Chapter 19- Finding Goblin
Dominique
Luh, parang may mens ni Kenshin. Hindi kaya dahil sa boss ng mga saging kaya siya may sumpong? Buo naman pamilya niya pero bakit ang bitter niya ngayon. Haaiissttt...
Minabuti kong huwag na lang intindihin ang lalaking iyon. Mahaba-haba pa ang lalakarin ko today. Sana makisama si health, huwag naman akong atakihin ng pagod today.
Armed with my camera and tripod, nakipagsiksikan ako sa train papunta sa una kong destination. Ang BBQ Olive Chicken. Sarado pa nga ang café ng makarating ako kaya nag-ikot-ikot muna ako. Bandang 11 am nagbukas ang café at parang dinala ako sa k-drama na pinapanood namin ni mommy dati.
"Woah." Namangha talaga ako. Nandoon ang uniform ni Ji Eun Tak. At sa monitor nila nagpaplay ang Goblin.
"Mom, nandito kaya si Sunny?" Bulong ko habang nakatingin sa menu.
Kung nandito lang si mommy, baka super kilig yun.
Huminga ako ng malalim at saka umorder ng kaunti. Busog pa naman ako sa dami ng kinain ko kaninang almusal. Habang naghihintay ng order, kumuha muna ako ng picture ko.
Memories!
Cause I am chasing memories.
Sunod kong pinuntahan ang bridge kung saan nagmeet si Sunny at Grim Reaper. I set my camera sa location na natatandaan ko na kinunan sa Goblin.
"Ano ang ginagawa mo dito sa bridge?"
Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko.
"Hukinamoka." Nasabi ko dahil sa gulat.
"Kenshin. Ano ang ginagawa mo dito?"
"What's special with this bridge?" Luminga-linga siya sa paligid.
"Nandito ka rin lang. Kuhanan moa kong picture. Yung maganda ah." Binigay ko sa kanya ang camera ko at nagpose. With finger heart para feel.
"What are you doing in here?" I asked pagkatapos niyang ibigay ang camera ko.
"Nauna akong nagtanong sayo. Hindi mo nga sinagot."
"Hinahanap ko ang mga location sa Goblin." I replied.
"Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?" Naningkit ang mata ko. Hindi naman siya mukhang galing ng meeting dahil naka casual siya. Nililipad pa ng hangin ang scarf niya.
"Sinundan kita." He answered.
Napatitig ako kay Kenshin. "Bakit?"
Nagkibit siya ng balikat. "Remember noong napagod ka noong nasa Kyoto tayo?"
"Ahh..." Yung inatake ako. "Pagod lang yun." Katwiran ko.
"Nag-aalala ka?" Hopeful na tanong ko. Kyaahhh... bakit hopeful ako?
"Saan ang susunod mong pupuntahan?"
Ihhh... hindi niya sinagot.
"Sakay tayong tren papuntang Samcheongdong. Gusto kong makita ang wall."
I packed my tripod again and put back my camera in my backpack.
"Mag taxi na lang tayo." Sabi niya.
"Wag na. Para maexperience moa ng tren."
Pagdating namin sa tren, oh Lord, siksikan. Nasiksik kami ng nasiksik ni Kenshin hanggang sa nakatayo na ako malapit na malapit sa kanya.
"Sabi ko na sayo, magtaxi na lang tayo eh." Paninisi niya.
Hindi ko alam bakit hindi ako makabalanse sa umaandar na tren. Lagi akong parang matutumba kahit nakahawak ako sa rail. Naiinis na din ang katabi ko dahil natatamaan ko siya.
"Sorry." I murmured to her.
Nakita ni Ken na pinagsabihan ako ng katabi ko. At eto nga, hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ang ginawa ni Kenshin. Inakbayan niya ako para masteady ako. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa railing, ang isa naman ay nasa balikat ko.
"Sumandal ka na lang sa akin." Bulong niya.
Oh my God.
Is this what you called living?
Halos nakayakap na ako kay Kenshin. Nakadukmo ang noo ko sa balikat niya at nakahawak ako sa baywang niya to steady myself.
Oh Lord, ang bango niya. Napapapikit pa ako habang inaamoy si Kenshin.
"Ano yang ginagawa mo?" Bulong ni Kenshin sa akin.
"Inaamoy ka." I whispered back.
"Huwag mo akong amoyin."
"Can't help it. Ang bango mo eh." Katwiran ko.
"Huwag ka kasing dumukmo sa akin."
Eh di tumingala ako. Sakto naman ang leeg ni Kenshin sa mukha ko.
"Ken..."
"Hmm?" Tumingin siya sa akin or rather yumuko siya sa akin.
Halos magdikit na ang ilong namin. Kyaaahhh!
"Naduduling ako." I said.
Napatingala si Kenshin at saka tumawa ng bahagya.
"Dumukmo ka na nga lang sa balikat." He commented.
"Noon, sabi ko paglaki ko, tutulong ako sa kapwa." I murmured on his scarf.
"May natulungan ka na ba?" Narinig kong tanong ni Kenshin.
"Yung nga ang problema eh, tumanda lang ako pero hindi lumaki." I replied.
Naramdaman kong gumalaw ang balikat ni Kenshin. Nagpipigil na naman ng tawa.
"Ayan, masaya ka na ulit." I murmured to him.
Bakit ganun? Feeling ko mas humigpit ang hawak ni Kenshin sa akin. Hay, daming bakit. Damahin mo na lang Dominique. Hindi na yan mauulit.
Bagalan mo lang ang takbo ng buhay mo, Dom.
Sana pati tren, bumagal... Kasing bagal ng traffic sa EDSA, piping hiling ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top