Chapter 06
Chapter 06
"W-what?! Pero.. paano na 'yan? Anong gagawin ko?" tanong ko sa lalaking kaharap ko.
I'm so shocked and kind of dumbfounded sa inanunsyo niya sa akin ngayon. Hindi ko inakalang maaring maapektuhan din 'yung trabaho ko sa nangyare! But come to think of it, sino na ang pagtatrabahuhan ko gayong wala na pala akong boss? Hindi manlang iyon pumasok sa isipan ko for pete's sake.
I let an intense breath before I digest and gathered all the possibilities this time. "Kung wala na si Mr. President.. then sa new President na ako i-aasign, right?"
"Uh, hindi na ganun iyong protocol sa itaas.. Ms. Del Pilar," he let out as he took a very deep and collective sigh. "May nagbago na."
Nangunot ang noo ko.
"Nagbago?"
Napatango naman siya bago tuluyang maging pormal na sa akin. Ang kaninang nag-aalangan niyang tingin ay tumuwid sa propesyonal na paraan. Ako naman ay hindi natinag sa binibigay niyang reaksyon.
Anong pagbabago ba ang sinasabi niya? Isip-isip ko.
'Wag niyang sabihing, gaya ni Mr. Ex-president ay tanggal na rin ako sa trabaho? No freaking way! Hindi naman ako kasabwat sa kalokohan nung matandang iyon at kahit na gawan pa nila ako ng imbestigasyon ay wala rin silang mapapala. I'm innocent and truthfully devoted to this company."
"Bianca, alam mo naman sigurong ikaw ang isa sa mga natatanging empleyado rito sa Falcon. You become extensively efficient and productive laborer, obtaining the Most Recognized and Outstanding Employee Awards in Falcon Industry Company every year," may kahabaang panimula niya matapos itiklop ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang mesa.
"I can distinguish that too well, sir." Huminga ako nang malalim at derektang tinignan siya sa mata. "You know, you can just straight to the point this time. 'Wag na kayong magpaligoy-ligoy."
I don't want to be rude and disrespectful pero kanina pa niya kase nililihis ang usapan. At sa totoo lang, hindi ko iyon nagugustuhan. Nararamdaman kong malapit ng mapatid 'yung pasensiyang kanina ko pa kinikimkim.
Mukhang inaasahan naman niya ang pagiging straightforward ko kaya tuluyan na siyang sumandal sa kanyang kinauupuan.
Presently, I'm now here in his office, ang head namin, si Mr. Dela Cruz. I think mas matanda siya sa akin ng limang taon. At kung hindi ako nagkakamali ay nagparamdam siya sa akin ng interes noon; nung panahong bago pa lang ako rito sa kompanya, siya kase ang nag-ga-guide sa akin. Ngunit hindi ko 'yon pinansin manlang at nagmanhid-manhidan dahilan para mahinto na siya. Tinigilan niya ako.
"So that's it.. Ikaw na ang napagdesisyonang magseserbisyo para sa kanya." aniya pagkatapos mag-explain sa akin. "Ms. Bianca Del Pilar, honorably, you are assigned and entrusted to be the CEO's profitable exclusive secretary."
Natigilan at nahigit naman ang hininga ko sa narinig. Ngunit ginalaw lamang niya ang kinauupuang swivel chair saka ako pinagmasdan. Once again, I can obviously grasp their powerful and intimidating words when it comes to him.. to Mr. Falcon.
It's really a big deal huh?
Marahan akong napatango.
Unti-unti ring promoseso sa utak ko ang mga narinig ko.
Ayon lang pala. I mentally groaned at confuse na tinignan siya pabalik. Hindi ko alam kung anong problema roon. Mukha kase siyang pinagsakluban ng langit at lupa kanina nang makapasok ako sa opisina niya. Mukhang mas inaalala pa niya yata ang magiging kalagayan ko dahil sa naging utos ng nakatataas kaysa sa akin.
Hindi ko tuloy mapigilang mahiwagaan. Bakit kaya ganyan ang mga tao, maliit na bagay, ngunit masyadong pinalalaki.
"Are you sure about it?" Naninigurado ang boses niya nang magsalita kaya napakurap-kurap na ako.
"I mean.. won't you even complain or something, Bianca?" gulantang na dagdag pa nito.
"Yes, I'm not." Why would I naman kase? It's like I have a choices.. or options. "But what's with your disagreement by it sir? Is there any problem with me, working with him?"
Mariin niya akong tinignan. "You don't totally understand the situation you are in, aren't you? Iba 'yung CEO natin ngayon at alam mo naman siguro iyon Ms. Del Pilar—"
I knew it.
Bakit ba parang paulit-ulit na lang? Ganun ba talaga nakaka-intimidate 'yung Mr. Falcon na iyon para mag-alala sila nang ganito?
