Chapter 05

Chapter 05

Starting my Monday with this annoying traffic jams are nonentity worse and terrible lalo na't umagang-umaga pa lamang. Maliwanag ang kalangitan, ngunit wala pa rin namang araw.

Kanina ay daig ko pang aligaga nang bumangon ako sa kama. Nahuli kase ako ng gising. And God knows how I became startled dahil hindi naman ako ganun dati. Masyado nga akong kampante kung matulog kagabi dahil kilala ko naman ang sarili ko. I'm a morning person, an early bird. Na kahit walang alarm clock ay nakakaya kong gumising sa tamang oras.

Pero ngayon.. Hindi ko alam kung ano ang biglang nangyare. Wala naman akong napanaginipang maganda kagabi. If ever na nagka-nightmare naman ako, mas maaga pa nga akong nagigising kase hindi na ako nakakatulog once na naistorbo ang dapat na tuloy-tuloy na tulog ko.

Iritable akong napakagat sa pang-ibabang labi. Being trapped in my lasting car, patiently waiting in the middle of the road made my frustration go higher than earlier, knowing that there is nothing I can do dahil stuck na ako sa traffic at paniguradong late na ako sa trabaho.

They say.. traffic jams often occur during rush hour or right after a large event, because there are more cars on the road than normal. Pero sa lagay ngayon, I think ang dahilan ng traffic na kinasasangkutan ko ay resulta ng car accidents doon sa U route. Idagdag pa ang biglaan pagkakaroon ng road construction sa main highway.

Napabuntong hininga ako.

Traffic jams is really a problem even then because they make people late for work.

Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip dahil minsan ay palala na nang palala ang traffic sa bansa. How can we reduce the number of traffic jams? Ayon sa inilabas na data ng government, the possible solutions include carpooling or using public transportation. Na aminado akong hindi ko magagawa dahil personal na ang gamit ko sa sasakyan ko. Ginagamit ko ito halos araw-araw. Mas nakakatipid din kase kapag may sarili kang sasakyan kaysa mag-public transportation.

Wala sa sariling hinigpitan ko ang paghawak sa manibela. Tinignan ko ang dereksyon sa harapan ko at nang makitang may bakante naman sa kabila, sa pinakaunahan—ay walang pag-aalinlangan kong pinaandar ang sasakyan ko. I, just can't be late. In Falcon, late employees means being irresponsible.

Sumingit ako nang sumingit sa mga vehicles na pwede kong lagpasan. Nagbingi-bingihan ako sa mga sasakyang inuugungan ako dahil nauunahan ko sila sa kalsada. Mabuti na lang at tinted itong sasakyan ko kaya hindi nila ako mamumukhaan if ever.

Mayamaya pa ay binagalan ko na ang pagmamaneho nang matanaw na ang kompanyang pinapasukan ko. Atleast kahit papaano ay nakalusot ako sa mas matinding traffic, bahala na ang karma sa akin sa susunod. I just need to hurry up. Hindi lang din naman ako ang gumagawa no'n.

Although I'm still breathless, I sighed in relief. I didn't even bother to gawked at the gigantic building of Falcon na lagi kong ginagawa. I just immediately perched in the parking lot as I silently took my belongings before I went out.

Sa pagtapak ng paa ko sa ground ay hindi na ako nagulat pa nang makitang exposed na rin ang ibang empleyadong nahuli gaya ko. They are also in a haste like me. Mukhang 'di rin nila inaasahan iyong traffic na bumungad ngayong araw.

"Miss Bianca.." The guards can't help but muttered when they saw me. I think they also can't believe that I am late lalo na't lunes na lunes pa naman.

Bahagya akong napangiwi at ngumiti na lang sa kanila. Mabilis naman silang nagtanguan bago ako papasukin. Nilagay ko sa machine 'yung ID ko bilang attendance saka madaling naglakad sa lobby. 

Malalaki ang hakbang akong tumapat sa elevator. Kaagad na pinindot ang gilid nito, at ilang segundo lang ang nagdaan ay mabilis itong bumukas. Bumungad sa akin ang walang katao-taong elevator. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag nang makita itong bakante. Nakakahiya naman kase kung may makasabayan pa ako dahil paniguradong pag-uusapan nanaman ako ng mga ito kung sakali. Mga certified marites.

Inangat ko ang kamay ko at pinindot na ang floor kung nasaan ang office ni Mr. President. Nakakasigurado akong nagpupuyos na iyon sa inis ngayon. Pero wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang mga pagalit niya dahil alam kong kasalanan ko rin naman.

"Pero sana 'wag naman ganun ka-harsh.." I murmured softly at inayos na ang sarili ko.

Mula sa buhok kong hindi lalagpas sa balikat at sa company identification card na nakasabit sa aking leeg ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan ko sa elevator. Sporting my longsleeve white shirt, nude brown coat, and above the knee formal skirt that currently paired by my not-so-high sandals ay kumurba ang labi ko pangiti.

