Chapter 36

Chapter 36

Tuluyan na akong nagising nang maaninag ang liwanag na nagmula sa siwang ng bintana sa kwarto ko. Inangat ko ang ulo ko patagilid para matignan kung anong oras na ba. Mula sa wall clock na ang tangkay ay nasa pagitan ng 6 at 5 ay masasabi kong umaga na pala talaga.

Mabilis akong bumangon kahit tila tinatamad pa ang katawan ko. Mula kagabi ay late na talaga akong nakatulog kakaisip sa isang tao. At hindi ko na kaylangang pangalanan kung sino 'yon. Although medyo puyat ako ay maganda pa rin naman ang pakiramdam ko. My mood is already set in a positive way this day. I have this feeling na walang sino mang tao ang makakasira ng araw ko. It felt nice to woke up with such a good freaking morning.

Matapos kong gawin ang morning rituals ko ay pinakatitignan ko ang sarili ko sa salamin.

Nakasuot ako ngayon ng brown cycling knee shorts na pinaresan ko ng manipis na white shirt top. Bahagyang bumakat ang kulay ng sport bra ko rito which is katerno naman ng pang-ibaba ko.

Kinuha ko ang towel na inihanda ko, inilagay ko ito sa batok ko at sinabit na. Nang maabot ko naman ang black headset na nakapatong sa sofa ay inayos ko ito sa tainga ko. Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tumbler. Matapos kong isara ang mineral container ay inangat ko sa harapan ko ang tumbler na naglalaman na ng tubig.

"Makainom nga muna ng gatas," mahinang bulong ko saka muling binuksan ang ref.

Nang makababa ako sa building ay nadaanan ko ang mga guards. As usual binati nila ako kaya magaan ko naman silang binati pabalik. Nagawa pa nga nila akong tuksuhin dahil mukhang iba raw ang aura ko sa umagang ito at natawa na lang ako.

Pumaliko ako sa malaking subdivision na hindi naman gano'n ka-private dahil maari kang makapasok roon kahit hindi ka naninirahan. Pero minsan, ang talagang pinapayagan lang na magtungo rito ang mga taong nag-e-ehersisyo sa umaga na gaya ko.

Masyadong malawak at malaki naman kase talaga ang lugar nila. Mula sa naglalawakang abandunadong lupa na tinutubuan na lamang ng makakapal na damo dahilan para mahalintulad ang subdivision na ito sa isang tahimik at payapang bayan. Sa pagkakaalam ko nga ay mayroong maliit na park dito; na pinupuntahan ng nakakarami—kaya napagpasyahan ko na lang na doon mag-jogging paikot.

Lumipas ang mahigit isang oras, naramdaman ko kaagad ang pagkahingal ko. My heart beat increase, my muscles become tense and the next time I knew; my steps halted already. Catching my own breath, na-upo ako sa isang bench dito sa park. Tinanggal ko ang headset na pumapalibot sa tainga ko at pinunasan na ang pawis na kanina pa namumuo mula sa batok, leeg, sintido at mukha ko.

Ang buhok kong nakapusod ay maluwag na, may iilang hibla ng buhok kong nabasa dahil sa pawis. Minsan na lang ako mag-exercise kaya siguro naging ganito kaagad ang reaksyon ng katawan ko.

"Hello?" Itinapat ko sa tainga ko ang cellphone ko nang may tumawag dito.

"Morning, baby." Miguel suddenly greeted softly, sending a shivered down to my spine that made me somehow lifted my eyebrows..

"B-boss?" Ang aga naman nitong tumawag!

"The one and only." I heard him chuckled. He seems in a good mood also. "Wala manlang ba akong good morning too diyan?"

"Uh.."

"At nag-isip ka pa talaga.." palatak niya.

"Sorry.." Ipinatong ko ang towel ko sa lap ko. "But, yeah. Good morning, boss."