"Mr. Dela Cruz, don't underestimate me. Nandito ako para matiwasay na magtrabaho. Alam mo kung gaano ako kapropesyonal sa larangang ito. Hindi ko hinahaluan ng kahit anong bagay ang trabaho ko. I don't care whoever my new boss is. I won't oversee him this way." Nagkibit-balikat ako at tinaasan na siya ng kilay. "So don't worry that much, wala naman akong inuurungan."
I can perceive how his smile widen this time habang nakatingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin, but my forehead secretly furrowed when his eyes shimmer and twinkle to something I can't name.
"Sabi ko na nga ba at mangyayare ito. Nararamdaman ko na nung una na wala ka pa ring pag-aalinlangang papayag.. Just the like the old times." I just nod my head in return.
He slowly, cleared his throat.
"Alright, you may now start tomorro—" Napatingin kaming dalawa ni Mr. Dela Cruz sa kanyang telepono nang bigla itong tumunog. Nakalagay iyon sa gilid ng kanyang swivel chair, sa ibabaw ng isang itim na cabinet; na sa tingin ko ay mga papeles at folders lang ang laman.
Nang sumenyas siyang sasagutin ito ay pormal lamang akong ngumiti sa kanya.
Masinsinan niyang kinausap ang kabilang linya.
".. Okay, Mr. Falcon." aniya sa mababang tinig at ibinaba na ang telepono paglatapos.
Tumingin siya sa akin. "I'm so sorry, Ms. Del Pilar—pero.."
"Pero?"
"Hindi ka na mag-uumpisa bukas. Ngayon.. ngayon ka na mismo magsisimula." he silently murmured, clearly opposing the proclamations he let out awhile ago.
Umuwang ang bibig ko pero napatango rin kalaunan.
"Okay."
"Pasensiya na talaga. Tumawag kase si Mr. Falcon at alam mo na.. Boss natin 'yon." Napahawak siya sa batok bago magpatuloy. "Kaylangan nating sundin. Hihintayin ka raw niya sa taas. He says that he need you to his office as soon as possible."
Napagpasyahan kong tumayo na mula sa kinauupuan ko at ganundin ang ginawa siya.
"I understand.." tingin ko sa kanya. Pinakita naman niya sa akin ang masaya niyang ngiti bago sumang-ayon.
Palihim naman akong napailing doon. Somehow, I appreciate his gentle and thoughtful gestures towards me. Kung handa lang akong buksan ang puso ko, malamang ay nabighani niya na ako.
Pagkalabas ko sa opisina niya ay binalak ko agad na magtungo sa elevator. Ngunit sa bawat paghakbang ng mga paa ko papunta roon ay hindi ko mapigilang ngumiwi nang bahagya. Nanghihinayang ako dahil ngayong araw pa rin pala ako magsisimula. But at the same time, ayos na rin dahil exempted 'yung pagka-late ko ngayong araw. Halos hindi nga nila napansin pa.
Ikinunot ko ang noo ko sa harapan nang tumingin na ang nakablusang babae sa katabi niya. Panay kase ito ngiti at hagikgik na tila ba kinikiliti sa kung saan.
May kasama akong dalawang babae rito sa loob ng elevator. Mga nasa mids-30 siguro ang edad, mas matanda sa akin. Nakasuot ng company id kaya nakakasigurado akong empleyado ng Falcon at hindi bisita lamang.
"Ang hot daw ng boss natin ah? Sayang nga at hindi ko nakita kanina. May issue nanaman kase sa FB, at hindi ko naman mapigilang makisabay muna."
"Oh..? But I think you just lost your chance this day, Drea." Ang naging tugon naman nung katabi niya. "Kung nasilayan mo lang siya kanina. God, masyadong nakakalaglag panga ang kagwapuhan."
"Tapos, 'yung masculine pa niya beh. Sobrang manly to the point na nakakalaglag din ng panty. Mabuti na nga lang at mahigpit ang garter nung underwear na suot ko kung hindi—naku!"
"Seryoso ba 'to?!"
"Legit! Parang gusto ko nga gumawa ng fan account niya. Sobrang nakakaakit siya kahit sa malayo. Partida, wala pa akong almusal kanina! Pero parang nabusog na rin ako nang masilayan ko ang kabuoan niya."
Napapikit na ako nang mariin. Hindi sa gusto kong pakinggan ang pinag-uusap nila pero wala yata sa bokabularyo nila ang salitang.. bulong!
"Mema 'to.." kunwareng hindi naman naniniwalang sabi nung nagsimula ng usapan kanina. "Ang OA naman ng exposition mo. Parang verbally scripted! Narinig ko na iyang mga phrases mo sa Wattpad, ateng!"
"Luh, ayaw maniwala nito! Mukhang masarap nga! Ulam na ulam kahit sa umaga."
