Chapter 59
Chapter 59
"What do you want to do today?"
"I don't know.."
"You wanna swim?" He wiggled his brows, a suggestive smirk curved on his lips. "But I don't have any swimwear.."
"That's not a problem anymore. With or without a swimsuit, you can swim."
"Okay." May dinala nga siyang mga damit ko, kaso iilan lang 'yon.
"Mas prefer ko nga lang if nakahubad ka." Umuwang ang bibig ko. "Miguel!"
"Sorry.." he chuckled. Napairap ako. Tumayo ako sa sofa. "Last na hirit mo na 'yan. Magpapalit na ako."
"See you, babe." Kumindat siya sa akin. Hindi ko na siya pinansin pa at pumunta na sa kwartong tinulugan ko kagabi. Naghalungkat ako roon ng masusuot ko. May nahanap naman akong manipis na shirt doon, pinaresan ko na lang 'yon ng cycling short.
Tumingin ako sa salamin.
Tinanggal ko ang tali ko at nilugay ko ang buhok ko.
"Pwede na.." mahinang bulong ko. Bumaba ako ng hagdan. Wala na si Miguel sa kusina. Mukhang nauna na sa labas. Ang sabi niya sa akin kanina sa likod ng rest house kami mag-su-swimming dahil hindi gaano kalamig ang tubig doon.
Nang mapunta na ako sa likod ay natanaw ko siya kaagad doon. Nakatambay siya sa malaking bato. Humahangin nang malakas at nanlalabo ang paningin ko pero nagawa ko pa ring mamula. Naka-tank short lang siya. Nakabalandra ang matipuno niyang katawan. Nang bumaba ang tingin ko sa abs niya ay napakagat ako sa pang-ibabang labi.
"This man.." Napailing ako. Lakas-loob akong lumapit sa pwesto niya.
"Look who's here.." Bahagyang bumaba sa matangos niyang ilong ang suot niyang shades.
Naglakbay ang mga mata niya sa suot ko at pinigilan ko ang pagkailang nang mahinto ito sa bakat na bakat kong bra. Napaubo siya. Iniwas niya ang mga mata niya.
"They are still.. big," He licked his lower lip.
"Shut up." Pero natawa ako. Lumawak ang ngisi niya. Tinabihan niya ako at sabay naming pinagmasdan muna ang karagatan.
"Let's go?" I nod my head. Sumunod ako sa kanya. Sa bawat pagtapak ng paa ko sa buhangin ay nakikiliti ako. Pino at malambot ang mga ito.
"Come on, Bi. Punta tayo sa malalim." aniya at ipinilig ko ang ulo ko. "Ayoko, Miguel."
"Hindi naman kita lulunurin or something.."
"Kahit pa." Humalukipkip ako. Nasa kalahati pa lang ng dibdib ko 'yung tubig pero natatakot na ako so..
"You're no fun," he pouted his lips and my lips parted. "So what.."
"Boring mo, Bi." I know it's just a joke but I glared at him. Sinabuyan ko siya ng tubig.
"Go away, Miguel." Natawa na lamang siya. Sa tingin ko ay hindi na niya ako pipilitan pa kaya ipinikit ko na ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang karagatan. Naka-floating ako at kung pwede lang matulog ay ginawa ko na; ang payapa kase sa pakiramdam.
Dumaan ang ilang minuto at hindi ko na narinig pang magsalita si Miguel. Binuksan ko ang mga mata ko. Hinanap siya ng paningin ko, pero hindi ko na siya nakita pa.
"Miguel..?" Tinanaw ko 'yung malalim na parte ng dagat at hindi ko naman siya nakita roon. Akmang tatawagin ko pa siya nang parang gumalaw sa marahas na paraan ang tubig sa malalim na parte.
"Wag mong sabihing.." Nanlaki ang mga mata ko. Kaagad akong lumangoy papunta roon. Baka nalulunod na nga si Miguel!
Binalot ng pag-aalala ang puso ko.