Undoubtedly, it's Bianca's typical and specific outfits.

I took an intense breath before I begun ripping into the President's office. Dalawang mabibilis na katok ang binigay niyang senyales kaya ayon ang ginawa ko. But I frowned and my eyes deepened when I only met with unspoken silence.

He didn't respond. With that thought circulating in my mind, I cross my arms. This old man is really annoying and definitely upsetting sometimes. Baka nagbibingi-bingihan nanaman siya sa mga katok ko tulad ng dati.

Withstanding his attitude once again, I repeatedly knocked to his door. But this time ay 'yung wala ng ritmo para pagbuksan na niya ako. Pero wala pa ring nangyare. Hindi siya kumibo, wala akong natanggap na sagot.

"Bakit kaya ayaw magsalita ng matandang 'yon.." mahinang bulong ko sa kawalan.

Tinignan ko ang relong suot ko at nang makita kung anong oras na ay tila gusto kong manghina.

Late na late na ako sa trabaho ko! Ano ba talagang nangyayare sa matandang iyon? Pinaglalaruan niya ba ako? Kakatok na muli sana ako dahil ayon na lamang ang choice ko nang mapadako ang tingin ko sa doorknob. Hindi ito naka-lock, which means nakabukas ang opisina.

Sobrang unusual iyon para sa akin dahil kandado na lang ang kulang sa pintuan niya kapag nagsasarado ito. Ayaw na ayaw niyang may pumapasok na kung sino-sino sa kanyang opisina. Bukod syempre, sa akin dahil nandoon din ang desk ko.

Napagpasyahan kong itulak na ang pinto para pumasok na sa loob. At ganun pa rin naman ang bumungad sa akin. Walang pagbabago. Pero nangunot ang noo ko nang makitang magulo ang paligid.

Umuwang ang bibig ko saka tinignan kung totoo nga ba itong nakikita ko. O baka namamalikmata lamang ako. Kalat-kalat ang mga papeles sa piligid, at parang ninakawan dahil sa gulo.

Nakataob ang swivel chair ni Mr. President. Hindi maayos ang mga gamit sa desk niya at napansin kong wala rin roon ang itim niyang plaka. Lagi pa naman niya iyong pinagmamalaki. Dahil isa raw iyong karangalan at kanyang posisyon dito sa kompanya.

"A-anong nangyare..?" halos hindi na kumurap na bulong ko saka muling inilibot ang tingin sa paligid.

Kung wala lang kami sa kompanya ay iisipin kong nanakawan talaga ang opisina. Pero wala namang mga gamit na importante rito sa loob para nakawin kung hindi mga papeles lang.

Napatingin ako sa babaeng humahangos sa pagtakbo ngayon. She gaped at me breathlessly habang nakakapit na sa pintuan na pinasukan ko kanina. Magulo rin ang suot niya na tila ba bumangga muna sa kung saan-saan bago makarating sa akin.

"What's wrong here?" naguguluhang tanong ko.

"M-miss Bianca, hello po." I veered around to face her 'cause I could not understand what she was mumbling bukod sa mga salitang iyon. Masyado kaseng mahina.

"Ano bang nangyayare? Bakit wala pa rin ang President dito?" Pinakita ko sa kanya ang pagsalubong ng kilay ko.

She tried to smile at me, but there's an uncertainly flashed in her eyes so I turn my head in my surrounding again.

"Actually Miss, the President is gone." Just by hearing those words ay kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanya. I stared at her in disbelief, seriously alarmed by her words.

What the..? Patay na si Mr. President? Pero paano? Tinanong ko siya kung anong nangyare at ano ang ikinamatay ngunit napakamot lamang siya sa kanyang batok, tila may nasabi akong kakaiba.

Honestly, I did not insinuate to say it pero ayon kase ang pinapahiwatig niya. And if that is the case, it's so sad and pessimistic. Because even though.. he's incredibly strict and very bossy—he is still a human. He made by God hindi nga lang ganun ka-obvious.

"H-hindi Miss, ang ibig ko pong sabihin, ay wala na siya rito. Wala na siya sa kompanya." she tried to explain.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi na talaga mapigilang mapasinghap na. Hindi ako makapagsalita dahil walang pumasok sa isip ko. Bakit siya natanggal sa pwesto? May ginawa ba siyang masama sa kompanya?

"And Miss Bianca, pinapatawag po kayo ng head." pagpukaw niya naman muli sa atensyon ko.

Huminga ako nang malalim saka nagtanong na. "Bakit daw?"

"Tungkol po rito.." Ininguso niya ang paligid.

Napataas ang kilay ko. "Ano ba talagang nangyare?"

"Ano po kase Miss, mahirap po i-explain." Ngumiwi siya saka ginalaw pa ang kamay na tila ba hindi niya alam ang sasabihin.