"Hindi agad ako naniniwala sa sabi-sabi lang, Sum. Magbigay ka pa ng more infos, make me believe you right now. Exaggerated ka lang minsan e." Ngumisi pa iyong Drea sa kausap kaya nakatanggap naman ito ng malutong na halakhak sa babae.
"Echos ka talaga babaita! Ang sabihin mo.. gusto mo lang talagang makichismis! Hmp." ani nalamang nung Sum at nanlaki ang mga mata ko nang magbigay nga siya ng big deal information sa kasama. "So ito na nga beh, may kinuwento sa akin 'yung pinsan ko.. Model 'yung binabantayan niya' diba? E medyo close sila no'n! At nung mabanggit ko 'yung CEO natin ay nakilala niya. Oh my, yummy company owner! Nakipag-jugjugan na daw 'yung binabantayan niya sa boss natin. Ka-fubu daw kumbaga! At syempre nakukwento raw sa kanya dahil nga pinagmamalaki nung modelo. Kinulit ko, kaya ayon.. kinuwento rin sa akin. Heaven, at euphoria daw 'yung narating, Drea!"
Hindi ko na mapigilang lakasan ang pagbuntong hininga sa harapan at walang sali-salitang lumabas sa elevator nang sa wakas ay tumunog ito. Iniwan ko sila roong nakasinghap sa biglang paggalaw ko. And God knows how uncomfortable and skeptical I am lalo na't mukhang ngayon lang sila nakaramdam na may iba pa silang kasama sa loob bukod sa non-filter egregious conversation nila.
Ugh, nakakainis! Ganun na ba talaga ang dapat pag-usapan ngayon? Parang pinagnanasahan na nila 'yung new found CEO namin. They are in public place and they need to somehow repudiated their manners when it comes to that godamn topic.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ko. Anong uri bang lalaki iyang Falcon na 'yan at bakit parang pinagpipyestahan kaagad siya rito sa kompanya? Oo nga't CEO siya rito pero may hindi kagandahang image na siya para sa akin.
Lukot ang mukhang hinanap ko ang exclusive personal office niya rito sa clandestine ground. Hindi ko pa siya personal na nakikita pero tingin ko'y hindi ko kaagad siya magugustuhan. Dahil kung ang pagbabasehan ay ang bulyar na usapan nung Drea at Sum na may maamo mang mukha ngunit may hindi pala ganun kainosenteng pag-iisip ay masasabi kong masyado siyang maano sa mga babae.
I even bet na marami rin siyang dirty, titillating and sensual history with girls. Definitely, a certified playboy.
I sighed. I hate those kinds!
Wala sa sariling ipinilig ko na lamang ang ulo ko at naglumikot nang bahagya dahil nasa 3rd to the last room ang opisina niya.
Kapansin-pansin ang kalakihang taglay ng bawat espasyo ng quarters at iba't ibang uri ng kwarto sa floor na ito. Magkakahiwalay at talagang malalawak dahilan para maglakad pa ako. Well, mga pribadong lugar ang tanging narito kaya hindi na ako nagtataka pa.
Huminto ako sa gitna kung saan ko nakita ang opisina ni Mr. Falcon. Bahagya pa nga akong napaatras para pakatitignan at makabisado. Maganda na ang sigurado. Mukhang mapapadalas pa naman iyong pagpunta ko sa opisina niya.
Contented with my distinction, I press the bell in the left side.
Mayamaya pa ay walang sumagot kaya kunot ang noo kong pinindot muli ito. Hindi ko alam pero kaagad akong naiirita sa kanya. Siya ang nagpatawag sa akin dito pero tila wala naman siyang inaasahang tao kung umasta.
"Come in.." It came from a very deep and intense voice. Napakurap-kurap ako. I did not hear him that much, but I can comprehended that it was what he meant.
With a grim line curved in my lips, I gently shoved the door. Nagbunga naman iyon ng tahimik na tunog dala siguro ng paggalaw nung maliit na bell na nasa pinakagitna.
Napalunok ako at napakapit nang mahigpit sa gamit na dala-dala ko. I don't know, but all of sudden I can't name the strange feeling that assaulted throughout my essence and individuality at this moment. That in every step and pace I take.. is the exact period of how my chest irresistibly throb.
Weird and odd isn't it? It's like I'm in an intence scene of a horror movie and I am definitely the next victim that about to be killed and eliminated.
"Ms. Bianca Del Pilar. Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kanina pa kita hinihintay.." Nahinto siya sa pagsasalita at matalim na pag-angat ng tingin sa akin nung makita niya na ako.
Nahigit naman ang hininga ko. Hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman nang mawala ang kabang naramdaman ko kanina at bigla ay napalitan ito ng pagkabilis ng tibok ng puso ko nang masilayan ko na ang Mr. Falcon na pinag-uusapan kanina.