Mas lumusong ako sa pababa sa tubig.
Nang makita ko ang katawan niya ay nagmadali ako. Kahit nahihirapan sa paglangoy ay nagawa kong makarating sa kinaroroonan niya. Inangat ko siya pataas. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung papaano umakto sa ganitong sitwasyon!
"Miguel. Miguel!" Hinawakan ko ang pisnge niya at mahina itong sinampal. Napaubo siya, kasunod no'n ay ang mahina niyang pagtawa. Iminulat niya ang mga mata niya at hindi ako makapaniwalang nagpapanggap lang pala siya..
"Fuck you!" Tinulak ko siya. Ang pag-aalala ko ay napalitan ng iritasyon.
"S-sorry.. sorry," He laughed again. Nagbaba-taas ang adams apple niya and for once, hindi ko na-appreciate ang ganda ng tawa niya.
"I hate you.." I keep glaring at him. Magkatapat kami ngayon. Nang makita niyang seryoso ako ay tumigil na siya sa wakas.
"Bianca.."
"Don't do that again!" I hissed. Lumapit siya sa akin. "I'm sorry, babe. I won't do that again, I swear."
"Bad trip ka talaga.." Bumusangot ako. Nawala na ako sa mood mag-swimming. Tinalikuran ko siya. "Bumalik na tayo sa loob.."
"No. Let's just stay here." Hinabol niya ako. Niyakap niya ako sa likod ko.
Nahinto ako.
Nilagay naman ni Miguel ang baba niya sa balikat ko. Sa balanseng paggalaw ng alon sa karagatan at ang paghuni ng ibon sa kalangitan, natahimik kaming dalawa. Hinayaan ko na lamang siya. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi iyon mapakali gaya ng sa akin.
"You're so beautiful.." he whispered. He closed his eyes and I couldn't help but lean to him. Humigpit ang yakap niya sa akin. Maya-maya pa ay pinaharap niya ako sa kanya.
"Can I.." Nagdaan ang tingin niya sa labi ko. "I really hate you." Pero kasunod naman no'n ay ang paghila ko sa batok niya at ang pagtama ng mga labi namin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at hinalikan na siya.
"Fuck.." He groaned and kissed me back. Ipinulupot ko ang katawan ko sa kanya. Nagpalitan kami ng sabik na halik. Wala ni isang nagpapatalo at halos mahigit na ang hininga ko dahil panay ang pagsakop niya sa bibig ko.
Miguel suddenly smacked my butt face and my fist clenched. Hindi ko alam kung papaano pa kami nakakalutang sa tubig gayong abala na kami sa isa't isa. Madiin niya akong hinalikan. Ginalugad niya ang bibig ko. Mas napakapit ako sa kanya. Pero nang bigla siyang bumaba sa tubig ay halos mapabitaw ako.
"Migue—" Sinama niya ako sa kanya. Sa ilalim ng karagatan ay nagkatitigan kaming dalawa and the next time I knew, we were kissing again. Sa tingin ko ay ito talaga ang balak niya nang yayain niya akong mag-swimming.
"Uh.." Bumuka ang bibig ko para umungol nang pisilin niya ang dibdib ko. Pero dahil nasa tubig nga pala kami, naubo na lamang ako. Kaagad niya naman akong inangat para i-ahon.
Napahawak ako sa bibig ko. Nag-init ang magkabilang pisnge ko pagkaluwa ko sa tubig na pumasok sa lalamunan ko.
"Are you okay?" Miguel chuckled, namumula ang chest niya.
"Y-yes.." Pinunasan ko ang labi ko. Inipit naman niya ang hibla ng buhok ko sa tainga ko. Akmang hahalikan niya pa ako nang biglang kumulog. Pareho kaming napaangat ng tingin sa kalangitan. Hindi na namin napansin ang pagdilim nito.
"Uulan pa yata.."
"Let's go inside then, baka magkasakit ka pa." Sumang-ayon ako sa kanya. Pero bago kami makapunta sa dalampasigan ay lumangoy muna kami. Naging malayo ang pwesto namin kanina.
