate AM ang bag sa may pinto. Si Kuya Yael naman ay may tinawagan lang tapos ay lumabas na rin siya ng unit ko. Naiwan ako sa may salang naiiyak na hindi maintindihan ang nangyayari. Mayamaya ay bumalik siya at binuhat na ako nang pa-bride style.

"Sorry, sorry nakalimutan kita! Tinawagan ko nga pala si Ica, papunta siya rito para pagkagising ni Rael ay may kasama naman siya. Huminga ka lang nang malalim. Malapit lang ang Varess Medical kaya hindi ka dapat mag – alala!" Isinakay ako ni Kuya Yael sa kotse. Si Ate AM na ang nagdrive. Si Kuya Yael ang nasa passenger's seat kasama ko.

"Kuya, kailangan mong tawagan ang Mama ko."

"Oo. Nasaan ba ang cellphone mo?

"Nasa hospital bag ang extra phone ko. Walang security iyon. Speed dial 1 si Mama. Kailangan ko si Mama!" Iyak ako nang iyak.

"Sure, sure, calm down okay?"

"Kung wala si Mama, nasa bag ko rin iyong spelling ng pangalan ng anak ko. Kuya, h'wag mong mamaliin ang spelling niya ha? Azriella Rae ang pangalan ng anak ko. Kuya, iyong Mama ko!" Iyak ako nang iyak.

"Lahat iyan gagawin ko. You just need to calm down now, okay? Everything will be okay." Naramdaman kong humito ang kotse sa tapat ng ospital. Lumabas si Kuya Yael. Mayamaya naman ay dumating na ang mga nurses na tutulong sa akin. Isinakay nila ako sa gurney at ipinasok agad sa ER. Doon tinanong ako ng kung ano – ano, tapos ay inorasan ang kung anong dapat orasan. Hindi ko na alam kung anong nangyayari basta kailangan ko si Mama ko at hindi ko kayang gawin ito nang nag – iisa ako. Iyak ako nang iyak. Hindi ganito ang naisip kong araw na darating sa akin. Iniisip kong umaga palang ay nandito na si Mama. Sabay kaming pupunta sa ospital tapos ay magkasama kami buong maghapon saka ako manganganak pero ako lang ngayon. Hindi ko kaya ito.

"Mama!" Iyak ako nang iyak. May humawak sa kamay ko kaya napalingon ako. Nakangiti sa akin si Ate AM.

"Natawagan na ni Yael ang Mama mo. Papunta na sila pero habang wala sila ay ako muna ha?" Sabi niya pa sa akin. "Kaya mo ito, Lu, everything will be okay."

Naniwala ako. Pumasok kami isang silid kung saan ako manganganak. Hawak lang ni Ate AM ang kamay ko habang sinasabi sa akin ng doctor at nurse na umire ako. Kaya ko ito. Kaya kong iire ang anak ko. Two weeks pa sana bago ako manganak pero baka nag-alala si Azriella sa tatay niyang iyak nang iyak kanina kaya gusto na niyang lumabas.

"Give us a big one, Mommy! One last push!" Wika ng doctor ko and in the one last push, O gave it all. Hinang – hina na ako at ang tanging gusto ko na lang gawin ay matulog pero nagising ang diwa ko nang marinig ko ang pinakamagandang iyak sa buong buhay ko.

"Congratulations! It's a girl! A beautiful baby girl." Inilagay ng doctor sa dibdib ko si Azriella. Iyak ako nang iyak. Parang hindi ko kayang hawakan kasi ang liit niya. Baka mabasag siya.

"Congratulations, Mommy." Wika ng nurse na nag-abot sa akin kay Riel. Hindi nagtagal ay kinuha nila ang baby ko.

"Saan?"

"Lilinisan nila ang baby, saka ikaw na rin. Ako nang bahala sa kanya. You did a good job." Sabi pa ni Ate AM sa akin. Sinundan ko siya ng tingin. Tumayo siya sa kabilang bed kung saan ay nilinisan ang anak ko. Ate AM was only standing there. They turned my baby around, and suddenly Ate AM looked at me. May pagtataka sa mukha niya at gusto kong itanong kung bakit pero bigla silang umalis kasama ang anak ko. Ako naman ay dahan – dahan nang dinalaw ng antok dahil sa pagod...



































xxxx

"Ano ba naman, Abnoy! Nasa ospital tayo tapos hinuhubaran mo ako." Gusto sanang batukan ni Alyza Mae ang bobo niyang asawa pero hindi niya magawa dahil mas naguumigting sa kanyang makita ang balat ni Yael sa likuran.

May balat si Yael sa bandang likod, sa ilalim ng shoulder blades nito. Ang hugis noon ay parang pa puso na may kuwit sa bandang dulo. Alam na alam niya dahil ilang beses na niyang nakikita iyon tuwing nakahubad ito. Si Yohan ay may ganoong balat rin pero matatagpuan ang kay Yohan sa bandang ibaba ng kanang dibdib nito. Si Yanessa ay sa mismong gitna ng braso nito, si Yuna ay sa may likod ng tainga si Yuan naman ay sa may ilalim ng pusod. Kahit ang mga anak ni Hyacinth – ang triplets ay may ganoong balat kaya hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya sa anak ni Lucrezia.

"Ano bang tinitingnan mo?" Malanding tanong ni Yael sa kanya. Nang makita na ni Alyza Mae ang hinahanap na balat ay para lang nitong nakumpirma ang hinalang kanina pa tumatakbo sa isipan niya.

"Yael, si Rael yata ang tatay ng baby ni Lu."

"Ha?!" Kunot ang noong tanong sa kanya ng asawa niya.

Alyza Mae looked at her husband. She was so sure – so sure that she wanted to know what really happened between those two and if Rael's crashing out episode today has something to do with the truth...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top