"Nag-breakfast ka na?" Ngayon naman ay tila nangingiti ang tono ng boses niya. Grabe talaga ang mood wings nitong lalaking ito.

"I didn't eat heavy breakfast this morning, I only drink my milk." ang naging sagot ko na lang. "Nag jo-jogging kase ako ngayon."

"What!?" he asked in disbelief and my forehead furrowed. Should I be offended with his reaction right now?

"Grabe ka naman, boss.." natawa ako. Natahimik naman siya at naghintay na lang ako muli sa pagkibo niya.

Pinagmasdan ko ang paligid ng park.

"Bianca.. What are you wearing right now?" Napaayos ako ng upo.

"Huh?"

"Ang sabi ko.." Napabuntong hininga siya. "Anong suot mo?"

"Uh, damit?"

"That's not what I mean, Bianca."

My frown deepened.

"Ang gulo mo boss.." pahayag ko. "At bakit ba parang naiinis ka na?"

"Just freaking tell me, okay?" He keep his voice restrained and I slowly shook my head.

This man..

Binuksan ko ang tumbler ko.

"Stretchable short and loosely shirt." salita ko habang umiinom ng tubig. Kanina pa namamanat ang boses ko.

"W-what? A short!?" he exclaimed as his voice become more irritated. "Hanggang saan ang haba..?"

"Now, you're being weird again."

"Just answer me."

"Bakit mo ba kase kaylangang malama—"

"Bianca.."

"Okay, okay.." I can't help but chuckle at him. "Masyado kang highblood ngayon, boss. Hindi ka gumaya kay James na laging nakangiti.." Pakiramdam ko kase ay nakapirmi na naman ang labi niya

"Mahal kase ang ngiti ko." Miguel pointed out. "Anyways bakit mo naman sinasali sa usapan ang kapatid kong 'yon..?"

Ang unggoy na ito! Lahat na lang ng sinasabi ko ay minamasama..

"You're crazy, Miguel."

"Are you shifting the topic here, Bianca?" Napataas ang kilay ko at natigil na ang pagtingin sa mga ibong nakatambay ngayon sa isang puno. "Please, baby just fucking answer me. Gaano ba kahaba ang short na suot mo?"

He seems so desperate at this moment and I sighed. Tinignan ko ang suot kong pang-ibaba. Tumatangkad na siguro ako. Dati abot pa ito sa tuhod ko, ngayon ay halos mangalahati na sa hita ko 'yung cycling knee shorts ko.

"Medyo okay naman.." Nag-aalangan ako kung magsasabi ba ako ng totoo. "Nasa ibabaw pa ng tuhod ko 'yung haba."

He suddenly become quiet.

"Siguraduhin mo lang, Bianca.. Siguraduhin mo lang.."

"Oo naman. Bakit naman kita lolokohin hindi ba?" I shrugged my shoulder and this time he hummed softly.

Mukhang kalmado na ulit siya, and I silently face palmed. This man is ridiculous. Kanina iretable siya, ngayon naman ay mukha siyang masaya.

Ipadala ko na kaya siya sa mental hospital?

"By the way, baby.." I tried to act normal; hearing his never-ending endearment again. "Why you didn't answered my calls last night?"

"Uh, 'yung missed calls ba?"

"Yeah," If I can see him right now, I think naka-pout na siya. "Magtatampo ako niyan.."

Nag-init ang magkabilang pisnge ko. Anong sasabihin ko? Ayaw ko namang umamin na naging abala ako sa pag-iisip sa kanya kaya nagkaganun! Mas lalo niya akong aasarin panigurado. 

"U-uh.." I trailed my words. This is what I dislike in myself when it comes to the person I am close to.. I just can't lie.

"Answer me, Bi. Bakit 'di mo ako sinagot?" he asked me once again.

