CHAPTER TWO

"May araw ka ring bwisit ka!" sigaw ko kay Nathan kahit ang layo na ng humahagibis niyang sasakyan. Mantakin mong iniwan niya lang ako sa kalagitnaan ng kalye. Oo nga't nagpuputak akong ibaba niya ako pero hindi ko naman inaasahang papatulan niya ang pag-iinarte ko. Bwisit na Briton iyon! Pareho lang sila ng kaibigan niyang scammer!

Nagpalinga-linga ako sa kalye. Hindi ako masyadong pamilyar sa nakikita ko sa paligid. Letse! Maliligaw pa yata ako kung kailan nagtitipid ako ng pera. Ilang taksi na ang napara ko pero ni isa sa kanila hindi ako hinintuan. Iiyak na sana ako sa kunsumisyon at frustration nang biglang nag-ring ang cell phone ko. Si Linette, ang roommate ko.

"Oy, nasaan ka? Akala ko ba hanggang alas dose ka lang sa parlor? Kanina pa kita hinihintay dito. Hindi ako makaalis ng bahay kung wala akong pag-iiwanan sa mga bata."

Shit! Pasado alas tres na pala ng hapon!

Isinalarawan ko kay Linette ang lugar kung nasaan ako. Malapit na raw pala ako sa amin. Pinaghintay niya ako sa harap ng isang coffee shop dahil susunduin daw niya ako kasama ang mga anak niyang babantayan ko nang araw na iyon. Ni wala pang sampong minuto, nakita ko na ang sasakyan niya at huminto ito sa tapat ko. Nakahinga ako nang maluwag.

"You should have complained!" galit na sagot niya nang malaman niya ang ginawa sa akin ni Mrs. Lewis. Talagang gano'n daw ka walanghiya ang matandang iyon basta alam na walang sapat na papeles ang trabahador niya.

"Kanino naman ako magko-complain? Buti nga't pumayag pa ang bruha na kunin akong house cleaner niya kahit na wala naman akong work permit."

Napahinga nang malalim si Linette at napatingin na sa highway.

"Ano'ng plano mo? Hindi mo pa rin nahanap ang fiance mo."

Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga.

"Actually---siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakauwi agad. Nagkita kami."

Napa-preno bigla si Linette sa kabiglaanan. Muntik na akong mapasubsob sa dashboard.

"Ano ba? Ang OA mo!" singhal ko sa kanya.

"Sorry. Pero na-excite lang ako for you. O, ano? Kailan na ang kasal n'yo? Malapit nang mag-expire ang fiance visa mo. You need to get married in three months."

"Ang labo..." Napatingin ako sa mga kukong halos hindi na nakatikim ng nail polish. Dati-rati sa isang beauty salon pa ako ng SM nagpapa-pedicure at manicure. Ngayo'y ni halos hindi ko nga ma-maintain ang kahit paglinis lang no'n sa dami ng trabaho na kailangan kong gawin maka-survive lang sa London. Buti nga kamo, nagkakilala kami nila Linette minsang nagbakasyon ang pamilya nito sa York. Nagkaroon ako ng masasandalan habang pinag-iisipan ko kung paano makabalik sa Pilipinas na hindi naman kahiya-hiya.

"Paanong ang labo? Nagkita na kayo, di ba?"

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Nang marinig niya ang tungkol kay Nathan, nangislap ang kanyang mga mata. Ba't hindi ko na lang daw ibaling ang paningin sa kaibigan ng scammer kong fiance?

"Tange! You know the rules. Hindi puwedeng magpakasal sa ibang British national ang sino mang fiancee visa holder. Do'n lang kami sa taong nagpetisyon sa amin dapat magpakasal or else baka ma-deport pa ako or what."

"Bakit nga kasi inayawan ka ng nobyo mo? Ang ganda mo naman, a? Edukado pa." Sumulyap pa ito sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Kahit paano ay natuwa ako sa narinig. "Aha! Alam ko na! Hindi kaya bading ang Tom Fuentes na iyon? Tama! Iyan lang ang lohikal na paliwanag kung bakit ayaw niya sa iyo!"

Mabilis na naglaro sa isipan ko ang imahe ni Tom. Sa sandali ko siyang nakasama, wala naman akong napansing kaduda-duda sa kanya. Pero---who knows? Baka---naku, baka sila ni Nathan!