Stunned and flabbergast, I just gawked into his glamorous chocolate eyes. It had no expression and articulation but I felt how his gazes tense.. It's like he was shocked and completely surprised to see me.
Naiwan ang mga salitang sasabihin niya kaya malaya kong nasilayan kung gaano pala maaring maging kaakit-akit ang labi ng isang lalaki kapag nakaawang na.
I silenty clenched my jaw. Baka kase nalaglag na nang matagpuan ko ang mga mata niya. I'm speechless, I can't utter any words. Mukhang tama kase ang deskripsyon nung babae sa elevator kung patungkol sa kanya ang usapin.
Silently, collecting my self and emotions.. I urged my lips to form an formal smile.
"Good morning, Mr. Falcon. I'm Bianca Del Pilar, your new exclusive secretary."
"Why are you late..?" he harshly asserted. Nawala ang kaninang emosyong nagdaan sa mga mata niya, at gaya ko'y naging pormal ito.
Akala ko makakaligtas na! Isip-isip ko at naglabas nang mababang buntong hininga.
"I apologize for my lateness, Mr. Falcon. I am truly sorry." I murmured seriously. "It was completely unprofessional of me. Please accept my apology for my actions. I have plans to ensure that it will never happens again."
Sinadya ko talagang habaan ang mga salita ko para wala na siyang masabi pa. Ngunit hindi ko inaasahang literal siyang walang ikikibo sa akin. Dahil ang lalaking nasa harapan ko ay hindi na ako pinansin pa at tuluyan na lamang na humarap sa mga papeles na hawak niya kanina. Doon ay itinuon ni Mr. Falcon ang buong atensyon kaysa sa akin na dapat binibigyan niya na ng instructions, or demonstration.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ko sa ginawa niyang iyon. Sinubukan kong tumikhim at kunin ang atensyon niya ngunit wala pa rin. Hindi niya ako nililingon, pinag-aangatan ng tingin o kinausap manlang.
Napamaang naman ako. Because right now, I can comprehend that I looked like a fool standing infront of him.
Gumalaw ang panga ko at hinabaan pa ang pasensiya kakatayo. But minutes passed by and Mr. Falcon didn't spoke anymore. Even I'm confused and unsettled.. I turned my back on him. Gagawan ko na lang siya ng kape, baka mahalaga talaga 'yung mga papers na tinitignan niya.
Napailing ako.
Pero pwede naman niya akong sabihan hindi ba? Hindi iyong tatanungin niya ako at sasagot naman ako pero hindi na niya ako papansin pagkatapos. That's so unprofessional for pete's sake!
Nang walang ingay kong naisara ang pintuan ay nakahinga ako nang maluwag. Nasa labas na ako ngunit medyo naghintay pa rin akong tawagin niya ulit. Baka kase mali lang 'yung impression ko sa gestures na ipinakita niya kanina nung nasa harapan niya ako. Pero gaya kanina ay wala pa rin talaga akong narinig sa kanya kaya dismayado na akong napataas ng kilay.
See? He didn't even seem to notice me completely. Mukhang ganito talaga siya ka-rude umakto sa mga empleyado niya. Such a monkey CEO!
Still in an unpleasant and dreadful mood because of the way he behaved towards me, I went into the coffee maker next to his office. Ang lugar kung saan matatagpuan ang sole headquarters ng mga secretary. They have their own computer, desk and glass wall that divides them entirely. A cubicle.
Nadaanan ng mga mata ko ang tatlong babae sa gilid but they just ignored me seemingly busy scrolling to the computer screen.
With a sighed of relief, I carefully went straight to their pantry. I hand a tasa before I enlarged it to my freshly brewed coffee. Yes, there is a coffee maker machine. Mas madali nga iyong gamitin dahil sumasakto talaga iyong lasa. However, I didn't need to use it. Bukod sa marunong naman akong gumawa ng kape.. I just, really prefer and desire to make it by my own.
Silently, I breath in the aroma of my own made coffee and slightly sniffed it as I settle the tasa in a small tray, and gently took it.
"Sobrang sarap ko talaga gumawa ng kape.." I groaned as a playful grinned showed in my face.
I left the headquarters at matapos no'n ay napagpasyahan kong pumasok muli sa opisina ni Mr. Falcon.
But as soon as I emptied the door, my forehead completely furrowed when I felt a very dark and shady presence glaring at me in most impropriety way.
"And, why the fuck did you leave me again this time Ms. Del Pilar?!" A very loud and strong voice thundered to the whole office, and I can't believe that it really came from Mr. Falcon.
Sunod-sunod ang naging paglunok ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin.
Bakit parang.. galit na galit siya?
And w-what? Leave him this time? Again? Is he kidding me? Hindi ba't ngayon lang naman kami nagkita?
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top