Bakit ba ginagawa niya pang big deal iyon? Pwede niya namang hindi na pansinin pa 'di ba? O baka naman nanghuhuli lang talaga siya kaya siya nagtatanong. I know him.. Madali lang siyang makahalata kung may something ba sa akin. He's so smart and somehow secretly manipulative. Minsan nga, parang mas kilala niya pa ako kahit na maski sa mismong sarili ko.

"Bakit ba kase naghahanap ka ng sagot?" I composed myself. Two can play a game. "Nanliligaw ka ba?"

"W-what—what.."

"Okay ka lang ba, Miguel?" I asked innocently at him. He seems speechless for a while.

"H-huh?" At talagang nautal pa? "Ang sabi ko, bakit kita sasagutin kung hindi ka naman nanliligaw.." I repeated nonchalantly.

"Ay.." reaksyon niya. "K-kaylangan pa ba 'yon? 'Di ba sa akin ka naman na?"

Umuwang ang bibig ko sa narinig. Bahagya ko pang inilayo ang cellphone ko kung numero niya pa rin ba ito at baka nag-i-imagine lang ako ngayon..

"Miguel! A-ano bang sinasabi mo d'yan.." hindi mapigilang suway ko nang ma-realize na sinabi niya talaga 'yon sa akin.

"Hindi ka pa ba inform, Bianca?"

"W-what..?" I hissed.

"Oh well, sasabihin ko na sa'yo. So listen carefully hm?" Just like an obedient student, I nod my head kahit hindi niya ako nakikita. "Bianca, baby. Since the day I met you, you become for me already. You're mine to be with, Bi. No one can take you away from me."

"I-I..." I want to say something, but he and my mouth won't let me.

"You're only for the man named Miguel fucking Falcon with AB blood type and no one else, Bianca. End of discussion."

"M-Miguel.." mahina na lamang na bulong ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi.

"Have a great day, babe. I'll see you later." And just like that, the called died and I just keep blinking.

I can't believe this..

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napahaplos ako sa pisnge ko, malamang sa malamang ay namumula ito. Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya sa akin.

Did he really mean it?

Napapikit na ako nang mariin. Pilit kong pinapakalma ang pagwawala ng sistema ko. Kaylangan kong makaharap siya nang personal. Ang ganitong seryosohang usapan ay hindi lang madadaan sa texts and calls. This should be face to face. With that, naalala ko bigla na may pasok pa nga pala ako. Muntik ko ng malimutan na lunes ngayon.

Akmang aalis na ako sa park nang biglang may pumigil sa akin.

"Hi, Miss!"

Napalingon ako sa tatlong binata na mukhang ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob para lumapit sa akin. Sa palagay ko ay mga ka-edad ito ni James, o mas bata pa. Kanina ko pa sila nahahalatang pasulyap-sulyap sa akin. Hindi ko lang pinapansin.

"Hello.." I whispered, but enough for them to hear. "May kaylangan ba kayo?"

"Uh, eh—" sumubok magsalita nung isa pero biglang tumunog ang cellphone ko. Napunta ang atensyon ko roon, at napabuntong hininga na lang ako nang mag-text si Auntie. Pupuntahan niya raw ako mamayang gabi.

"What is it? May sasabibin ba kayo?" I asked them politely, looking so serious this time. Nabahag naman ang mga buntot nila at sa isang iglap lang ay nawala na silang tatlo sa harapan ko. I think they all become too shy! What a kiddo..

Napailing na lamang ako. Bumalik ako sa building ng condominium ko. Matapos no'n ay nag-ayos muli ako ng sarili para naman pumasok sa work.

Pagkadating ko sa kompanya ay dumeretso kaagad ako sa quarters ko. Nadaanan kong bukas na ang office ni boss kaya gumawa na agad ako ng kape para sa kanya. Mukhang nauna pa siya sa akin dito.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto, and he immediately told me to 'come in' kaya pumasok na ako. Pero bahagya akong natigilan nang makitang hindi siya busy ngayon. Miguel looks calm and chill, seemingly relaxing. Hindi siya nakaupo sa swivel chair niya at nakatambay lang sa sofa.