"Anong mahirap sa pag-e-explain?" seryosong sabi ko naman. "Magsalita ka lang, hindi naman kita pagpapaliwanagin nang tumatambling."

Awkward siyang natawa as if nagjo-joke ako.

"N-nahuli po kase 'yung President, I mean 'yung ex-president dahil sa pagnanakaw sa kompanya."

Nanliit ang mga mata ko.

Kaya naman pala!

"Tapos?"

"Po?" Nangunot ang noo niya kaya muli akong nagsalita. "Tapos?"

"Huh?" Nang ayon pa rin ang sabihin niya ay palihim akong napaismid.

"Sabi ko, tapos 'diba?" I rationalized, emphasizing my words. "Anong kasunod kumbaga.."

Pilit siyang ngumiti nang makita ang inip na ekspresyon ko.

"Akala ko po kung ano na.. Hindi po ba kayo nagulat? I mean lahat kami gulat dito, kahit naman napaka-istrikto ng matandang 'yon, I mean ni ex-president na 'yon ay nakakagulat pa rin."

Tumango ako, sumang-ayon ako sa kanya. Sino nga ba ang hindi 'diba? That was just unexpected.

"Nagulat." Lumingon siya sa akin. Mukhang hindi niya yata narinig ang sinabi ko. "H-ho?"

"Nagulat," ulit ko sa kanya. Akala ko na-gets niya na ngunit hindi pa rin yata dahil muli niyang binanggit ang sinabi niya kanina.

"Ho?"

"Sabi ko nagulat ako.." naiinis na sabi ko sa kanya saka sinuklay ang buhok sa frustration.

Napakamot naman siya ngayon sa ulo. "G-ganun po ba? Nagulat na po kayo sa lagay na 'yan?"

"Oo,"

"Hehe, weird," Mahina man iyon ngunit narinig ko pa rin. Ako pa talaga ang weird ngayon..? "So ayon nga po, kaya po siya tinanggal at kakasuhan pa daw dahil sa laki ng ninakaw niya.. Fifty million kase ang kabuoan Miss!"

"50 million," mahinang bulong ko. Malaki nga ang perang iyon.

Tumango naman siya saka tinignan ako. "Opo."

"50 million..?" Hinarap ko siya para ipahiwatig sa kanya kung ano ang kasunod nung sinasabi niya. Ngunit gaya kanina ay inulit niya nanaman ang sinagot niya sa akin.

"Opo," Wala sa sariling napapikit na ako.

Ang hirap nitong kausap.

Kaylangan pa bang ulit-ulitin?

"Oo na lang.." ang tanging naging tugon ko saka sumenyas sa kanya. "Susunod ako."

Kaagad naman siyang nawala sa paningin ko. Lumabas siya ng opisina. Pero bago pa siya makaalis ay nagpasalamat ako. Ikinangiti niya iyon kahit parang pabulong-bulong siya nang matapos ang interaction namin

Napahawak ako sa desk ni Mr. Ex-president. May naiwang dugo rito, kaunti lang iyon at hindi kapansin-pansin pero sa bakat na nakita ko, sure akong may sumuntok nang malakas sa desk niya.

Napabuntong hininga ako at napatingala sa maliit na chandelier. I can't believe na magagawa nga 'yon nung boss ko. Oo at mukhang may gagawing masama 'yung mukha niya, pero ganun lang talaga lagi ang ekspresyon niya. At sa tagal kong naging secretary niya ay naniniwala akong matino siya magtrabaho.

Natatandaan ko pa nga ang mga linyahan niya nung first day ko sa kanya noon, "Ayaw ko sa mga taong tatanga-tanga ija, maganda ka pero hindi uubra sa akin 'yan. The Falcon is my second family. Be professional and formal as long as you can."

Wala sa sariling napakagat ako sa pang-ibabang labi.

Paano kaya nila nalaman?

Sa tatlong taon kong pagiging sekretarya nito ay wala namang kahina-hinala, nitong nagdaang araw lang.. ngayon-ngayon lang. Parang parati siyang problemado at maraming iniisip. Nahuhuli ko nga siyang tulala pa minsan. Idagdag pa ang napapadalas niyang pagpapagawa ng coffee sa akin. Halos hindi ko mabilang kung ilang beses siyang nagpapatimpla sa akin ng kape sa isang araw. Oras-oras nga yata

Napahawak ako sa magkabilang bewang ko.

I maybe can't believe this, pero I think may dahilan naman siya. Hindi naman siguro gagawa ang tao ng kahit na anong kahangalan kung walang dahilan. Ang hindi lang ako sigurado ay kung worth it ba iyong mga rason na iyon para isakripisyo niya 'yung trabaho at pwesto niya rito sa kompanya, na alam kong dekada muna ang lumipas bago niya nakuha.

L A D Y  M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top