Chapter 20- Goblin bride

Dominique

"Akala ko ba may trabaho ka."
Binitbit na ni Ken ang mga gamit na dala ko. Naglalakad kami papunta sa pader na sobrang sikat na ngayon.
"Nagcancel sila ng meeting." Sagot niya.
"Ahhh..."

Huminto ako saan magkakasalubong si Goblin at si Ji Eun Tak
"Dito... kuhanan mo ako." I said.
"Wala namang special dito."
"Ayang pader... Basta."

Kunwari ay naglalakad ako.

"Tapos na ba?"
"Paano kita kukuhanan eh ang galaw mo?" Tanong ni Ken.
Napatingin ako sa langit. "Jusme, kunwari nga naglalakad ako. Candid ba...kunwari candid."
Bumalik ako sa pwesto ko at naglakad ulit. Nakapamulsa ang kamay ko at may scarf na pula ako. Ayyyieee Goblin bride.

"Tapos na... Kailangan ba sundan kita?" Sigaw ni Ken.
Ehhh ang layo na pala ng nalakad ko.
"Patingin ako." Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang kinuhanan niya.
"Nice... Ikaw naman."
Umiling si Kenshin. "Ayaw ko." Sagot niya.

"Nagpapagod ka para puntahan ang mga location. Patingin pa nga ng iba mong hahanapin?"
Binigay ko kay Ken ang notebook ko.
"Magkakalayo pa ito eh." Reklamo niya.
"Okay lang. Para na rin akong nakalibot sa buong Seoul kapag napuntahan ko iyan." I replied.

"What's so special about that k-drama?" He asked.
Tinuro ko sa kanya ang isang tea house. Another location ng Goblin.
"It's a fantasy story."
"Uh-huh... fantasy." Walang ganang pag-uulit ni Kenshin.
"It's not about the story... it's the message of the story." I whispered.

"Panoorin natin para maintindihan mo..." I said to him.
Nanlaki ang butas ng ilong ni Kenshin pero hindi naman nagcomment.

Kinagabihan, kinatok ko ang hotel room ni Kenshin dala ang hard drive ko na may copy ng Goblin at mga chichirya.

Naiinis siyang pinagbuksan ako ng pintuan. Nalaglag ang lays na nasubo ko ng makita niyang nakaboxer lang.
"Gigibain mo ba yang pinto?" Tanong niya.
"Baka naman gutso mong magdamit?"
Napayakap tuloy akong bigla sa mga chichirya.

Jusme...kaganda ng katawan.

"Or kahit hindi na. Okay lang ako na ganyan ka." Pumasok ako ng kwarto niya at napahinto ng makitang parang nasalanta ng bagyo ang loob. To think na nasa sala pa lang ako ng hotel room. Gaano kagulo ang kwarto?
"Hindi ko makita ang kapares ng socks ko." Kenshin explained behind me.

Isa-isa niyang pinulot ang mga gamit niya sa sahig, at binato sa maliit na luggage.

"Ano ba ang ginagawa mo dito?" Tanong niya.
Ayyy, nagsuot na siya ng robe. Bye abs... Bye bicep... see you tomorrow? Cheret.
"Manonood tayo ng Goblin."
Nilapag ko sa chichirya sa sofa.

"Wala ka bang TV sa kwarto mo?"
"Malungkot manood ng mag-isa." I replied. Pinakialaman ko ang TV na parang sinehan sa laki.
Hinanap ko ang folder ng Goblin at pinindot ang play.

Umupo si Ken sa dulo ng sofa at ako naman sa kabilang dulo. Nakagitna sa amin ang mga chichirya. Noong una, panay puna siya na boring ang palabas. Pinagtatawanan niya pa ang custome ng ilang characters. After few episodes, tahimik na siya. And everytime matatapos namin ang isang episode, nagpapaplay pa siya ng kasunod.

"Ken, wala ka bang meeting bukas? Parang madaling araw na."
"Wala... Are you sleepy?" Balik na tanong niya.
"Hindi ah. Favorite ko kaya yang pinapanood natin. Gusto mo sabihin ko yung ending. Mama..."
"Huwag." Tinakpan ni Ken ang bibig ko.
"God, you are such a spoiler. Manood na lang tayo."
"Hehe...sabi ko na magugustuhan mo ih."
"Shh... huwag kang maingay." Pagbabawal niya.

OMG... Kim Shin sound like Kenshin? So does it mean ako ang Goblin bride?
I snorted silently. Ang lapit naman di ba ng Dominique sa Ji Eun Tak? Hahaha baliw.

"What the fuck..." Maya-maya ay nagulat si Kenshin sa upuan niya.
"Ano problema mo?"
"Bakit kasi may multo sa palabas?"
Natawa ako. Naalala ko na naman si Sadako.
"Takot ka sa multo..." I chuckled.
"Hindi ahhh..." Tanggi niya.
"Totoo ba? Sige malalaman ko din yan kapag namatay ako. Dadalawin kita."
"Magtigil ka nga." Saway niya sa akin. Binato ako ng throw pillow ni Kenshin.

Dadalawin kita bago ako tuluyang mamahinga.

'Ken, pangako magpapaalam ako sayo bago ako tuluyang mawala." I said in a serious voice.
"Dominique!"
"Pero huwag mo akong sisipain kagaya ni Sadako." Pinilit kong tumawa kahit medyo naiiyak ako.
"Kung magiging multo ka, huwag ka ng magpakita sa akin." Naasar niyang sagot.

Okay... magpapaalam na lang ako sa iyo ng hindi mo nakikita.

With that in mind, malungkot akong tumingin sa pinapanood namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top