Chapter 35

Chapter 35

Habang nasa sasakyan ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Nakagagaan sa loob na makitang masaya ang mga batang 'yon. Na kahit wala na silang mga magulang ay tinuring nilang pamilya ang isa't isa. Naalala ko tuloy nang madapa si Inah kanina habang tumatakbo, inalalayan kaagad siya ni Cyrus at tinulungan.

Natutuwa ako na lumalaki silang mabubuting tao. Bibihira na lamang ang ganoon lalo na't wala naman silang kalinga ng isang magulang, at kadugong pamilya. Kaya laking pasasalamat ko sa mga madreng nagbabantay at walang sawang nag-aalalaga sa kanila; na tinuring din silang tunay na mga anak.

Marahan akong napabuntong hininga. Iba ang sayang nararamdaman ko ngayon, tila panandalian kong nakalimutan ang mga problemang pinagdadaanan ko. Tuluyan ng nalihis ang isip ko sa pain na kinakaharap ko nang 'di pa kami nagpupunta roon.

Napakagaan ng loob ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa mga bata na miss na miss ko na talaga o dahil kay Miguel na siyang nagdala rin talaga sa akin doon para makita sila. Although, I'm still shocked na may ganoon pala siyang side; also helping the orphanage wholeheartedly.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at napayuko. I tried to surpass my grin, but I can't help it. Oo nga't simple lang 'yung ginawa niya pero another level of kilig ang naipamalas no'n sa sistema ko.

Ano bang ginagawa mo sa'kin Miguel? Tinignan ko ang maaliwalas niyang ekspresyon sa rareview mirror.

Huminga ako nang malalim.

I do really I like him, and there's a high chance that I am falling too.. Sana nga lang mutual ang feelings naming dalawa dahil sawa na akong umasa, mabigo at masaktan nang paulit-ulit. Although hindi ko hawak ang nararamdaman niya pero sana.. sana pareho ang tinitibok ng puso namin. Sana nga siya na.

"I'm glad that I make you happy, Bianca." Napalingon ako sa kanya nang marinig ko kung gaano kahinahon ang boses niya.

"T-thank you.." I murmured. I appreciated all the things he had done today.

Miguel's chocolate, brown eyes sparks in amusement as he lick his lower lip. Pinantayan niya ang ngiti ko at kumabog na naman ang dibdib ko.

Nang tumigil na ang sasakyan ay napalingon ako sa labas ng salamin, nasa parking lot na pala kami. Ni hindi ko na halos napansin. Naging abala na ako sa paninitig sa kanya kanina.

"Salamat sa paghahatid.."

"Always, Bi.." Akmang bubuksan ko na ang pinto pigilan ng kamay niya ang braso ko. Napalingon ako sa kanya.

"Bianca.." He called me, looking so serious. But the way my name rolled out through his lips gave some chill in my spine so I shivered. ".. your key." Wala sa sariling napadukwang ako at kinuha nga ang susi ng kotse kong hawak niya.

"Thanks!" Nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin ay kagat-labing hinalikan ko siya sa labi.

Naramdaman ko kung papaano siya magulat, nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti lamang ako at akmang tatanggalin na ang mga labi naming magkalapat nang hawakan naman niya ang pisnge ko at mariin akong hinalikan. And just like that, my heart reacted like crazy.

Pumarte ang mga labi ko dahilan para lalo niyang palalimin ang kanyang halik. Nag-init ang mukha ko at tinugunan na rin siya. Feeling how soft his lips are, my thighs tightened; his passionate kisses gave me more warmth than I could imagine. Sobrang nakakaakit, at sobrang sarap.

Tulirong napahawak ako sa balikat niya. Sinugod niya naman ng mas agresibong halik ang labi ko. As a soft moan escaped on my lips, he groaned and my lips parted completely; giving him more access that I know he wanted since the beginning.

Naghalikan kami na tila ba wala ng bukas gamit ang mapaglarong mga labi namin. Even though I'm not looking in the mirror, I know that my lips are already swollen and reddish. Miguel bit my lowerlip as he lick the side of it. Halos halikan niya na ang buong mukha ko dahilan para mapadaing ako sa sarap.