"Good morning, Boss." I greeted, too gently for my liking. Nonetheless, I forward the tasa on his table.

"Come here.."

Nangunot ng noo ko. "P-po?"

Nang makita niya akong naguguluhan ay itinapik niya ang kamay niya sa tabi niya, isinesenyas na maupo ako sa sofa.

"Miss Secretary, sit here." he commanded, already using his authority.

Although I'm hesitant, I still obeyed him. Nagpunta ako sa pwesto niya. Matapos kong maramdaman kung gaano kalambot ang sofa pagkaupo ko ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. My eyes was searching for a answer, but Miguel only looked at me intently; seriousness was written through his very appealing manly face.

Minuto ang lumipas at talagang nakatitig lamang siya sa akin kaya tuluyan na akong nailang.

Damn this man..

"B-boss.." Nabigla ako nang isandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Morning, Bi.." malambing na bulong niya sa gilid ng tainga ko dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko.

"Are you okay..?" I softly asked him.

Naramdam ko naman ang pag-iling niya. Pero hindi nawala ang pagdaga ng pangamba sa dibdib ko. Nag-aalala ako. Ano bang nangyare? Parang kanina lang ay good mood pa siya nang magkausap kami 'di ba?

"Bianca, tingin mo ba.." Napabuntong hininga siya. "may pag-asa ba ako?"

Nagtagpo ang mga kilay ko. "Saan..?"

"S-sayo.." Miguel stuttered, and looking at his expression right now; I find him too amusing. I realized that this man is just nervous that's why he's acting this way..

Wala sa sariling inabot ko ang buhok niya. Marahan kong hinaplos at pinaglaruan ito.

"Are you seducing me, baby?" How can he do this? Being adorable and cute all of sudden yet being unfiltered human being afterwards.

"I'm not seducing you.." Hinarap ko siya at napanguso naman siya sa akin.

Nakakatawa ang reaksyon niya kaya nagpigil na ako ng ngiti.

"You look so problematic earlier, ayon lang ba ang iniisip mo?" I asked him.

"U-uh, yes..?" Parang bata siyang napatango sa akin, pasimpleng napahawak sa batok at nag-iwas ng tingin.

Napangiti ako sa kanya.

Sabi ko na nga ba at sa call lang siya matapang..

"Come closer.." Nalukot ang gwapong mukha ni Miguel ngunit sinenyasan ko lamang siyang lumapit pa sa akin.

Kinakabahan niya namang sinakop ang espasyong namamagitan sa aming dalawa. Nagkatapat ang mga mukha namin kaya malaya kong naramdaman ang init ng hininga niya. At nang isang dipa na lamang ang lapit niya sa akin ay tinitigan ko siya sa mata.

"Sa tingin mo ba.." Naglakbay ang tingin ko sa kilay niya. Hinaplos ko ito gamit ang hinalalaki ko. "Papayag akong halikan mo ako kung hindi?" Napunta ang atensyon ko sa nakaawang niyang labi. "Na papayag akong magpahawak sa'yo nang ganun kung wala..?"

Masuyo kong nginitian si Miguel nang makita kung gaano bumalot ang sari-saring emosyon sa tsokolate niyang mga mata. At nang marahan, pero may kadiinan ko siyang hinalikan ay napatulala na lang siya.

"Labas na ako, boss!" ani ko at kinatok pa ang pintuan ng opisina niya para makuha ang atensyon niya. Hindi na siya nakagalaw doon sa sofa matapos ko siyang iwanan.

Nang muling magtama ang mga mata naming dalawa ngayon ay kinindatan ko siya. Hindi naman siya makapaniwala. Akmang tatayo na siya roon kaya mabilis kong isinara ang pintuang hawak ko. Kaagad akong kumaripas ng takbo dahil umasta siyang hahabulin pa ako.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top