**********

Hindi rin ako nakatiis, nag-U-turn ako. Pero wala na ang babae sa pinag-iwanan ko sa kanya pagdating ko. Napamura ako nang malakas. Inukilkil ako ng guilt. Naisip kong baka nagkaligaw-ligaw iyon. Mukha pa namang hindi sanay sa London. Pero---ba't ko naman siya poproblemahin? Si Tom nga ni hindi worried sa kanya, e. Speaking of that bastard! For the life of me I couldn't comprehend why he continues to lure unsuspecting Filipino women from the Philippines and promise them marriage which he doesn't intend to keep. Kailangan malaman na ito ni Tita Emily. His son is sick!

Pagbalik ko kinabukasan sa ospital, wala na si Tom. Ang sabi sa akin ng nurse na nakatoka sa kanya, nagpa-discharge na ito agad. Sa bahay na lang daw magpapagaling. Dahil Pinoy din ito, binalita niya sa akin na dumalaw na naman daw ang babae sa kaibigan ko. Nagkasagutan nga raw sila. Umalis lang daw ito nang makakuha ng pera kay Tom. Napailing-iling ako. What else is new? Hindi ba't gano'n naman lagi? Palagay ko pera lang din at visa ang habol ng Aalia na iyon kay Tom. Marahil ay uuwi na ito ng Pilipinas ngayong nakakuha siya ng danyos kahit papaano. Tsk, tsk. Inisip ko pa naman na baka iba siya sa mga nauna.

"You have a visitor," salubong agad sa akin ni Mom pagdating ko ng bahay. Nagbabakasyon sila sa bahay ko dahil walang summer load si Dad sa pinagtuturuan niyang unibersidad sa amin sa York. Mom looked a bit excited. Nagtaka tuloy ako. Sino kaya ang bisita at bakit mukhang ang saya-saya niya dahil do'n.

"Ikaw na naman?" sabi ko agad nang makita ang kanina ko pa iniisip. She gave me a slow smile but she didn't say anything. Sinaway ako ni Mom. Hindi raw dapat ganoon ang trato sa isang nobya. Pareho kaming napamulagat ng babae sa narinig kay Mom. Huwag na raw kaming magkaila. Sinabi na raw sa kanya ni Tita Emily.

"Okay, I'll leave you two here for a while. Be good to her," sabi pa nito bago kami iwan sa sala.

"Why are you here?" galit kong sita agad sa babae.

"I don't know what your mom is talking about, but I'm just here to take what's mine. Give me back my jewelries and I'll leave ASAP."

Ano'ng jewelries ang pinagsasabi ng babaeng ito?

"Huwag ka nang magkaila. Sinabi na ni Tom sa akin ang lahat. Wala na sa akin ang lahat. Naiintindihan ko na kayo. Hindi na ako maghahabol pa basta ibalik mo lang sa akin ang jewelries ko na pinanregalo niya sa iyo."

Napanganga ako sa narinig. Si Tom, nanregalo sa akin ng jewelries? At ang jewelries kamong iyon ay pag-aari ng babaeng ito? Masasapak ko talaga ang hinayupak na iyon!

"I don't know what you're talking about. I didn't receive any jewelries from anyone."

"Tigilan na natin ito, okay? Wala na naman sa akin ang lahat. Ilang ulit ko pa bang sasabihin sa iyo iyon? Hindi na nga ako maghahabol kay Tom, e. Ang gusto ko lang ibalik iyong akin. Tom told me you took the jewelries. I need it right now because I have no idea where to get the money for my ticket back to the Philippines."

Nababaliw na yata ang babaeng ito. Ano ba ang pinagsasabi nito. Bago pa siya magsalita pang muli, tinaas ko na ang kamay para patahimikin siya. Tinawagan ko agad si Tom.

"What the fvck did you tell this woman?!" galit kong sigaw nang marinig ko ang boses ng kaibigan sa kabilang linya.

Nagpaliwanag si Tom. Tumatawa-tawa pa ang damuho sa kabilang linya. Nang lubos kong maunawaan ang mga sinabi niya kay Aalia sumabog ang natitira kong pagtitimpi. Kaya pala kakaiba ang ngiti ng babae nang makita niya ako kanina.

"You shouldn't be mad. If there's somebody who has the right to be mad as hell, it should have been me. You guys tricked me here. I didn't know..."