Nangangawit na ang balakang ko dahil sa posisyon namin; mula sa pang-upo kong nakaangat at katawan kong halos nakadepende na sa kanya. Kung hindi lamang nakaalalay ang matitipuno niyang braso sa gilidan ko ay alam kong mawawalan na ako ng balanse. Nakakapanghina ang mga halik niya at kung hindi pa kami titigil ay alam kong mapupunta na naman kami sa kung saan.

Mabigat man sa loob ko ay ako na ang pumutol sa halikan namin, at ipinadausdos na lamang ang basang labi sa pisnge niya.

Ngumuso siya at hinabol pa ang labi ko. "Damn.."

His red lips were parted, and it's really tempting. Namumungay ang mga mata niya, at tila ba lango na sa halikan namin. He looks so cute so I just winked at him teasingly.

"See you!" Pagkuha ko sa atensyon niya nang pakatitignan niya lamang ang labi ko.

"Bianca naman!" tila nagmamaktol na bulalas niya dahilan para mapahalakhak ako sa tuwa.

"Bye.." I can't help but smirk at him. "Ingat ka sa pagmamaneho hm?"

Miguel pouted at me like a lost puppy. Napailing ako at muli siyang dinukwangan, binigyan ng saglitang halik saka tuluyan na ngang bumaba ng kanyang sasakyan.

Nang mabuksan ko na ang unit ng condo ko ay halos mapasipol ako. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung gaano nakakaakit si Miguel kapag nabibitin.

Itinaas ko ang kamay ko para pantayan ang switch saka binuksan ang ilaw. Nang lumiwanag na ang kabuoan ng living room ay natigilan ako. Nilibot ng mapanuri kong mga mata ang paligid. Mukhang kaylan ko ng maglinis mamaya.

Habang nakasalampak sa sa sofa ay binitawan ko ang hawak kong bag sa mesa. Nakasandal ako sa kinauupuan ko na tila ba dito nakadepende ang katawan ko. Tumingala ako sa ceilings kaya bumungad naman sa akin ang kremang taas nito na dinesenyohan ng pahalang linya sa magkabilaan. Pumperpekto ang krema, kayumanggi, at puting kulay nito sa formation dahilan para masabing simple pero elegante.

Absentmindedly, napahawak ako sa labi ko. Ang sarap niya talagang humalik. Wala na ang labi niya sa akin, pero nararamdam ko pa rin ang lambot nito. Hindi naman niya ako minarkahan, pero parang hindi na yata mawawala ang bakas ng presensiya niya sa katawan ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

Ayaw ko muna siyang isipin nang isipin dahil pakiramdam ko ay obsessed na ako sa kanya.

Pero nang siya pa rin ang bumungad sa isipan ko ay nawala na ako sa sarili.

Mula sa kamay kong nakapatong sa gilid ng upuan ko ay inilagay ko ito patungong dibdib ko, kaharap ng puso ko. Hindi mawala-wala ang lakas ng tibok nito.

Noon, hindi ko inaakalang may ganitong pakiramdam. Na may ganito akong mararamdaman. 'Yung tipong kahit simple lang ang ginawa niya sa'yo, kinikilig ka na. Mabigyan ka lang kahit papaano ng atensyon niya, masayang-masaya ka na.

Noon, ang akala ko bibilis lang nang ganito ang puso ko kapag tumatakbo lang ako nang matulin at kapag sobra ng hinihingal. Ngayon, 'yung pintig ng puso ko ay dahil sa kanya na. Noon, akala ko masasaktan lang ako dahil nadapa o natalisod ako. Ngayon, maari na akong masaktan kapag may ibang babae siyang kasama.

Lumamlam ang mga mata ko.

Nagbago ang lahat ng pananaw ko sa buhay nang makilala ko si Miguel. Ibang-iba 'yung epekto niya sa akin at alam kong sobrang risky nitong nararamdaman ko para sa kanya dahil siya lang ang lalaki na bukod kay papa ang nakapasok sa puso ko—Pero hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko.