"Here.." Inabutan ako ni Miguel ng towel. Mukhang inihanda niya kanina.
"Thank you.." I murmured. Inakbayan naman niya ako at sabay kaming pumasok sa loob. Nag-shower lang ako sa saglit para makapaglinis ng katawan. Dalawa ang bathroom dito sa rest house ni Miguel, sa ibaba ako naligo at sa itaas naman siya.
Suot ang sleepers ni Miguel ay nagtungo ako sa kusina. Papatuyuin ko sana ang buhok ko pero pinangungunahan ako ng gutom ko. Tinignan ko ang laman ng refrigerator. Nang makita ko ang apple rito ay kinuha ko ito. Umupo ako sa counter table at tahimik na kumain.
"Nandito ka lang pala.." Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko siyang magsalita.
"Miguel!" Nabulunan ako sa nginunguya ko nang maabutan ko ang suot niya. Nakalagay pa rin 'yung towel sa waist niya!
"Hindi ka ba lalamigin diyan? Magbihis ka nga.." Napaiwas ako ng tingin.
"Tayong dalawa lang naman 'yung nandito so.." In just a blink of an eyes, nasa harapan ko na siya. Napausog ako sa kinauupuan ko dahil corner niya na ako bigla.
"Dry my hair?" he asked. Napipilitan naman akong napatango. Inilapag ko ang apple na hawak ko at kinuha 'yung towel ko. Dahan-dahan kong pinunasan ang buhok niya.
"Meron pa pala nito rito.." Kinagat ni Miguel ang apple ko.
"Sa akin 'yan, kumuha ka kaya do'n."
"Tinatamad ako." He smirked and I sighed. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko sa ulo niya. Nang makitang nabawasan kahit papaano ang pagkabasa nito ay tumigil na ako.
"Thanks.." Nagnakaw siya ng halik sa labi ko. Napakurap-kurap ako. "Nasasanay tayo ah."
"So what.." Hinalikan niya naman ang pisnge ko, kasunod no'n ay ang pagdampi ng labi niya sa panga ko.
"Stop na.." pagpigil ko sa kanya.
"Make me," he whispered, enough for me to slightly shiver.
I rolled my eyes.
"That's won't work on me." Tumayo ako. Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin. Kinuha ko ang apple ko sa kamay niya at iniwan siya roon sa kusina.
Tinawag niya ako pero nagpaalam na akong aakyat sa taas.
"You're no fun, Bi!" Para talagang bata. Napailing ako. Umakyat ako ng hagdan. Pumasok ako sa kwarto at naupo sa kama.
Natanaw ko ang pag-ulan sa bintana. Sa ganitong panahon, masarap matulog. Pero dahil basang-basa pa ang buhok ko, hindi pa pwede. Pinagmasdan ko na lamang ang kwarto. Nasa kusina ang tv, at ni soundtrack wala rito. Wala naman sa akin ang cellphone ko kaya hindi ako makapaglibang.
"Makatulog na nga lang.." Humiga na ako sa kama. Ayokong bumaba dahil baka matukso lang ako kay Miguel. Mahirap na.
"Bianca.. Kain na," Umungol lamang ako. I want to sleep more. "Gabi na, babe. Kain ka na."
"Mamaya na.." I murmured and hugged the pillow.
"Alright, you sleepy head. I'll just leave the food on the counter. My head hurts right now, but eat later okay?" Tumango ako sa kanya at bumalik na sa pagkatulog nang mawala na siya sa kwarto.
Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas bago ako muling nagising. Napahikab ako at bumangon sa kama. Kumukulo na ang tiyan ko kaya dumeretso na agad ako sa kusina. Gaya ng sinabi ni Miguel kanina, nandoon nga 'yung pagkain. Marami-rami iyon at sa tingin ko ay mauubos ko rin agad dahil gutom na gutom na ako.