"What?!" sagot ko sa babae sabay balik ng cell phone sa bulsa. I made a mental note to give Tom an uppercut the next time we see each other.

"Hindi ba totoo? Gagamitin n'yo sana akong panakip-butas sa relasyon n'yong dalawa ni Tom. Kaso nga nang makita niya ako't napag-alaman niyang hindi ako aanga-angang Filipina, nagbago ang isipan niya."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng babae. Totoong magaling mag-sales talk ng kaibigan kong iyon kaya nga siya ang ginawa kong kasosyo sa negosyo namin sa real estate dahil kahit bulok na bahay ay kayang-kaya niyang ibenta nang mahal. Pero hindi ko rin sukat-akalain na napakatanga ng babaeng kaharap ko. Nabilog na naman ni Tom ang isipan niya! I couldn't believe it!

"I'm not gay! And for the record, there wasn't a time in the past when I doubted my sexual identity. I've always been a straight guy and will never be otherwise."

Napangiti ang babae. I noticed, she had a good smile. Pantay at puting-puti ang ngipin niya. But I hate the look in her eyes. Pinagtatawanan niya ba ako?

"There's a reason why Tom was able to scam three other Filipina women into coming to the UK for marriage. Magaling siyang maghabi ng kuwento. And you fell for the same trap again."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Nakita ko siyang parang napaisip, pero mayamaya uli'y napangiti siya. Iyong klase ng ngiti na parang nanunukso.

"Lahat naman ng bakla dumadaan sa denial stage, lalo pa kung hindi nila tanggap nang buong-buo ang kanilang pagkatao. Huwag ka nang mahiya sa akin. Hindi naman bago sa pandinig ko ang mga katulad mo na mukhang lalaki lang sa panlabas pero pusong babae pala."

"You're insane," nasabi ko na lang sa mahinang tinig. It seemed like she had already made up her mind.

"C'mon. I want my jewelries back. Pag sinoli mo na iyon sa akin, hindi na ako magpapakita pa sa iyo. You and Tom can live together peacefully."

"I've already told you! I don't have your jewelries! And I'm not gay!"

Hindi siya nayanig sa pagtaas ng boses ko. And I hate it.

"Look, I'm an open-minded woman. Huge supporter ako ng LGBT community sa lugar namin sa Laguna. Mahal ko ang mga katulad mo."

Hindi ko alam kung ano'ng sumanib sa akin. Bigla ko na lang siyang hinablot patayo at kinuyumos ng halik sa labi. Noong una gusto ko lamang sana siyang parusahan pero nang lumaon ay na-enjoy ko ang halik. Ang kaninang mapusok na paglusob ng dila ko sa loob ng bibig niya ay naging banayad hanggang sa kapwa na kami napayakap sa isa't isa na tila sabik na sabik sa halik na iyon. Halos nakapikit pa siya nang bitawan ko. Kung hindi ko siya nasalo agad, muntik na sana siyang mabuwal. Ako man ay tila naliyo rin. I've never felt that way with a kiss. Nakakapanghina ng tuhod. Grabe. And I was not even attracted to her.

"Now tell me, bakla pa rin ba ang tingin mo sa akin."

Nangunot ang kanyang noo. I thought I've already made her change her mind, pero...

"Hindi mo ba alam? Bago naging BB Gandanghari si Rustom Padilla, asawa siya ni Carmina Villaroel. At sa pagkaalala ko, Carmina used to say he was a good kisser."

Hindi ko alam kung sino ang taong sinasabi niya, but it made me mad as hell. Hindi pa rin siya kumbinsido kahit muntik na siyang mabuwal sa tindi ng halik ko? Hindi ba niya naramdaman ang pagnanasang naramdaman ko? Kailangan ko pa bang ipamukha sa kanya iyon?

"I guess you want to be kissed again." Hinila ko na naman siya't hinalikan. Kung gaano ka tindi no'ng una, gano'n din sa pangalawa. And I felt something hardened... Dahil alam kong hindi pa rin siya maniniwala sa akin kahit na naghuhumiyaw na ang katotohanang hindi nga ako bakla, dinaklot ko ang kamay niya't pinasok sa loob ng pantalon ko. Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata. Ganoon kami nadatnan ni Dad.

"What the---Nathan!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top