I may be become too judgemental lately, assuming the he's an asshole; cheating with his girl. But I trust him right now and I will do my best para hindi madamay kung ano man ang meron sa amin ngayon sa traumang naranasan ko mula sa nakaraan ko. I won't let my past dictate my path with the man I am falling with.

..Say, go through the darkest of days
Heaven's a heartbreak away
Never let you go, never let me down
Oh, it's been a hell of a ride
Driving the edge of a knife
Never let you go, never let me down~♪♡

Hindi ko alam kung kaylan, hindi ko alam kung paano at sa anong paraan.. Pero nakuha ni Miguel ang loob ko.

Desidido na akong papasukin siya sa buhay ko.

..All that we need
Is a rude awakening to know we're good enough
Know we're good enough~♪♡

"Oh baby.. Baby, let me love you. Let me love you.." Nakangiti ako habang sinasabayan ang kanta.

Namula tuloy ang pisnge ko nang maalala kung papaano niya ako isiniyaw noon at kung paaano niya sabayan ang kantang, 'Let me love you' habang nakatingin sa mga mata ko. The way he stared at me that night is something I can't explain, yet I somehow know.

May kutob ako pero hindi ako sigurado.

May conclusion ako pero hindi ako ganun ka-confident kung talaga bang totoo.

Maybe yes, for some time; I become dense because of being such an in denial girl. But I'm not dumb. When we are talking about feelings, even it should based in an actions; there's still uncertainty if we won't used words.

Now, I don't know if I will still hold my perception about Actions being top with Words.

With a person like me; who has a lot of issues from the past, I guess words also matters after the confusing actions. In how complicated our life are, words and actions should be inseparable.

Nangunot ang noo ko, at napanguso nang huminto ang kanta sa cellphone ko. Natapos na ito kaka-ring, napagod na siguro 'yung caller.

"W-wait.. Caller?!" Nanlaki ang mata ko nang ma-realize kung bakit nga pala biglang nag-appear 'yung kanta.

Yes, ginawa kong call ringtone 'yung kantang 'yon. Although hindi ko pa talaga siya napapakinggan noon but when it always the music I hear when I was always thinking of him, nag-download talaga ako.

Wala sa sariling napabangon ako sa kinasasandalan ko at napatingin sa bintana kung saan matatanaw ko ang kadiliman ng gabi.

"Sino naman kaya ang tatawag sa oras na 'to?" mahinang bulong ko at mahigpit na hinawakan ang cellphone. Binuksan ko ang screen.

8 missed calls from Miguel!

Nanlaki ang mga mata ko. Ang dami niya na palang tawag, pero ni hindi ko manlang nasagot ni isa..

"Busy ka kase kakaisip sa kanya, Bianca!" I hissed at naging malikot sa sofa.

Huminga ako nang malalim at nagtungo na lamang sa messages. Baka nag-iwan siya kahit papaano ng message! Sa isiping iyon ay may kasabikan kong iginalaw ang daliri ko para mag-scroll. Pinindot ko ang contact niya at nang makitang may two messages siyang ipinadala rito ay madali ko itong pinindot.

Good night, Bi.

I won't mind if you also dream of me.

Wala sa sariling napahawak ako sa bibig ko. Parang gusto kong tumili sa kilig! Pero pinigilan ko ang sarili ko at napakagat na lamang sa pang-ibabang labi. Simpleng mga mensahe lang iyon, pero nagawa no'n pagandahin pa lalo ang mood ko sa gabing ito.

Naipadyak ko ang paa ko nang hindi pa rin ako mapakali. Umurong naman ang maliit na lamesa rito. Bagaman natigilan ay natawa lang ako. Napatakip ako ng unan na nakuha ko sa gilid. Nakakasigurado akong pati pagtulog ko ay magiging magaan din dahil sa epektong dala ni Miguel.

"Damn that man.." I breathed out. Hindi ko nakikilala ang sarili ko kapag siya na ang uspan.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top