"Thank God." Napahawak ako sa tiyan ko matapos kong kumain. Uminom ako ng tubig. Nang makita kong malinis ang kusina ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko.
Tumingin ako sa wall clock.
Natigilan ako nang makitang 2 am na pala ng madaling araw.
Mukhang naging mahaba ang tulog ko.
Naupo ako sa sofa. Pinatay ko ang ilaw sa kusina. Binuksan ko ang tv, pero hininaan ko lang ang volume. Magpapaantok pa sana ako pero dilat na dilat na ang mga mata ko. Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang may kumalabog sa itaas.
Napatayo ako.
Nagtungo ako sa kwarto ni Miguel dahil doon ko narinig ang ingay. Kumatok ako. Nang hindi siya kumibo ay pinihit ko na ang doorknob. Sinabi niya sa aking hindi siya magla-lock ng pinto para if ever na may kaylanganin ako, madali ko siyang mapupuntahan.
Pumasok ako sa loob. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto niya at napasinghap ako nang makita ko siyang namimilipit sa sahig.
"Miguel!" Dinaluhan ko kaagad siya. Pero sa pagdampi lang ng palad ko sa balat niya ay umuwang ang bibig ko. "A-ang init mo.."
"B-Bianca..?" he called me. Nagsalubong ang magkabilang kilay ko. Gamit ang buong lakas ko ay itinayo ko siya, inihiga ko siya sa kama niya.
"Uminom ka na ba ng gamot?" Nabanggit nga pala niya kanina na masakit ang ulo niya!
"Y-yes.." Napaubo siya. Lumapit ako sa pwesto niya. Sinukat ko ang init sa noo niya at napaasik ako nang hindi magbago ang lagay no'n.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko.."
"S-sorry.." Miguel tried to open his eyes. "Did.. I disturb your sleep?"
"Hindi." Napabuntong hininga ako. "Are you okay? Sobrang sama ba ng pakiramdam mo?"
"I-I can still manage.. G-Go back to your sleep, Bi." Napatitig ako sa nahihirapan niyang ekspresyon. It's my first time to see him this sick.
Lumayo ako sa kanya. Kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan ito. Nang makita ko siyang nakapikit na pero parang namimilipit pa rin ay lumabas ako ng kwarto niya. Bumaba ako at kumuha ng maliit na palangga. Nilagyan ko 'yon ng tubig at malinis na towel.
"Miguel?" tinawag ko siya.
"Y-you came back.." He seems surprised. Akala niya siguro sinunod ko ang gusto niya.
"Pwede ka bang bumangon kahit kaunti?" Nag-aalalang salita ko.
"I-I guess.." Napadaing siya. Naupo naman ako sa kama. Piniga ko ang towel at ipinunas na sa kanya. Inumpisahan ko muna sa mukha niya bago ko siya pinunasan sa leeg, batok, dibdib, braso at kamay.
"Sa susunod, mag-ingat ka naman kase. Hindi bagay sa 'yo magkasakit, Miguel." Iniwan ko 'yung towel sa noo niya. Inayos ko ang kumot sa katawan niya.
"T-thank you.." Nagkatitigan kami. Hindi ko mapigilang ipakita ang pag-aalala sa ekspresyon ko. Maliit lamang akong ngumiti sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito. "Rest, Miguel. I'm serious."
"Don't leave me.."
"I won't.."
"Promise?" He looks really vulnerable right now and my heart hurts. "Yes."
"Stay with me here.." Umusog siya. Nagkaroon bigla ng maluwag na espasyo sa kama niya.
"May upuan naman doon.." Tinuro ko 'yung sofa niya rito.
"P-please?"
"Fine.."
Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa gusto niya. Tumabi ako sa paghiga niya. Awtomatiko namang yumakap ang mga braso niya sa akin. Kinulong niya ako sa bisig niya. Even though I'm uncomfortable with the position, I let him. Maya-maya pa ay naging payapa na ang paghiga niya. Matutulog na rin sana ako nang bigla siyang magsalita habang nakapikit.
"I love you, Bi."
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top